Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2024 87 0 Jackie Perry
Makatawag ng Pansin

Papanag uliin ang mga Nangawalang Ngiti

Ang buhay ay maaaring hindi mahulaan ngunit ang Diyos ay hindi nagkukulang na sorpresahin ka.

Halos tatlong taon na ang nakalipas, nagsulat ako ng isang *artikulo para sa mismong panrebista na ito sa gitna ng pagdadalamhati sa pagkawala ng sanggol namin.  Ang aking asawa at ako ay kasal nang halos dalawang taon at laging nagdadasal para sa isang sanggol sa buong panahong yon.  Puno ng pananabik at saya nang mapag alaman namin na ako ay nagdadalantao na nungkang akalain ba namin ang nalalapit na pagkawala sa pagkalaglag.

Nandoon kami sa kasagsagan nito, hinahamon na magtiwala sa Diyos at sa Kanyang mahiwagang mga plano. Sa totoo lang, ayaw kong magtiwala sa isang plano na nagresulta sa pighati, at ni ayaw kong umasa sa isang Diyos na magpapahintulot nito.  Ninais kong ang aming sanggol ay nasa aking mga bisig.  Ngunit pinili naming mag-asawa ang mahirap na landas ng pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang Kalooban , na ang lahat ng sakit at pagdurusa ay magagamit at gagamitin pa din sa kabutihan.  Pinili namin ang pag-asa para sa aming sanggol sa Langit at pag-asa para sa aming kinabukasan dito sa Lupa.

Higit Sa Lahat

Hindi mabilang na ulit sa buhay ko, ang ika-11 talata ng Jeremiah 29 ay nag-angkla nang maigi sa akin.  Sa pagkakataong ito, gayunpaman, inakay Niya ako na tumuon sa ano ang susunod.  Ang mga salitang iyon ay nakapaso sa aking puso at humimok sa akin sa  matapat na kalooban ng Diyos.  “Kapag Ikaw ay tatawag, lalapit, at dadalangin sa Akin, diringgin Kita.  Kapag hinanap mo Ako, Ako’y iyong matatagpuan.  Oo, kapag hinahanap mo Ako nang buong puso mo hahayaan kitang mahanap Ako, at babaguhin Ko ang iyong kapalaran …” (12-14)

Tinatawag ako ng ating mapagmahal na Ama na lumapit na hindi ko naman talaga gustong lumapit.  Tumawag, Lumapit, Manalangin, Tumingin, Maghanap, Maghangad, sabi Niya.  Hiniling Niya sa akin (at sa iyo)—sa kirot ng ating puso kapag tayo ay natutuksong maniwala na ang kirot na dinadabas natin ay lahat nandiyan ay para talaga sa atin—ang piliin Siya, ang mas mapalapit sa Kanya.  Sa gayon, kapag hinanap natin Siya, pinapangako Niya na hahayaan Niyang mahanap Siya at na baguhin ang ating kapalaran.  Hindi Siya urong-sulong tungkol dito; Tatlong ulit Niyang ginamit ang katagang ‘Gagawin Ko’.  Siya ay hindi nagsasabi na marahil, Siya ay sa katotohanan.

Isang Dobleng Pagpapala

Bagama’t tatlong taon na ang lumipas mula noong pagkalaglag, kamakailan lamang ay naalala ko kung paano itong pangako ng Jeremiah 29 ay nahayag sa aking buhay at kung paano lubos na binago ng Diyos ang aking buhay ayon sa mga tuntunin ng pagiging ina.  Nagawa Niya saksi ako at ang aking asawa na maging mga saksi, at ang paraan na buong pagmamahal Siyang tumutugon sa mga panalangin ay hindi dapat kalimutan o balewalain.  Hindi pa natatagalan, natanggap ko isang email mula sa isang kamag-anak na espiritu at kaibigan.  Matapos akong ipagdasal nung umagang iyon, isinulat niya: “Ang Diyos ay nagbigay gantimpala…Hayan ka, ipinagdiriwang ang Awa at Pag-ibig ng Diyos na may dobleng pagpapala!  Purihin ang Diyos!”

Ang aming pag-asa at pagnanasa na magtiwala sa mga plano ng Diyos at hanapin Siya ay nagpabago ng aming kalagayan at nagpabagong-anyo na maging Pinaka malaking ‘dobleng pagpapala na gantimpala’ na maari naming pangarapin—dalawang magagandang sanggol na babae.  Tatlong taon na mula nong madanasan naming mag-asawa ang pagkawala ng unang sanggol, at walang makapapalit sa munting iyon, subalit hindi tayo iniwan ng Diyos na baog.

Noong Agosto 2021, biniyayaan kami ng pagsilang ng aming unang sanggol na babae, at nitong nakalipas na Agosto, namasdan namin ang pagpapala ng pangalawa aming sanggol na babae.  Isang dobleng pagpapala, talaga!  Isinasabuhay namin ang katapatan ng Diyos sa aming pag-asang nabago!  Kami ay mga saksi sa mga hindi maarok na awa at pag-ibig ng Diyos. Naging taga paglikha kami kasama ng Lumikha, at sa pag-asa namin sa Kanya katapatan, napagbago Niya ang aming kapalaran.

Ako ay hanga sa mga kababalaghang ginagawa ng Diyos at hinihikayat din kitang palakasin ang iyong pag-asa sa Panginoon.  Manatiling nananalig sa isang pag-asang nagpapabago, hangarin Siya nang buong puso, at masdan mo na Kanyang binabago ang iyong kapalaran tulad ng Kanyang ipinangako.

Tulad ng sinabi sa akin ng aking kaibigan noong araw na iyon: “Palagi nating pagpalain ang Panginoon na naging napakabuti sa atin.”

Share:

Jackie Perry

Jackie Perry is a wife, mother, and inspiring writer. Her Catholic faith ignites her desire to share her journey of life on her blog jackieperrywrites.com *The article, ‘Do You Trust?’ appeared in the September/October 2020 issue of Shalom Tidings magazine. Scan now to read. (shalomtidings.org/do-you-trust)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles