Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 603 0 Graziano Marcheschi, USA
Makatawag ng Pansin

TULONG MULA SA HINDI MAABOT

Kung minsan, ang mga maliliit na himala ang syang nakakapagpalakas ng ating pananampalataya at naghahanda sa atin sa mga gipit na sandali sa ating buhay.

Sa kalagitnaan ng edad 20 at 30 taon, nang kami ng aking maybahay ay kasalukuyang nagninilay sa tawag na lumipat  sa Eureka Springs, Arkansas mula Chicago kasama ng mga kasapi ng Katolikong Charismatic na pamayanan, nagpasya kaming suriin ang Eureka upang makita kung anong uri ng tirahan ang meron doon. Dalawa sa mga kasapi ng aming pamayanan ang nag-saayos na makita namin ang lugar.  Makaraan ang isang linggo, nasasabik tungkol sa kinabukasan namin sa kaakit-akit na bayan, sinimulan namin ang aming pagbalik sa Chicago upang gawin ang mga nalalabing paghahanda para sa paglipat sa mga bundok ng Ozark.

Mga Pag-ikot at Pag-liko

Mga ilang oras sa aming  paglalakbay, napilitan kaming tumakbo o tumigil sa daan dahil sa problema sa makina.  Ang talyer ay may magandang balita -hindi ito malaking problema, at masamang balita -hindi nila makuha ang bahaging ipapalit hanggang sa susunod na araw.

Kinailangan naming kumuha ng isang silid sa isang malapit na motel.  Kinabukasan, nang maayos na ang sasakyan, humayo kami na medyo magaan ang bulsa, kung pera ang pag-uusapan.  Napunta halos sa silid ng motel at sa pagpapaayos ng sasakyan ang lahat halos ng aming pera.  Ni halos hindi sapat para sa pagkain, at dahil nagdadalantao si Nancy, ang paglaktaw sa pagkain ay hindi maaari.  Wala akong mga kredit kard nang panahong iyon.

Naglalayag kami sa kalsada nang pahintuin kami ng isang pulis ng estado.  Pinara niya kami, kasama ang limang iba pang mga sasakyan, dahil sa mabilis na pagmamaneho.  Isa-isa, pinatabi kami sa gilid ng kalsada, habang naghihintay sa aming mga tiket.  Wala akong alam tungkol sa pagbabayad sa singil ng tiket sa labas ng sarili kong probinsya, o lalo pa, kung paano makipagtalo sa halaga ng multa.  Magalang na sinabi ng opisyal, “Maaari kang pumunta sa korte kung nais mo.  Lumabas ka sa susunod na labasan, sundan ang mga palatandaan patungo sa korte, at makikita mo ito.”

Paggunita

Isang taon bago nito, isang naantalang pulot-gata ang nagdala sa amin ni Nancy sa Italianong bayan na sinilangan ko.  Papunta doon, tumigil kami sa Assisi upang dalawin ang aming mga itinatanging santo, sina Francis at Clare.  Sa basilica ng Santa Chiara (pangalan ni Clare sa Italyano) nakita namin ang kanyang totoong ginintuang dilaw na buhok na napanatili sa isang lalagyan na yari sa salamin. Humarap sa akin si Nancy at sinabing, “Kung magkakaroon tayo ng isang anak na babae, nais kong pangalanan siya ng Chiara.”  Taos-puso akong sumang-ayon at inasahan ang araw na magkaroon ng kapangalan si St. Clare sa aming pamilya.

Nang palapit na kami sa labasan, alam na hindi namin mababayadan ang ticket sa trapiko, tumawag kami ni Nancy kay Santa Chiara. “Mahal na St. Clare,” dasal namin, “tulungan mo kaming makaligtas sa pagbabayad ng tiket na ito.  Paki tulungan mo po kami.”  Pabiro ko pang idinagdag, “St Clare, talagang papangalanan namin ang aming sanggol tulad ng sa iyo … kahit pa lalaki ito!”

Agad-agad, nakita namin ang karatulang nagtuturo patungo sa bayan.  Hindi kami makapaniwala sa aming nakita.  Hindi nasabi sa amin ng opisyal na pinapapunta niya kami ng St Clair, Missouri!  Kamakailan ko lamang natutunan na ito ay pinangalanan para sa isang heneral ng Rebolusyonaryong Digmaan. Ngunit nakita ng aming mga walang muwang na mata ang “St” na sinundan ng “Clair” at napunan ni St. Clare ang aming mga puso.  Hindi namin napansin ang pagkakaiba sa pagbaybay ng ipinapalagay namin na pangalan ng aming minamahal na santo.  Ang bayang ito na may 4,000 na mamamayan sa American Bible-belt, naisip namin, ay pinangalanan para sa santo ng Assisi!  Labis ang kagalakan, naniwala kaming maayos ang pagkapili namin na bumaling sa aming mahal na Chiara.

Pagpapagaan

Nagmamadali akong tumungo sa korte, umaasang maunahan ko ang ibang mga tsuper para mapakiusapan ko ang hukom na bigyan ako ng awa, ngunit kaagad na silang nagparadahan katabi namin.  Nang tanungin ng kawani ng korte kung paano ko nais bayadan ang aking multa, sinabi ko na sa palagay ko ay hindi mabilis ang pagmamaneho ko at hiniling kung maari kong makausap ang hukom. Bagaman nagulat, sinabi niya na maari at tumango sa isang lalaking nakaupo sa katapat na mesa. Habang kumukuha siya ng isang mahabang itim na balabal mula sa katabing sabitan ng sombrero, sinenyasan kami ng kawani patungo sa hukuman kung saan nakaupo  ang lalaking nakabihis na ng pang-hukom.

Tinawag niya ang unang ‘mabilis magmaneho’.  Iginiit niya na hindi siya nagmamadali at sa aking kagalakan, naisip kong ang hukom ay mapag-unawa, sumasang-ayon pa sya na kung minsan ay nagkakamali ang mga opisyal ng pulisya at ang mga inosenteng tagamaneho ay napagkakamaliang mabigyan ng tiket.  Lumakas ang loob ko hanggang sa sinabi niya, “ngunit siya ang opisyal ng pulisya at dapat kong tanggapin anuman ang sinabi nya. Ang iyong multa ay pitumpu’t limang dolyares.”

Sinubukan ng pangalawang akusado ang kabaliktaran na pamamaraan;  ipinaliwanag niya nang buong katamisan at kabaitan na ang mabuting opisyal ay tiyak na nagkamali.  Muli, pinakinggan sya ng hukom, umayon na ang mga opisyal ay hindi perpekto at kung minsan kahit na ang kagamitan sa radar ay nagkakamali.  Ngunit muli, bumaliktad siya at nagpapaalala sa amin na ang pulis ay hinirang na opisyal ng batas. Ang multa niya ay walumpu’t limang dolyar.

Ako ang sumunod at sinimulan ko sa isang katanungan. “Ang iyong karangalan, maari bang mapagpasyahan dito ngayon na ako at hindi nagkasala?” “Ah hindi,” sagot niya. “Sinabi ng kawani na nais mong makipag-usap sa hukom, kaya masaya akong makinig.  Ngunit hindi, hindi kita mapagpapasyahan na hindi nagkakasala.  Kakailanganin natin ang isang paglilitis para dyan.”

Lumabas na ang mga pagpipilian ko lamang ay ang magmatuwid na nagkasala at bayadan ang aking multa o mangatwiranan na hindi nagkasala at bayadan ang aking multa.  Hindi ako makakaalis nang hindi nagbabayad ng multa.  Kung nais ko ng isang paglilitis, kailangan kong bumalik sa St. Clair.

Kapag Naligaw Nang Walang Kapag-a-pag-asa

“Kami ng aking asawa ay lilipat dito sa Setyembre,” sinabi ko sa kanya.  “Handa akong bumalik para sa isang paglilitis.”  Ang anyo sa kanyang mukha ang nagsabi sa akin na gumaganda ang aking pag-asa.  Ngunit biglang tumayo si Nancy, naka-usli ang kanyang malaking tiyan, at malakas na nagwika para madinig ng lahat, “Naku, Mahal, huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya. Wala siyang pakialam sa atin.  Wala siyang pakialam na nasira ang ating sasakyan at ginugol natin ang lahat ng ating pera sa silid ng motel at mga gastos sa pagpaayos ng sasakyan.  Huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya, gusto lang niya ang pera natin.”  Sinikap kong  patigilin sya sa kanyang panaghoy, siya ay nagpatuloy.

Nang lumingon ako sa hukom, kumbinsido na ang aking pag-asa ay naglaho na, sumenyas siya sa akin na lumapit sa hukuman.  Nang papalapit na ako, tinanong niya, “balak mong lumipat sa lugar na ito?”

“Oo, iyong karangalan.  Lilipat kami sa Eureka Springs sa Setyembre. ”

Umabot siya sa loob ng kanyang kadamitan hangang sa bulsa ng kanyang pantalon at naglabas ng isang tarheta.  Iniabot ito sa akin at nagsabing, “Sa susunod na madaan ka sa St. Clair, tawagan mo ako.”

Nakatayo ako doon, hindi malaman kung ano ang gagawin. Sumenyas siya na lumakad na ako. Hindi ko pa din maintindihan.  Muli siyang sumenyas, mas masidhi. Pansamantala, dahan-dahan kaming lumisan ni Nancy sa korte.

Habang papalapit, nagtanong ang klerk, “Ano ang sinabi ng hukom?”

“Sinabi niya sa akin na sa susunod na madaan kami sa bayan ng St Clair, dapat ko siyang tawagan.”

Mukha siyang naiinis.  “Ano ang multa mo?” tanong niya.

“Hindi niya ako binigyan,” sabi ko.

Siya ay nagulumihanan na tulad ko. “Hindi pa ito nangyari,” aniya. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa tiket mo.”  Tumingin siya sa amin; “Ok, palagay ko maaari ka nang umalis.” ️

Sumakay kami ni Nancy sa sasakyan na di makapaniwala, gulát sa nangyari.

Ngunit alam namin kung sino ang dapat pasalamatan.  Kapag bata pa tayo at mahina pa ang pananampalataya, madalas tayong basbasan ng Diyos ng maliliit na palatandaan, tulad nito, na nagpapalakas sa ating pananampalataya at inihahanda tayo sa mga hamon na hindi maiiwasang sa ating buhay.  Nakatanggap kami ni Nancy ng mardaming maliliit na palatandaan sa mga unang araw namin sa Panginoon.  Nahikayat kami ng mga ito na ang Diyos ay nagmamalasakit kahit na sa mas maliliit na mga bagay sa buhay -hindi lamang kanser o atake sa puso, hindi lamang sa remata o nawalang hanapbuhay.  At ginagamit ng Diyos ang mga matapat sa Kanya, ang mga Santo, upang maging mga lagusan ng Kanyang biyaya.  Habang umuunlad tayo sa Panginoon at lumalago ang ating pananampalataya, maaari tayong makakita ng ilan-ilan na lamang na mga palatandaan sapagkat ang mga nauna ay nakapagtayo na ng isang matatag na pundasyon ng pananampalataya na upang makaya natin na “mamuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita (o mga palatandaan)” (2 Corinto 5: 7).

Ngunit sa araw na iyon, matagal na, sa isang bayan na tiyak kaming pinangalanan sa kaniya, nagdasal kami na tulungan kami ni Santa Chiara.  At wala kaming alinlangan na ginawa niya ito. Lumipas ang limang buwan, isinilang ang anak naming babae sa ospital sa Eureka Springs, Arkansas.  Siya ay bininyagang Chiara Faith.

Share:

Graziano Marcheschi

Graziano Marcheschi serves as the Senior Programming Consultant for Shalom World. He speaks nationally and internationally on topics of liturgy and the arts, scripture, spirituality, and lay ecclesial ministry. Graziano and his wife Nancy are blessed with two daughters, a son, and three grandchildren and live in Chicago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles