Home/Masiyahan/Article

Sep 24, 2024 60 0 Teresa Ann Weider, USA
Masiyahan

Ano ang Kulay ng Diyos?

Ang Dios ba ay may pagtatangi at paborito?

Ang aking ama, isang unang- henerasyong dayo na Italyano, ay may isang magiliw, makulay, at mapang-akit na pamilya.  Ikaw ay malugod na tatanggapin sa kanilang mga tahanan na may mga halik sa magkabilang pisngi tulad ng mahalimuyak ng alinman sa espreso, bawang, pokasia o Kanoli na sumalubong sa iyong ilong at tiyan.  Ang aking ina, sa kabilang banda, ay may henerasyon ng makapal, malalim na multikulturang mga ugat sa Kentucky.  Ang bahagi ng kanyang pamilya ay gumawa ng pinakamahusay na pastel ng mansanas sa timog, ngunit may kalamigan at pinong mga kilos at pagsinta.  Ang bawat panig ng pamilya ay may sariling hanay ng mga pag-uugali at kaugalian inaasahang dapat sundin, at nakakalito na maunawaan kung aling paraan ang tama.

Ang mga pagkakaibang ito at ang hinihilalang pangangailangan na mamili sa dalawa ay naging pangunahing suliranin para sa akin. Tila ba lagi kong sinisikap na maunawaan ang mundo sa paghahanap sa talagang pinagmumulan ng katotohanan.

Ang Pagbibigay Katuturan Sa Lahat Ng Ito

Sa tanang buhay, sinikap kong maghanap ng pangangatwiran kung paano at bakit ang mundo, kasama ang lahat ng bahagi nito ay gumagana.  Alam marahil ng Diyos na ako ay nakatakdang magtanong sa mga bagay-bagay at maging makulit tungkol sa Kanyang mga nilikha dahil tiniyak Niya na ako ay naituro sa tamang daan na magtungo sa Kanya.  Sa Mababang paaralan na Katoliko na pinasukan ko ay may isang kabataang madre na kahanga-hanga na isa sa aking mga guro.  Siya ay tila may kahawig na pag-ibig at pagkamausisa sa mundo na ibinigay sa akin ng Diyos.  Kung di Niya taglay ang lahat ng mga sagot, nakatitiyak akong alam niya kung sino ang may taglay.

Itinuro sa atin na iisa lamang ang Diyos at tayong lahat ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Tayo ay natatangi, at mahal na mahal tayo ng Diyos. Mahal na mahal niya tayo na bago pa man malaman nina Adan at Eba ang lalim at kinahinatnan ng kanilang kasalanan, ang Diyos ay mayroon nang maawaing plano ng pagsugo kay Jesus, ang Kanyang Anak, upang iligtas tayo mula sa orihinal na kasalanan.  Napakadaming bagay sa araling iyon para sa isang maliit na batang babae na pagnilayan at maunawaan. Iniwan ako nitong nagtatanong pa din. Gayunpaman, iyon ay ang ‘larawan at pagkakahawig’ na bahagi ng nasabing araling na kinailangan kong tuklasin.

Sa pagmamasid sa aking pamilya, silid-aralan, at komunidad, halatang may malaking pagkakaiba sa kulay ng buhok, kulay ng balat, at iba pang katangian.  Kung tayong lahat ay natatangi, ngunit ginawa ayon sa larawan at wangis ng ISANG Diyos lamang, ano ang anyo Niya?  Maitim ba ang buhok Niya tulad ko?  O olandes na tulad sa matalik kong kaibigan?  Kulay olibo ba ang Kanyang balat, na matingkad sa tag-araw, tulad ng sa akin at ng tatay ko, o Siya ba ay may maputing balat tulad ng Ina ko, na namula at madaling masunog sa ilalim ng mainit na araw ng Kentucky?

Magagandang Pagkakaibaiba

Lumaki ako na may iba’t ibang uri, kumportable sa iba’t ibang uri, at minahal ko ang iba’t ibang uri, ngunit naisip ko—may pagtatangi ba ang Diyos?  Sa Kentucky, noong 1960s, malinaw na kahit na walang pagtatangi ang Diyos, may mga tao ay mayroon.  Napakahirap para sa akin na intindihin iyon.  Hindi ba sinabi sa akin ng kabataang Sister na nilikha tayong lahat ng Diyos?  Hindi ba iyon nangangahulugan na sadyang ginawa Niya ang lahat ng magagandang uri sa mundong ito?

Ako ay naghanap ng pinagmumulan ng katotohanan at minsan sa unang bahagi ng aking 30s, isang matinding pananabik na matuto pa tungkol sa Diyos ang umakay sa akin sa panalangin at sa Kasulatan.  Dito, pinagpala akong malaman na Siya ay naghahanap din sa akin.  Ang Awit 51:6 ay nagsalita nang tuwid sa aking puso: “Narito, Ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa kaloob-looban ng pagkatao; kayat Iyong ituro sa akin ang karunungan sa kubling bahagi ng aking puso.”  Sa paglipas ng panahon, ipinakita sa akin ng Diyos na may pagkakaiba sa paraan na namalas Niya ang mga bagay-bagay kahambing sa kung paamo minalas ng mundo ang mga bagay-bagay.

Habang mas nagbasa ako ng Bibliya, nanalangin, at nagtanong, lalo kong nalaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan.  “Sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama maliban sa pamamagitan ko.’” (Huan 14:6) Napakasarap na maunawaan sa wakas na si Jesus ang pinagmumulan ng katotohanan!

Gayunpaman, hindi lang iyon!  Ang Diyos ang guro ngayon, at nais Niyang tiyakin na naiintindihan ko ang aralin.  “Muli ay nagsalita si Hesus sa kanila, na nagsasabi:  Ako ang ilaw ng sanlibutan.  Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.’” (Huan 8:12) Kinailangan kong basahin itong muli…Sinabi ni Jesus: “Ako ang liwanag ng sanlibutan…”  Nagsimulang bumilis ang aking utak. , nagsimulang kumilos ang mga kambyo, at nagsimulang sumaayos ang mga bagay.  Itinuro sa akin ng mga aralin sa agham noong bata pa ako na ‘ang liwanag ang pinagmumulan ng lahat ng mga kulay.’  Samakatuwid, kung si Hesus ay liwanag, sa gayon Siya ay sumasaklaw sa lahat ng mga kulay; lahat ng kulay ng sangkatauhan.  Ang walang lubay na tanong nang kabataan ay nasagot na din sa wakas.

Anong Kulay ang Diyos? Sa madaling salita, Siya ay liwanag.  Tayo ay nilikha ayon sa Kanyang larawan at wangis, at wala Siyang pagtatangi sa kulay dahil Siya ay LAHAT ng kulay!  Lahat ng Kanyang mga kulay ay nasa atin, at lahat ng ating mga kulay ay nasa Kanya.  Lahat tayo ay mga anak ng Diyos, at tayo ay dapat “mamuhay bilang mga anak ng liwanag” (Mga Taga-Efeso 5:8).

Kaya, bakit napakamaramdamin ng mundo sa madaming magagandang kulay ng balat ng tao?  Hindi itinatangi ng Diyos ang isang kulay sa isa pa, kaya bakit natin mamarapatin?  Mahal tayo ng Diyos at lahat ng iba’t ibang kulay na ginawa Niya sa atin. Ito ay napaka simple; tayo ay tinawag upang kumatawan sa Kanya.  Tayo ay tinawag upang dalhin ang Kanyang liwanag sa mundo.  Sa madaling salita, tinawag tayo upang dalhin ang presensya ng Diyos sa mundo na hindi nakikita ang mga bagay ayon sa ninanais ng Diyos na makita nito ang mga bagay.  Kailangan at nais Niya ang lahat ng ibat-ibang uri natin upang mabuo ang Kanyang imahe.  Sikapin nating maipakita Siya sa mundong ito sa ating pagiging liwanag na kung saan tayo ay nilikha at para saan.  Bilang mga anak ng Diyos na Kanyang minamahal, simulan nating pahalagahan ang lahat ng Kanyang mga imahe bilang bahagi ng IISANG Diyos na lumikha sa atin.

Share:

Teresa Ann Weider

Teresa Ann Weider ay naglingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng kanyang aktibong pakikilahok sa iba't ibang ministeryo. Nakatira siya kasama ang kanyang pamilya sa California, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles