Home/Makatagpo/Article

Aug 05, 2024 120 0 Ellen Lund
Makatagpo

Pananalig sa Oras ng Paghihirap

Ang mga paghihirap ay nag-iiwan ng bakas sa buhay natin sa lupa, ngunit bakit ito pinahihintulutan ng Diyos?

Mga dalawang taon na ang nakalipas, ako ay sumailalim sa taunang kong pagsusuri sa dugo at nang bumalik ang mga kinalabasan, sinabi sa akin na mayroon akong ‘Myasthenia Gravis.’ Magarbong pangalan!  Ngunit ako o ang sinoman  sa aking mga kaibigan o kamag-anak ay hindi pa nakadinig tungkol dito.

Nahiraya ko ang lahat ng kilabot na maaaring harapin ko.  Nabuhay nang may kabuuang 86 na taon, sa panahon ng pagsusuri, nadanasan ko ang madaming sindak.  Ang pagpapalaki ng anim na lalaki ay puno ng mga hamon, at nagpatuloy ang mga ito habang minamasdan ko silang bumuo ng kanilang mga pamilya.  Hindi ako nawalan ng pag-asa; ang biyaya at kapangyarihan ng Espirito Santo ay palaging nagbigay sa akin ng lakas at pagtitiwala na kinailangan ko.

Sa kalaunan ako ay umasa kay G. Google upang matuto nang higit pa tungkol sa ‘Myasthenia Gravis’ at matapos basahin ang mga pahina ng kung ano ang maaaring mangyari, natanto ko na kailangan ko lang na magtiwala sa aking manggagamot na tulungan akong makayanan ito.  At inilagay naman nya ako sa mga kamay ng isang dalubhasa.  Dumaan ako sa isang mahirap na pagsubok kasama ang mga mas bagong dalubhasa, pagbabago ng mga gamot, madami pang paglalakbay sa pagamutan, at sa kalaunan ay kinakailangang pagsuko ng aking lisensya.  Paano ako makakatagal? Ako ang syang nagmamaneho ng mga kaibigan patungo sa iba’t ibang mga kaganapan.

Matapos ang madaming talakayan sa aking doktor at pamilya, sa wakas ay napagtanto ko na panahon na upang itala ang aking pangalan para sa matanggap sa isang pansariling pagamutan.   Pinili ko ang Loreto Pansariing Pagamutan sa Townsville dahil magkakaroon ako ng mga pagkakataon na mapaunlad ang aking pananampalataya.b Napaharap ako sa madaming kuro-kuro at payo—lahat ay matuwid, ngunit nanalangin ako para sa patnubay mula sa Banal na Espiritu.  Tinanggap ako sa Loreto Home at nagpasya akon na tanggapin kung ano ang inaalok.  Doon ko nakilala si Felicity.

Isang Malapit sa Kamatayan Na Karanasan

Ilang taon na ang nakalipas, nagkaroon ng 100-taong-baha sa Townsville at isang maayang bagong labas ng bayan ang nalubog sa tubig na karamihan sa mga bahay ay binaha.  Ang bahay ni Felicity, tulad ng lahat ng iba sa labas ng bayan, ay mababa, kaya mayroon syang mga 4 na talampakan ng tubig sa buong kabahayan.  Habang ginagawa ng mga sundalo mula sa Army Base sa Townsville ang malawakang paglilinis, ang lahat ng mga residente ay kailangang maghanap ng alternatibong tirahan na mauupahan.  Nanahan siya sa tatlong magkakaibang paupahan sa loob ng sumunod na anim na buwan, alinsabay sa pagtulong sa mga sundalo at nagsisikap na gawing muling matirhan ang kanyang tahanan.

Isang araw, nagsimula siyang makaramdam nang hindi mabuti at ang kanyang anak, si Brad, ay tumawag sa doktor, na nagpayo na dalhin siya sa pagamutan kung hindi umigi ang kanyang pakiramdam.  Kinaumagahan, nakita siya ni Brad sa sahig na namamaga ang mukha at agad na tumawag ng ambulansya.  Pagkatapos ng madaming pagsusuri, napag-alamang siya ay may ‘Encephalitis,’ ‘Melioidosis’ at ‘Ischemic attack,’ at nanatiling walang malay sa loob ng ilang linggo.

Ang kontaminadong tubig-baha na tinawid niya anim na buwan na ang nakalipas, ay lumalabas na nag-ambag sa impeksyon sa kanyang utak ng galugo at utak.  Habang palubog-palutang ng ulirat, si Felicity ay nagkaroon ng malapit-kamatayang karanasan: 

 “Habang ako ay nakaratay na walang malay, naramdaman ko ang aking kaluluwa na nililisan ang aking katawan.  Ito ay lumutang at lumipad nang napakataas patungo sa isang magandang espirituwal na lugar.  May nakita akong dalawang tao na nakatingin sa akin.  Lumapit ako sa kanila.  Iyon ay ang nanay at tatay ko —napakabata nilang pagmasdan at tuwang-tuwa silang ako ay makita.  Habang sila ay nakatayo sa isang tabi, nakakita ako ng isang bagay na kamangha-mangha, isang nakamamanghang mukha ng Liwanag.  Ito ay ang Diyos Ama.  Nakakita ako ng mga tao mula sa bawat lahi, bawat bansa, naglalakad nang magkapares, ang ilan ay magkahawak-kamay…Nakita ko kung gaano sila kasaya na makasama ang Diyos, damang nasa tahanan sa Langit.

Nang magising ako, labis akong nadismaya na iniwan ko ang magandang lugar ng kapayapaan at pag-ibig na pinaniniwalaan kong Langit.  Ang pari na umaasikaso sa akin sa buong mgdamag ko sa pagamutan ay nagsabi na hindi pa siya kàilanman nakakita ng sinumang tumauli tulad ng ginawa ko noong ako ay nagising.”

Kasawiangpalad Na Naging Pagpapala

Sinabi ni Felicity na palagi siyang may pananalig, ngunit ang karanasang ito ng kawalan ng timbang at kawalan ng katiyakan ay sapat na upang tanungin ang Diyos: “Nasaan Ka?”  Ang trauma ng 100-taong pagbaha, ang malawakang paglilinis pagkatapos, ang mga buwan ng pagsasaayos ng kanyang tahanan habang naninirahan sa mga paupahan, kahit na ang siyam na buwan sa pagamutan kung saan wala siyang gaanong alaala ay maaaring naging kamatayan ng kanyang pananampalataya.  Ngunit sinabi niya sa akin nang may pananalig: “Ang aking pananalig ay mas matibay kaysa dati.”  Naaalala niya na ang kanyang pananampalataya ang tumulong sa kanya na harapin ang kanyang pinagdaanan: “Naniniwala ako na nakaligtas ako at nakabalik, upang makita ang aking magandang apo na mag-aral sa isang Mataas na Paaralang Katoliko at tapusin ang Panlabindalawang Taon.  Siya ay tutuloy sa Pamantasan!”

Ang pananalig ay naniniwala sa lahat ng bagay, nagpapagaling sa lahat ng bagay, at ang pananalig ay hindi nagwawakas.

Kay Felicity ko natagpuan ang sagot sa karaniwang tanong na maaaring makaharap nating lahat sa isang dako ng buhay: “Bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang masasamang bagay?”  Sasabihin ko na binibigyan tayo ng Diyos ng kalayaan.  Ang mga tao ay maaaring magpasimula ng masasamang pangyayari, gumawa ng masasamang bagay, ngunit maaari din tayong tumawag sa Diyos na baguhin ang pangyayari, baguhin ang puso ng mga tao.

Sa katotohanan, sa kapuspusan ng biyaya, Siya ay makapagbibigay ng kabutihan kahit na sa kahirapan.  Kung paanong dinala Niya ako sa nursing home upang makilala si Felicity at madinig ang kanyang magandang salaysay, at kung paanong si Felicity ay nagkaroon ng lakas ng pananalig habang siya ay gumugol ng walang katapusang mga buwan sa ospital, magagawa ng Diyos na ang iyong mga paghihirap ay maging kabutihan. 

Share:

Ellen Lund

Ellen Lund ay isang ina ng anim na kaibig-ibig na mga anak na lalaki, isa sa kanila ay nagmamatyag sa kanyang pamilya mula sa langit. Siya ay naging bahagi ng Catholic Women's League sa loob ng 60 taon at kasalukuyang nananahan sa pangangalaga sa matatanda sa Townsville, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles