Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 23, 2024 116 0 Father Peter Hung Tran, Australia
Makatawag ng Pansin

Walang-katumbas na mga Melodiya

Kadalasan, kailangan ng isang maestro upang tulungan ang isang instrumento na tumugtog ng magagandang mga melodiya.

Ito ay mahigpit na kompetisyon sa mga mamimili na nakikipag kompetensya upang malampasan ang bawat isa para sa lahat ng bagay na inaalok. Sabik nilang kinuha ang lahat ng mga bagay dahil nagsasara na ang subasta ngunit maliban sa isang solong bagay—isang lumang biyolin.

Dahil gustong makahanap ng bibili, hinawakan ng nag-susubasta ang instrumentong kwerdas at inalok ang inaakala niyang kaakit-akit na presyo: “Kung may interesado, ibebenta ko ito sa halagang $100.”

Napuno ng nakamamatay na katahimikan ang silid.

Dahil naging maliwanag na kahit na ang presyong iyon ay hindi sapat upang kumbinsihin ang sinuman na bumili ng lumang biyolin, binawasan niya ang presyo sa $80, pagkatapos ay $50, at sa wakas, dahil sa desperasyon, sa halagang $20 na lamang. Pagkatapos ng isa pang matinding katahimikan, isang matandang ginoo na nakaupo sa likuran ang nagtanong: “Maari ko bang tingnan ang biyolin, pakiusap?” Ang taga subasta, na gumaan ang loob dahil sa may nagpapakita ng interes sa lumang biyolin, ay pumayag. Kahit papano ang may kwerdas na instrumento ay nahaharap sa pag-asam ng paghahanap ng isang bagong may-ari at tahanan.

Hipo ng Isang Maestro

Tumayo ang matanda mula sa kanyang upuan sa likuran, dahan-dahang naglalakad papunta sa harapan, at maingat na sinuri ang lumang biyolin. Kinuha niya ang kanyang panyo, pinunasan niya ang alikabok sa ibabaw at dahan-dahang idiniin ang bawat kwerdas hanggang sa, isa-isa, nasa tamang tono na ang mga ito.

Sa bandang huli at pagkatapos nito, inilagay niya ang lumang biyolin sa pagitan ng kanyang baba at kaliwang balikat, itinaas ang panghilis gamit ang kanyang kanang kamay, at nagsimulang tumugtog ng isang piraso ng musika. Ang bawat musikal na nota mula sa lumang biyolin ay tumagos sa katahimikan sa buong silid at masayang sumayaw sa hangin. Nagulat ang lahat, at nakinig silang mabuti sa kung ano ang lumalabas sa instrumento sa mga kamay ng kung ano ang halata sa lahat- ay isang maestro.

Tumugtog siya ng isang pamilyar na klasikong himno. Napakaganda ng melodiya na mabilis na nabighani ang lahat sa subasta at sila ay namangha. Wala pa silang narinig o nasaksihan man lang na tumutugtog ng musika ng napakaganda, lalo pa at ito’y lumang biyolin. At hindi nila inakala na kahit sa isang sandali ay makukuha nito ang kanilang pagkahumaling sa bandang huli sa pagpapatuloy ng subasta.

Matapos siyang tumugtog ay mahinahong ibinalik ang biyolin sa taga subasta. Bago pa man tanungin ng taga subasta ang lahat ng nasa silid kung gusto pa ba nilang bilhin ito, nagmamadali na ang pagtaas ng mga kamay. Biglang gusto ito ng lahat pagkatapos ng walang paghahanda na dalubhasang pagganap. Mula sa isang hindi gustong bagay kanina, ang lumang biyolin ay biglang naging pokus ng pinakamatinding kompetisyon sa pagtatawaran ng subasta. Mula sa panimulang tawad na $20, ang presyo ay agad na tumaas hanggang $500. Ang lumang biyolin ay nabili sa huli sa halagang $10,000, na 500 beses na mas mataas kaysa sa pinakamababang presyo nito.

Kamangha-manghang Pagbabago

Tumagal lamang ng 15 minuto para mabago ang lumang biyolin mula sa isang bagay na walang may gusto ngunit naging bituin ng subasta. At kinailangan ang isang maestro na musikero upang iayos ang mga kwerdas nito at tumugtog ng magandang himig. Ipinakita niya na ang mukhang hindi kaakit-akit sa labas sa totoo ay talagang isang maganda at hindi mabibiling kaluluwa sa loob ng instrumento.

Marahil, tulad ng lumang biyolin, ang ating buhay ay karaniwang tila walang halaga sa simula. Ngunit kung ibibigay natin sila kay Hesus, na siyang maestro sa lahat ng maestro, sa gayon Siya ay makakatugtog ng magagandang kanta sa pamamagitan natin at ang kanilang mga himig ay lalong magpapasindak sa mga tagapakinig. Ang ating buhay, sa gayon, ay kukuha ng atensyon ng mundo. Ang bawat tao pagkatapos ay nais na makinig sa musika na ginawa Niya mula sa ating buhay.

Ang kuwento ng lumang biyolin na ito ay nagpapaalala sa akin ng sarili kong kuwento. Ako ay metaporikal na katulad ng lumang biyolin na iyon at walang nag-iisip na ako ay magiging kapaki-pakinabang o maaaring gumawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa aking buhay. Tinignan nila ako na parang wala akong halaga. Gayunpaman, naawa si Jesus sa akin. Lumingon siya, tumingin sa akin, at tinanong ako: “Peter, ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay?” Sabi ko: “Guro, saan ka nakatira?” “Halika at tingnan mo,” sagot ni Jesus. Kaya’t naparito ako at nakita ko kung saan Siya nakatira, at nanatili akong kasama Niya. Noong nakaraang ika-16 ng Hulyo, ipinagdiwang ko ang ika 30 anibersaryo ng aking ordenasyon sa pagkapari. Upang malaman at maranasan ang dakilang pagmamahal ni Jesus para sa akin…paano ko Siya mapasasalamatan nang sapat? Ginawa niyang bago ang lumang biyolin at binigyan ito ng malaking halaga.

Panginoon, nawa’y ang aming mga buhay ay maging Iyong instrumentong pangmusika, tulad ng lumang biyolin na iyon, upang makalikha kami ng magagandang musika na maaaring kantahin ng mga tao magpakailanman, nagbibigay ng pasasalamat at papuri sa Iyong kamangha-manghang pag-ibig.

Share:

Father Peter Hung Tran

Father Peter Hung Tran has a doctorate in Moral Theology, and is currently working at the University of Western Australia and St Thomas More College as a Catholic Chaplain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles