Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 27, 2023 787 0 Sarah Barry
Makatawag ng Pansin

PANANAMPALATAYA AT AGHAM?

Isa sa pinakamalaking trahedya sa kasalukuyang mundo ay ang maling akala na kailangang magkaaway ang agham at relihiyon

Ginugol ko ang buong karera ko sa primarya at sekundaryang paaralan sa mga paaralang bayan kung saan nagkakasalungatan ang pananampalataya at sekular na kultura. Sa loob ng maraming taon, narinig ko ang kapahayagan na inulit na ang pananampalataya at ang tunay na sanlibutan ay talagang hindi maaaring magsama-sama. Ang pananampalataya ay isang bagay para sa taong nadadamitan ng utak, sa mga nangangarap nang gising, at sa mga tumatangging makita kung ano ang kahulugan nito. Ito’y naging makaluma na sa paningin ng marami, isang bagay na hindi na kailangan ngayon na mayroon na tayong modernong siyensiya at pilosopiya upang ipaliwanag ang lahat ng ito. Ang sagupaang ito ay laging kitangkita sa aking mga kurso sa siyensiya. Kung hindi man tuwirang sinabi ng mga guro, malimit na binabanggit ng mga estudyante na ang isa ay hindi naniniwala kapuwa sa Diyos at sa siyensiya. Ang dalawa ay talagang eksklusibo sa isa’t isa. Para sa akin, wala nang hihigit pa sa katotohanan. Sa aking paningin, ang lahat ng bagay sa kalikasan ay nagpapatunay sa pagiral ng Diyos.

Ang Sakdal na Disenyo ng Diyos

Kung titingnan natin ang likas na daigdig, ang lahat ng bagay ay napakahusay ang pagkakadisenyo. Ang araw ay nasa tamang-tama distansya upang tustusan ang buhay sa lupa Ang mga organismong nakatira sa karagatan na waring walang layunin ay aktuwal na nag- aalis ng karbon dayoksayd   sa ating karagatan at atmospera upang panatilihing buháy ang lupa para sa ibang uri ng halaman. Ang siklo ng buwan na milya-milya ang layo sa panlabas na kalawakan ang dahilan kung bakit nagbabago ang paglaki at  pagliit ng tubig sa harap lamang natin. Kahit na ang waring di-inasadyang  mga pangyayari sa kalikasan ay hindi nagkataoon lamang kapag sinuri nating mabuti.

Noong ako ay nasa ikatlongg taon ng mataas na paaralan, kumuha ako ng kurso para Siyensa sa Pangkapaligeran, Sa aking paboritong yunit, ay natutunan naming ang siklo Ng kalikasan.  Ang siklo ng nitrodyen ang isa sa nakabighani sa akin. Ang nitrodyen ay isang mahalagang sustansya sa halaman para mabuhay, ngunit ang nutridyen, sa kanyang anyong atmospera, ay hindi magagamit para kanyang layunin. Para maging iba ang anyo nito sa pormang pwedeng gamitin, mula sa atmospera, kailangan ang bakterya sa lupa o kaya ay kidlat. Isang kidlat lamang, na bihirang mangyari and hindi importante ang nagsisilbi ng mas malaking layunuin!

Lahat ng kalikasan ay pinagtagpi-tagpi ng walang kamali-mali, katulad ng plano ng Diyos sa ating buhay. Kahit na pinakamaliiet na bagay ay mayroon kadena ng dahilan at epekto, lahat ay nagsisilbi ng pangwakas na dahilan na makapag iiba ng kapalaran ng mundo kung ito ay nawawala. Kung wala ang buwan, ang hindi mabilang na hayop at halaman na umaasa sa pag hina at pag-agos ng tubig para sa pagkain ay mamatay.  Kung wala ang “biglaang pagsulpot” ng kidlat, ang mga halaman ay makikibaka sap ag tubo dahil ang pagkamayabong ng lupa ay hihina.

Gayundin, bawat pangyayari sa ating buhay, kahit anumang nakakalito o hindi mukhang masyadong mahalaga, ay makikini-kinita at naka inkorporata sa mala inhinyerong plano ng Diyos para sa atin, kapag inihanay natin ang ating kalooban sa Kanya. Kung lahat ng bagay sa kalikasan ay may layunin, lahat ng bagay sa buhay natin ay dapat ding may mas mahigit na kahulugan.

Lumikha sa Paglikha

Noon pa man ay naririnig ko na matatagpuan natin ang Diyos sa tatlong bagay: Katotohanan, Kagandahan, at Kabutihan.

Ang isang lohikal na pagsusuri sa pag andar ng kalikasan ay maaaring magsilbing katibayan ng Katotohanan at kung paano ginagampanan ng Diyos ang Katotohanang iyon. Ngunit ang Diyos ay hindi lamang ang sagisag ng Katotohanan kundi ang pinaka diwa ng Kagandahan. Ang kalikasan ay hindi lamang isang sistema ng mga siklo at selula kundi isang bagay na may malaking kagandahan din, isa pang representasyon ng maraming aspeto ng Diyos.

Isa sa mga paborito kong lugar para magdasal ay lagi kong nakasakay sa sarpbord ko sa gitna ng karagatan. Pagtingin sa paligid sa kagandahan ng Paglikha ng Diyos ay mas napapalapit ako sa lumikha. Pakiramdam ng kapangyarihan ng mga alon at pagkilala sa aking kaliitan sa gitna ng kalawakan ng dagat ay parating ng sisilbi na ipaalala sa akin ang napakalaking kapangyarihan ng Diyos. Ang tubig ay naroroon kahit saan at naroroon sa lahat ng bagay, ito ay nasa atin, nasa  sa karagatan, nasa ulap, nsa halaman at hayop sa kalikasan

Kahit ito ay magbago ng anyo—solido, likido, gas—nanatiling itong tubig. Ipinaalala nito sa atin na ang Diyos as ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo. Lahat ng mga buhay na bagay ay nakasalalay sa tubig para sila alalayan, Hindi lamang kailangan natin ng tubig. ngunit ang ating katawan ay binubuo ng malaking porsyento ng tubig. Ang Diyos an noroon kahit saam. Siya ang pinag mulan ng lahat ng buhay at ang susi para ipagpatuloy ang buhay.  Siya ay nasa loobin natin at nasa paligid natin.

Kapag tiningnan ko ang mundo, nakikita ko ang ating Tagapaglika.  Nararamdaman ko ang tinok ng Kanyang puso habang ako ay nakahiga sa init ng araw sa gitna ng malambot na damo at mga bulaklak.   Nakikita kpo kung paano ka perpekto Niya kinulayan ang mga halamang ligaw na may kulay na kasing liwanag ng isang palete ng isang artista., sa kaalamang ito ay magbibigay sa akin ng kasayahan. Ang kagandahan ng likas ng mundo ay walang sukat.  Ang tao ay nahihirati sa kagandahan and ginagamit ito sa kanilang sarili sa paraan ng sining at musika. Tayo ay nilikha sa imahen at pagkakahawig sa Diyos , at ang Kanyang pagibig sa Ganda ay talangang napakaliwanag.  Nakikita natin ito kahit saan sa ating paligid.  Halimbawa, nakikita natin ang Sining ng Diyos sa masalimuot na densensyo ng dahon ng taglagas, at ang Kanyang musika sa tunog ng mga salpukan ng mga alon at pagkanta ng mga ibon sa umaga.

Walang Katapusang Misteryo

Ang mundo ay pwedeng sabihin satin na ang pagsunod sa Diyos, pagdalo sa mg sinaunang kaisipan ng Bibliya o ang pag tampulan ang pananampalataya ay isang pag tiwalag sa Katotohanan. And Siyensya ang katotohanan, sinabi sa atin, at ang relihiyon ay hindi. Ngunit ang pagkabigo ng marami ay makita na si Hesus ay narito bilang pinakasagisag ng Katotohanan, Ang Diyos ang at siyensya ay hindi kapwa eksklusibo; sa halip, ang perpektong nilikha ay lalong ebedensya na mayroong perpektong Tagapaglikha. Parehong ang tradisyon ng relihiyon at pag tuklas ng siyensya ay maaring tutuo at mahusay.  Ang pananampalataya ay hindi nagiging lipas na sa modernong panahon; ang mga pagsulong ng siyensya ay nag bibigay daan sa magandang pananaw sa walang katapusang misteryo ng ng ating Panginoon.

Share:

Sarah Barry

Sarah Barry is a student at the University of St Andrew’s in Scotland pursuing a degree in Biblical Studies. Her love of writing has allowed her to touch souls through her Instagram blog @theartisticlifeofsarahbarry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles