Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jul 05, 2024 121 0 Molly Farinholt
Magturo ng Ebanghelyo

Mga Aral sa Latang Puso

Isang paulit-ulit na bulong mula sa itaas, madaming nabigong pagtatangka…lahat ay nalutas ng isang kuwentong pambata!

Mayroong isang kahanga-hangang kuwento ni Hans Christian Andersen na pinamagatang The Steadfast Tin Soldier na labis kong ikinasiyang basahin nang malakas sa aking anak na babae, at siya, sa pakikinig dito.  Ang maikling buhay ng sundalong ito na may isang paang lata ay may tanda ng kapighatian matapos ang isa pang kapighatian.  Mula sa pagkahulog nang madaming palapag hanggang sa muntik nang malunod hanggang sa lamunin ng isda na tulad ni Jonah, sadyang mabilis na naiintindihan ng maykapansanan na kawal ang pagdurusa.  Sa lahat ng ito, gayunpaman, hindi siya nag-aatubili, natitigilan, o kumikibo.  Oh, ang maging tulad ng sundalong lata!

Ang Pagtuklas Ng Dahilan

Maaaring iugnay ng mga literalista at pesimista ang kanyang katatagan sa katotohanang siya ay gawa sa lata.  Sasabihin ng mga nagpapahalaga sa talinghagang ito na ito ay dahil mayroon siyang malalim na kaalaman sa kanyang pagkatao.  Siya ay isang sundalo, at ang mga sundalo ay hindi hinahayaan ang takot o anuman, sa bagay na iyon, na itaboy sila sa kanilang landas.  Ang mga pagsubok ay nagwash over sa sundalong lata, ngunit siya ay nananatiling walang pagbabago.  Kung minsan, inaamin niya na kung hindi siya sundalo, gagawin niya ang ganito at ganoon—tulad nang lumuha—subalit ang mga bagay na iyon ay hindi niya ginawa, dahil hindi ito naaayon sa kung sino siya.  Sa bandang huli, siya ay inihagis sa isang kalan kung saan, ala- Saint Joan of Arc, siya ay nilamon ng apoy.  Ang kanyang mga labi ay natagpuan kapagdaka ng katulong, na naging—o maaaring sabihin ng isa, na naging—isang perpektong hugis na pusong lata.  Oo, hinulma siyang isang pag-ibig ng apoy na matatag niyang tiniis!

Marahil, ang kinakailangan lang para maging matatag ay ang malaman ang pagkakakilanlan ng isang tao?  Ang tanong kung gayon, ano ang ating pagkakakilanlan?  Ako ay, at ikaw din, isang anak na babae (o anak na lalaki) ng Hari ng Sandaigdigan.  Kung alam lang natin at hind tayo titigil sa pag-angkin ng pagkakakilanlan na ito, tayo din ay maaaring maging matatag sa paglalakbay tungo sa pagiging tulad ng Pag-ibig na Siya ay mismo.  Kung kumikilos tayo na alam natin na tayo ay mga prinsesa at prinsipe na pagala-gala sa kastilyo ng ating Ama, ano ang katatakutan natin?  Ano ang maaaring magdulot sa atin na mangatog, tumalikod, o madurog?  Walang talon o baha o apoy ang makakapag patiwalag sa atin mula sa landas tungo sa pagiging santo na buong pagmamahal na inilatag para sa atin.  Tayo ay minamahal na mga anak ng Diyos, nakatakdang maging mga santo kung mananatili lamang tayo sa landas.  Ang mga pagsubok ay magiging kagalakan dahil hindi nila tayo hahatakin mula sa ating landas bagkus, kung matatag na tiniis, sa bandang huli ay magpapabago sa atin tungo sa nais nating madating!  Ang ating pag-asa at kagalakan ay makakapanatiling lagi, dahil kahit na ang lahat ng tungkol sa atin ay paghihirap, tayo ay minamahal pa din, pinili, at ginawa upang makapiling ang Ama sa Langit sa tanang kawalang-hanggan.

Mga Kalungkutang Naging Kagalakan!

Nang makita ng Anghel Gabriel, sa kanyang misyon na tanggapin ang utos ni Maria, ang takot ni Maria, sinabi niya sa kanya: “Huwag kang matakot, sapagkat nasa iyo ang biyaya ng Diyos.” (Lukas 1:30)  Napakagandang balita!  At napakaluwalhati na tayo din ay nakatanggap ng lingap ng Diyos!  Ginawa Niya tayo, minamahal, at ninanais na makasama Siya natin palagi.  Kaya, tayo, tulad ni Maria, ay dapat hindi matakot, anuman ang kahirapan na dumating sa atin.  Matatag na tinanggap ni Maria ang lahat na dumating sa kanya, batid na ang Kanyang Kalinga ay ganap at ang kaligtasan ng buong sangkatauhan ay malapit na.  Siya ay tumindig sa paanan ng Krus sa mga sandali ng kanyang pinakamalaking pagdurusa at nanatili.  Sa bandang huli, kahit na ang puso ni Maria ay tinusok ng madaming espada, siya ay itinaas sa Langit at kinoronahang Reyna ng Langit at Lupa, upang makasama ang Pag-ibig magpakailanman.  Ang kanyang katatagan at mapagmahal na pagtitiis sa pagdurusa ay nagbigay daan sa kanyang pagiging Reyna.

Oo, ang kalungkutan ng Pieta ay naging kaluwalhatian ng pag akyat ni Maria sa langit.  Ang pagtitiis ng napakadaming banal na lalaki at babae ay naging sanhi na sila ay maging bahagi ng hukbo ng Langit na nagpupuri sa Panginoon magpakailanman.  Tulad ng ating Ina at ng mga Santo, nawa’y tanggapin natin ang biyayang maging matatag, tumindig nang matatag sa gitna ng kalungkutan, apoy, at lahat ng iba pang mga pangyayari na nagpupumilit na ilayo tayo sa bukas na mga bisig ng Panginoon.  Nawa’y maging matatag tayo sa ating pagkakakilanlan bilang mga anak na ginawa ayon sa larawan ng Ama.  Nawa’y tayo, tulad ng isinulat minsan ng kilalang makata na si Tennyson: “Maging matatag sa pagnanais na magsikap, maghangad, maghanap, at hindi sumuko!”  Nawa’y tayo, matapos ang lahat ng ito, ay maging katulad ng Pag-ibig.

Share:

Molly Farinholt

Molly Farinholt is a wife, mother, homemaker, and writer. She lives with her husband and children in Virginia, where they serve on a mission with the FOCUS ministry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles