Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jul 07, 2024 264 0 Bishop Robert Barron
Magturo ng Ebanghelyo

Si Madre Alfred at ang Pangangailangan Para sa mga Kababaihang Relihiyoso

Ang bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes.  Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang.  Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako’y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing.  Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan.  Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan.

Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America.  Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851.  Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa’y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang ‘Madre Alfred.’ Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester.

Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya.  Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop.  Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna.  Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya.  Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon.  Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang  ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad.  Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar.  Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary’s Hospital.  Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo.  Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu’t isa.

Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari.  Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan?  Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin.  Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon.  Kalokohan!  Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo.  Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain.  Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo.

Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles