Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Aug 19, 2024 53 0 Bishop Robert Barron, USA
Magturo ng Ebanghelyo

Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Daan Patungong Emaus

Ang pinakadakilang ebanghelista ay tiyak na si Hesus mismo, at walang higit na pagpapakita ng kapamaraanan sa pangangaral ni Hesus kundi ang dalubhasang pasalaysay ni Lukas na may kinalaman sa pagdako ng mga alagad sa daan ng Emaus. 

Ang salaysay ay nagsisimula ng dalawang mga alagad na pumaparoon nang hindi wastong daan.  Ang bayan ng Herusalem ay ang kabanalang gitna ng panawag-pansin—ang pinagmulan ng Huling Hapunan, ng Krus, Muling Pagkabuhay, at Pagsugo ng Ispirito.  Ito ang kinatungkulang pook na kung saan ang dula ng Panunubos ay namumukadkad.  Kaya, sa paglilisan mula sa ulunlunsod, ang dalawang mga dating alagad ni Hesus ay lumulusong laban sa agos. 

Si Hesus ay sumasama sa kanilang paglalakbay—bagama’t tayo’y nasabihang sila’y nasansala na makilala Siya—at tinatanong Niya kung ano ang kanilang pinag-uusapan.  Sa Kanyang tanang ministeryo, si Hesus ay nakipagsalamuha sa mga makasalanan.  Magkabalikat Siyang nakihanay sa maputik na ilog ng Hordan kasama ng yaong mga naghahangad ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagbinyag ni Juan; pagkaraan at muli, Siya’y nakikain at nakiinom sa mga taong may-kinamumuhiang katanyagan, lubhang di-kapanipaniwala sa mga mapagmatuwid; at sa wakas ng Kanyang buhay, Siya’y ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang mga magnanakaw.   Kinasuklaman ni Hesus ang sala, ngunit kinagiliwan Niya ang mga makasalanan, at patuloy na nalulugod na kumilos patungo sa kanilang mundo upang himukin sila ayon sa kanilang mga pananakda. 

At ito ang unang dakilang aral sa  ebanghelismo.  Ang matagumpay na ebanghelista ay hindi nagpapatayog mula sa karanasan ng mga makasalanan, madaliang nag-aalay ng kaukulang hatol, ipinagdarasal sila mula sa kalayuan; sa halip, siya’y nagmamahal sa kanila nang lubos nang sa gayo’y masamahan sila at marapating maglakad sa kanilang mga sapatos upang madama ang pagkakaiba ng kanilang karanasan. 

Dahil napagningasan ng mausisang mga tanong ni Hesus, isa sa mga manlalakbay, na nagngangalang Cleopas, ay inuulat ang ‘mga bagay’ hinggil kay Hesus ng Nasaret: “Siya ay isang makapangyarihang propeta sa diwa at gawa sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao; ang aming mga pinuno, bagaman, ay pinapatay Siya; inakala naming Siya ang magiging manunubos ng Israel; itong kaumagahan kami ay napagsabihan na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay.” 

Lahat ng mga ‘katotohanan’ ay nakuha ni Cleopas nang tuwiran; ni-isa sa kanyang sinasabi tungkol Kay Hesus ay mali.  Ngunit ang kanyang pagkalumbay at paglisan ng Herusalem ay nagpapatunay na hindi niya nakukuha ang larawan. 

Ikinatutuwa ko ang mahusay at nakakatawang mga karikatura sa magasin ng New Yorker.  Ngunit, paminsan-minsan, mayroong isang karikatura na pawang hindi ko maunawaan.  Nakuha ko ang lahat ng mga detalye, nakita ko ang lahat ng mga mahalagang tauhan at mga bagay na pumapaligid dito, naunawaan ko ang pamagat.  Gayunpaman, hindi ko nakikita kung bakit ito’y nakakatawa.  Pagkaraka, mayroong dumarating na sandali ng kalinawan: bagama’t wala akong nakikitang anumang karagdagang detalye, bagama’t walang bagong bahagi ng palaisipan ang lumilitaw, naaaninaw ko ang tularan na nakapag-uugnay sa kanila nang sama-sama sa makabuluhang paraan.  Sa isang salita, ‘nakukuha’ ko ang karikatura. 

Nang naparinggan ang patotoo ni Cleopas, ang sabi ni Hesus: “Naku, ang hahangal ninyo!  Ang kukupad ng puso na paniwalaan ang lahat ng isinaad ng mga propeta.”  At ang kasunod ay binubuksan Niya ang Mga Kasulatan sa kanila, ipinakikita ang dakilang mga tularan na nagmula sa Banal na Aklat, na nagbibigay-saysay sa ‘mga bagay’ na kanilang nasaksihan. 

Na walang ihinahantad sa kanila na anumang bago tungkol sa Kanya, ipinakikita ni Hesus ang hugis at ang nakapananakop na panukala, ang kahulugan—at sa paraang ito Siya ay ‘nakuha’ nila:  ang kanilang mga puso ay nagsisialab sa kaloob-looban nila.  Ito ang pangalawang dakilang aral sa ebanghelismo.  Ang matagumpay na ebanghelista ay gumagamit ng Mga Kasulatan upang ihantad ang banal na mga tularan at sa wakas ang Tularan na pagiging tao kay Hesus. 

Kapag wala nitong  nakapanlilinaw na mga paraan, ang buhay ng tao ay pawang kahukutan, isang kalabuan ng mga tagpo, isang bungkos ng walang-kabuluhang mga pangyayari.  Ang mabisang ebanghelista ay isang ginoo ng Bibliya, pagka’t ang Kasulatan ay isang kaparaanan upang ‘makuha’ natin si Hesukristo at, sa Kanyang pamamagitan, ang ating mga buhay. 

Ang dalawang mga alagad ay nilalamuyot Siyang manatili na kasama nila nang papalapit na sila sa bayan ng Emaus.  Si Hesus ay umuupong kasama nila, itinataas ang tinapay, isinasaad ang pagbasbas, hinahati ito at binibigay sa kanila, at sa sandaling yaon Siya’y nakikilala nila.  Bagama’t sila ay, sa tulong ng Kasulatan, nasimulang makita Siya, hindi pa rin nila naunawaan nang lubos kung sino Siya.  Ngunit sa pagpapahalaga ng Yukaristiya, sa pagbabahagi ng tinapay, ang kanilang mga mata ay namulat. 

Ang pangwakas na paraan upang maunawaan natin si Hesukristo ay hindi ang Kasulatan ngunit ang Yukaristiya.  Ang Yukaristiya ay Kusang si Kristo, bilang tao at buong siglang umiiral.  Ang sagisag ng hiwaga ng pagpapalaya, ang Yukaristiya, ay ang pag-ibig ni Hesus para sa mundo hanggang kamatayan, ang Kanyang paglalakbay patungo sa pagtatakwil-ng-diyos nang sa gayo’y masagip ang pinakanawawalan-ng-pag-asang mga makasalanan, ang Kanyang pusong nabuksan sa pagkahabag.  At ito ang kung bakit sa pamamagitan ng lente ng Yukaristiya ay dumarating si Hesus nang sukdulang kapunuan at kalinawan sa tampulan. 

At kaya nakikita natin ang ikatlong dakilang aral sa ebanghelismo.  Ang matatagumpay na mga ebanghelista ay mga tauhan ng Yukaristiya.  Sila ay nakababad sa mga indayog ng Misa; isinasakatuparan nila ang Yukaristikong Pananamba; pinupukaw nila ang mga napagbahaginan ng Ebanghelyo sa pagsali sa katawan at dugo ni Hesus.  Alam nila na ang pag-akay sa mga makasalanan kay Hesukristo ay kailanma’y hindi pawang isang bagay na pansariling saksi, o isang pangangaral na nagpapasigla, o kahit isang pahihirati sa mga tularan ng Kasulatan.  Ito’y kauna-unahang isang bagay upang makita ang nasugatang puso ng Diyos sa pamamagitan ng tinapay na ibinabahagi ng Yukaristiya. 

Kaya kayong mga umaasang maging ebanghelista, gawin ang ginawa ni Hesus, makipaglakad sa mga makasalanan, buksan ang Aklat, ipamahahagi ang Tinapay. 

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles