Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2021 748 0 Brian Welsh
Makatagpo

Sino ang Iyong Idolong Bituwin?

Maging mabighani sa buhay ni Brian Welsh, sa pag babahagi niya ng kanyang paglalakbay na matagpuan ang Idolong Bituwin at kung paano radikal na nagbago ang kanyang buhay.

 Tumalon na Parang Usa

Noong ako ay bata pa, narinig ko ang Libro ni Isaias na binabasa, “Sino ang aking ipadadala?” “Sino ang sasama sa atin?” Mabilis kong itinaas ang aking kamay at binigkas kong, “Ipadala mo ako.”

Lumaki akoi sa isang bansa na mahal ang pangingisda at paglalaro ng football. Talagang mahusay ang pagpapalaki sa aking bilang Katoliko. Pagkatapos kong matanggap ang aking unang pagtanggap ng Komunyon isang umaga, nakaramdam ako ng matinding init ng apoy sa aking puso.  Pag dating na pagdating ko sa bahay, ay para akong isang usa na talon ng talon at masayang nagtatakbo patungo sa burol.  Ang pakiramdam ng Kapayapaan at Sigla ng Panginoon ay nag umapaw sa isang kanta “Ang Panginoon ay nagliiyab sa aking puso. Siya at ako ay iisa “

Sa aking pagtanda, nawala ang taglay na pagka walang muwang na pakiramdam na ang Panginoon ay nasa akin. Ako ay nabaling sa tukso. Nang ako ay nagsi silbing katulong sa altar, naging responsibilidad ko na dalhin ang mga nalikom na pera sa kumbento. Sabihin natin na “Ang kaunti ay para sa Panginoon Diyos, ang kaunti ay para sa kay Brian” para pambili ng ice cream.  Habang tumatanda ako, ang pag nanakaw ay tumitibay, kaya kapag may mga naiwanan bagay ay walang akong dalawang isip na kukunin ko ito kapag walang nakatingin.

Riple sa Kamay

Itinutuwid ako ng aking ama ngunit ako ay naghimagsik sa kanyang awtoridad. Nakaramdam ako ng galit at ito ay natangay sa aking paglalaro ng football. Ako ay naging marahas at mapaghiganti. Nabahala ang mga taong nakapaligid sa akin dahil sa pag tindi ng aking galit. May nag pahayag ng kaniyang pagkabahala sa akin at sumagot ako ng buong tapang “Hindi mo alam ang iyong sinasabi “

Isang gabi, sa aking hinanakit sa aking ama at nilagyan ko ng bala ang aking riple para barilin siya. Ngunit, sa pag alis ko sa aking silid, ay na pako ang aking paningin sa imahen ng Sagradong Puso ni Jesus.  Habang naka titig ako sa kanyang mata, nakaramdam ako ng pagkawala ng aking galit at tinanggal ko ang bala ng riple.

Ng namatay ang malapit kong kaibigan, si Andrew, ng cancer tinanong niya ako, “Sino ang Panginoon Diyos?” Wala aking maisagot, dahil lubusan ko nang nakalimutan ang pagmamahal ng Diyos sa atin at ang personal kong kaugnayan sa kanya.

Maaaring ang paglipat ko sa malaking siyudad ay makatulong na mapabuti ang mga bagay, ngunit lalo lang itong nagdulot ng pagkalungkot at mabillis na nawalan ng trabaho.  Ang kawalan laman ng aking buhay ay hinihigop ako pailalim, kaya ipinasiya ko na tapusin ito.   Walang makapag pupuno ng kawalng laman ng buhay, walang kaugnayan kanino man, walang karansan – hindi mabibili ng pera.  Malawak na napakasakit!  Sa isang saglit, ibinaling ko ang aking sarili sa pag biyahe sa Australia, nagnanakaw pa rin para ma sustinehan ang aking sarili.

Nagulat ni Lucia

Sa wakas, bumalik ako sa Panginoon Diyos at nagdasal. – “Panginoon Diyos, kailangan ko po ang iyong tulong.” Habang ako ay nakayuko, nakakita ako ng tindahan ng mga libro ng Katoliko. Ng pumasok ako sa tindahan ay nagdasal ulit ako “Panginoon, Kung mayroon pong libro dito na gusto niyo na basahin ko, ipakita nyo sa akin.” Habang nag titingin ako ng libro, may bumagsak na libro, pinulot ko at ibinalik ko sa lalagyan. Pangalawang beses na nahulog at ibinalik ko ulit.  Sa pang tatlong beses na bumagsak ang libro ay sa harapan ko. Malamang na ito ang ipina babasa sa akin ng Panginoon.  Nang aking baliktarin ang libro, ay ipinagisipan ko ang titulo – “Fatima sa mg salita ni Lucia.” Nagulat ako – “Ano ang Fatima at sino si Lucia?”

Binasa ko pa ulit ulit ang libro sa bahay.  Nanumbalik sa akin ang lahat ng ginawa kong kamalian.  Puno ng kalungkutan sa aking kasalanan, lumuhod ako at sumigaw sa Panginoon Diyos ng biyaya at awa sa kapatawaran.  Nangumpisal ako at sa oras na binanggit ng Pari ang kapatawaran, naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, at pag aalis ng kadiliman.

Mayroon par rin akong kailangan, ngunit sa halip na hanapin ko ito sa Simbahan Katoliko, ay napunta ako sa Simbahan Pentecostal.  Habang sa isang sermon tungkol sa pagmamahal ng Panginooin. Nang tinanong ng Pari kung sino ang may kailangan ng dasal na pumunta sa unahan. May naramdaman akong boses na nagsabi sa aking pumunta ka.

Nang tinanong ako ng Pastor kung ano ang gusto ko, wala akong masabi kung hindi ang pagmamahal ng Panginoon Diyos. Hinimok niya ako na buksan ang aking puso sa pagmamahal at awa ating Panginoon Diyos.   “Pumasok ka sa puso ko Jesus.  Maging aking Panginoon at Tagapagligtas.” Dahil ako ay nakapg sisi na at nag kumpisal na, handa na ang aking puso.  Nang isinara ko ang aking mata at humawak sa kamay ng Pastor at nagdasal ng taimtim, ang Espiritu Santo ay dumapo sa akin, pinuno ang kawalang laman sa aking katawan ng pagmamahal ng Panginoon Diyos.

Paghahanap ng Aking Tahanan

Nakapagbati kami ng aking ama at naunawan ko ngayon ang maging bilang ama. Bago siya namatay ng cancer, ibinahagi namin ang aming masasayang nakaraan at iniyakan naming ang aming hindi pag kakaunawaan.  Pag katapos niyang mamatay, napanaginipan ko siya na siya ay puno ng ilaw kasama ang paborito niyang sombrero.

Na mirmihan ako sa Pentecostals hanggang pinagsabihan ako na huwag sambahin si Maria. “Hindi ko sinasamba si Maria.  Ako ay nag ro Rosaryo.” Mahal ko ang simbahang ito, ngunit mas mahal ko ang aking BanaI na Ina. Ipinagdasal ko kung saan Niya ako gustong dalhin? Nang nabanggit ko ang pinagdaraanan sa pangungumpisal, nasabi sa akin ang isang samahan ng Katolikong Charismatic.  Naging palagay ang aking loob dahil mahal nila ang ating Dakilang Ina, mahal nila ang tradisyong simbahan, at mahal nila ang Eukaristiya.

Ang aking buhay ay patuloy na mabilis na nagbago. Itinanong ko sa Panginoon Diyos, “Ano po ang gusto niyo sa akin?”  Naramdaman ko ang tawag ng Panginoon na ako ay maging isang misyonaryo at ako ay ipinadala sa Papua New Guinea.  Walang hanggan ang pamumuhay ko kasama ang mga taong nakikita ko na inantig ng Banal na Espiritu.

Isang pari ang nagsabi sa akin na ako ay isang evangelist, isang taong taga paglaganap ng istorya ng Panginoon Diyos at ang Kanyang Mga Salita.  Lumabas kami sa kalsada at hinamon niya ako na puntahan ang isang kabataang lalaki at sabihan ng tungkol kay Jesus.   Pinapunta rin niya ako sa aking bahay inuman at inutusan na ipamahagi ang pagmamahal ni Jesus sa unang tao na makausap niya.  Sinunod ko ang utos niya.   Ang sabi ng Pari, “ang ginawa mo ay ang pagiging taga pamahayag ng buhay at pagmamahal ng Panginoon Diyos “. Sa loon ng ng 32 taon, ako ay nagpupunta sa mg kalsada, sinasamahan ang mga taong nalulong sa masamang gamoit, hinahanap ang mga tao na hindi alam ang pagmamahal ni Jesus, mga gustong magpakamatay.  Kailangan malaman ng mga tao ang tunko kay Jesus. May mga Katoliko na nagsisimba na hindi alam ang pagmamahal ni Jesus.

Mahal Mo Ba Ang Panginoon Diyos?

Kapag kausap ko ang mga tao na naagaw ng homosekwalidad, ang kanilang unang tanong ay”, ako ay isang tomboy, paano ako mamahalin ng Panginoon Diyos? Mahal ka ng Diyos katulad ng pagmamahal niya sa akin. Hindi niya gusto na malaman ang iyong sekswal na pagkatao.  Gusto niya malaman kung ikaw ay may puso na nagmamahal sa Kanya “Ang anak ng Diyos ay dumating para sa atin upang tubusin ang ating mga kasalanan. Siya ay nagtagumpay sa pangingibabaw sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang awa. Naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal and ngayon ako ay kanyang tinawag upang ipamahagi ang Kanyang pagmamahal sa buong mundo.

Sa pagluhod ko isang araw sa harap ng Pinagpalang Sakramento, nakatanggap ako ng imahen ni Jesus na lumalabas sa Tabernakulo, na nagniningning sa ilaw. Habang papalapit sa akin, naramdaman ko abg apoy ng pagmamahal niya sa aking puso.   Nakaturo sa Kanyang Puso, sinabi niya “Ipamahagi mo ang aking pagmamahal sa buong mundo.” Ipinangako ko na gagawin ko ito kahit na ako ay nag iisa. Sa maraming panahon, ako ay nag iisa kasama ang presensya ng Panginoon Diyos, ngunit dumarami ang mga tao na sumasama sa akin.

Kapag kami ay nag babahagi ng Salita ng Diyos, maraming tao ang nagsasabi “Mabuti at kayo ay naririto,” ngunit may ibang tao na hindi sang ayon sa pagtanggap at kami ay poinhihinto.  Ang aking kasagutan ay simpleng “Mahal kayo ng Panginoon Diyos.” Ang aking samahan ay pinagtibay ng Sakramento, Salita ng Diyos at pagdarasal para dalhin ang Kanyang kapanyarihan ng pagpapagaling at awa sa mga taong tunay na nangangailangan.  Namimigay kami ng Biblia, Rosaryo, banal na mga babasahin.  Sa panahon ng pandemya, ay inilalagay ko ito sa selyadong mga pakete at inaanyayahan ko ang mga tao na kumuha nito.  Nag tayo ako ng munting kapilyal na may imahen ng Banal na Awa para sa aking tuntunin ng aking pagpapahayag ng Salita ng Diyos.  Ako ay nagpupunta sa mga paradahan ng sasakyan o sa mga lugar na dumaraan ang mga tao.

Sino ang Iyong Bituwin?

Ako ay namamahagi rin ng Salita ng Diyos sa lugar ng trabaho.  Kung ang mga tao ay bukal sa pagtanggap, binibigyan ko sila ng Biblia at nakikipagdasal sa kanila.  Kahit anumang pagkakagumon mayroon ka, alak, masamang gamot, sexwal, nikotene, publiko pamamahayag, lumapit tayo sa Panginoon Diyos, gamitin natin ang kapangyarihan ng Rosaryo at mag muni muni ng Evangeliyo. Isang araw, sasabihin ng Panginoon sa iyo “Hindi mo ito kailangan, ikaw ay malaya na.”

Siguraduhin na ikaw ay sumusunod sa tamang bituwin.  Ang mga bituwin ng pelikula, ng mga laro, ng telivisyon, ng publiko pamamahayag ay lahat kumuhuha ng ating pansin. Kayo ba ay ginagabayan ng tamang bituwin?  Ang tamang bituin ay nag gagabay sa inyo patungo kay Hesus Kristo, ang ating Panginoon at Taga pagligtas, ang manggagamot ng puso ng tao at ng publiko pamamahayag (social media), tagapagisa ng lahat ng bansa.  Ang Bituwin ng Umaga, si Maria ang nag gabay sa aking patungo sa Panginoon Diyos.  Ako ay namumuhay sa dilim, sa kawalang pagasa sa buhay hanggat ako ay ginabayan ng Mahal na Ina sa matinding pagibig ng Panginoon Diyos.

Ngayon, ang aking buhay ay para sa Kayna _ sa pamilya, sa lugar ng trabaho, sa buhay publiko. Kahit saan man ako pumunta, nabubuhay ako kasama ang kanyang presensya, taglay ang Kanyang ilaw para sa mundo para maalis ang kadiliman. Ang aking maybahay at mga anak ay nabubuhay para sa Kanya at nagagalak sa pakikibahagi ng pinaka mabuting bagay na mayroon kami – ang pagmamahal ni Jesus.

Share:

Brian Welsh

Brian Welsh is a Catholic street evangelist in Australia, who has shared the love of Jesus all over the world. He is happily married to Leanne and they are blessed with two beautiful children. This article is largely based on the Shalom World TV program Jesus My Savior https://www.shalomworld.org/episode/brian-welsh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles