Home/Makatagpo/Article

Aug 30, 2024 107 0 Denise Jasek
Makatagpo

Pinaghihiwalay ng mga Milya, Subalit Magkakasama

Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito!  Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama.

Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman.  Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak.  Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo.

Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa.  Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!” 

Ito ang paraan.  Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa.  Kumakapit kami sa Yukaristiya.  At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus. 

Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama.  Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin.  Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong. 

Nakadarama ng Pag-iisa? 

Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon.  Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit. 

Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa.  Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin. 

Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik.  Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya.  Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito.  Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus.   Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama.  Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32) 

Di-kapanipaniwalang Malapít 

Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.”  

Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo.  Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin. 

Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama’y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya?  Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo.  Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba. 

Pangwakas na Katotohanan 

Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing.  Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon.  Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan.  Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao’y lagi kong pahahalagahan.  Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin: 

“Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha.  Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.” 

Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo.  Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit.  Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili.  Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya. 

Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal.  Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya.  Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan.  Dito ang kung saan tayo mapapakain.  Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso.  Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama. 

Share:

Denise Jasek

Denise Jasek ay isang minamahal na anak ng Diyos na lubos na nagpapasalamat sa kanyang pananalig, kanyang limang mga anak na puno ng pananampalataya, kanyang kabiyak na si Chris, at pagkakataong makapaglingkod sa ministeryo ng musika at kampus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles