Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Sep 09, 2024 101 0 Deacon Doug McManaman, Canada
Magturo ng Ebanghelyo

Tumibok ang Puso Ko Para sa Iyo

Napatingin ka na ba sa mga mata ng isang tao nang may walang hanggang pagtataka, umaasa na hindi na lilipas ang sandaling iyon?

“Magsaya ka palagi. Manalangin ng walang humpay. Sa lahat ng pagkakataon ay magpasalamat ka.” (1 Tesalonica 5:16-18)

Ang pinakamahalagang tanong na tinatanong ng mga tao ay: “Ano ang layunin ng buhay ng tao?” Sa pakikipagsapalaran na magmukha itong sobrang pagpapasimple ng katotohanan, sasabihin ko at madalas kong sabihin ito mula sa pulpito: “Ang buhay na ito ay tungkol sa pag-aaral kung paano manalangin.” Tayo ay nagmula sa Diyos at ang ating kapalaran ay upang bumalik sa Diyos, at ang pagsisimula ng panalangin ay nagsimula ng gumawa ng ating daan pabalik sa Kanya. Sinasabi sa atin ni San Pablo na lawakan pa, iyon ay, ‘manalangin ng walang humpay’. Ngunit paano natin gagawin iyon? Paano tayo nananalangin ng walang humpay?

Naiintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng pagdarasal bago ang Misa, pagdarasal bago kumain, o pagdarasal bago tayo matulog, ngunit paano nagdadasal nang walang tigil? Ang dakilang espirituwal na klasikong The Way of a Pilgrim, na isinulat ng isang hindi kilalang magsasaka na Ruso noong ika-19 na siglo, ay tumatalakay sa mismong tanong na iyon. Nakatuon ang gawaing ito sa Panalangin ni Hesus: “Panginoong Hesu-Kristo, Anak ng Diyos, maawa ka sa akin, na isang makasalanan.” Ang mga nasa ritwal sa Silangan ay paulit-ulit na nagsasabi nito gamit ang isang lubid sa pananalangin, na parang rosaryo, ngunit may 100 o 200 na mga buhol ang iba ay may 300 mga buhol.

Nagniningas na Kandila

Malinaw naman na, hindi maaaring palaging sinasabi ng isang tao ang panalanging iyon, halimbawa kapag may kausap tayo, o sa isang pulong, o gumagawa sa ilang proyekto…Kaya paano ito gumagana? Ang layunin sa likod ng patuloy na pag-uulit na ito ay upang lumikha ng isang kaugalian sa kaluluwa, isang disposisyon. Hayaan mong ikumpara ko ito sa isang taong may disposisyon sa musika. Ang mga may talento sa musika ay halos palaging may isang kanta na naglalaro sa likod ng kanilang isipan, marahil isang kanta na narinig nila sa radyo, o isang kanta na kanilang ginagawa kung sila ay mga musikero. Ang kanta ay wala sa unahan ng kanilang isipan kundi nasa likuran.

Katulad nito, ang manalangin ng walang tigil ay ang pagdarasal sa likod ng isipan ng isang tao, palagi. Nabuo ang hilig sa panalangin bilang resulta ng patuloy na pag-uulit ng panalanging ito: “Panginoong Hesu-Kristo, Anak ng Diyos, maawa ka sa akin, na isang makasalanan.” Ngunit ang parehong bagay ay maaaring mangyari para sa mga nagdadasal ng Rosaryo ng madalas: “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kangpinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na, si Hesus. Santa Maria, Inang Diyos, ipanalangin mo po kaming mga makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay.”

Ang nangyayari ay sa kalaunan, ang aktwal na mga salita ay hindi na kailangan dahil ang mismong kahulugan na ipinapahayag ng mga salita ay naging isang ugali na nakatatak sa subconscious, at kaya bagaman ang isip ay maaaring abala sa ilang bagay, tulad ng pagbabayad ng bill sa telepono o pamimili. o pagsagot ng isang mahalagang tawag sa telepono, ang kaluluwa ay nagdarasal sa likuran, nang walang mga salita, tulad ng isang kandila na patuloy na nagniningas. Doon na tayo nagsimula na manalangin ng walang tigil. Nagsisimula tayo sa mga salita, ngunit sa huli, lumalampas tayo sa mga salita.

Panalangin ng Kababalaghan

Mayroong iba’t ibang uri ng panalangin: ang panalangin ng petisyon, panalangin ng pamamagitan, panalangin ng pasasalamat, panalangin ng papuri, at panalangin ng pagsamba. Ang pinakamataas na uri ng panalangin na ang bawat isa sa atin ay tinawag na makamit ay ang panalangin ng pagsamba. Sa mga salita ni Padre Gerald Vann, ito ang panalangin ng kababalaghan: “Ang matahimik, walang salita na titig ng Pagsamba, na nararapat sa kasuyo. Hindi ka nagsasalita, hindi abala, hindi nag-aalala o nababalisa; wala kang hinihiling: tahimik ka, kasama ka lang, at may pagmamahal at pagtataka sa puso mo.”

Ang panalanging ito ay mas mahirap kaysa sa maaari nating paniwalaan. Ito ay tungkol sa paglalagay ng sarili sa presensya ng Diyos, sa katahimikan, pagtutuon ng lahat ng ating atensyon
sa Diyos. Ito ay mahirap, dahil sa kung ano ang mangyayari ng biglaan tayo ay nagulo na ng lahatng uri ng mga pag-iisip, at ang ating atensyon ay hihilahin sa ganito at ganoong paraan, nang hindi natin namamalayan. Kapag namalayan na natin ito, gayunpaman, kailangan lang nating ituon muli ang ating atensyon sa Diyos, na nananahan sa Kanyang presensya. Ngunit, sa loob lamang ng isang minuto, ang isip ay aalising muli, dahil sa gulo ng mga kaisipan.

Dito napakahalaga at nakatutulong ang mga maikling panalangin, tulad ng panalangin ni Hesus, o isang maikling parirala mula sa Mga Awit, tulad ng “Dumating ang Panginoon upang ako ay Kanyang tulungan, Panginoon magmadali kang tulungan ako,” (Awit 69:2) o “Sa iyong mga kamay, inihahabilin ko ang aking espiritu.” (Awit 31:6) Ang mga maikling pariralang ito na inuulit ay makatutulong sa atin na makabalik sa interiyor na pananahanan sa loob. Sa patuloy na pagsasanay, ang isang tao sa bandang huli ay makakaya ang panahanan sa katahimikan, sa presensya ng Diyos sa abot kaya sa loob ng mahabang panahon nang walang kaguluhan. Ito rin ay isang uri ng panalangin na nagdudulot ng napakalaking pagpapagaling sa subconscious. Marami sa mga pag-iisip na lumalabas sa panahong ito ay kadalasang hindi gumaling na mga alaala na nakaimbak sa subconscious, at ang pagsasanay na iwanan ang mga ito ay nagdudulot ng malalim na pagpapagaling at kapayapaan; sapagka’t ang karamihan sa ating pang-araw-araw na buhay ay hinihimok ng mga hindi gumaling na alaala na mga ito ng di namamalayan, kaya’t kadalasan ay may malaking kaguluhan sa panloob na buhay ng mga mananampalataya.

Isang Mapayapang Paglisan

Mayroong dalawang uri ng mga tao sa mundong ito: ang mga naniniwala na ang buhay na ito ay isang paghahanda para sa buhay na walang hanggan, at ang mga naniniwala na ang buhay na ito ay hanggang dito lamang at lahat ng ating ginagawa ay paghahanda lamang para sa pamumuhay sa mundong ito. Marami akong nakitang tao sa ospital nitong mga nakaraang buwan, mga taong nawalan ng kakayahang kumilos, na kailangang gumugol ng ilang buwan sa kama sa ospital, marami sa kanila ang namatay pagkatapos ng mahabang panahon.

Para sa mga walang interiyor na buhay at hindi nalinang ang ugali ng pagdarasal sa buong buhay nila, ang mga huling taon at buwan na ito ay kadalasang napakasakit at hindi kasiya-siya, kaya naman naging mas popular ang euthanasia. Ngunit para sa mga may masaganang interiyor na buhay, yaong mga gumamit ng oras sa kanilang buhay upang maghanda para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-aaral na manalangin ng walang tigil, ang kanilang mga huling buwan o taon, marahil sa isang kama sa ospital, ay matitiis. Ang pagbisita sa mga taong ito ay kadalasang isang kagalakan, dahil may mas malalim na kapayapaan sa kalooban nila, at sila ay nagpapasalamat. At ang kahanga-hangang bagay tungkol sa kanila ay ang hindi nila paghiling na ma-euthanize. Sa halip na gawin ang kanilang pangwakas na akto bilang isang paghihimagsik at pagpatay, ang kanilang kamatayan ay naging kanilang huling panalangin, isang pangwakas na handog, isang sakripisyo ng papuri at pasasalamat para sa lahat ng kanilang mga natanggap sa buong buhay nila.

Share:

Deacon Doug McManaman

Deacon Doug McManaman is a retired teacher of religion and philosophy in Southern Ontario. He lectures on Catholic education at Niagara University. His courageous and selfless ministry as a deacon is mainly to those who suffer from mental illness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles