Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 07, 2024 98 0 Mary Therese Emmons, USA
Makatawag ng Pansin

Sa Labas ng Puntod

Ang aking asawa ay nahatulan ng kamatayan; hindi ko ninais na mamuhay nang patuloy na wala sa piling niya ngunit ang kanyang matatag na pananalig ay ikinagulat ko. 

Limang taon na ang lumipas, ang aking mundo ay gumuho nang ang asawa ko ay nasuri ng walang lunas na karamdaman.  Ang buhay at ang kinabukasan na aking hinaraya ay habambuhay na nagbago nang mabilis.  Ito’y nakagigimbal at nakalilito; ang pinakawalang pag-asa at walang magagawa na aking nadama.  Ito’y tila ako’y nahulog sa ilalim ng palagiang takot at kawalan ng pag-asa.  Ang pananalig ko lamang ang aking makakapitan habang hinaharap ko ang pinakamadilim na mga araw na aking naranasan.  Mga araw na pag-aaruga sa aking asawa at mga araw ng paghahanda upang harapin ang buhay na lubusang iba sa akin nang ibinalak.

Si Chris at ako ay matagal nang magkasama simula pa nang kami ay dalaga’t binata.  Kami’y matalik na mga magkaibigan at halos hindi mapaghihiwalay.  Kami’y mahigit na dalawampung-taon nang kasal at nagpapalaki ng apat na mga anak na kung tanawin ay isang payapa’t maligayang buhay.  Ngayon siya’y nagawaran ng kamatayan, at hindi ko malaman kung papaanong mamuhay na wala siya.  Sa katotohanan, bahagi ng aking sarili ay walang nais na mabuhay.  Isang araw, sa aking pagkakabigo, ipinagtapat ko sa kanya na ako’y maaring mamatay na lamang ng may sawing puso.  Ang kanyang tugon ay walang bahid ng gipit.  Mahigpit ngunit mariin niyang ibinilin sa akin na manatili akong buháy hanggang siya’y tinawag  nang pauwi ng Diyos; na hindi ko dapat asamin o naising sayangin ang buhay ko pagka’t ang kanya ay dumarating sa wakas.  Buong tiwala niyang binigyan ako ng katiyakan na siya’y magtatanod sa akin at sa mga bata mula sa kabila ng pindungan.

Ang Kabilang Dako ng Dalamhati 

Si Chris ay may walang-katinagang pananalig sa pag-ibig at awa ng Diyos.  Dahil siya’y nagtitiwalang kami’y hindi maipaghihiwalay kailanman, madalas niyang binibigkas ang pananalita: “Ito’y pansadalian lamang.”  Ito ang aming patuloy na tagapaalala na walang bigat ng loob ay nananatili nang walang hanggan—at itong mga salita ay nag-alay sa akin ng walang takdaang pag-asa.  Pag-asa na patnunubayan kami ng Diyos sa lakbay na ito, at pag-asa na muli kong makakapiling si Chris sa susunod na buhay.  Itong mga araw ng kadiliman, kami’y kumapit sa Ating Ginang ng Rosaryo—isang taimtimang dasalin na matagal na naming nakasanayan.  Ang Namimighating mga Hiwaga ay idinarasal nang higit na kadalasan sa halip na madalang dahil ang pagninilay-nilay ng paghihirap at kamatayan ng Ating Panginoon ay inakay kami sa Kanya sa aming sariling dalamhati.  Ang Koronilya ng Mabathalang Awa ay isang bagong dasalin na idinagdag namin sa pang-araw-araw na karaniwang panalangin.  Gaya ng Rosaryo, ito’y isang nagpapakumbabang tagapaalala ng kung anong kusang dinanas ni Hesus alang-alang sa kaligtasan natin, at kahit papaano’y nakapagbabawas ng bigat ng krus na naibigay sa amin upang pasanin.

Sinimulan naming makita nang higit na malinaw ang kariktan ng pamimighati at pag-aalay.  Aking uulitin sa pag-iisip ang munting dasal: “O Kagalang-galang na Puso ni Hesus, ihinahabilin ko ang lahat ng aking tiwala sa Iyo” sa bawa’t oras ng araw. Ito’y nakapagdadala ng alon ng katiwasayan sa akin tuwing nakadarama ako ng biglang dagsa ng pagkabahala o takot.  Noong panahong ito, ang aming buhay ng pananalangin ay lubos na nanaimtim at binigyan kami ng pag-asa na ang Ating Panginoon ay magiging maawain kay Chris at sa aming mag-anak sa pagdanas namin nitong napakasakit na lakbay.  Ngayon, nabibigyan ako ng pag-asa na si Chris ay namamayapa, nagmamatyag at namamagitan para sa amin sa kabilang ibayo—ayon sa kanyang ipinangako.

Sa walang-katiyakang mga araw na ito ng aking bagong buhay, itong pag-asa ang nakapagpapalakad sa akin at nagbibigay ng lakas.  Ito’y nabigyan ako ng di-masukat na utang na loob para sa walang-hanggang pag-ibig at magiliw na awa ng Diyos.  Ang pag-asa ay isang pagkalaki-laking handog; isang walang-pugnawang panloob na tanglaw na matititigan kapag tayo’y nasasawi.  Ang pag-asa ay nakapamamanatag, nakapagpapalakas, at nakalulunas.  Ang pag-asa ay may taglay na giting na makakapitan.

Tulad ng sinabi ni San Juan Pablo II: “Isinasamo ko sa inyo!  Kailanman, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Kailanman ay huwag mag-aalinlangan, huwag mapapagal at huwag mahihinaan ng loob.  Huwag kayong matatakot.”

Share:

Mary Therese Emmons

Mary Therese Emmons is a busy mother of four teenagers. She has spent more than 25 years as a catechist at her local parish, teaching the Catholic faith to young children. She lives with her family in Montana, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles