Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 05, 2024 122 0 Belinda Honey
Makatawag ng Pansin

Hindi Lamang Ako

Sa pinakamadilim na lambak at pinakamahirap na gabi, nadinig ni Belinda ang isang tinig na patuloy na tumatawag sa kanya pabalik.

Iniwan kami ng aking ina noong ako ay mga labing-isang taong gulang.  Noon, akala ko lumisan siya dahil ayaw niya sa akin.  Subalit sa katunayan, pagkatapos ng mga taon ng tahimik na pagdurusa sa pang-aabuso sa mag-asawahan, hindi na siya nakatiis pa.  Bagamat lubhang nais niyang iligtas kami, pinagbantaan siya ng aking ama na siya ay papatayin kung isasama niya kami.  Iyon ay napakabigat tanggapin sa murang gulang, at habang sinisikap kong makayanan ang mahirap na panahong ito, sinimulan ng aking ama ang paulit-ulit na pang-aabuso na maglulumagi sa akin sa dadating na mga taon.

Mga Lambak At Burol

Upang mapawi ang sakit ng pang-aabuso ng aking ama at matumbasan ang kalungkutan sa pag-abandona ng aking ina, sinimulan kong gamitin ang lahat ng uri ng mga mekanismo ng ‘panlunas.  At sa isang dako na hindi ko na makayanan ang pagmamalabis, tumakas ako kasama si Charles, ang aking kasintahan mula sa paaralan.  Nakipag-ugnayan akong muli sa aking ina sa panahong ito at nanirahan sa kanya at sa kanyang bagong asawa nang panandalian.

Sa gulang na 17, pinakasalan ko si Charles.  Ang kanyang mag-anak ay may kasaysayan ng pagkabilanggo, at di nagtagal siya naman ang sumunod.  Patuloy akong nakisalamuha sa nasabing uri ng mga tao, at sa bandang huli, ako din ay nadamay sa krimen.  Sa gulang na 19, nahatulan akong makulong sa unang pagkakataon—limang taon para sa mapanlubhang karahasan.

Sa bilangguan, nadama kong nag-iisa nang higit pa kailanman sa tanang buhay ko.  Lahat nang dapat magmahal at mag-aruga sa akin ay nagpabaya, nanggamit, at nang-abuso sa akin.  Naaalala ko ang pagsuko, kahit na ang pagtatangka kong tapusin ang aking buhay.  Sa mahabang panahon, patuloy ang aking pagbulusok pababa hanggang sa makilala ko sina Sharon at Joyce.  Ibinigay nila ang kanilang buhay sa Panginoon.  Bagama’t wala akong malay tungkol kay Hesus, naisip kong subukan ito yayamang wala na akong iba pa. Doon, naipit sa pagitan ng mga pader na iyon, sinimulan ko ang panibagong buhay kasama si Kristo.

Pagbagsak, Pagbangon, Pagkatuto…

Humigit-kumulang isang taon at kalahati sa hatol sa akin, nagkaroon ako ng pagkakataon sa parol.  Kahit papaano sa puso ko, alam kong mabibigyan ako ng parol dahil nabubuhay na ako para kay Hesus.  Pakiramdam ko ay ginagawa ko ang lahat ng tamang bagay, kaya nang dumating ang hàtol fpagtanggi na may dagdag na isang taon na paghihintay, hindi ko talaga ito mawari.  Simulan kong tanungin ang Diyos at talagang nagalit ako.

Iyon ang panahon na ako ay inilipat sa ibang pasilidad pagwawasto.  Sa pagtatapos ng serbisyo sa simbahan, nang lumapit ang chaplain para makipagkamay, napaudlot ako at umatras.  Siya ay isang taong puno ng Espirito, at ipinakita sa kanya ng Banal na Espirito na ako ay nasaktan.  Kinaumagahan, hiniling niya na makita ako.  Doon sa kaniyang tanggapan, habang nagtatanong siya tungkol sa nangyari sa akin at kung paano ako nasasaktan, nagsimula akong magtapat at sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nagbahagi.

Sa wakas, nasa labas ng bilangguan at nasa panariling pagpapalakas, sinimulan kong maghanapbuhay at unti-unting ako ay nagkaroon ng panibaging buhay nang makilala ko si Steven.  Nagsimula akong lumabas kasama siya, at kami ay nagdalantao.  Naaalala kong ako’y  nasasabik tungkol dito. Dahil nais niyang ito ay maisaayos, kami ay nagpakasal at nagsimulang magbuo ng pamilya.  Iyon ang nagsilbing hudyat ng simula ng marahil pinakamasamang 17 taon ng aking buhay, na binigyang tanda ng kanyang pisikal na pagmamalabis at pagtataksil at ang pagpapatuloy na hikayat ng droga at krimen.

Sasaktan pa nga nya ang mga anak namin, at minsan ay nagdulot ito sa akin ng pagkapoot —gusto ko siyang barilin.  Sa sandaling iyon, nadinig ko ang mga talatang ito: “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” (Roma 12:19) at “Ipagtatanggol kayo ng Panginoom.” (Exodo 14:14), at iyon ang nag-udyok sa akin na siya’y bigyang laya.

Hindi Kailanman Salarin

Hindi ko kailanman nakayang maging salarin nang matagal; dadakpin lang ako ng Diyos at sisikaping ibalik ako sa landas.  Sa kabila ng Kanyang paulit-ulit na pagsisikap, hindi ako nabubuhay para sa Kanya.  Palagi kong pinipigilan ang Diyos, kahit alam kong nandiyan Siya.  Matapos ang sunud-sunod na pagdadakip at pagpapalaya, ako ay nakauwi din sa wakas noong 1996 nang totohanan. Nakipag-ugnayan akong muli sa Simbahan at sa wakas ay nagsimulang magbuo ng isang tunay at tapat na pakikipag-ugnayan kay Hesus. Ang Simbahan ay unti-unting naging buhay ko; hindi kailanman ako nagkaroon ng ganoong uri ng pakikipag-ugnayan kay Hesus.

Hindi mapawi ang pagkalugod ko dito sapagkat nasimulan kong makita na hindi dahil sa mga bagay na aking nagawa kundi kung sino ako kay Kristo ang syang magpapanatili sa akin sa daang ito.  Subalit, nangyari ang tunay na pagbabalik-loob sa Tulay sa Buhay*.

Paanong Hindi Ko Gagawin?

Bagamat hindi ako naging kalahok sa programa bilang isang nagkasala, ang maisakatuparan ang maliliit na grupong iyon ay isang pagpapalang hindi ko inaasahan—isang pagpapala na makakapagpabago sa aking buhay sa magagandang paraan.  Nang madinig ko ang iba pang mga babae at lalaki na magbahagi ng kanilang mga kuwento, may isang bagay na nag-click sa loob ko.  Pinatunayan nito sa akin na hindi lang ako at hinikayat akong maging kapuna-puna muli’t muli.  Pagod ako at hapong hapo sa trabaho, pero maglalakad ako papasok sa mga bilangguan at muling napapasigla dahil alam kong doon ako nararapat.

Ang Tulay Sa Buhay ay tungkol sa pagkakatuto na mapatawad ang iyong sarili; ang pagtulong sa iba ay hindi lamang nakatulong sa akin na maging buo, nakatulong din ito sa akin na gumaling…at ako’y nagpapagaling pa din.

Una ay ang aking ina.  Siya ay nagka cancer, at iniuwi ko siya; Inalagaan ko hanggat sa siya ay nanatili hanggang sa siya’y mapayapang yumao sa aking tahanan.  Nang 2005, ang cancer ng aking ama ay nagbalik, at ipinagpalagay ng mga manggagamot na mayroon siyang hindi hihigit sa anim na buwan.  Iniuwi ko din siya.  Sinabihan ako ng lahat na huwag kunin ang lalaking ito matapos ang ginawa niya sa akin.  Tinanong ko: “Paanong hindi ko gagawin?” Pinatawad ako ni Hesus, at pakiramdam ko’y nais ng Diyos na gawin ko ito.

Kung pinili kong pang maghinanakit sa aking mga magulang dahil sa pagpapabaya at pang-aabuso, hindi ko alam kung maibibigay nila ang kanilang buhay sa Panginoon.  Sa pagbabalik-tanaw pa lang sa aking buhay, nakikita ko kung paano ako patuloy na tinutugis ni Hesus at sinisikap na ako’y tulungan.  Labis kong nilalalabanan na maramdaman kung ano ang bago, at napakadaling manatili sa kung ano ang maginhawa, ngunit nagpapasalamat ako kay Hesus na sa katapusan ay ganap akong sumuko sa Kanya.  Siya ang aking Tagapagligtas, Siya ang aking bato, at Siya ang aking kaibigan.  Hindi ko mapagtanto ang buhay na wala si Hesus.

* Isang panukalang nakabatay sa pananampalataya, na naglilingkod sa kapwa biktima at nagkasala, na nakatuon sa nakakapagpabagong kapangyarihan ng pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos

Share:

Belinda Honey

Belinda Honey serves as the Regional Coordinator for Bridges to Life in Waco, Texas. Article is based on the interview given by Belinda on the Shalom World program “Jesus My Savior.” To watch the episode, visit: shalomworld.org/episode/from-prison-to-ministry-belinda-honey

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles