Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 782 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

Tanong: – Napupuna kong paulit-ulit akong nakikibaka sa yun at yun ding mga kasalanan. Ikumpisal ko man ang mga ito at subukang magbago, duon pa din ang bagsak ko. Ano ang magagawa ko upang makawala sa mahirap sugpuing gawi ng pagkakasala?

Kasagutan:   Nakakasiphayong ikumpisal nang paulit-ulit ang parehong mga kasalanan. Ngunit, tulad ng sinabi ng isang pari sa akin, maiging hindi ka na gumagawa ng mga bagong kasalanan!

Sinasabi ng ebanghelistang Katoliko ng Australia na si Matthew Kelly, “Magbabago ang ating buhay kapag nagbago ang ating mga gawi.” Ito ay talagang totoo! Kung gagawin natin ang lagi nating ginagawa, makukuha natin ang lagi nating nakukuha. Kaya anong kapakipakinabang na mga hakbang ang magagawa natin upang makaahon sa isang ukang espiritwal?

Una, asikasuhin ang buhay-pananalangin. Ang tanging bagay na mas malakas kaysa sa kasalanan ay ang pagmamahal. Kapag mahal natin si Jesus nang mas higit sa ating kasalanan, magiging malaya tayo sa pagkakasala. May nakilala akong lalaki na may masidhing pagkagumon. Nagsimula siyang mawalan ng pag-asa, at dahil dito siya ay nanangis sa Mahal na Ina. Nadama niyang sinasabi ng Mahal na Ina sa kanyang kaluluwa, “Pag nagdasal ka ng isang Rosario sa tuwing ika’y nagkakasala, magiging malaya ka.” Naisip niya, “Wow, napakadaming Rosario yun!” Ngunit nagsimula siya, at habang yumabong ang kanyang pagmamahal sa Diyos at sa Mahal na Ina, siya ay dahan-dahan, dahan-dahang napalaya sa kanyang pagkagumon!

Pangalawa, isakatuparan ang pag-aayuno. Ang taong nilikha ay may katawan at kaluluwa. Sa simula, inilaan ng Diyos ang katawan (kasama nito ang silakbo ng damdamin, emosyon, pandama, at mga pagnanasa) na mapasailalim ng kaluluwa (na sa pamamagitan ng ating talino ay ipakita sa atin kung ano ang tunay na mabuti, at na ito ang piliin ng ating malayang kalooban). Ngunit dahil sa kaunaunahang pagkakasala, ang ating katawan ay naghihimagsik laban sa kaluluwa at madalas, ang katawan ang nangingibabaw! Ilang beses tayong nanumpa na hindi tayo magugumon sa usap-usapan ngunit ito’y napakanamnam upang iwasan; gaano kadalas natin halos pakusang sunggaban ang tirang donut o pindutin ang pampaidlip na buton? Inaatasan tayo ni San Pablo na  “Ang laman ay may mga hinahangad laban sa Espiritu, at ang Espiritu laban sa laman; ang mga ito ay tutol sa bawat isa, upang hindi mo magawa ang gusto mo.” (Galacia 5:17).

Kaya ang susi sa tagumpay laban sa likas na paghihimagsik ng ating katawan ay ang palakasin ang loob. Ginagawa natin iyan sa pamamagitan ng pag-aayuno. Sa pamamagitan ng pagtalikod sa isang bar ng tsokolate, nagiging mas madali ang pagtalikod sa isang kasalanan. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa pangalawang plato ng pagkain, magiging mas malakas tayo at makakatanggi sa isang ipinagbabawal na kasiyahan. Talikdan natin ang isang bagay na masarap upang maging mas madaling isuko ang isang bagay na masama. Ang ating malayang loob ay tulad ng isang kalamnan — kapag ito’y sinasanay, ito’y lumalalakas. Pumili ng isang-kusang pagpapakasakit sa araw-araw, at makikita mong ang iyong pagpipigil sa sarili ay lalakas.

Pangatlo, dapat nating pag-aralan at isagawa ang katangian na kabaligtaran sa ating kasalanan. Kung tayo’y nakikipagpunyagi sa galit, basahin ang mga sipi ng Kasulatan tungkol sa kapayapaan, o makisali sa pagmumuni-muni ng Katoliko. Kung ang kahalayan ang ating sutil na kasalanan, hangadin ang kalinisang-puri at pag-aralan ang Teolohiya ng Katawan. Kung nakikibaka tayo sa mga kasalanan ng dila, basahin ang Santiago 3 at isinasagawa ang pagpigil sa hindi magagandang salita. Maging kabaligtarang katangian ng kasalanan, at ang kasalanan ay mawawala.

Pangwakas, kailanman, huwag kang sumuko! Palaging sinasabi ng aking ama, “Ang pagkabagabag ay mula sa diyablo!” Madalas pinapayagan ng Diyos na tayo ay makipaglaban upang sumibol tayo sa pagpapakumbaba, pagkilala na kailangan natin Siya. Magtiwala sa Kanyang awa, at kahit na ito ay maging panghabang buhay, patuloy nating supilin ang di-masupil na pagkakasalang iyon!  Pag pumayag kang nakipagtulungan sa Kanya, pagwawagihan Nya ang tagumpay sa iyong buhay!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles