Home/Makatawag ng Pansin/Article

Feb 24, 2025 22 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

Tanong at Sagot

T  –  Kamakailan lamang nitong taon, ang kapatid kong lalaki ay ikakasal ng palingkurang huwes sa ibang lalaki.  Ako’y napakalapit sa aking kapatid, ngunit alam ko na ang pag-aasawa ay para sa isang lalaki at isang babae.  Mapapayagan ba akong dumalo sa kanyang kasal?

–  Itong tanong ay nagiging malaganap na nakagigipit, pagkat napakarami sa ating mag-anak at mga kaibigan ay sinusunod ang mga pamumuhay na sumasalungat sa pinagtibay na layon ng Diyos para sa ating katuparan.

Ang ganitong uri ng pag-aalinlangan ay nakasasanhi ng lubusang pagkaligalig dahil nais nating mahalin ang ating mag-anak at maalalayan sila, kahit ayaw nating sumang-ayon sa mga kapasyahan nila.   Kasabay nito, hindi natin maaaring ipagkanulo ang alam nating totoo, sa paniwala natin na ang kalooban ng Diyos ay patungo sa mapananaligang kasiyahan.

Ang Katekismo ng Simbahang Katolika (Talataang 1868) ay tinatalakay ito kapag ang pag-uusapan ay hinggil sa mga paraan na tayo ay maaaring makipagtulungan sa makasalanang pasya ng isang tao.  Tayo ay sumasali sa kasalanan ng isang tao kung ‘pinupuri o sinasang-ayunan’ natin ang makasalanang gawain.  Sa lagay ng isang taong gumagawa ng pasya sa pamumuhay na laban sa ating pananampalatayang Katolika, ito’y magiging nauunawaang mali para sa atin na sa anumang paraa’y pararangalan o ipagdiriwang ang kapasyahang ito, na sa huli’y makasisira sa kaugnayan nila sa Diyos at  inilalagay ang kanilang kaligtasan sa panganib.

Kaya ano ang pinakamabuting paraan ng pagkilos?  Ipagbibilin ko na magkaroon ka ng matapat na pakikipag-usap sa iyong kapatid na lalaki.  Ibahagi mo ang iyong taos na pagamahal sa kanya, at ninanais mong ituloy ang ugnayang ito na manatiling malapit.  Kasabay nito, ipaalam mo sa kanya kung paano ang iyong pananalig at budhi ay tinuturuan ka na ikaw ay hindi makasasang-ayon sa mga bagay na alam mong hindi tama.  Huwag kang dadalo sa kasalan, magpadala ng handog, o parangalan siya, ngunit tiyakin na mapaalam sa kanyang nariyan ka pa rin para sa kanya.  Bigyang-diin na hindi dahil sa ‘suklam’ o ‘panghahamak’ kaya hindi ka makadalo sa kasalan, ngunit gawa ng matatag at walang-maliw na paniwalang ang Diyos ay nilikha ang pag-aasawa bilang isang bagay na banal para sa isang lalaki at isang babae.

Ito ay maaari o hindi maaaring magsanhi ng away o di-pagkakasundo sa inyong pamilya.  Ngunit hindi natin dapat malimutan kailanman na si Hesus ay nangako:  “Hindi magdadala ng kapayapaan, ngunit ng tabak.”  Sinabi Niyang dapat tayong sumunod sa Kanya higit pa sa anupamang kaugnayan, kasama na yaong sa pamilya at mga kaibigan.  Ito’y totoong isa sa Kanyang mga mabibigat na mga aral, ngunit ginugunita natin na ang katotohanan at pag-ibig ay hindi nagsasalungatan kailanman, at upang mamahal mo nang totoo ang iyong kapatid, dapat mong mahalin siya ayon sa katotohanan na ipinahahayag ni Kristo.

Kailanma’y huwag  malimutan, pati na rin, ang kapangyarihan ng pagdarasal at pag-aayuno.  Magdasal at mag-ayuno bago sa pakikipag-usap mo sa iyong kapatid upang ang kanyang puso ay maging bukás sa iyong mabuting kalooban, at magdasal at mag-ayuno pagkaraan ng pakikipag-usap nang sa gayo’y maranasan niya ang taimtim na pagbabagong-loob kay Kristo, na kung Sino lamang ang nakapagpapalugod ng makataong puso.

Huwag kang matakot sa pagpili mo kay Kristo bilang higit pa sa iyong kamag-anakan—kasama at sa pamamagitan ni Kristo–maging anuman ang pagtauli ng iyong kapatid.  Huwag kang matakot, ngunit ipagpatuloy ang magmahal sa katotohanan.

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles