Home/Masiyahan/Article

Jun 23, 2021 745 0 Shalom Tidings
Masiyahan

BANAL NA PAGMUMUNI MUNI

Kapag mainit at mabasa basa ang panahon at mahangin o dili kaya ay sa panahon ng epidemya, ang mga tao kadalasan ay nakakapagbigkas ng , “ Walang Kapantay ang Init “, “Nakakatusok ang Lamig “ “Anong trahedya ito? “

Ang mga binibigkas na ito ba ay paraan para harapin ang mga sitwasyon na wala o lampas sa ating control ang pangyayari?

Sa aklat ni Santo Alphonso Liguori na may pamagat na “Pagkakapareho sa Loobin Ng Panginoon Diyos” ay nagsalaysay ng isang pangyayari sa buhay ni Santo Francis Borgia .

Isang gabi na may bagyo ng niyebe, ay dumating na hindi inaasahan  si Fr, Francis Borgia sa isang bahay ng mga Heswita. Kumatok siya ng maraming beses ngunit walang nagbukas ng pintuan.  Lahat ay nakatulog na. Sa kinaumagahan, lahat ay nabalisa at napahiya na nalaman na si Fr. Borgia ay sa labas nagpalipas ng gabi.  Inaliw sila ni  Fr. Borgia sa pagsasabing , ang pinaka dakilang konsuwelo sa mahabang oras niya nung gabi ay ang isipin na ang Panginoon Diyos ang nag aambon sa kayna ng niyebe na nagmumula sa langit.

Ang mga Santo ay puno ng mga imahinasyon.

Gaano tayo magdalamhati sa ating kahinaanng katawan at pagiisip?   Kung ako sana ay matalino at may malakas na katawan, marami akong magagawang kababalaghan.

Kung ako naman ay bigyan ng magandang katawan, mahusay na kalusugan at mas matalino, baka nawala na rin ako sa aking puso.

May mga taong puno ng talino at kaalaman ang natatangay ng kanilang pagtingin na mahalaga sa kanyang sarili at pagmamalaki.  Napakabilis ang mga taong may biyaya ang bumabagsak sa kasalanan at namimingit na sirain ang kanilang kaligtasan,

Sa kabaligtaran naman, ilan sa nga taong mahihirap at maysakit ay ngayon ay naging Santo.

Maging kuntento tayo sa ibinigay ng Panginoon Diyos.  Isang bagay lang ang mahalaga; hindi ang kagandahan, kalusugan o talino.  Iyon ay ang kaligtasan ng walang kamatayang kaluluwa.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles