Home/Makatagpo/Article

May 19, 2023 266 0 John Edwards
Makatagpo

SI KRISTO AY NANGIBABAW SA KOKAINA!

Kahit na lumaki bilang isang Baptist, ang alak, droga at buhay kolehiyo ay naghagis kay John Edwards sa isang ipu-ipo, ngunit pinabayaan ba siya ng Diyos? Magbasa upang mapag-alaman mo.

Isinilang at lumaki ako sa isang Bautista na mag-anak sa gitnambayan Memphis. Hindi ako nagkaroon ng madaming kaibigan sa paaralan, ngunit madami sa simbahan. Yun ay kung nasaan ang aking komunidad. Ginugol ko ang bawat araw kasama ng mga lalaki at babaing ito, namamahagi ng ebanghelyo at nagtatamasa nang lahat ng mga bagay na ginawa mo bilang isang batang Bautista. Gustung-gusto ko ang yugtong iyon ng aking buhay, ngunit nang ako ay mag-18, nagkahiwa-hiwalay ang aking grupo ng pagkakaibigan. Alanganin pa din ako kung ano ang nais kong gawin sa aking buhay habang karamihan sa kanila ay nagtungo sa kolehiyo na naiwan ako, sa unang pagkakataon sa aking buhay, na walang komunidad. Nasa punto din ako ng buhay ko na kailangan kong magpasya kung ano ang gagawin. Nagpalista ako sa Pamantasan ng Memphis, isang lokal na pamantasan, at sumali sa isang kapatiran. Noon ako nagsimulang masangkot sa pag-inom, droga, at paghabol sa mga babae. Sa kasamaang palad, pinunan ko ang kawalan na ito ng lahat ng mga gawain na nakikita mo sa madaming mga pelikula at nagsimulang uminom at maghabol sa mga babae. Isang gabi gumawa ako ng masamang pagpapasya–isa sa pinakamasamang pagpapasya sa buhay ko–na gumamit ng cocaine. Sinalot ako nito sa sumunod na 17 taon ng aking buhay.

Nang makilala ko si Angela, ang magiging asawa ko, nadinig kong sinabi niya na ang lalaking pakakasalan niya balang araw ay kailangang maging Katoliko. Nais kong ako ang kanyang maging asawa. Kahit na mahigit 10 taon na akong hindi nagsisimba, gusto kong pakasalan ang magandang babaeng ito. Bago kami ikasal, dumaan ako sa programa ng RCIA at naging Katoliko, ngunit hindi kailanman nag-ugat sa akin ang katotohanan ng Simbahang Katoliko dahil ito’y pagkukunwari lamang.

Sa aking pagiging matagumpay na tindero, madami akong tungkulin at panggigipit. Ang aking kita ay lubos na umaasa sa mga komisyon na ginawa ko sa mga benta at mayroon akong napakamapaghamon na mga mamimili. Kung nagkamali ang isang katrabaho, o nagdulot ng kaguluhan, maaari akong mawalan ng kita. Upang maibsan ang panggigipit, nagsimula akong gumamit ng droga sa gabi, ngunit nagawa kong itago ito sa aking asawa. Wala siyang malay sa ginagawa ko.

Di-nagtagal makaraang isilang si Jacob, ang aming unang sanggol, ang aking ina ay nasuri na may kanser. Mayroon lamang siyang dalawang linggo hanggang ilang buwan para mabuhay at talagang nabalisa ako. Naaalala ko ang pagtatanong sa Diyos: “Paano Mo hahayaang mabuhay ang isang sinungaling na adik sa droga na tulad ko, ngunit hayaang mamatay ang isang tulad niya, na nagmamahal sa Iyo nang walang pagkukulang sa buong buhay niya? Kung ganyan Kang uri ng Diyos, puwes ayokong magkaron ng anumang kinalaman sa Iyo!” Noong araw na iyon, naaalala kong tumingala ako sa langit at nagsabi: “Napupoot ako sa Iyo at hindi na Kita sasambahin muli!” Iyon ang araw kung kailan ako ganap na tumalikod at lumayo sa Diyos.

Ang Panahon Ng Pagbabago

Mayroon akong ilang mga mamimili na napakahirap pakitunguhan. Kahit gabi, walang pahinga, may mga text na nagbabantang kukunin ang kanilang negosyo. Ang lahat ng panggigipit ay nagpabigat sa akin, at lalo kong ihinulog sa droga ang sarili bawat gabi. Isang gabi, bandang alas dos ng madaling araw, bigla akong nagising at napaupo sa kama. Parang lalabas sa dibdib ang puso ko. Naisip ko: ‘Aatakihin ako sa puso at mamamatay’. Nais kong tumawag sa Diyos, ngunit ang aking mapagmataas, makasarili, matigas na ulo ay hindi sumuko.

Hindi ako namatay, ngunit nagpasya akong itapon ang mga droga at ibuhos ang alak…Itinuloy ko iyon sa umaga…para lang bumili ng mas madaming droga at beer sa hapon. Paulit-ulit ang nangyari—mga mamimili na nag memensahe gumagamit ng droga para makatulog, at nagigising sa kalagitnaan ng gabi.

Isang araw, napakatindi ng aking pagnanasa sa droga anupat tumigil ako para bumili ng kokaina habang patungo upang sunduin ang aking anak, si Jacob, mula sa bahay ng aking biyenan! Habang papaalis ako sa bahay ng nagbebenta ng droga, nakadinig ako ng sirena ng pulis! Nasa likod ko ang ahensiya sa agpapatupad laban sa bawal na gamot. Kahit nang nakaupo ako sa estasyon ng pulisya na kasalukuyang tinatanong habang ang aking binti ay nakakadena sa isang bangko, naisip ko pa din na makakaalis ako dito. Bilang isang napakagaling na tagapagbenta, naniwala akong kaya kong mailigtas ang sarili sa anumang bagay. Ngunit hindi sa pagkakataong ito! Napunta ako sa bilangguan sa kabayanan Memphis. Kinaumagahan, akala ko bangungot lang ang lahat, hanggang sa nauntog ang ulo ko sa bakal na kama.

Mapanganib na Tubig

Nang maintindihan ko sa unang pagkakataon na ako ay nasa kulungan at wala sa aking tahanan, nataranta ako. Hindi ito maaaring mangyari…malalaman ng lahat…mawawala ang aking hanapbuhay… aking asawa…aking mga anak…ang lahat sa buhay ko…” Dahan-dahan, sinimulan kong balikan ang aking buhay at inisip kung paanong nagsimula ang lahat ng ito. Doon ko napagtanto kung gaano kalaki ang nawala sa akin nang lumayo ako kay Hesukristo. Ang aking mga mata ay napuno ng luha at ginugol ko ang hapong iyon sa pagdadasal. Malalaman ko kinamamayaan na hindi ito ordinaryong araw. Huwebes Santo noon, 3 araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang araw na kinagalitan ni Hesus ang Kanyang mga apostol nang hindi sila makapagpuyat ng isang oras kasama Niya habang Siya ay nananalangin sa Halamanan ng Getsemani. Habang nakikipag-usap ako sa Kanya sa panalangin, nakatanggap ako ng matinding pang-unawa ng katiyakan na hindi ako iniwan ni Jesus, kahit na lumayo ako sa Kanya. Siya ang laging kasama ko kahit sa pinakamadilim kong sandali.

Nang dumalaw ang aking asawa at ang aking biyenang babae, napuno ako ng pagkabalisa. Inaasahan kong sasabihin ng aking asawa: “Tapos na ako sa iyo. Aalis na ako at kukunin ang mga bata!” Parang isang eksena mula sa Batas at Kaayusan kung saan ang bilanggo ay nakikipag-usap sa telepono sa kanyang dalaw sa kabilang panig ng salamin. Nang makita ko sila, napaluha ako at napahikbi, “Dinaramdam ko, dinaramdam ko!” Nang magsalita siya, hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. “John, tumigil ka…hindi kita hihiwalayan. Wala itong kinalaman sa iyo, ngunit ang lahat ay may kinalaman sa mga panata na ginawa natin sa Simbahan…” Gayunpaman, sinabi niya sa akin na hindi pa ako makakauwi, kahit na piyansahan niya ako. Ang aking kapatid na babae ang dapat na manundo nang gabing iyon mula sa kulungan upang dalhin ako sa bukid ng aking ama sa Mississippi. Biyernes Santo nang lumabas ako ng kulungan. Nang tumingala ako, hindi ang kapatid ko ang naghihintay sa akin kundi ang aking ama. Kinabahan akong makita siya ngunit mangyaring nagkoroon kami ng pinaka na totoong pag-uusap sa loob ng isang oras at kalahating paglalakbay sa kotse pababa sa bukid.

Isang Pagkikitang Di-sinasadya

Alam ko na kailangan kong gumawa ng isang bagay upang baguhin ang aking buhay at nais kong magsimula sa Misa sa Linggo ng Pagkabuhay. Ngunit nang tumigil ako sa simbahan para sa alas-11 na Misa, walang tao. Sinimulan kong hampasin ang manibela gamit ang aking mga kamao sa pagkabigo at galit. Sa unang pagkakataon sa loob ng 10 taon, gusto kong pumunta sa Misa at walang tao. Nag-alala ba ang Diyos sa ano mang paraan? Sa sumunod na sandali, tumigil ang isang Sister at nagtanong kung nais kong magpunta sa Misa, pagkatapos ay itinuro niya ako sa susunod na bayan kung saan natagpuan ko ang simbahan na puno ng mga pamilya. Parang isa na namang dagok ito dahil hindi ko kasama ang sarili kong mag-anak.

Ang tanging naiisip ko lang ay ang aking asawa at kung gaano ako nagnanais na maging karapat-dapat sa kanya. Nakilala ko ang pari. Nang huling makita ko siya, madaming taon na noon, kasama ko siya. Nang matapos ang misa, nanatili ako sa upuan na humihiling sa Diyos na hilumin ako at muli kaming pagsamahin ng aking pamilya. Nang sa wakas ay tumayo na ako para umalis, naramdaman ko ang isang braso sa aking balikat na ikinagulat ko, dahil wala akong kakilala doon. Paglingon ko, nakita kong ang pari pala ang bumati sa akin, “Hello, John”. Natulala ako na naalala pa niya ang pangalan ko dahil hindi bababa sa limang taon mula noong huli naming pagkikita, at tumagal iyon ng mga 2 segundo. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabi sa akin, “Hindi ko alam kung bakit mag-isa ka dito o kung nasaan ang pamilya mo, pero nais ng Diyos na sabihin ko sa iyo na magiging maayos ang lahat.” Ako ay nabigla. Paano niya malalaman?

Nagpasya akong baguhin ang aking buhay at magpunta sa magbagong buhay. Sumama sa akin ang aking asawa noong ako ay pumasok at nagbalik upang iuwi ako pagkatapos ng 30 araw na palabas na pasyenbte na pangangalaga. Nang makita ako ng aking mga anak na pumasok sa pintuan, umiyak sila at niyakap ako. Lumukso silang lahat sa akin at naglaro kami hanggang sa oras na para matulog. Habang nakahiga ako sa aking kama, napuno ako ng labis na pasasalamat na ako at naroroon–kumportable sa aking bahay na may pampapalamig at telebisyon na napapanoodan ko kahit kailan ko gusto; kumakain ng pagkain na hindi galing sa bilangguan na pinaghugasan; at nakahiga na naman sa sarili kong kama.

Napangiti ako na para bang hari ako ng kastilyo hanggang sa tumingin ako sa bakanteng gilid ng kama ni Angela. Naisip ko sa aking sarili: “Kailangan kong baguhin ang buong buhay ko; hindi sapat ang pagtigil sa droga at alkohol.” Binuksan ko ang mesa sa tabi ng kama, naghahanap ng Bibliya at nakakita ng aklat na ibinigay sa akin ni Padre Larry Richards sa isang kumperensya 3 o 4 na pahina pa lang ang nabasa ko noon, ngunit nang kunin ko ito nang gabing iyon, hindi ko ito maibaba hangga’t hindi ko ito nabasa mula pabalat hanggang pabalat. Napuyat ako buong gabi at nagbabasa pa din nang magising ang asawa ko ng 6 ng umaga. Pinadali ng aklat ang aking pang-unawa sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mabuting asawa at ama. Taimtim kong ipinangako sa aking asawa na ako ang magiging lalaking karapatdapat sa kanya. Ang aklat na iyon ay nagtakda sa akin sa isang kurso upang simulang muli ang pagbabasa ng Kasulatan. Napagtanto ko kung gaano kalaki ang nakaligtaan ko sa aking buhay at gusto kong bumawi sa nawalang oras. Sinimulan kong akayin ang aking pamilya sa Misa, at nagdadasal ng ilang oras sa pagtatapos bawat gabi. Sa unang taon, nagbasa ako ng mahigit 70 aklat na Katoliko sa unang taon na iyon. Unti-unti, nagsimula akong magbago.

Binigyan ako ng aking asawa ng pagkakataon na maging ang lalaking tinawag ng Diyos. Ngayon, sinusubukan kong tulungan ang ibang tao na gawin ito sa pamamagitan ng aking podcast na ‘Just a Guy in the Pew’.

Nang Huwebes Santo, naghanda si Jesus na mamatay, at pinili kong mamatay sa luma kong pagkatao. Nang Linggo ng Pagkabuhay, nadama ko na nabuhay din akong muli kasama Niya. Alam natin na maaaring maging tahimik si satanas kapag tayo ay nasa isang landas na malayo kay Hesus. Kapag tayo ay nagsimulang lumapit nang lumapit kay Kristo yan ay kung kailan ito nagsisimulang maging talagang maingay. Kapag nagsimulang palibutan tayo ng kanyang mga kasinugalingan, doon natin nalalaman na tayo ay gumagawa ng isang mabuting bagay. Huwag na huwag kang susuko. Patuloy na magpumilit sa pag-ibig ng Diyos, sa buong buhay mo. Hinding-hindi mo ito pagsisisihan.

Share:

John Edwards

John Edwards

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles