Home / Interview

Jun 07, 2024 92 0 Maria Teres Sebastian

Ang Kalusugan sa Pag-iisip ay Mahalaga

Kung ikaw ay nahihirapan sa isang sakit sa pag-iisip, o kung ang isang mahal sa buhay ay buong tapang na nakikipaglaban sa isa, ito ay dapat basahin.

Nakita ko ang isa sa mga pagsasalita ni Dr. Matthew Breuninger noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, nang personal akong dumadaan sa panahon ng malalim na personal na kaguluhan. Ang kanyang pananaw sa pagpapagaling ay lubos na nakaantig sa akin noon, kaya nang ako ay makatagpo ng Project KNOWN kamakailan, ang aking interes ay likas na napukaw. Ang mga tala sa blag at personal na misyon ni Isaac Wicker ay nagbigay ng inspirasyon at determinasyon, kaya walang akong pag-aatubili na nakipag-ugnayan sa dalawang kamangha-manghang kaluluwang ito. Sina Isaac at Matt ay parehong mga propesyonal sa kalusugan ng isip na nakahanap ng kamangha-manghang paraan upang pagsamahin ang kanilang pananampalataya at propesyon, sa pamamagitan ng kanilang proyekto na KNOWN. Ang makilala sila ay isang pagpapala at narito ang isang sipi ng nakakapagpaliwanag na pakikipag-usap ko sa kanila. Pareho silang may sariling kwento ng paghahanap at pagkawala ng ugnayan sa Diyos, ngunit sa kaibuturan, ang kanilang mga paglalakbay ay tungkol sa pagtatanong, paghahanap ng katotohanan, at pagdating sa Mapagmahal na Puso ng Ama.

Ang makilala sila ay isang pagpapala at narito ang isang sipi na nakakapag-bigay liwanag sa pakikipag-usap ko sa kanila.

Kung ganon, pareho kayong nagkaroon ng bahagi ng mga pakikibaka. Mula sa karanasan at propesyonal na kasanayan, sa tingin mo ba ay totoo, ang ideya na ang pagkakaroon ng isyu sa kalusugan ng isip ay katumbas ng hindi sapat na kakayahan sa pananampalataya?

Isaac: Narinig ko iyan mula sa maraming tao, kahit ako mismo ay nakikipaglaban diyan. Wala akong napakagandang sagot para dito, ngunit sa palagay ko ang pangunahing tanong ay hindi tungkol sa ‘pananampalataya o walang pananampalataya’. Sa halip, ang pagbabago sa pananaw ay maaaring makatulong sa ating lahat.

Ang Katotohanan ay, lahat tayo ay sirang-sira talaga. Ang pananampalataya ay nagbibigay sa atin ng lugar kung saan masasabi natin ito nang malakas at nang may kalayaan: “Nasira ako. Kailangan kong mayakap at mahalin. Kailangan kong magsimula ulit.” Kailangang makita tayo sa lahat ng ating pagkasira at kaguluhan, at kailangan tayong mahalin doon. Ang ideyang ito na ang aking pagkasira ay nagpapakita na hindi ako sapat na malakas sa aking pananampalataya ay nakaliligaw.

Sa totoo lang, hindi sapat ang pananampalataya ko, pero ayos lang. Patuloy akong pupunta sa Diyos nang may hindi sapat na pananampalataya, pagkabalisa, pagkasira…lahat ng kaguluhang iyon. Kailangang maging mas matatag ang aking pananampalataya, ngunit paano kung ang paraan ng pagdarasal ko—kunektado sa Diyos— sa pamamagitan ng pag-aalaga sa aking sarili sa bago at mas mabuting paraan, sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga kahusayan na tutulong sa akin na makarating doon?

Matt: Upang sabihin sa isang tao na: “magkaroon ng higit na pananampalataya” ay ang hindi pagkakaunawaan kung ano ang pananampalataya dahil hindi natin binibigyang sampalataya ang ating sarili. Ang pananampalataya ay isang regalo mula sa itaas. Napakadaling sabihin: “maniwala ka lang na ikaw ang minamahal ng Diyos.” Ngunit sa iyong paglaki, kung paulit-ulit mong nararanasan ang iyong mga magulang na hindi nakakatugon sa iyong mga pangangailangan, ang pakiramdam ng kawalang-halaga ay madadala sa iyong neurobiology. Kaya, ang isang sapalaran na “Hoy, mahalaga ka” ay hindi sapat.

Ang maganda tungkol sa Diyos, hindi Niya tayo hinihiling na tanggalin ang ating nararamdaman. Sinabi niya: “Pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa akin.” Kaya minsan, ang aking sakit sa isip ay ang aking krus, at sinusundan ko Siya sa aking kalungkutan. Mararamdaman natin ang iba’t ibang damdamin ng mga tao, at nadarama natin kung minsan. Pero kung sasabihin lang natin ang: “Diyos ko, nababalisa ako. Hindi ko pa nagawa ito noon.” Sa tingin ko ang Diyos, Ama ay magsasabing: “Siyempre talagang mararamdaman mo yan.”

Noong tinuturuan ko ang aking maliit na anak na babae na sumakay ng bisikleta, sinasabi niya sa akin: “Ama, natatakot ako.” Sinasabi ko naman sa kanya: “Siyempre, matatakot ka, anak. Hindi ka pa nakasakay ng bisekleta dati. Babagsak ka at masasaktan. Pero nandito ako. Matututo kang hindi matakot sa paggawa nito.” Hindi ko siya sinisigawan ng: “Wala ka bang tiwala sa akin?” Ganyan ang Diyos sa atin, walang katapusan na mahabagin.

Mapag-hamon bang dalhin ang iyong pananampalatayang Katoliko sa sikolohikal na kasanayan? Kadalasan, nararamdaman ko na ang parehong larangan ay hindi naghahalo nang maayos…

Isaac: Sa tingin ko, nakakatulong talaga kapag nagsasama-sama ang pananampalataya at sikolohiya. Ang pananampalatayang Katoliko ay napakahusay sa pagbibigay sa atin ng malinaw na ideya kung sino tayo—tayo ay ginawa ng Diyos at para sa Diyos. Sa tingin ko iyon ay isang malaking bahagi ng kung sino ang isang tao, isang taong may walang katapusang dignidad.

Ang trabaho ng isang terapewtika ay madalas na hinahanap ang walang katapusang dignidad na nasa loob mo, at pagkatapos ay ilalarawan ito sa iyo. Iyan ang ginagawa ko sa mga kliyenteng hindi naniniwala. Pagkatapos kong maranasan ang pag-ibig ng Diyos para sa akin, ang pagkakaroon ng karanasan ng Kanyang paghahanap sa aking dignidad at pagpapakita nito sa akin—ito ang naging landas na aking sinusundan din para sa mga lumalapit sa akin. Nasa loob ng awa, pagmamahal, at koneksyon na lahat tayo ay matatawag sa isang bagay na mas dakila. Ang aking pananampalataya ay isang pundasyon ng pag-asa, pagtubos, at pagpapanibago na hindi ko maisip ang isang kapaki-pakinabang na kasanayan kung wala ito.

Matt: Ang tapat na katotohanan ay ang sikolohiya ay maaaring maging talagang laban sa pananampalataya at sa mga prinsipyo nito, ngunit sa liwanag ng aking pagsasanay, tila para sa akin ay wala sa atin ang talagang tumatanggi sa Diyos. Tinatanggihan natin ang mga taong nang-aapi, naniniga, o nagpapadama sa atin ng pagka-maliit; kahit na tinatanggihan natin ang mga baluktot na ideya ng Diyos na natanggap natin, hindi natin talaga tinatanggihan ang Diyos. Kaya, ang layunin ko sa terapewtika ay tulungang maliwanagan ang mga tao, ang mga natural na elemento na humahadlang sa atin na makita ang Diyos habang gusto Niyang ihayag ang Kanyang sarili sa atin.

Itinuturing ko ang aking trabaho bilang mga kamay, mata, at paa ni Kristo, kaya ang isang bagay na sinisikap kong gawin ay umupo lamang kasama mga tao sa paraang gagawin ng Diyos—maging tagapagsalita, isang biswal…Paano tutugon si Kristo kung sasabihin mo sa Kanya ang isang bagay na mahirap, masakit, nakakahiya, o imoral?

Nakaramdam ako ng matinding habag para sa iyo, naghahatid ng malalim na pangunahing katotohanan tungkol sa kung sino ka at kung paano ka nakikita ng Diyos, nang hindi kailanman ginagamit ang salitang ‘Diyos.’ Hindi ba’t parang lalo tayong nahihimasmasan at binubuo ng mga salita kapag tayo ay may malalim na ugnayan ng pagtitiwala, pagmamahal, at seguridad? At kapag naramdaman natin iyon, talagang nakikinig tayo nang may bukas na puso. Salungat sa pagiging isang hamon, ang aking pananampalataya ay talagang nagpapaalam at tumutulong sa aking pagsasanay sa malalim na paraan.

Mayroon akong isang kliyente na nagsagawa ng in-vitro fertilization, na natatakot, dahil bilang isang Katoliko, hindi ko aayunan ito. Sa puntong ito, pinagdaanan na namin ang ilang malalalim at mahihinang lugar at sinabi ko sa kanya na gugustuhin kong mahawakan at mahalikan din ang kanyang sanggol. Sa palagay ko ay hindi magandang moral ang IVF, ngunit kasabay nito, maaari ko siyang mahalin at maging masaya para sa kanya. Kaya kong maging totoo para sa dalawang bagay na iyon. Sa tingin ko, ang ekspresyong iyon ay kadalasang nakakapagpagaling para sa ating lahat.

Kaya, ang KNOWN ay isang pagtatangka na pagsamahin ang dalawang larangang ito, sa pagkakatugma. Maaari mo bang ipaliwanag ang proyekto sa maikling salita?

Matt: Para sa marami sa atin, mahirap talagang unawain o isipin ang isang Diyos na magmamahal sa atin kapag tayo ay nagkakamali dahil sa tuwing tayo ay nagkakamali, ang ating mga magulang ay ipinapaalam sa atin ang pagka dismaya, pagkahiya, at kahihiyan. Madalas nilang sabihin sa atin: “Magiging mainit at mapagmahal uli ako, kapag nagbago ka na.” Mahirap talaga, sa tingin ko, bilang isang magulang, na makipag-usap ng tungkol sa pagmamahal, kahit na sa gitna ng pagwawasto sa iyong anak, para sabihin na: “Mahal kita at gusto kita, at gusto kong manatiling konektado sa iyo kahit na mali ang iyong ginawa.”

KILALA, ang pamagat, ay napakalakas para sa akin dahil ipinapahayag nito ang malalim na pagnanais ng puso ng tao—ang maging “kilala” at huwag matakot na kapag nakita mo ako, iiwanan mo ako. Sa tingin ko, ito ang ubod ng buong proyekto—kilala tayong lahat ng Puso ng Ama, niyakap tayo, at dinala tayo. Nilalampasan Niya ng tingin ang ating mga depekto, pagkakamali, at pagkukulang, at naiintindihan niya ang panloob na kagandahang iyon. Lahat naman tayo gusto niyan diba? Itong pakiramdam na kilala at minamahal pa. Ang KNOWN ay sinusubukang sabihin sa iyo na mayroon ka na nito—sa Ama.

Isaac: KNOWN ay isang 12-linggong programa para sa malalim na pagpapagaling ng mga lugar ng pagkakakilanlan—muling pag-aralan ang pagkakakilanlan ng Ama bilang mapagmahal, at sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal, muling matutunan ang ating indibidwal na pagkakakilanlan bilang isang minamahal na anak na lalaki o babae. Nagpupunta tayo sa mga lugar ng malalalim na sugat kung saan ang mga pagbaluktot tungkol sa ating pagkakakilanlan ay ang pinakamalakas at hinahayaan ang liwanag at pagmamahal ng Ama sa mga lugar na iyon. Pagkatapos, mas naglalakbay tayo sa isang lugar ng kalayaan, kagaanan, pagkabata, at pagiging mapaglaro.

Ang pangkalahatang arko ng paglalakbay ay upang matutong maging talagang tapat sa sinasabi ng iyong puso tungkol sa Diyos. Isinasantabi saglit ang ating teolohiya, at bayaan ang ating puso na magsalita: “Ganito talaga ang nararamdaman ko, Ama. Pakiramdam ko ay talagang hindi ako matatag, ako ay maliit, at inabandona, at ikaw ay talagang mukhang malupit, malayo, at mapagkontrol.” Ang aktuwal na sabihin ang mga bagay na iyon, at pagkatapos ay sundin ang mga damdaming iyon hanggang sa maging tayo ay naghihinala o hindi sigurado sa Ama na pagagalingin ang mga nakaraang masasakit. Ang buong paglalakbay ay tungkol sa pagpapahintulot sa Ama, sa pamamagitan ng katapatan, na magpakita sa atin ng bago.

Ginagawa namin ito nang magkakasama bilang isang grupo. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang indibidwal na paglalakbay, at sinusubukan naming pangasiwaan ang proseso. Wala kaming pananagutan para sa pagpapagaling; ang paggaling ay nangyayari sa pagitan ng bawat kalahok nang paisa-isa at ng Diyos Ama.

Marami akong narinig na nagsasabi na ang sakit sa isip ay nagpapahirap sa pagdarasal. Paano malalampasan ng isa ang hadlang na iyon?

Isaac: Sa KNOWN, inaanyayahan ka namin sa isang ‘tapat’ na pananalangin. Tatlong gabi sa isang linggo, mayroon kaming nakagawiang pamumuhay sa katahimikan—papatayin ang lahat ng teknolohiya mula 7 ng gabi hanggang 7 ng umaga, pagkatapos ay papatayin ang lahat ng ilaw na elektrisidad at sisindihan ang kanila sa 9 ng gabi. Sa katahimikang ito, inaanyayahan ka naming maging tunay na tapat.

Hinihiling namin sa iyo na pasimplehin mo kahit na ang iyong wika sa Diyos. Ano ang tapat na nararamdaman ng iyong puso? “Ama, natatakot ako. nasasabik na ako. Kinakabahan ako. Ako ay nag-aalala. Nasasaktan ako.” Ang pagsasabi lamang sa Kanya ng mga bagay na iyon sa halip na subukang hatulan ang mga bahagi ng iyong sarili dahil sa hindi sapat na pagiging ‘banal’, talagang makakatulong iyon.

Hindi ito preskriptibo na panalangin; ito ay nakakarating sa iyak ng puso at itinuturo ito patungo sa Ama. Hayaang marinig ng Ama ang iyak na iyon. Kadalasan, kapag naiipit ang mga tao, hinihiling ko sa kanila na gumugol sa susunod na linggo na sabihin sa Diyos kung gaano sila kagalit. Ang pagsisikap na magkaroon ng makadiyos, banal na papuri sa Diyos, kung sa katunayan, ang ating mga puso ay sobrang galit, ay hindi uubra. Ganyan ang madalas nating pag-anyaya sa mga tao na manalangin—sa napakarelasyon, na simpleng iyak ng pusong ito.

Matt: Ganyan ang Ama—isang TATAY. Bilang isang ama, gusto kong malaman kung ang aking mga anak ay nagagalit, nalulungkot, o nababalisa, kahit na sila ay galit sa akin. Kapag may gusto ang anak ko at sinabi kong hindi, idinadabog niya ang mga paa niya at sasabihing: “Tay, galit ako sa iyo.” Ngunit ang galit ng aking anak ay hindi nakakatakot o nakakasakit sa akin. Nasasaktan ako para sa kanya, at nagdudulot ito ng habag, ngunit hindi ito nakakagalit sa akin.

Ang Diyos ay perpekto! Ang aking galit ay hindi nakakagambala sa Kanyang pagiging perpekto. Kapag sinabi kong: “Diyos, ako ay nagagalit sa iyo,” hinihila nito ang Kanyang habag tulad ng isang mabuting ama. Dahil ang Diyos ay walang kaakuhan tulad ng ilan sa ating mga tatay, iyon ang panalangin na aming ipinang-aanyaya sa iyo—maging matapat na bukas sa Diyos.

————————————————- ———–
Nahihirapan ka ba sa isang isyu sa kalusugan ng isip? Narito ang ilang mga tip mula kina Matt at Isaac.

1. Dalhin ang iyong puso sa Ama

Kapag nahihirapan kang manalangin, malayang ibahagi sa Ama ang iyong pagkabalisa, takot, pagkabigo, at labis na pagkabalisa. Dalhin ang katapatan sa iyong relasyon sa Diyos at hayaang makita at malaman Niya ang iyong puso kung ano ito. Walang dapat na itago sa Kanya.

2. Maghanap ng mga nakaaaliw na larawan mula sa Banal na Kasulatan na nagbibigay-daan sa iyong pakiramdam na nakita at kilala

Humanap ng isang bagay upang iangkla ang iyong sarili—maaaring isang linya mula sa isang panalangin, isang talata sa Bibliya, isang haka-haka na biswal mong kasama si Jesus o ang Ama…Hanapin ito, lalo na sa iyong mga panahon ng matinding kaguluhan, bumalik sa espasyong iyon ng katahimikan at humawak ng mahigpit dito ng may pagmamahal.

3. Maghanap (at mag-alok) ng pakikisama

Tayo ay ginawa ayon sa larawan ng isang Diyos na may isang pakikipag-isa sa mga tao. Walang sinuman sa atin ang makakagawa nito nang mag-isa. Kapag ako ay nahihirapan, nariyan ang grupo ng mga lalaki na aking tinatakbuhan, na ang pananampalataya at pagmamahal ay madalas na tumutulong sa akin. Nakumbinsi ako nito na hindi ako nag-iisa. Kailangan natin ng mga taong tumitingin at nagmamahal sa atin kapag hindi natin kayang mahalin ang ating sarili.
Mahalagang magkaroon ng kahit isang tao lang na masasabi mo halos lahat—ang mga kahiya-hiyang bahagi, ang mga mahihirap na bahagi, ang mga nakalilitong bahagi; hindi para bigyan ka ng magandang payo o para subukang ayusin ka, kundi para manatili sa piling mo habang ikaw ay mahina, mamagitan para sa iyo, maniwala para sa iyo hanggang sa matuklasan mong muli ang iyong tunay na halaga.

4. Hayaan ang iba na tulungan kang pasanin ang iyong krus (Ginawa ni Hesus!)

Maraming mga tao ang nakakausap ko na talagang nag-aalala tungkol sa pagiging pabigat sa iba. Tayo ay natatakot sa palagay ko, lalo na sa mga araw na ito, tungkol sa pagpapabigat sa iba ng ating mga emosyon o pangangailangan. Pero okay lang na mangailangan ka ng tulong. Okay lang maging pabigat. Doon nabubuhay ang Simbahan, kapag nagsimula tayong maglakad nang magkakasama.

Pinakamamahal na Ama, sa Iyong Puso, ipinagkakatiwala ko ang aking nasirang buhay…Paganahin Mo akong mahanap ang aking daan pabalik sa Iyo at hayaang madama ko ang Iyong pangmatagalang yakap.

Maria Teres Sebastian

Maria Teres Sebastian is a passionate young writer who aspires to spend her time and skills for the glory of God. She lives in Kerala, India.

Share: