Trending Articles
Ang mag-aral magmaneho ay isang paulit-ulit na malaking hadlang sa aking buhay. Ang pangyayaring ito ay nagpabago nyan sa akin!
Sampung taon na ang nakalipas, pinapag-ugnay ako ng Diyos sa aking magiging asawa sa unang pagkakataon. Naninirahan ako sa Sri Lanka noong panahong iyon habang siya ay sa Australia. Puno ng bagong lakas na dulot ng pag-ibig, nagpalista ako sa isang paaralan ng pagmamaneho upang maghanda para sa pagmamaneho sa ‘the land down under’ minsang ako’y lumipat doon. Dahil hindi pa kailanman nakapagmaneho, ako ay nababalisa ngunit walang pag-aatubilin, at sa awa ng Diyos, nakuha ko ang aking lisensya sa pagmamaneho sa unang pagtatangka.
Kapagdakang makalipat sa Australia, nagpalista ako sa isang lokal na paaralan sa pagmamaneho at bumili ng segunda-manong sasakyan upang mapanatili ang pagsasanay. Ang unang pagkakamali na ginawa ko ay ang hayaan ang aking asawa na magtangkang turuan ako. Mahuhulaan mo na kung ano ang sumunod na nangyari!
Ang sarili kong mga takot ay patuloy na humihila sa akin kahit gaano pa ako natuto. Okey ako hanggang sa may sasakyan na padating sa likudan ko at ito ay magpapakaba sa akin, na para bang ako ay nasa ilalim ng masusing pagsisiyasat at sa ganyang paraan-isang napaka-nansens na takot para sa isang tao na nasa kanyang huling bahagi ng dalawangpung edad
Ang pag-aaral mula sa isang tagapagturo sa pagmamaneho ay hindi din nakatulong. Nag-alinlangan akong magpraktis at dahan-dahang nag-ipon ng alikabok ang kotse ko habang pinipilit kong kumbinsihin ang aking sarili na hindi para sa akin ang pagmamaneho. Upang makapunta sa trabaho at pabalik, sumakay ako ng dalawang bus at isang tren bawat gawi ngunit hindi ko mapagtagumpayang pilitin ang sarili kong magmaneho. Ibinenta ko ang aking kotse.
Ang ganitong paraan ng pamumuhay ay malinaw na hindi nagsisilbi sa amin, kaya nagpasiya akong sumubok minsan pa. Iyon ay 2017 na at nagpalista ako sa bagong tagapagturo. Sa wari ko ay may mainam na pagbabago.
Gayunpaman, sa aking unang pagsubok sa pagmamaneho, kakabakaba na namang muli. Ang aking tagapagturo ay asar na asar, at habang ang tagasuri ay umalis upang timbangin ang aking marka, sinabi niya na ako ay tiyak na babagsak. Bigo at may mabigat na puso, pumasok ako sa paaralan ng pagmamaneho upang tanggapin ang hatol. Sabi ng tagasuri, pasado ako! Gulát at hindi makapaniwala, buong puso akong nagpasalamat sa Diyos.
Tuwang-tuwa din ang aking asawa, at ayon sa aking bagong-tuklas na tiwala, muli kaming bumili ng gamit nang sasakyan, umaasa na ito ay gagana sa pagkakataong ito. Nagsimula ito nang maayos at pagkatapos ay dahan-dahan ngunit tiyak, ang lahat ay nagsimulang magsibalik-ang kaba, ang takot, ang pag-aalinlangan. Mahigit anim na buwan, at ako’y nawalan na naman ng tiwala. ipinagbili ko ang aking sasakyan.
Ang matiyaga kong asawa ay naniwalang hindi ko binibigyan ng katarungan ang aking mga kakayahan, kaya hindi lamang niya ako ipinagdasal kundi patuloy din siyang naniwala sa akin kahit na wala akong lakas ng loob.
Ang mga taon ay gumulong…Noong 2020, nakilahok kami sa isang onlayn na serbisyo ng pag papagaling sa kalooban. Ang makabagbag-damdaming serbisyo ay papalapit na sa katapusan, at wala pa akong nadamang partikular hanggang noon. Malamang na ang mga panalangin ng aking asawa ang nagpakilos sa Langit dahil noong nagdadasal ang pari para sa paghilom ng mga sugat sa kalooban, naalala ko ang paglalaro ng mga sasakyan panglaruan sa isang tema liwasan.. Ako nuon ay mga anim na taong gulang at sabik na sabik na subukan ito. Pumili ng isang maliit na kulay pink na kotse, sumakay ako at masayang nagmamaneho nito nang biglang, naramdaman kong paulit-ulit na bumangga ang sasakyan sa likod ko. Bagama’t bahagi ito ng laro, nakaramdam ako ng pag-atake at ngayon sa kasalukuyang sandali, muling nabuhay ang matinding takot at pagkabalisa na eksakto kung ano ang naramdaman ko habang nagmamaneho! Naaalala ko ang pagiging bahalâ na maialis ako doon ng aking ama sa lalong madaling panahon.
Ito ay isang pangyayari na hindi ko naalala kahit minsan sa lahat ng mga taon mula noong insidente. Pinagaling ako ng ating Panginoong Hesukristo sa ugat ng problema. Ito din ay isang matinding pahayag sa akin na ang Diyos na ating Ama ang lumikha sa akin nang may kakayahang magmaneho, na siyang palagi kong pinag-aalinlanganan. Sabik na makabalik sa kalsada, nagmaneho ako ng malayo kasama ang aking asawa at ang pagpapalaya aynaging malinaw. Malaki ang ihinusay ko at hindi na ako binagabag ng sasakyan sa likudan ko.
Iisipin na ito ang huling pag-alog na kailangan ko para ibalik ang aming buhay. Ang hindi na maiwawasto na tulad ko, at dahil ang aking pagmamaneho ay hindi tuloy-tuloy, wala pa din ako sa aking pinakamahusay. Dahil sa aming bagong silang na pununo ng malaking bahagi ng aking buhay, ang aking mga priyoridad ay nagbago. Ang munting apartment sa lungsod na tinitirhan namin ay hindi angkop sa pagpapalaki ng aming maliit. Ang isang suburban na buhay ay higit na naaayon sa pagpapalaking nais naming ibigay sa kanya, at magagawa namin ang hakbang na ito kung maaari akong maKakapagmaneho ako nang maayos.
Dumalaw sa amin noon ang biyenan ko. Isang masigasig na deboto ng Sanggol na Hesus ng Prague, binigyan niya ako ng Novena sa Sanggol na Hesus, at araw-araw kong dinadasal, nagsusumamo para sa isang himala.
Isang unang Biyernes agad na mabuo ang Novena, kami ay naghahanap ng isang simbahan upang ipagdiwang ang Banal na Misa bilang parangal sa Sagradong Puso ni Hesus. Lahat ng mga simbahang dinalaw namin ay nakasara hanggang sa makadating kami sa isang hindi lang bukas kundi nagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño* (Banal na Bata).
Ang namumukod na Banal na Misa at mga pagdiriwang ay puno ng paggalang at pagmamahal sa batang si Hesus. Ang pagtatapos ng pagdiriwang ay minarkahan ng koro na tumugtog ng isang malakas, matunog na tibok ng tambol na pumuno sa kapaligiran. Ang bawat hampas ng tambol na iyon ay tumagos sa aking kaluluwa at nadama kong ang lahat ng takot na iyon ay lumisan. Isang bagong tapang at pag-asa ang pumalit dito. Ang aking pagtitiwala ay hindi na sa sarili kong mga kakayahan, kundi sa kung ano ang magagawa ni Jesus sa kalooban ko. Ang matatag na pag-ibig ng Diyos ay tumutugis sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang at ito na ang oras na isuko ko ang lahat sa Kanya.
Nang mabuo ang bagong takda ng mga aralin kasama ng tagaturo ng pagmamaneho, nag-impake kami at lumipat sa mga paligid lungsod . Tinulungan ako ng aking ama at biyenan sa pamamalantsa sa mga huling palipit sa aking pagmamaneho at ipinagdasal ako ng aking ina. Mabilis na pitong taon mula nang makakuha ng lisensya; ako ngayon ay nagmamaneho araw-araw nang walang kahirapan. Ang pagliliwaliw sasa bilis na 100 kilometro bawat oras ay palaging nagpapaalala sa akin ng hindi maarok na kapangyarihan at awa ng ating Diyos. Ang lahat ng kaluwalhatian, karangalan, at papuri ay kay Hesus sa paghawak sa manibela at pag-ikot ng buhay ng aking pamilya.
“Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya na nagpapalakas sa akin.” – Pilipos 4:13
* Ang Santo Niño de Cebú ay isang mahimalang larawan ng Sanggol na Hesus na pinarangalan ng Filipino Catholic community
Michelle Harold is an IT professional who finds great joy in living the Catholic faith. She resides with her husband in Melbourne, Australia.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!