Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Feb 21, 2024 486 0 Sarah Barry
Magturo ng Ebanghelyo

Pagsasabuhay ng Pananampalataya

Nabitag sa abala at mabigat na sapot ng pang-araw-araw na buhay, maaari kayang panatilihing nakaugnay ang iyong sarili sa Diyos?

Kung minsan, para bang ang pananampalataya ko ay dumadanas ng kapanahunan bawat taon.  May mga panahon, ito ay namumukadkad tulad ng mga naarawang bulaklak sa tag-araw.  Ito ay kadalasan pag bakasyon.  Sa ibang panahon, ang aking pananampalataya ay parang mundong natutulog ng taglamig—tahimik, hindi namumulaklak.  Ito ay karaniwang sa taon ng pag-aaral kung kailan hindi payag ang aking talaan sa pang-araw-araw na pagsamba o pang-oras-oras na panalangin, di tulad ng mga libreng oras ng bakasyon.  Ang mga abalang buwang ito ay karaniwang ginagamit ng mga aralin, gawain, aktibidad, at oras para sa mag-anak at mga kaibigan.

Ito ay madali, sa gitna ng kaguluhan at pagmamadali, hindi ibig sabihin na limutin ang Diyos kundi ang hayaang mahulog Siya sa likuran.  Maaari tayong magsimba tuwing Linggo, bigkasin ang ating pananalangin, at kahit dasalin pa ang pang-araw-araw na Rosaryo, ngunit magkahiwalay ang ating pananampalataya at ‘normal’ na buhay.  Ang relihiyon at ang Diyos ay hindi lubos na nakalaan lamang para sa Linggo o bakasyon sa tag-init.  Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na dapat nating kapitan para lamang sa mga oras ng kagipitan o balikan nang panandalian para lamang magpasalamat at pagkatapos ay kalimutan.  Sa halip, ang pananampalataya ay dapat ding kaakibat ng bawat bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.

Pang-araw-araw Na Pagkainip

Kahit na may-ari tayo ng sarili nating bahay, manatili sa dorm ng kolehiyo, o nakatira kasama ang ating mag-anak, may ilang mga gawaing hindi natin matatakasan.  Ang mga tahanan ay dapat malinis, ang mga damit ay dapat malabhan, ang pagkain ay dapat magawa… ngayon, ang mga gawaing ito ay lahat tila nakakainip na pangangailangan—mga bagay na walang kabuluhan, ngunit kailangan pa din nating gawin ang mga ito. Inuubos pa ng mga ito ang oras na maaari sana nating magamit sa pagtuntong sa kapilya ng pagsamba  nang tatlumpung minuto o dumalo sa pang-araw-araw na misa.  Gayunpaman, kapag mayroon tayong maliliit na anak sa bahay na nangangailangan ng malinis na damit o mga magulang pauwi ng bahay matapos ang trabaho na nagnanais na makakita ng mga nilampasong sahig, ito ay hindi ang palaging makatotohanang mapamimilian.

Gayunpaman, ang punuin ang ating oras sa mga pangangailangang ito ay hindi kailangang maging pagbawas ng oras ukol sa Diyos.

Si Santa Teresa ng Lisieux ay kilala sa kanyang “munting pamamaraan.”  Ang pamamaraang ito ay nakasentro sa maliliit na bagay na may napakalawak na pagmamahal at pakay.  Sa isa sa mga paborito kong salaysay ni Santa Teresa, isinulat niya ang tungkol sa isang palayok sa kusina na ayaw niyang hugasan (Oo, kahit ang mga Santo ay kailangang maghugas ng pinggan!).  Nabatid niyang tunay na nakayayamot ang gawain, kaya nagpasiya siyang ialay ito sa Diyos.  Tatapusin niya ang gawain nang may labis na kagalakan, nalalalamang ang bagay na tila walang kabuluhan, ay nabigyan ng pakay sa pamamagitan ng pagsasali sa Diyos sa ekwasyon.  Naghuhugas man tayo ng pinggan, nagtutupi ng labada, o nagkukuskos ng sahig, ang bawat nakakainip na gawain ay maaaring maging isang panalangin sa pamamagitan lamang ng pag-aalay nito sa Diyos.

Pinalaking Kagalakan

Minsan, kapag ang sekular na lipunan ay nakamasid sa relihiyosong taong-bayan, ginagawa nila ito sa pag-aakala na ang dalawang mundo ay hindi kailanman maaaring magkabangga.  Nagulat ako nang malaman kong napakadaming tao ang nag-iisip na hindi mo kayang sundin ang Bibliya at magsaya!  Ito ay maaaring hindi malayo sa katotohanan.

Ilan sa mga paborito kong gawain ay kinabibilangan ng surping, pagsasayaw, pag-awit, at pagkuha ng larawan; kadamihan sa aking oras ay nakatuon sa paggawa ng mga ito.  Kadalasan, sumasayaw ako sa relihiyosong musika at gumagawa ng mga bidyo para sa Instagram na pinarisan ng mensahe ng pananampalataya sa aking pamagat .  Umawit ako sa simbahan bilang isang kantor at nais kong gamitin ang aking mga biyaya upang tahasang paglingkuran ang Diyos.  Gayunpaman, mahilig din akong gumanap sa mga palabas tulad ng The Wizard of Oz o kunan ng larawan ang mga laro ng putbol—mga sekular na bagay na nagdudulot sa akin ng malaking kagalakan.  Ang kagalakang ito ay higit na nadadagdagan kapag inialay ko ang mga gawaing ito sa Panginoon.

Sa may likod ng entablado, lagi mo akong makikitang nagdadasal bago ako pumasok, nag-aalay ng pagtatanghal sa Diyos, at humihiling sa Kanya na samahan ako habang sumasayaw o umaawit.  Ang simpleng pagsasanay upang manatili sa hugis ay isang bagay na kapwa kong ikinasisiya at pinahahalagahan upang mapanatili ang aking kalusugan.  Bago ako magsimulang tumakbo, iniaalay ko ito sa Diyos. Kadalasan, sa gitna nito, inilalagay ko ang aking pagod sa Kanyang mga kamay at humihingi sa Kanya ng lakas upang tulungan akong gawin ang huling milya.  Ang isa sa aking mga paboritong paraan upang mag-ehersisyo at sumamba sa Diyos ay ang magsagawa ng maingat na paglalakad habang nagro Rosaryo, sa gayon iniehersisyo kapwa ang aking katawan at ang espirituwal na kapakanan!

Sa Bawat Bagay, Kahit Saan

Madalas nating nalilimutang makita ang Diyos sa ibang tao, hindi ba?  Isa sa mga paborito kong aklat ay ang talambuhay ni Mother Teresa.  Ang may-akda, si Padre Leo Maasburg, ay kakilala siya nang personal.  Naaalala niya nang minsang makita niya ito na taimtim sa paanalangin habang isang tagapagbalita ay nahihiyang sumiksik, natatakot na makagambala sa kanyang pagtanong.  Sabik malaman kung paano siya tumauli, nagulat si Padre nang makita itong lumingon sa tagapagbalita nang may saya at pagmamahal sa mukha sa halip na pagka-inis.  Nangusap siya kung paano, sa isipan nito, na ibinaling lamang niya ang kanyang pansin mula kay Hesus para kay Hesus.

Sinasabi sa atin ni Hesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga ito ng miyembro ng aking mag-anak, ginawa ninyo ito sa akin.” (Mateo 25:40 ).  Subalit si Hesus ay hindi lamang matatagpuan sa mahihirap o maysakit. Siya ay matatagpuan sa ating mga kapatid, ating mga kaibigan, ating mga guro, at mga katrabaho.  Sa paraang payak na pagpapakita ng pagmamahal, kabaitan, at awa sa mga nakakasalubong natin sa ating landas ay maaaring isa pang paraan upang magbigay ng pagmamahal sa Diyos sa ating abalang buhay.  Kapag gumagawa ka ng cookies para sa kaarawan ng kaibigan o kahit na lumabas ka lang para mananghalian kasama ang isang taong matagal mo nang hindi nakita, madadala mo ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang buhay at higit pang matupad ang Kanyang kalooban.

Saan Ka Man Naroroon

Sa sariling nating buhay, dumadaan tayo sa iba’t ibang yugto habang tayo ay tumatanda at lumalaki.  Ang pang-araw-araw na gawain ng isang pari o isang madre ay magmumukhang ibang-iba mula sa isang tapat na layko na may pamilyang aalagaan.  Ang mga pang-araw-araw na gawain ng isang mag-aaral ng mataas na paaralan ay magiging iba din sa mga nakagawian ng naturang sarili ng sila ay nasa hustong gulang na. Iyan ang napakaganda kay Hesus—sinasalubong Niya tayo saan man tayo naroon.  Ayaw Niyang iwanan natin Siya sa altar; sa tulad na paraan, hindi Niya tayo basta-basta iiwan kapag lumabas tayo sa Kanyang simbahan.  Kaya, sa halip na maramdaman na pinabayaan mo na ang Diyos habang nagiging abala ang iyong buhay, humanap ng mga paraan para anyayahan Siya sa lahat ng iyong ginagawa, at makikita mo na ang lahat ng bagay sa iyong buhay ay mapupuno ng higit na pagmamahal at panukala.

Share:

Sarah Barry

Sarah Barry is a student at the University of St Andrew’s in Scotland pursuing a degree in Biblical Studies. Her love of writing has allowed her to touch souls through her Instagram blog @theartisticlifeofsarahbarry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles