Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Nov 19, 2021 1228 0 Emily Shaw, Australia
Magturo ng Ebanghelyo

KAPAG NAGIGING MAHIRAP ANG PAGPAPATULOY…

Narito ang 3 mga pamamaraan upang matulungan kang labanan ang mabuting laban.

Bakit madalas na ang mga bagay na nais nating gawin ay iniiwasan natin at ang mga hindi nais na gawin ay nagpapakasawa tayo? Hindi rin ito mawari ni San Paulo (tingnan ang Roma 7:15). At bakit kinakailangan ng isang pandemya upang maalis ang mga hindi ginustong kaguluhan sa ating buhay? Tila ito ay isang hindi marapat na bahagi ng ating katauhan. Ngunit Marahil ang kasalukuyang pandemya na nagdala ng malubhang karamdaman at pagkamatay sa buong mundo ay makakatulong sa atin na mapagtagumpayan ang ilang mga aspeto ng ating katigasan ng ulo na mga likas na katangian ng tao.

Ang pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao sa lipunan ay hinahamon sa maraming mga paraan para sa maraming tao, ngunit ang kabaligtaran para sa ilan ay napatunayan din nitong nakatutulong at kapaki-pakinabang. Ang mas maraming oras na pag-iisa na naranasan ng marami sa atin ay nagbigay ng mga hindi inaasahang pagkakataon na ituon ang isip sa kung ano talaga ang mahalaga at upang mapalapit sa Diyos. Kapag niluwagan na ang mga paghihigpit na ito ay magiging napakadali upang bumalik sa ating mga dating gawi. Kaya, upang mapanatili ang anumang pag-unlad na nagawa natin gawin natin kung ano ang mabubuting gawain ng mga Katoliko — hayaang dumumi ang ating mga kamay sa paglilinis, punasan ang mga alikabok ng rosaryo, magsindi ng mga kandila sa altar ng pamilya at itaas ang ating mga isip sa langit habang sinusuri natin ang tatlong simpleng mga hakbang na makatutulong sa atin upang huwag mawala.

Magdasal ng Walang Tigil

Bagaman kamangha-mangha na ang iyong buhay sa pagdarasal ay maaaring naging mas taimtim sa panahong ito ng krisis, tandaan na karaniwan ay mas madaling manalangin kapag mayroon tayong determinado at ipinipilit na intensiyon sa ating isipan. Kaya, kapag bumubuti na ang sitwasyon, mag-ingat na huwag maging pabaya at mawala ang kasiglahan.

Huwag baguhin ang oras ng iyong pagdarasal upang umangkop sa iyong gawain habang itinataguyod mong muli ang iyong bagong ‘normal,’ baguhin ang iyong mga gawain upang umangkop sa oras ng iyong pagdarasal. Kung nagawa mong maglaan ng mas maraming oras sa panalangin, pagmumuni-muni, at pagninilay sa panahon ng pandemya, sikaping mapanatili ang iyong karaniwang gawain kapag nagsimula ng magbukas ang mga paaralan at lugar ng trabaho.

Maghanap ng mga solusyon na umaangkop sa iyong mga pangyayari: mga podcast o CD na maaari mong patugtugin sa kotse sa iyong pagbiyahe, pamilyang  Pagrorosaryo sa paligid ng hapag kainan habang ang pinakamaliit na mga bata ay nakalagay pa rin sa kanilang mga mataas na upuan, pamilya Lectio Divina o pagbabasa ng Bibliya para sa gabi.

Gawin ang Linggo Nang Higit Pa sa Isang Obligasyon

Ang pagdalo sa Misa at pagtanggap ng ating Panginoon sa Eukaristiya ay parang nakakaakit sa marami sa atin ngayon. Ang kakulangan ng daan sa mga sakramento ay nagpapasabik sa atin sa kanila. Tulad ng sinasabi nila, ‘hindi mo alam kung ano ang nakuha mo hangga’t hindi ito nawawala.’

Ngunit mananatili ba ang ating pananabik sa Misa sa sandaling muli tayong makadadalo nang malaya? Mangangailangan ng pagsisikap para puntahan ang bawat Misa ng may parehong pagnanais na nararamdaman natin ngayon. Kung hindi man, sa ilang mga dahilan pagkatapos na buksan muli ang ating mga simbahan, maaari nating makita ang ating sarili na nagiging kampante at tatratuhin ang ating pananampalataya tulad ng isang obligasyon kaysa sa regalo at bilang pribilehiyo.

Pinag-isipan ang mismong ideyang ito, sinabi ni Josemaria Escriva, “Maraming mga Kristiyano ang naglalaan ng kanilang oras at ng sapat na oras sa paglilibang para sa kanilang buhay panlipunan (ng walang pagmamadali dito). Ang mga ito ay nagdadahan dahan, gayun din, sa kanilang mga propesyonal na aktibidad (hindi rin nagmamadali dito). Ngunit hindi ba kataka-taka kung paanong ang mga Kristiyanong ito ay nag-aapura at balisa dahil nais na bilisan ng pari upang paikliin ang oras na nakatuon sa pinakabanal na sakripisyo ng dambana?”

Paano natin mailalaan ang mas higit na oras natin sa ating Diyos?

Gawin ang Linggo — ang buong araw — na nakalaan sa Panginoon. Oo, dumalo sa Misa, ngunit huwag huminto doon. Bumuo ng pamayanan sa iyong parokya. Uminom ng tsaa sa umaga kasama ang ka parokya pagkatapos ng Misa, o marahil ay mag-anyaya ng ibang pamilyang Katoliko sa iyong bahay para sa tsaa o tanghalian? Marahil maaari mong subukang makarating sa misa nang maaga,upang magamit ang Sakramento ng Kumpisal, mag-anyaya sa pagdarasal ng Rosaryo bilang isang pamilya, o magpalipas ng oras na tahimik para sa pananalangin?

Kayasin Ang Mga Sobra

Ang pagsasara at pagpapanatili ng pagitan sa kapwa tao sa lipunan ay binago nang husto ang maraming mga bagay kung saan ginugugol natin ang ating oras. Marahil ay inaanyayahan tayo ng pandemya na isipin ang tungkol sa mga aktibidad sa ating buhay. Alin ang nalalaktawan natin, at alin ang hindi natin pinalampas? Alin ang kailangan natin, at alin ang hindi natin kailangan?

Nasobrahan ba tayo sa binabalak? Ang lahat ba ng ating ginagawa ay nagdudulot sa atin ng pagkabalisa at lumikha ng mga bangungot sa pagdaloy ng pangyayari ? Kailangan bang dumalo ang ating mga anak sa bawat ekstrakurikular na aktibidad na mayroon? Nabibigo ba natin sila kung nililimitahan natin ang kanilang mga sobrang pang edukasyon o ginagawan natin sila nang isang mas malaking serbisyo? Marahil ay oras na upang mag ‘Marie Kondo’ ang mga sobrang pang edukasyon na aktibidad upang makahanap ka ng malusog at balanse para sa iyong pamilya.

Ang mas kaunting oras sa mga nakabalangkas na aktibidad ay nangangahulugang mas maraming pangyayaring oras na magkasama bilang isang pamilya. At ang mga hindi plinanong aktibidad ang mas nagiging makabuluhang oras na pagsasama ng pamilya. Mga mabibilis na table na laro , gumawa ng mg biskwit , at hindi nakaplanong mga pagsakay sa bisikleta ang gagawin para sa mga ala-alang pahahalagahan ng mga bata.

Ang pandemya ay nagbigay sa atin ng isang pagkakataon upang masuri ang ating buhay sa pananalangin at mga prayoridad. Walang alinlangan na ang pagdurusa at hamon na kinakaharap natin sa oras na ito ay sasamahan ng mga biyaya na makakatulong sa atin na gumawa ng mga pagbabago para sa mas ikabubuti.

Walang oras katulad ng kasalukuyan upang itatag ang ating buhay.

Share:

Emily Shaw

Emily Shaw is a former Australasian Catholic Press Association award-winning editor turned blogger for australiancatholicmums.com and is a contributor to Catholic-Link. A wife and mother of seven, she resides on a farm in rural Australia and enjoys the spiritual support of her local catholic community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles