Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 1034 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

Tanong At Sagot

Tanong-  Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa buhay. Ako ay napawalay sa aking pamilya, at may ilang kaibigan. Paano ko mahahanap ang kaligayahan kung ako ay lubhang nalulungkot?

Sagot-  Ang kalungkutan ay isang masakit ngunit karaniwang bahagi ng buhay. Kamakailan lamang sa isang pag-aaral na inilathala at natuklasan ng isang malaking Parmasyotikong Cigna 46 na porsiyento ng mga Amerikano ay nakakaramdam ng minsan o palaging kalungkutan, at ang karamihan ay mga kabataan na nasa edad (18-22). Kaya, kung ikaw ay malungkot, hindi ka nag-iisa. ( Biro lang )

Kung minsan lahat tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan. Bilang isang Pari talagang may mga oras na nararamdaman ko ang sakit. Para sa akin, nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan tuwing Linggo ng hapon. Ang mga misa tuwing Linggo ng umaga ay nadadagdagan ng saya tuwing makikita ko ang mga masasayang mananampalataya na kabilang sa parokya, ngunit sa kanilang pag-uwi sa kanilang pamilya, ako naman ay babalik sa pag-iisa sa kumbento.

Sa oras ng aking kalungkutan dahil sa pag-iisa at walang kausap sinuman, ay inilalaan ko ang aking panahon sa taimtim na pananalangin sa Panginoon. Gaano man kasakit ang kalungkutan, ito ay maaaring paanyaya sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kapag nararamdaman natin ang sakit ng pag-iisa, nananabik tayo na may taong makausap. Nakahanda na tayo na anyayahan ang Panginoon na punan ang kakulangang iyon. Siya ang matalik nating  kaibigan, Siya ang mangingibig ng ating kaluluwa.

Alam niya ang pakiramdam ng malungkot! Sa panahon ng kanyang pagsasalba sa sangkatauhan, halos lahat ng kanyang mga kaibigan ay tinalikuran Siya, na nagdulot ng matinding kirot sa kanyang Banal na Puso. Maaari nating ibahagi ang ating kalungkutan sa kanya. Ngunit sa kasabay nito ” hindi mainam na mag-isa ang tao ” ( Genesis 2: 18 )

Sa kabutihang palad, kami ay bahagi ng isang malaking  pamayanan; Ang Katawan ni Kristo, ang Simbahan. Napapaligiran kami ng hindi lamang mga kapamilya sa simbahan sa lahat ng oras – gayundin ang mga anghel at mga Santo (” Ang Tagumpay ng Simbahan “). Ang kanilang buhay ay maaaring magbigay ng inspirasyon at ginhawa sa amin. Maraming mga Banal na sa pakiramdam ko ay may personal akong ugnayan: San Juan Basco, San Pancras, at Mother Teresa. Sila ay mga kaibigan ko kahit na sa ngayon ay sa panulat lamang. Sa paghingi ko ng tulong sa kanila, tumutugon sila at umuunawa sa kanilang pananalangin para sa akin. Balang araw umaasa akong makita at masayang makasama sila magpakailanman. Kapag ipinagdarasal natin ang mga Banal na kaluluwa sa Purgatoryo (” Ang Iglesya sa Pagdurusa”), tayo ay nakikipag-ugnay sa mga mahal natin sa buhay na nauna na sa atin, pati na ang mga walang makaalalang magdasal para sa kanila dahil malungkot na nagdusa sila sa mundo. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng sakit ng ating kalungkutan para sa kanila, tayo ay humihingi ng kanilang mga panalangin upang ang ating pagdurusa ay mabago sa gantimpala.

Bukod sa ating mga makalangit na kaibigan,” Ang Manlalaban ng Simbahan” ( mga miyembro ng simbahan dito sa mundo) ay dapat ding magbigay ng isang pamayanan para sa atin. Sumali sa mga aktibidad sa inyong simbahan at ikaw ay makakakita ng mga taong nakakasigla at palakaibigan. Marahil sa grupo ng pag-aaral ng Bibliya, o anumang pangkat na dadaan sa yugto ng iyong buhay ( o kaya ay magsimula ng isang pangkat kung wala ni isa). Maaaring makahanap ka ng mga kaibigan sa pamamagitan ng pagtulong sa iba kasama ng Knights of Columbus, St. Vincent de Paul, pangangalaga at pagmamalasakit na nakatuon sa serbisyo. Kung minsan kailangan nating tumingin sa ibang simbahang Katoliko sa inyong bayan na may masiglang aktibidad at isang komunidad na mas naaangkop sa iyo? Nakapunta ako sa ibang mga parokya na ang kapaligiran ay puno ng init at pagmamahal habang sa ibang lugar ay kulang naman sa init at pagmamahal. Ako ay naitalaga sa isang partikular na parokya sa isang lugar na may maliit na komunidad. Ang mga mananampalataya ay dumarating sa misa ngunit umaalis kaagad. Sa paghahanap ko ng isang komunidad, ako ay nagboluntaryo sa isang lokal na paaralan ng Katoliko, kung saan nakilala ko ang ilang mabubuting pamilya na hanggang sa ngayon ay aking mga kaibigan. Sinisiguro ko may komunidad kahit saan kung tayo ay maglalakas-loob na hanapin ito.

Sa mga nasa tahanan lamang, maaari kayong magkaroon ng koneksiyon sa iba’t- ibang paraan. Marahil katulad ng pagsulat sa mga bilanggong katoliko na nangangailangan ng tulong at paghihikayat. Maaari ring simulan ang pakikipag-ugnay sa mga kapamilya o mga matagal ng kaibigan sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Kung minsan ang pagpapadala ng hindi inaasahang tarheta ay muling naitatatag o pinalalalim ang pagkakaibigan.

Bagaman ang kalungkutan ang maaaring dahilan ng pagsigla ng malalim na kaugnayan sa Diyos, ninanais din Niyang mamuhay tayo na may pakikiisa sa kapwa, at may pagtutulungan. Nilikha tayo upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagbuo ng komunidad ng mga pamilya at mga kaibigan, na may pagmamahalan at pagkalinga. Hanapin mo at sila ay iyong matatagpuan.

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles