Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 01, 2021 843 0 Freya Abraham
Makatawag ng Pansin

PUMAPAILANLANG

Mula pa sa kanyang kabataan ay nagtrabaho siya sa ubasan ng Diyos. Nais mo bang malaman kung paano siya ginantimpalaan ng Diyos?

Humiling Ka

Natuklasan ko ang programa ng U.S. Presidential Scholars noong ako ay nasa mababang paaralan. Taon-taon, 161 na magtatapos sa mataas na paaralan sa Amerika ang pinararangalan ng isa sa mga pinakatanyag na gantimpala ng bansa para sa kanilang namumukod na mga nagawa. Sa tingin ko sa mga iskolar, sila ay kumakatawan sa walang-hanggang kakayanan. Ganon pa man, tuwing gabi sa loob ng sumunod na apat na taon, sinali ko ang programang ito sa aking panalangin. Hindi naman sa karapat-dapat ako sa karangalan, ngunit nakagawian ko nang humiling sa Panginoon mula pa noong bata ako. Natatawa ang aking mga magulang tuwing babanggitin ko ang mga Presidential Scholar sa pampamilyang dasalan; laking gulat ng lahat nang pagbigyan ng Panginoon ang partikular na kahilingang ito.

Huwadan ng aking pamilya ang aking ina sa pakikipag-ugnay kay Jesus na puno ng pagmamahal, katapatan, at kalayaan. Nararapat kong sabihin sa Kanya ang lahat ng aking mga plano at hangarin, at igigiit ko ang Kaniyang opinyon para sa lahat, sa aking mga klase, kolehiyo, pagpili ng karera, maging ang mga ekstrakurikular na gawain na aking sinalihan. Bilang karagdagan, tiniyak ng aking mga magulang na dalhin ang aming pamilya sa ‘retreat’ minsan o dalawang beses sa isang taon.  Sa buong pagdadalaga ko, natanggap ko ang madaming biyaya at suporta mula sa Shalom, Sehion, Steubenville, at iba pang mga ministro. Ano man ang damdamin ko sa pagsisimula ng bawat programa, sa bandang huli ay pinagpapala akong maisapuso ang mga magagandang bagay na natutunan ko.

Pagmamagitan

Sa paaralan, higit ang pagkabahala ko para sa kapakanan ng aking mga kaibigan. Malinaw na ang pagpapalaki sa akin ay hinubog ng mga katotohanan at ito’y mayabong sa mga pagpapalang hindi kailan man nakamit ng aking mga kauri. Hindi ko man masabi sa kanila ang tungkol sa Diyos, madalas kong mabanggit sa Kanya ang tungkol sa kanila sa harap ng dalanginan. Hangga’t maaari, araw-araw kaming nagsisimba. Sa ganitong paraan, inialay ko kay Jesus ang mga miyembro ng aking koponan, mga guro, at lalo na ang mga nagpasama ng kalooban ko. Ang kanilang mga pakikibaka ay makatotohanan na sumasaklaw sa pangkasalukuyang sandali. Sa mga ganitong pakikipag-usap nabuo sa akin ang isang mas higit na pagnanais na magturo ng Ebanghelyo, hindi sa pang- hinaharap, kundi ngayon.

Naglingkod ako sa aking parokya mula nang ako ay pitong taong gulang bawat linggo. maaaring sa pamamagitan ng koro, paglilingkod sa altar o tagabasa, o pagtuturo. Ang aking tirahan ay dalawang minuto lamang mula sa simbahan; ako ay isang boluntaryo, pumapasok kapag kinakailangan. Sa pamamagitan ng mga ‘pag iisa” , lalo na ang Shalom Media Summit, naging mas aktibo ako. Abala na ako sa aking mga gawain sa mataas na paaralan nang magsimula akong magkusa para sa Shalom. Tambak man ako sa gawaing pampaaralan, inuuna ko ang anumang gawain para sa Diyos. Sa oras ng pananghalian maaari kong ituwid ang isang paskil para sa pakikipagtalastasan; matapos ang takdang aralin, maaari kong baguhin ang iskrip sa pagtatanghal; at hindi ako pumapasok nang ilang araw upang makatulong sa mga programa ng ‘Jesus Heals’ at samahan ang aking ina sa mga pagpupulong ng Victory.

Ginugol ko ang mga oras sa pagtulong sa mga gawaing kinagigiliwan ko sa halip na masayang ang mga ito. Napakaselan ko din tungkol sa husaya ng aking gawain. Maingat ako sa paghahanda para sa mga mag-aaral na tinuturuan ko – ano pa ang dapat kong gawin para sa aking Jesus na nagmamahal sa akin? Pananagutan kong maibahagi ang mga biyayang natanggap ko, at ginantimpalaan ako para dito. Anumang mga takdang-aralin o pagsubok na hindi ko mapaghandaan ay palagiang naantala o ginawang madali ang mga ito. Minsan, naitakda nang Unang Biernes ng buwan ang pagsumite ng aking aplikasyon para sa iskolarsip. Isang araw bago sumapit ang nasabing takda, labis akong nabagabag dahil madami pa akong dapat isulat at segurado akong di ko magagampanan ang buwanang pagsamba. Kinaumagahan, nalaman kong dinagdagan nang 3 araw na palugit ang huling araw ng pagpasa ng aplikasyon. Sinasabi sa Bibliya na hindi nawawalan ng gantimpala ang pagbigay ng kahit isang basong tubig pag ito ay ginawa sa pangalan ng Panginoon. Mas gaano pa kaya kahalaga ang ating oras? Akala ako ang may ginagawa para sa Diyos, yun pala tinatandaan Niya ang bawat sandali at ginagamit Niya ang mga iyon upang gumawa ng mga dakilang bagay para sa akin.

Ang Kahinahunan ay Nagsisilbe

Gayon man, higit ang akmang paglilingkod kaysa sa mga nagawa nang mga bagay/paglilingkod.  Sa tagpong panlipunan, dapat tayong magkaron ng kamalayan sa mga pagkakataong maaaring makaakit sa atin na mailagay sa alanganin ang ating mga paniniwala. Ang isang partikular na sagabal para sa mga mag-aaral ay ang mga paglalakbay na kinakailangan gawin para sa paglahok sa koponan — isang mahalagang bahagi ng paghuhusgang pang kolehiyo at pang iskolar. Ang mga iba’t ibang pagpupulong ay nagbigay sa akin ng maraming nakakabalisang katayuan. Ang  pag-iwas sa ilang musika, laro, at pananamit ay nagbigay-pagitan sa ugnayan ko sa aking kapwa mag-aaral. Nagbigay sa akin ng madaming kasiyahan at tagumpay ang mga pampaaralang paglalakbay; subalit, habang kasama sa mga ito, maaaring ako ay naging mapaghusga sa mga mag-aaral sa kanilang mga pasyang sinang-ayunan naman ng aming mga chaperon. Ang pakikinig sa aking budhi ay di ko kadalasan maihayag. Habang nasa isang ‘retreat’, nadidinig ko sa aking puso nang paulit-ulit, “AKO ANG KAIBIGAN MO.” Ang mga mapilit na salitang ito ay lubos na makabuluhan sa akin sa mga sumunod na taon ng pag-aaral. Si Jesus ay isang personal na kaibigan sa bawat Kristiyano; ang mahirap na bahagi ay ang pagiging isang tunay na kaibigan sa Kanya.

Ang paborirto kong diskarte ay bigyan ng responsibilidad Ang Panginoon para sa lahat. Ipinaaalam ko kay San Jose ng Cupertino bawat pagsusulit ko, habang nanalangin naman ang aking ina sa oras mga ng pagsusulit. Sa paghahanda para sa mga kumpetisyon,  sinasangguni ko ang Panginoon sa dapat kong isulat; at pagharap sa mga hukom, nagpapagabay ako sa Kanya sa aking sasabihin. Pag nag-uumpisa ng mga proyekto o sanaysay, dinadala ko ang aking mga tala sa harap ng Bahal na Sakramento at duon, isinusulat ko ang mga nakukuha kong ideya. Maging ang pagsulat ng artikulong ito ay naging magaan  – may Ibang nagsulat ng balangkas!

 Kumakatok Ang Pagkakataon 

Gagawing posible mismo ng Diyos ang lahat, tulad ng ginawa Niya para sa akin. Upang makasali sa pilian ng mga iskolar ng pangulo, ang mag-aaral ay kinakailangang  imungkahi ng  opisyal ng edukasyon ng kanyang probinsya. Kinailangan kong mapabilang sa sampung iyon, ngunit nagmula ako sa isang rehiyon na hindi kasali sa nasabing proseso. Wala akong pagkakataong makipag-ugnay sa aking kinatawan. Gayunpaman, noong nakaraang taon, nahalal ang isang bagong tagapamahala na nakatuon sa pagpapalawak ng daan para sa mga mag-aaral na magkaroon ng  mga pagkakataon . Sa pamamavitan ng internef, sinimulan niyang tumanggap ng mga aplikasyon para sa mga ibig maimungkahi sa programa, isang di-pangkaraniwang pagbabago na dumating sa tamang pagkakataon ng sa aking pagtatapos. Sa kanyang mungkahi, ako ay nahirang na maaring makatanggap ng parangal na sa bandang huli ay ipinagkaloob din sa akin ng Maykapal. Bilang mga tagapaglingkod, tinawag tayong maging masigasig sa mga pagkakataong ibinibigay sa atin ng Guro, na huwag mag-alala tungkol sa kung paano ito mangyayari.

Kung pagbubutihin natin ang pagkahilig na maglingkod, bibigyan tayo ng Diyos ng higit pang mga pagkakataong gawin ito – ginagantimpalaan pa Niya tayo sa mga ito! Sa ilalim ng Kanyang tagubilin, binibigyan tayo ng kapangyarihang magawa ang mga bagay na hindi natin maisip na ating magagawa. Hindi bibiguin ng ating Ama ang Kanyang mga anak, lalo kapag ipinaubaya natin sa Kanya ang mga ibubunga ng ating pagsisikap. Ang ating tungkulin ay ang sumang-ayon at masdan ang Panginoon na tumugon sa mahimalang paraan ukol sa ating sitwasyon sa buhay. Maliit man ang ating mga alay kung ginagawa natin ito para sa isang Dios na sa pamamagitan ng limang tinapay ay pinakain ang higit sa limang libong tao. Bigyan natin Siya ng pagkakataong maipakita ang Kanyang kaluwalhatian.

Share:

Freya Abraham

Freya Abraham is a college freshman at the University of Arizona, a 2020 U.S Presidential Scholar, and has placed 2nd internationally in DECA Business Services Marketing. She is the daughter of Francy and Neetha Abraham and the younger sister of Alfred Abraham.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles