Home/Makatagpo/Article

Nov 19, 2021 1911 0 Cintia Ramos Sozinho Amorim
Makatagpo

PANGALAWANG PAGKAKATAON

Basahin ang di-pangkaraniwang kasaysayan ni Cintia na mahimalang naligtas mula sa kamay ng pagpapatiwakal.

Masayang mga Labi

Lumaki ako sa isang nakakaangat na mag-anak sa Brazil. Ang aking ama ay isang siruhanong manggagamot ng mga bata, nagturo, at kapagdaka’y lumipat sa pamamahala sa kalusugan. At ang aking ina ay isang nurse, kaya madaming panggastos para sa mga materyal na bagay — mahusay na paaralan, magandang bahay, masarap na pagkain. Dahil ito ang pangalawang pag-aasawa ng aking ama, mayroon siyang dalawang pamilyang tinutustusan, kayat puro pagtatrabaho ang hinarap niya.  gayundin ang aking ina. May mga panahong hindi ko siya nakikita sa bahay ng dalawa o tatlong araw dahil sa mga pagbabago ng oras ng kanyang gawain. Mayroon kaming katulong sa bahay para sa pangangalaga sa amin at tumulong sa mga gawaing bahay, ngunit talagang dama ko ang pagliban ng aking mga magulang.

Nang ako ay labing anim na taong gulang, pinagtaksilan ng aking ama ang aking ina at sila ay naghiwalay. Lalo kong naramdam na ako ay pinabayaan at habang damdam ko ang kawalan ng magawa, sumulak sa akin ang pagkasiphayo. Kahit na taglay namin ang karangyaan ng lahat ng materyal na bagay, hindi kami maligaya.

Bagaman kami nang aking mga kapatid ay nabinyagan, hindi kami naturuan ng katekismo. Paminsan-minsan, kami ay nagsisimba pag Linggo ngunit dahil hindi namin talaga naiintindihan kung ano ang nangyayari, naging nakakainip ito para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, ngunit wala kaming anumang kaugnayan sa Kanya. Wala ang palagiang pagdadasal at ang pag-unawa sa aming pananampalatayang Katoliko.

Kami ng kaibigan ko ay nagdadalamhati sa kawalan ng mabubuting kaibigan at ang pangangailangang gumawa ng isang mas mahusay na bagay sa aming mga buhay nang sabihan kami ng kaibigan ng aking kapatid na, “Oh alam ko kung saan kayo makakatagpo ng madaming kabataan na maaaring maging mabuting kaibigan dahil sinusunod nila ang Diyos. Galing sila sa Simbahang Katoliko. Baka gusto n’yong magsimba o magpunta sa isang retreat doon.”

Nagustuhan namin ng kaibigan ko ang ideyang iyon, kaya nagpunta kami. Ibang-iba ito sa nadanasan ko; madaming kabataan ang masayang nagkakantahan at pumupuri sa Panginoon. At nadinig ko ang isang kabataan na nagdadasal, nagsasabi ng madaming bagay na lapat na lapat sa aking buhay. Ang lahat ng mga bagay na kinimkim ko – ang kawalan, kalungkutan, at pagkauhaw sa Diyos na hindi ko naintindihan. Hindi ko namalayan na ang Diyos pala ang hinahanap ko.

Nang dumalo ako sa isang apat na araw na bakasyunan sa komunidad na ito, iyon ang unang pagkakataon na nakasama ko talaga ang Diyos. Apat na araw akong tumangis nang labis habang pinapakinggan ko ang paliwanag, sa unang pagkakataon, ng mga pangunahing saligan ng pananampalataya. Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko ang talagang pag-iral ng Diyos, kaya’t sinimulan ko ang madalas na pagbasa ng Bibliya at ang pagdadasal araw-araw sa aking silid.

Mabigat na Pagtahak /Tahakin

Madalas bigyang diin ng aking mga magulang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinag-aralan para magkaroon ako ng isang magandang hanap-buhay, kumita ng pera upang makabili ng sariling gamit, at maging malaya. Taimtim kong binigyan ng pansin ang lahat ng ito ngunit salat sa damdamin, palaging naghahanap ng kung anong bagay. Hindi ko alam na makakatulong sa atin ang Diyos sa ganitong paraan.

Sa lubhang kasiphayuan ko sa sitwasyon ng aking pamilya,  sinunggaban ko ang paayaya ng isang lalaking nakilala ko sa paaralan — isang pagkakataong makalabas ng bahay. Sapagkat wala namang nagturo sa akin ng maka-Diyos na gawi, at walang gabay, sa maiksing panahon, natagpuan ko ang aking sarili na nasangkot sa hindi maayos na pakikipag-ugnayan.

Gumawa kami ng mga bagay na hindi karapatdapat. Sinimulan niyang panghawakan ang lahat sa buhay ko. Sa simula sumasama siya sa akin sa simbahan at ginamit niya iyon upang manipulahin ang aking isipan. Gumagamit siya ng mga salitang nadidinig niya sa simbahan o nababasa sa Bibliya upang maging sunud-sunuran akong gawin ang lahat ng gusto niya. Madaming kulang sa aking pormasyon kaya’t hindi ko naintindihan kung gaano siya kamali at nagsimula siyang ilayo akon sa Simbahan.

Sa pagtitiwala ako sa kanya, nawala ang lahat sa akin. Inilayo niya ako sa aking pamilya at mga kaibigan at pati ang pag-aaral ko sa pamantasan ay nasira. Sa paglipas ng apat na taon sa relasyong ito, ako ay nalagay sa napakapangit na katayuan. Sa bandang huli, nagsimula ulit akong manalangin. Sinabi ko kay Jesus, “Tatlong taon na ang nakaraan, nadama ko ang tunay na pagmamahal mula sa Iyo, ngunit napakalungkot ko ngayon. Ano ang nangyari?” Nakiusap ako sa Kanya na tulungan ako sa madaming bagay na gumugulo sa akin. Ibinigay ko muli kay Jesus ang lahat at ipinangakong mamuhay sa Kanyang pamamaraan. Nais kong maging malaya at magtiwala na kung namatay Siya para sa akin, ililigtas Niya ako.

Wala akong lakas upang putulin ang ugnayan namin ng aking kinakasama, hanggang sa siya ay nakakuha ng trabaho sa ibang lunsod, labindalawang oras ang layo. Sa wakas, naputol din ang pakikipag-ugnay ko sa kanya. Para itong isang himala dahil hindi ko iyon nagawa sa mahabang panahon.

Humilig sa Gilid

Gayunpaman, madami pa din akong hinanakit bunga ng lahat ng aking pinagdaanan. Isang araw, di ko na makayanan ang paghihirap na ito; labis akong pinahirapan ng mga saloobin ng pagpapatiwakal, at ako ay sumuko. Tumapat ako sa bintana at naghandang tumalon sa pagnanais kong kitlin ang aking buhay, ngunit mabuti na lamang, wala akong lakas ng loob na basta tumalon. Humilig ako sa gilid ng bintana papalabas at pinapabayan ang aking timbang na hatakin ako pabagsak. Bigla, nakaramdaman ako ng isang malaking kamay sa aking dibdib na tinutulak ako pabalik. Bumagsak ako sa sahig at napaiyak dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko.

Binigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon. Iniligtas niya ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Sumigaw ako, “Ano ang gusto mo sa akin?” Pagkatapos nadama kong sinabi Nya, “Buksan mo ang TV.”  Nang buksan ko ang TV, nakita ko ang isang pari na nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng buhay, kung bakit hindi tayo dapat sumuko. Tumulo ang luha sa aking mga mata; tumagos sa aking puso ang kanyang mga salita. Buhos-loob akong nakinig habang masigasig siyang nangaral tungkol sa handog na buhay. Paulit-ulit niyang binigyang diin, “Mahalaga ang iyong buhay.” Sa wakas ay naintindihan ko kung bakit ako iniligtas ni Jesus, at na kailangan ko ng tulong sapagkat wala akong magagawa nang mag-isa.

Napansin ng aking ina ang aking luha kaya’t tinanong nya kung kailangan ko ng tulong. Sa bandang huli ay inamin ko din. Nang magsimula akong magpagamot, nakabalik ako sa aking pag-aaral. Kasabay nito, naintindihan ko na kailangan kong bumalik sa simbahan. Labis kong kinailangan si Jesus. Sapagkat iniligtas Niya ang aking buhay at binigyan ako ng pangalawang pagkakataon, nangako ako na magtitiwala ako sa Kanya at matututong gawin ang nais Niya.

Noong 2009 ay ginugol ko ang isang taon sa pamayanan ng Palavra Viva sa paarala ng pag-eebanghelyo. Sa loob ng ilang buwan, inilahad ng Diyos ang aking bokasyon. Lubos ang katapatan ng Kanyang pagsasalita sa aking puso at hiniling Nya sa aking na maging isang laan-sa-Diyos na babae. Nalito ako sapagkat inaasahan kong mag-asawa dahil gusto ko ng mga bata. Sinimulan kong alamin kung ang pagtawag na ito sa itinalagang buhay ay totoo. Kalaunan, nakatagpo ako ng mga taong makakatulong sa akin upang gabayan ang aking pang-unawa sa aking bokasyon. Nang maunawaan ko na ang aking tungkulin na mamalagi sa inilaang buhay ay kalooban ng Diyos, sinabi kong “Sige, gagawin ko ito”, kahit na hindi ko ito lubos na naunawaan sa simula. Noong 2011 inihayag ko ang aking unang mga pangako na karalitaan, kalinisang-puri, at pagtupad. Noong 2017,  ako ay naglahad ng aking pangwakas na mga pangako at dumating sa Tasmania kung saan isinasabuhay ko ang aking bokasyon. Ako ay isa lamang na taong may-takda at may madaming mga kasalanan, ngunit kung magtitiwala ako sa Kanya lahat ay magiging mahusay.

Share:

Cintia Ramos Sozinho Amorim

Cintia Ramos Sozinho Amorim has consecrated her life to Christ with the lay movement, Palavra Viva. This article is based on Cintia’s personal testimony and her interview featured on Shalom World TV program “Jesus My Savior”. To watch the episode visit: shalomworld.org/episode/god-saved-me-from-suicide-cintia-ramos-sozinho-amorim-jesus-my-saviour

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles