Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 17, 2021 932 0 Father Augustine Wetta O.S.B, USA
Makatawag ng Pansin

ANO ANG KAHAWIG NG DIYOS?

Ang aking monasteryo ay nagpapatakbo ng isang paaralan, at noong isang taon, ako ay naatasan ng napakalaking karangalan na magturo ng Teyolohiya sa mga nasa ikapitong baytang.  May dalawampu’t-dalawa ako nilang nasa pinakahuling oras ng klase sa bawat araw ng linggo.  Ngayon, walang guro na nasa kanyang sariling bait na pipili  na magturo ng kahit anumang paksa sa pinakahuling oras ng araw, at ang mga nasa ikapitong baytang ay hinihigitan ang bawat ibang baytang na nasa eskuwela bilang karaniwang pag-ganyak.  Kaya kami ay lumikha ng isang laro na ang tawag ay “Lituhin ang Monghe” na aming lalaruin sa pinakahuling limang minuto ng klase kapag ang buong grupo ay talagang nagminabuti.

Ang pinakamahusay na “panlito ng monghe” na aking nadinig ay nagmula sa isang magiting na mapekas na munting radikal na nagngangalang Chad: “Kung lubos tayong mahal ni Jesus,” ika niya, “bakit hindi na lamang siya bumaba at ipakita ang kanyang sarili sa atin?”

“Pinakikita ni Jesus ang kanyang sarili sa atin,” sinabi ko sa kanya, “tuwing tinatanggap natin ang Eukaristiya.”

“Tama.  Tama.”  Sumagot siya ng may pabuntung-hininga, “ngunit ang tinatanong ko ay:  Bakit hindi siya bumaba at bisitahin tayo ng personal, ng katawan?”

“Ginagawa Niya ito!”  Tumugon ako, “Sa Eukaristiya siya’y bumababa at bumibisita sa atin ng personal, ng katawan.”

“Hindi yan ang aking ibig sabihin,” sinabi niya, “nais kong malaman kung bakit hindi niya gawing personal, na harap-harapang pagpapakita sa mga taong katulad ko?”

“Ginagawa Niya rin ‘yan,” sinabi ko, “Kinakailangan mo lamang maging matiyaga.”

Masasabi ko na si Chad ay hindi mapalulubayan ng ganoon kadali.  “Kaya, sinasabi mo sa ‘kin,” sinabi niya, “na natugunan mo na si Jesu Cristo ng personal, ng katawan, ng harap-harapan.  Nakita mo na siya.  Nakita mo na ng personal ang Diyos.”

Tinignan ko siya sa mata, at sinabi ko, “Oo, Chad, nakita ko na.”

“Mainam!” sinabi niya, “Kung gayon ano ang kahawig niya?

Nagkaroon ng kakaba-kabang katahimikan sa silid-aralan habang siya at ang mga ibang estudyante ay naghihintay sa aking sagot.  At nang makalipas ang isang sandali o dalawa, ako ay inabot ng kaunting kaba na tila kinakailangan kong umurong.  Ngunit ang sagot ay dumating sa akin na tila isang handog mula sa langit.  “Chad,” ang sabi ko, “Natugunan ko na si Jesus.  Harap-harapan.  At alam mo?  Siya ay hawig na hawig mo.”

“Kaya nilalang ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa Kanyang larawan, sa Kanyang larawan nilalang Niya sila…” (Gen 1:27)

Share:

Father Augustine Wetta O.S.B

Father Augustine Wetta O.S.B ay isang Benedictine monghe na nagsisilbing chaplain sa Saint Louis Priory School. Siya ang may-akda ng The Eighth Arrow and Humility Rules. Nakatira si Padre Augustine sa Saint Louis Abbey sa Saint Louis, Missouri.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles