Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jan 24, 2025 38 0 Ellen Hogarty, USA
Makatawag ng Pansin

Tulad ng Bakal na Nagpapatalim ng Bakal

May tao ka bang hindi makasundo na halos di mo na alam ang gagawin? Si Ellen ay may hindi kinakalawang na aserong aralin na iniaalok.

Kung saan ako nakatira sa timog kanlurang disyerto ng Estados Unidos, mayroon kaming karaniwan na pag ulan ng 7 pulgada sa isang taon, kaya umaasa kami sa pagkuha ng aming tubig mula sa isang malalim na balon. Kinailangan ng mga naghuhukay ng balon na magbutas ng 600 talampakan sa lupa para makahanap ng tubig sa aming ari-arian. Ligtas itong inumin, at lubos kaming nagpapasalamat na mayroon itong pinagmulan, ngunit ito ay napakahirap na tubig na puno ng mineral. Dahil dito, nag iiwan ito ng latak magsakaltsiyum sa lahat ng ating mga tubo, mga nakakabit sa lababo, at sa mga ulo ng dutsa.

Tuwing may isang magpapakulo ng tubig, isang puti at parang tsok ang naiiwan na bumabalot sa palayok. Kung hindi ito makukuha o maaalis ng pagkukuskos, papatong at dadagdag ang susunod na mga maiipon na parang tsok sa bawat kasunod na pagpapakulo hanggang sa magkaroon ng isang makapal na patong ng magsakaltsiyum na mineral na kinakailangang gumamit ng isang pait upang alisin ito at isang napaka hirap at maraming trabaho upang matanggal ito. Natutuhan namin sa paglipas ng mga taon na gumamit lamang ng hindi kinakalawang na asero o kast na yar isa bakal na lutuan para makuskos namin nang husto para matanggal ang mineral na naipon. Sa bawat lababo sa kusina, may panguskos na hindi kinakalawang na asero na ginagamit naming para sa layuning ito dahil, tulad ng sinasabi ng isa sa mga miyembro ng komunidad dito: “Maaarimo lamang linisin ang hindi kinakalawang na asero ng hindi kinakalawang na asero.”

Minsan kapag ginagawa ko ang mga kaldero at kawali, naiisip ko ang kasabihang nagsasabing: “Tulad ng bakal na nagpapatalim ng bakal, at ang isang tao na nagpapatalim ng mga talino ng iba.” (Kawikaan 27:17) Iniisip ko kung paano ginagamit ng Diyos ang mahihirap na tao sa ating buhay upang linisin tayo at kinisin ang ating magaspang na mga gilid. Isang pari ang minsang nagsabi: “Kung nais mong maging Santo: asahan mong may makakasama ka sa pamumuhay na mahirap pakisamahan” Dapat mong asahan ang ganoong uri ng pagdurusa at gawin ang lahat ng pagsisikap na magmahal.”

Mga Aral na Pinaghirapan

Naalala ko ang isang taong kinailangan kong makatrabaho ng matagal. Hindi niya ako nagustuhan at nagsasalita siya ng masama tungkol sa akin sa aking likuran. Siya ay masungit at sumpungin at mahirap para sa akin na mahalin. At aaminin ko, hindi ko rin naman nagawa ang pagiging mapagmahal sa kanya. Ang kanyang pag uugali ay nagpalabas ng ilan sa mga pangit at kasalanan sa aking puso, at ako ay nagmaktol at nagreklamo tungkol sa kanya sa ilan sa aking pinakamalapit na mga kaibigan.

Matapos ang mahabang panahon nito, sinimulan kong ipagdasal ang sitwasyon. Nadama ko na sinasabi sa akin ng Panginoon na may ilang aral siyang ituturo sa akin sa mahirap na relasyong ito kung bukas ako sa pakikinig sa mga ito. Nang sikapin kong makinig sa Diyos sa mga sumunod na linggo, nagulat ako nang mapagtanto ko na ginagamit ng Panginoon ang taong ito para gawin ako! Naisip ko noon pa man na ang taong ito ang problema at kailangan ng seryosong trabahuhin ng Diyos. Ngunit sinasabi sa akin ng Panginoon sa aking panalangin: “Tigilan mo na ang pagtuon sa kanyang mga pagkakamali. Ako na ang bahala sa kanya. Tayo, ikaw at ako, kailangang magtrabaho para sa ilan sa iyong mga pagkukulang.” Napaka pagpakumbaba, di man sabihin.

“Kung paanong ang bakal ay nagpapatalim ng bakal, gayon din naman ang isang tao ay nagpapatalim sa isa pa.” Habang mas malinaw kong nakita na ginagamit ng Panginoon ang taong ito upang palinawin ang ilan sa aking pagiging makasalanan upang maikumpisal ko ito at baguhin ang aking sarili, binago nito ang paraan ng pakikipag ugnayan ko sa lalaki. Unti unti kong sinimulan ang pagbabago ng aking pag uugali at paraan ng pag iisip, at sa pagbabalik tanaw ko ngayon, nakikita ko na naging mas mahusay at mas mabait akong tao dahil sa relasyong iyon.

Isipin ang isang tao na mahirap para sa iyo na makasundo ngayon. Dalhin ito sa panalangin at hilingin sa Panginoon ang Kanyang pananaw tungkol dito. Nakikita Niya ang buong sitwasyon at alam Niya ang mga kailangang mangyari. Bibigyan ka Niya ng karunungan at ipakikita sa iyo ang daan pasulong. Pero baka magulat ka lang sa mga sagot ng Panginoon.

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles