Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article
Gaano man kahirap ang panahon, kung matiyaga ka, hindi ka matitinag.
Namumuhay tayo sa napakadilim at nakakalitong panahon. Ang kasamaan ay nasa paligid natin, at ginagawa ni Satanas ang lahat para wasakin ang lipunan at ang mundong ginagalawan natin. Ang pagtingin sa mga balita kahit ilang minuto ay maaaring maging lubhang nakakasira ng loob. Kapag sa tingin mo ay hindi na ito maaaring lumala pa, makakadinig ka ng ilang bagong kalupitan o kasamaan sa mundo. Madali kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa
Ngunit bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag na maging tauhan ng pag-asa. Paano ito mangyagari?
Mayroon akong kaibigan na katutubo ng Rhode Island. Minsang Araw ng mga Ama, binigyan siya ng kanyang mga anak ng isang sombrero na may larawan ng angkla at Hebreo 6:19 na nakaburda dito. Ano ang kahalagahan nuon? Ang watawat ng estado ng Rhode Island ay may angklang may nakasulat na salitang “pag-asa”. Ito ay isang patukoy sa Hebreo 6:19, na nagsasabing: “Taglay natin ang pag-asang ito, isang matibay at matatag na angkla ng kaluluwa, isang pag-asang tumutuloy sa Kabanal-banalanng templo sa kabila ng tabing…”
Ang aklat ng Hebreo ay sinulat sa mga taong dumadanas ng matinding pag-uusig. Ang kilalanin na ikaw ay Kristiyano ay nangangahulugan ng kamatayan o pagdurusa, pagpapahirap o pagpapatapon. Dahil napakahirap, madami ang nawalan ng pananampalataya at nag-isip kung karapat-dapat bang sundin si Kristo. Sinisikap ng may-akda ng liham sa mga Hebreo na hikayatin silang manatili, magtiyaga—na ito ay sulit. Sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang pag-asa na nakabatay kay Hesus ang kanilang angkla.
Noong ako ay nasa mataas na paaralan sa Hawaii, bahagi ako ng isang programa na nagtuturo ng pandagat aghambuhay sa mga mag-aaral. Gumugol kami ng Ilang linggo sa bawat pagkakataon na naninirahan at gumagawa sa isang bangka. Sa kadamihan ng mga pook na aming nilayagan, may isang pantalan o daungan kung saan maaari naming itali ang bangka nang walang panganib sa lupa. Ngunit may ilang malalayong mataas na paaralan na hindi malapit sa pantalan o bayo na may daungan. Sa mga pagkakataong iyon, kinailangan naming gamitin ang angkla ng bangka—isang mabigat na metal na bagay na may ilang matutulis na kawit dito. Kapag inihulog ng isa ang angkla sa tubig, kumakapit ito sa ibaba ng kama ng dagat at pumipigil sa bangka sa paglutang papalayo.
Maaari tayong maging tulad ng mga bangka, na pahagishagis at palutanglutang sa kati at alon ng pang-araw-araw na buhay. Nadidinig namin sa mga balita ang tungkol sa paglusob ng terorista, barilan sa mga paaralan at simbahan, masamang kapasiyahan ng hukuman, masamang balita sa iyong pamilya, o mga natural na sakuna. Madaming mga bagay ang maaaring yumanig sa atin at masiraan ng loob at puno ng kawalan ng pag-asa. Maliban kung tayo ay may isang angkla para sa ating mga kaluluwa, tayo ay maiibalibag at hindi magkakaroon ng anumang kapayapaan.
Subalit upang ang isang angkla ay gumana, kailangan nitong ikabit sa isang bagay na matibay at matatag. Ang isang bangka ay maaaring magkaroon ng pinakamalakas, pinakamahusay na angkla na magagamit, ngunit maliban kung ito ay nakakabit sa isang bagay na matibay at matatag, ang bangkang ito ay matatangay ng susunod na pagtaas ng tubig o alon.
Madaming tao ang may pag-asa, ngunit inilalagay nila ang kanilang pag-asa sa kanilang kwenta sa bangko, sa pagmamahal ng kanilang asawa, sa kanilang mabuting kalusugan, o sa pamahalaan. Maaring sabihin nila: “Hangga’t nasa akin ang tirahan ko, ang hanap-buhay ko, ang sasakyan ko, lahat ay magiging maayos. Hangga’t bawat isa sa aking mag-anak ay malusog, lahat ay maayos.” Ngunit nakikita mo ba kung gaano kahina iyon? Ano ang mangyayari kung mawalan ka ng hanap-buhay, magkasakit ang isang miyembro ng mag-anak, o bumagsak ang ekonomiya? Nawawalan ka na ba ng pananampalataya sa Diyos?
Naaalala ko noong ang aking ama ay nakikipagtunggali sa kanser sa mga huling taon ng kanyang buhay. Ito ay isang mabagyo, magulong panahon para sa aming mag-anak dahil sa bawat bagong pagsusuri, salit-salit naming nadinig ng magandang balita o masamang balita. May mga pagpunta sa ER, at minsan siyang inilipad pa sa ibang pagamutan para sa madaliang pagtistis. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalipusta at kahinaan ng loob habang pinagmamasdan namin ang aking ama na nagdudusa at nanghihina.
Ang aking ama ay isang matatag at debotong Kristiyano. Gumuugol siya ng ilang oras bawat araw sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at nagturo siya ng mga pag-aaral ng Bibliya sa loob ng madaming taon. Nakakatukso para sa akin na magtaka kung nasaan si Hesus sa lahat ng ito. Matapos madinig ang isa pang masamang pagbabala, habang pakiramdam ng aking kaluluwa’y nabanat ng pinakahuling ulat na ito, nagpunta ako sa isang simbahan upang manalangin.
“Panginoon, ako’y nawawalan ng Pag-asa. Nasaan Ka?”
Habang tahimik akong nakaupo duon, napagtanto ko na inilagay ko ang aking pag-asa sa paggaling ng aking ama. Kung kayat ramdam ko’y nangangatog at hindi matatag. Subalit inaanyayahan ako ni Hesus na ilagay ang aking pag-asa, ang aking angkla, sa Kanya. Mahal na mahal ng Panginoon ang aking ama nang mas higit pa sa kakayanin ko, at Siya ay kasama niya sa mahirap na pagsubok na ito. Ibibigay ng Diyos sa aking ama ang kakailanganin niya upang makatakbo nang maayos ang kanyang pakikipagtunggali hanggang sa katapusan, kailanman iyon. Kailangan ko yung tandaan at ilatag ang aking pag-asa sa Diyos at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa aking ama.
Pumanaw ang aking ama sa bahay makalipas ang ilang linggo, pinaligiran ng pagmamahal at madaming panalangin, magiliw na inalagaan ng aking ina. Namatay siya na may maamong ngiti sa kayang mukha. Siya ay handa nang magtungo sa Panginoon, umaasa na makita nang harapan ang kanyang Tagapagligtas sa wakas. At ako ay payapa sa ganito, handang siya ay payagang lumisan.
Ang pag-asa ay ang angkla, ngunit ang angkla ay kasing-tibay lamang ng kung ano ang kinakapitan nito. Kung ang ating angkla ay matatag na nakakapit kay Hesus, Siya na nakadaan na sa tabing nauna pa sa atin at naghihintay sa atin, kung kaya’t gaano man kataas ang mga alon, gaano man kalakas ang mga bagyo sa paligid natin, tayo ay mananatiling matatag at hindi matatangay.
Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com
Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito! Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama. Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman. Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak. Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo. Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa. Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!” Ito ang paraan. Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa. Kumakapit kami sa Yukaristiya. At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus. Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama. Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin. Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong. Nakadarama ng Pag-iisa? Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon. Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit. Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa. Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin. Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik. Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya. Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito. Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus. Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama. Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32) Di-kapanipaniwalang Malapít Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.” Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin. Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama'y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya? Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo. Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba. Pangwakas na Katotohanan Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing. Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon. Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan. Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao'y lagi kong pahahalagahan. Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin: “Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha. Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.” Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit. Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili. Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya. Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal. Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya. Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan. Dito ang kung saan tayo mapapakain. Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso. Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama.
By: Denise Jasek
MoreMay nagpatigil sa akin noong araw na iyon... at nagbago ang lahat. Sisimulan ko na sana ang aking grupo ng pagrorosaryo sa pansariling pagamutan kung saan ako nagtatrabaho bilang isang propesyonal sa pangangalaga ng pastoral nang mapansin ko ang 93-anyos na si Norman na nakaupo sa kapilya nang mag-isa, na mukhang nalulungkot. Ang kanyang mga panginginig dahil sa kanyang Parkinsons ay mukhang kitang-kita. Sinamahan ko siya at itinanong kung kamusta na siya. Sa talunang pagkibit-balikat, may ibinulong siya sa wikang Italyano at tila napaiyak. Alam kong hindi siya nasa mabuting kalagayan. Ang galaw ng kanyang katawan ay pamilyar sa akin. Nakita ko ito sa aking ama ilang buwan bago siya namatay—ang pagkabigo, kalungkutan, kalumbayan, pagkabalisa ng 'bakit kailangan kong ipagpatuloy ang pamumuhay nang ganito,' ang pananakit ng katawan na makikita mula sa nakakunot na ulo at malasalaming mga mata... Naging emosyonal ako at hindi makapagsalita ng ilang saglit. Sa katahimikan, ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat, sinisiguro sa kanya na kasama niya ako. Isang Panibagong Buong Mundo Ang umagang Ito ay oras ng pag-inom ng tsaa. Alam ko na bago niya magawang makarating sa silid kainan na kaladkad ang mga paa, hindi niya aabutin ang pamimigay ng tsaa. Kaya, nag-alok ako na gawan siya ng kupa. Sa aking minimal na alam sa Italyano, naunawaan ko ang kanyang mga kagustuhan. Sa malapit na kusina ng mga tauhan, ginawan ko siya ng isang tasa ng tsaa, na may gatas at asukal. Binalaan ko siya na medyo mainit pa ito. Ngumiti siya, indikasyon na nagustuhan niya iyon. Ilang beses kong hinalo ang inumin dahil ayaw kong mapaso siya, at nang maramdaman naming pareho na tama na ang temperatura, inialok ko ito sa kanya. Dahil sa kanyang Parkinson's, hindi niya mahawakan nang matatag ang tasa. Tiniyak ko sa kanya na hahawakan ko rin ang tasa; ng kamay ko at ng nanginginig niyang kamay, humigop siya ng tsaa, nakangiting siyang-siya na para bang ito ang pinakamabuting inumin na nainom niya sa buong buhay niya. Inubos niya ang tsaa hanggang sa huling bawat patak! Hindi nagtagal ay tumigil ang kanyang panginginig, at umupo siya ng maayos, at naging mas alerto. Sa kanyang katangi-tanging ngiti, siya ay bumulalas ng: “salamat!” Sumama pa siya sa iba pang mga residente na hindi nagtagal ay nagtungo sa kapilya, at nanatili siya para sa Rosaryo. Isa lamang itong tasa ng tsaa, ngunit ang kahulugan nito ay ang buong mundo para sa kanya—hindi lamang para mapawi ang pisikal na uhaw kundi pati na rin ang emosyonal na kagutuman! Nagpapaalala Habang tinutulungan ko siyang inumin ang kanyang cuppa, naalala ko ang aking ama. Ang mga pagkakataong malugod siya sa mga pagkain na magkasama kami nang hindi nagmamadali, nakaupo na magkasama sa paborito niyang lugar sa sopa habang pinaglalabanan niya ang sakit na dulot ng kanyang cancer, sinasamahan ko siya sa kanyang kama sa pakikinig sa paborito niyang musika, nanonood ng Misa sa pagpapagaling onlayn nang magkasama… Ano ang nagtulak sa akin na makipagkita kay Norman ukol sa kanyang pangangailangan noong umagang iyon? Tiyak na hindi ito ang aking mahina at karnal na kalikasan. Ang plano ko ay mabilis na iayos ang kapilya dahil huli na ako. Mayroon akong isang gawain na dapat tapusin. Ano ang nagpatigil sa akin? Si Hesus, ang nagluklok ng Kanyang biyaya at awa sa aking puso upang tumugon sa mga pangangailangan ng isang tao. Sa sandaling iyon, napagtanto ko ang lalim ng turo ni San Pablo: "At kung ako ma'y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nasa daigdig, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at nag-alay ng kanyang buhay para sa akin.” ( Mga taga Galacia 2:20 ) Naiisip ko lang kung pagdating ko kaya sa idad ni Norman at ako ay makagustong uminom ng cappuccino, ‘na may gatas ng almonde, medyo matapang, at talagang mainit,’ may gagawa din kaya nito para sa akin ng may ganoong awa at grasya?
By: Dina Mananquil Delfino
MoreAng pinakadakilang ebanghelista ay tiyak na si Hesus mismo, at walang higit na pagpapakita ng kapamaraanan sa pangangaral ni Hesus kundi ang dalubhasang pasalaysay ni Lukas na may kinalaman sa pagdako ng mga alagad sa daan ng Emaus. Ang salaysay ay nagsisimula ng dalawang mga alagad na pumaparoon nang hindi wastong daan. Ang bayan ng Herusalem ay ang kabanalang gitna ng panawag-pansin—ang pinagmulan ng Huling Hapunan, ng Krus, Muling Pagkabuhay, at Pagsugo ng Ispirito. Ito ang kinatungkulang pook na kung saan ang dula ng Panunubos ay namumukadkad. Kaya, sa paglilisan mula sa ulunlunsod, ang dalawang mga dating alagad ni Hesus ay lumulusong laban sa agos. Si Hesus ay sumasama sa kanilang paglalakbay—bagama’t tayo’y nasabihang sila’y nasansala na makilala Siya—at tinatanong Niya kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Sa Kanyang tanang ministeryo, si Hesus ay nakipagsalamuha sa mga makasalanan. Magkabalikat Siyang nakihanay sa maputik na ilog ng Hordan kasama ng yaong mga naghahangad ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagbinyag ni Juan; pagkaraan at muli, Siya’y nakikain at nakiinom sa mga taong may-kinamumuhiang katanyagan, lubhang di-kapanipaniwala sa mga mapagmatuwid; at sa wakas ng Kanyang buhay, Siya’y ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang mga magnanakaw. Kinasuklaman ni Hesus ang sala, ngunit kinagiliwan Niya ang mga makasalanan, at patuloy na nalulugod na kumilos patungo sa kanilang mundo upang himukin sila ayon sa kanilang mga pananakda. At ito ang unang dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matagumpay na ebanghelista ay hindi nagpapatayog mula sa karanasan ng mga makasalanan, madaliang nag-aalay ng kaukulang hatol, ipinagdarasal sila mula sa kalayuan; sa halip, siya’y nagmamahal sa kanila nang lubos nang sa gayo'y masamahan sila at marapating maglakad sa kanilang mga sapatos upang madama ang pagkakaiba ng kanilang karanasan. Dahil napagningasan ng mausisang mga tanong ni Hesus, isa sa mga manlalakbay, na nagngangalang Cleopas, ay inuulat ang ‘mga bagay' hinggil kay Hesus ng Nasaret: “Siya ay isang makapangyarihang propeta sa diwa at gawa sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao; ang aming mga pinuno, bagaman, ay pinapatay Siya; inakala naming Siya ang magiging manunubos ng Israel; itong kaumagahan kami ay napagsabihan na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay.” Lahat ng mga 'katotohanan' ay nakuha ni Cleopas nang tuwiran; ni-isa sa kanyang sinasabi tungkol Kay Hesus ay mali. Ngunit ang kanyang pagkalumbay at paglisan ng Herusalem ay nagpapatunay na hindi niya nakukuha ang larawan. Ikinatutuwa ko ang mahusay at nakakatawang mga karikatura sa magasin ng New Yorker. Ngunit, paminsan-minsan, mayroong isang karikatura na pawang hindi ko maunawaan. Nakuha ko ang lahat ng mga detalye, nakita ko ang lahat ng mga mahalagang tauhan at mga bagay na pumapaligid dito, naunawaan ko ang pamagat. Gayunpaman, hindi ko nakikita kung bakit ito’y nakakatawa. Pagkaraka, mayroong dumarating na sandali ng kalinawan: bagama’t wala akong nakikitang anumang karagdagang detalye, bagama’t walang bagong bahagi ng palaisipan ang lumilitaw, naaaninaw ko ang tularan na nakapag-uugnay sa kanila nang sama-sama sa makabuluhang paraan. Sa isang salita, 'nakukuha' ko ang karikatura. Nang naparinggan ang patotoo ni Cleopas, ang sabi ni Hesus: “Naku, ang hahangal ninyo! Ang kukupad ng puso na paniwalaan ang lahat ng isinaad ng mga propeta.” At ang kasunod ay binubuksan Niya ang Mga Kasulatan sa kanila, ipinakikita ang dakilang mga tularan na nagmula sa Banal na Aklat, na nagbibigay-saysay sa 'mga bagay' na kanilang nasaksihan. Na walang ihinahantad sa kanila na anumang bago tungkol sa Kanya, ipinakikita ni Hesus ang hugis at ang nakapananakop na panukala, ang kahulugan—at sa paraang ito Siya ay 'nakuha' nila: ang kanilang mga puso ay nagsisialab sa kaloob-looban nila. Ito ang pangalawang dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matagumpay na ebanghelista ay gumagamit ng Mga Kasulatan upang ihantad ang banal na mga tularan at sa wakas ang Tularan na pagiging tao kay Hesus. Kapag wala nitong nakapanlilinaw na mga paraan, ang buhay ng tao ay pawang kahukutan, isang kalabuan ng mga tagpo, isang bungkos ng walang-kabuluhang mga pangyayari. Ang mabisang ebanghelista ay isang ginoo ng Bibliya, pagka’t ang Kasulatan ay isang kaparaanan upang 'makuha' natin si Hesukristo at, sa Kanyang pamamagitan, ang ating mga buhay. Ang dalawang mga alagad ay nilalamuyot Siyang manatili na kasama nila nang papalapit na sila sa bayan ng Emaus. Si Hesus ay umuupong kasama nila, itinataas ang tinapay, isinasaad ang pagbasbas, hinahati ito at binibigay sa kanila, at sa sandaling yaon Siya’y nakikilala nila. Bagama’t sila ay, sa tulong ng Kasulatan, nasimulang makita Siya, hindi pa rin nila naunawaan nang lubos kung sino Siya. Ngunit sa pagpapahalaga ng Yukaristiya, sa pagbabahagi ng tinapay, ang kanilang mga mata ay namulat. Ang pangwakas na paraan upang maunawaan natin si Hesukristo ay hindi ang Kasulatan ngunit ang Yukaristiya. Ang Yukaristiya ay Kusang si Kristo, bilang tao at buong siglang umiiral. Ang sagisag ng hiwaga ng pagpapalaya, ang Yukaristiya, ay ang pag-ibig ni Hesus para sa mundo hanggang kamatayan, ang Kanyang paglalakbay patungo sa pagtatakwil-ng-diyos nang sa gayo’y masagip ang pinakanawawalan-ng-pag-asang mga makasalanan, ang Kanyang pusong nabuksan sa pagkahabag. At ito ang kung bakit sa pamamagitan ng lente ng Yukaristiya ay dumarating si Hesus nang sukdulang kapunuan at kalinawan sa tampulan. At kaya nakikita natin ang ikatlong dakilang aral sa ebanghelismo. Ang matatagumpay na mga ebanghelista ay mga tauhan ng Yukaristiya. Sila ay nakababad sa mga indayog ng Misa; isinasakatuparan nila ang Yukaristikong Pananamba; pinupukaw nila ang mga napagbahaginan ng Ebanghelyo sa pagsali sa katawan at dugo ni Hesus. Alam nila na ang pag-akay sa mga makasalanan kay Hesukristo ay kailanma’y hindi pawang isang bagay na pansariling saksi, o isang pangangaral na nagpapasigla, o kahit isang pahihirati sa mga tularan ng Kasulatan. Ito’y kauna-unahang isang bagay upang makita ang nasugatang puso ng Diyos sa pamamagitan ng tinapay na ibinabahagi ng Yukaristiya. Kaya kayong mga umaasang maging ebanghelista, gawin ang ginawa ni Hesus, makipaglakad sa mga makasalanan, buksan ang Aklat, ipamahahagi ang Tinapay.
By: Bishop Robert Barron
MoreAlam mo ba na tayong lahat ay naimbitahan sa Pinakadakilang Kapistahan sa kasaysayan ng sangkatauhan? Ilang taon na ang nakalilipas, binabasa ko ang kwento ng kapanganakan ni Dionysus kasama ang aking mga estudyante. Ang Persephone, ayon sa alamat, ay nabuntis ni Zeus at hiniling na makita siya sa kanyang tunay na anyo. Ngunit ang isang may hangganang nilalang ay hindi maaaring tumingin sa isang walang hanggang nilalang at mabubuhay. Kaya, ang tanging paningin kay Zeus ay naging sanhi ng pagsabog ni Persephone, doon at pagkatapos, sa lugar. Tinanong ako ng isa sa aking mga estudyante kung bakit hindi kami sumasabog kapag tinatanggap namin ang Eukaristiya. Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam, ngunit hindi masakit na maging handa. Ang Diskarte Araw-araw, at sa bawat simbahang Katoliko sa buong mundo, isang dakilang himala ang gumaganap—ang pinakadakilang himala sa kasaysayan ng mundo: ang Lumikha ng sansinukob ay nagkatawang-tao sa altar, at kami ay iniimbitahan na lumapit sa altar na iyon para kumuha. Siya sa ating mga kamay. Kung maglakas-loob tayo. May ilan na nagtatalo—at nakakumbinsi—na hindi tayo dapat maglakas-loob na umakyat at kunin ang Eukaristiya na para bang ito ay isang tiket sa teatro o isang order na kinukuha. Mayroong iba na nagtatalo, at nakakumbinsi, na ang kamay ng tao ay gumagawa ng isang karapat-dapat na trono para sa gayong abang Hari. Alinmang paraan, dapat tayong maging handa. Noong 2018, binisita ko ang Tower of London kasama ang aking pamilya. Pumila kami ng isang oras at kalahati para makita ang Koronang mga Hiyas. Isang oras at kalahati! Una, binigyan kami ng mga tiket. Pagkatapos, umupo kami sa isang bidyo ng dokumentaryo. Di-nagtagal, kami ay dinala sa isang paikot-ikot na serye ng pelus, mga koridor na may lubid na dumaan sa mga sisidlang pilak at ginto, mga nakasuot ng baluti, magarbo at mamahaling mga kasuotang balahibo, satin, pelus, at hinabing ginto...hanggang sa wakas, nabigyan kami ng maikling sulyap. ng korona sa pamamagitan ng bullet-proof na salamin at sa ibabaw ng balikat ng mabigat na armadong mga guwardiya. Lahat ng iyon para lang makita ang korona ng Reyna! Mayroong isang bagay na walang hanggan na mas mahalaga sa bawat Misa ng Katoliko. Dapat tayong maging handa. Dapat nanginginig tayo. Ang mga mandurumog ng mga Kristiyano ay dapat na nakikipaglaban para sa isang sulyap sa himalang ito. Kaya, nasaan ang lahat? Kuwarentenas Milagro Sa panahon ng pandemya, noong ang mga pintuan ng Simbahan ay sarado sa mga mananampalataya, at kami ay pinagbawalan—magaling, kayo ay ipinagbawal—na personal na masaksihan ang himalang ito, ilan ang nakiusap sa Simbahan na magkaroon ng lakas ng loob na magtiwala na mas gugustuhin nating mamatay kaysa mamatay. pagkakaitan ng himalang ito? (Hwag Ninyo akong masamain. Hindi ko sinissi ang desisyon ng Simbahan na pinagbasehan mula sa pinaka mahusay na medical na payo.) Wala akong natatandaang nakarinig tungkol sa anumang galit, ngunit pagkatapos, abala ako sa pagtatago sa kumbento, pag-isterilisado ng mga ibabaw ng patungan, at mga hawakan ng pintuan. Ano ang maibibigay mo kung naroon ka sa Cana nang gumawa si Jesus ng Kanyang unang himala—ang tumayo sa harapan ng Reyna ng Langit? Ano ang ibibigay mo kung nakapunta ka doon noong unang gabi ng Huwebes Santo? O ang tumayo sa paanan ng Krus? Kaya mo. Inimbitahan ka. Magkaroon ng kamalayan at maging handa.
By: Father Augustine Wetta O.S.B
MoreBilang mga Katoliko, narinig na natin mula noong tayo ay maliit pa: “Ihandog ito.” Mula sa isang maliit na sakit ng ulo hanggang sa isang napakaseryosong emosyonal o pisikal na pananakit, kami ay hinikayat na 'ihandog ito.' Noon lamang ako ay nasa hustong gulang na ako ay nagmuni-muni sa kahulugan at layunin ng parirala, at naunawaan ito bilang 'pantubos na pagdurusa.' Ang pantubos na pagdurusa ay ang paniniwala na ang pagdurusa ng tao, kapag tinanggap at inialay na kaisa ng Pasyon ni Hesus, ay makapagbibigay ng makatarungang kaparusahan para sa mga kasalanan ng isa o sa mga kasalanan ng iba. Sa buhay na ito, dumaranas tayo ng iba't ibang menor at malalaking pisikal, mental, emosyonal, at espirituwal na pagsubok. Maaari nating piliin na magreklamo tungkol dito o maaari nating isuko ang lahat at pagsamahin ang ating pagdurusa sa Pasyon ni Hesus. Maaari itong maging redemptive hindi lamang para sa atin, maaari pa nating tulungan ang isang tao na buksan ang kanilang puso upang matanggap ang pagpapagaling at kapatawaran ni Hesus. Maaaring hindi natin alam sa buhay na ito kung paano nakatulong ang pag-aalay ng ating mga pagdurusa sa ibang tao na makawala sa mga pagkaalipin na matagal nang nakahawak sa kanila. Minsan, pinahihintulutan tayo ng Diyos na maranasan ang kagalakan ng makita ang isang tao na kumawala sa buhay ng kasalanan dahil inialay natin ang ating pagdurusa para sa kanila. Maaari nating ialay ang ating mga pagdurusa kahit para sa mga mahihirap na kaluluwa sa purgatoryo. Kapag sa wakas ay nakarating na tayo sa Langit, isipin ang mga pinagdarasal natin at iniaalay ang ating mga pagdurusa na bumabati sa atin at nagpapasalamat sa atin. Ang pagdurusa sa pagtubos ay isa sa mga lugar na maaaring mahirap maunawaan nang lubusan, ngunit kapag titingnan natin ang Banal na Kasulatan at kung ano ang itinuro ni Jesus at kung paano namuhay ang kanyang mga tagasunod, makikita natin na ito ay isang bagay na hinihikayat ng Diyos na gawin natin. Hesus, tulungan mo ako sa bawat araw na ialay ang aking maliit at malalaking pagdurusa, kahirapan, inis, at ipagkaisa ang mga ito sa Iyo sa Krus.
By: Connie Beckman
MoreIsang mapang-akit na unang pagtatagpo, pagkawala, at muling pagkikita...ito ay isang kwento ng walang hanggang pag-ibig. Mayroon akong isang magiliw na alaala ng pagkabata ng isang mahiwagang araw nang makatagpo ko si Hesus sa Eukaristikong Pagsamba. Ako ay nabighani sa Eukaristikong Hesus sa isang marilag na monstrance na may insenso na tumataas patungo sa Kanya. Habang umiindayog ang insenso, ang insenso ay pumaitaas patungo sa Kanya sa Eukaristiya, at ang buong kongregasyon ay sabay-sabay na umawit: “O Sakramento na Kabanal-banalan, O Sakramento na Banal, Lahat ng papuri at lahat ng pasasalamat, sa bawat sandali ay Iyo.” Masyadong Inaabangan na Pagkikita Gusto kong hawakan ang insenso sa aking sarili at dahan-dahang itulak ito pasulong upang maitaas ko ang insenso sa Panginoong Hesus. Iminuwestra sa akin ng pari na huwag hawakan ang insenso at ibinaling ko ang aking atensyon sa usok ng insenso na umakyat, kasama ng aking puso at mga mata, sa Panginoong Diyos na ganap na naroroon sa Eukaristiya. Pinuno ng pagtatagpong ito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan. Ang kagandahan, ang amoy ng insenso, ang buong kongregasyon na kumakanta nang sabay-sabay, at ang pangitain ng Eukaristikong Panginoon na sinasamba...ang aking mga pandama ay lubusang nasiyahan, na nag-iiwan sa akin ng pananabik na maranasan itong muli. Napuno pa rin ako ng malaking kagalakan na alalahanin ang araw na iyon. Gayunpaman, sa aking kabataan, nawala ang aking pagkahumaling sa kayamanang ito, na pinagkaitan ang aking sarili ng napakagandang pinagmumulan ng kabanalan. Ang bata na ako noon, naisip ko na kailangan kong patuloy na manalangin para sa buong oras ng Eucharistic Adoration at isang buong oras ay tila masyadong mahaba para dito. Ilan sa atin ngayon ang nag-aatubiling pumunta sa Eucharistic Adoration para sa katulad na mga kadahilanan-stress, inip, katamaran o kahit na takot? Ang totoo, ipinagkakait natin sa ating sarili ang dakilang kaloob na ito. Mas malakas kaysa Kailanman Sa gitna ng mga paghihirap at pagsubok sa aking kabataan, naalala ko kung saan ako nakatanggap ng ganoong kaginhawahan at bumalik sa Eukaristikong Eucharistikong Pagsamba para sa lakas at kabuhayan. Sa Unang Biyernes, tahimik akong nagpapahinga sa presensya ni Hesus sa Banal na Sakramento sa loob ng isang buong oras, pinahihintulutan lamang ang aking sarili na makasama Siya, nakikipag-usap sa Panginoon tungkol sa aking buhay, humihingi ng Kanyang tulong, at paulit-ulit, ngunit mahinang ipinapahayag ang aking pagmamahal. para sa kanya. Ang posibilidad na magpakita sa harap ng Eukaristikong Hesus at manatili sa Kanyang banal na presensya sa loob ng isang oras ay nagpabalik sa akin. Sa pagdaan ng mga taon, napagtanto ko na ang Eukaristikong Pagsamba ay nagbago ng aking buhay sa malalim na paraan habang ako ay nagiging mas alam ang aking pinakamalalim na pagkakakilanlan bilang isang minamahal na anak ng Diyos. Alam natin na ang ating Panginoong Hesus ay tunay at ganap na naroroon sa Eukaristiya— Kanyang katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos. Ang Eukaristiya ay si Hesus Mismo. Ang paggugol ng oras kasama ang Eukaristiya Hesus ay makapagpapagaling sa iyo mula sa iyong mga karamdaman, makapaglilinis sa iyong mga kasalanan at mapupuno ka ng Kanyang dakilang pag-ibig. Kaya, hinihikayat ko ang lahat na gumamit ng regular na Banal na Oras . Kapag mas maraming oras ang iyong natitipon sa Panginoon sa Eucharistic Adoration, mas magiging matatag ang iyong personal na relasyon sa Kanya. Huwag sumuko sa paunang pag-aalinlangan, at huwag matakot na gumugol ng oras sa ating Eukaristikong Panginoon, na siyang pag-ibig at awa mismo, kabutihan, at kabutihan lamang.
By: Pavithra Kappen
MoreIsang handog na malaya mong magagamit saan man sa mundo, at hulaan mo! Ito ay libre hindi lamang para sa iyo kundi para sa lahat! Ipagpalagay mong ikaw ay naligaw sa isang malalim na hukay ng kadiliman at walang pag-asang nangangapa sa paligid. Bigla kang nakakita ng napakagandang liwanag at may umabot sa iyo para iligtas ka. Anong ginhawa! Ang labis na kapayapaan at kagalakan ay hindi lubos na maipahayag sa mga salita. Ganito ang nadama ng babaeng Samaritana nang makatagpo niya si Jesus sa may balon. Winika Niya sa kanya: “Kung alam mo ang handog ng Diyos, at kung sino yaong nagsasabi sa iyo: ‘Bigyan mo Ako ng inumin, hihingan mo Siya, at bibigyan ka Niya ng tubig na buhay.” (Huan 4:10) Nang madinig niya ang mga salitang ito, napagtanto ng babae na tanang buhay niya na itong hinihintay. “Bigyan Mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako mauhaw kailanman,” nagsumamo siya: (Huan 4:15) Noon lamang, bilang tugon sa kanyang kahilingan at pagkauhaw sa kaalaman tungkol sa Mesiyas, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili sa kanya: “Ako ay Siya, ang Isa na nangungusap sa iyo.” (Huan 4:26) Siya ang tubig na buhay na pumapawi sa bawat pagkauhaw—uhaw sa pagtanggap, uhaw sa pang-unawa, uhaw sa kapatawaran, uhaw sa katarungan, uhaw sa kaligayahan, at higit sa lahat, uhaw sa pag-ibig, Pag-ibig ng Diyos. Hanggang Sa lkaw Ay Humiling Ang handog ng presensya at awa ni Kristo ay nandiyan para sa lahat. "Pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin na, noong tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin." (Roma 5:8) Siya ay namatay para sa bawat makasalanan upang sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, maaari tayong mapadalisay mula sa ating kasalanan at makipagkaisa sa Diyos. Ngunit, tulad ng babaeng Samaritana, kailangan nating humiling kay Hesus. Bilang mga Katoliko, madali nating magagawa ito sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagsisisi, pagkukumpisal ng ating mga kasalanan at pakikipagkasundong muli sa Diyos kapag pinawalang-sala tayo ng pari, gamit ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos bilang persona Christi (sa katauhan ni Kristo). Nagbibigay sa akin ng malaking kapayapaan ang madalas na pagdalo sa Sakramento na ito dahil habang ito ay ginagawa ko, lalong nagiging bukal ang pagtanggap ko sa Banal na Espirito. Dama ko na Siya ay nangungusap mula sa aking puso, tinutulungan akong mapagwari ang mabuti sa masama, yumayabong sa pagiging matuwid habang ako ay tumatakas sa bisyo. Kung mas madalas kong pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Diyos, mas madali kong madama ang presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya. Nagkakaroon ako ng kamalayan sa presensya Niya duon sa mga tumanggap sa Kanya sa Banal na Komunyon. Dama ko sa aking puso ang Kanyang init kapag naglalakad padaan sa akin ang pari dala ang ciborium na puno ng benditadong hostia. Maging tapat tayo tungkol dito. Madaming tao ang pumipila sa Komunyon, ngunit kakaunti ang pumipila sa Kumpisal. Nakalulungkot na madaming tao ang Hindi nakakapakinabang sa gayong napakahalagang pinagmumulan ng biyaya para palakasin tayo sa pangkaluluwa. Narito ang ilang bagay na makakatulong sa akin para maging sulit ang Kumpisal. 1. Maging Handa Ang isang masusing pagsusuri ng budhi ay kinakailangan bago Magkumpisal. Maghanda sa pamamagitan ng pagsuri sa mga utos, ang pitong malubhang mga kasalanan, ang mga kasalanan ng pagkukulang, ang mga kasalanan laban sa kadalisayan, pagmamahal sa kapwa, atbp. Para sa isang taos-pusong kumpisal, ang pagpapahayag ng kasalanan ay isang pambungad na kailangan, kaya laging nakakatulong na hilingin sa Diyos na liwanagan tayo tungkol sa ilang mga kasalanang nagawa natin na hindi natin batid. Hilingin sa Banal na Espiritu na paalalahanan tayo sa mga kasalanan na naligtaan mo, o ipabatid sa iyo kung saan hindi mo namamalayan na ika'y nagkakamali. Minsan niloloko natin ang ating sarili sa pag-iisip na okay lang ang isang bagay kahit hindi naman. Minsang makapaghanda tayo nang maayos, maaari nating hilinging muli ang tulong ng Banal na Espirito upang buong puso nating aminin ang mga pagkukulang nang may taos pusong pagsisisi. Kahit hindi natin hinaharap ang pagkumpisal nang may lubos na pagsisisi sa puso, ito ay maaaring mangyari sa oras ng kumpisal mismo sa pamamagitan ng biyayang naroroon sa Sakramento. Kahit ano pa man ang nadarama mo tungkol sa ilang mga kasalanan, makabubuting ipagtapat pa din ang mga ito; Pinatatawad tayo ng Diyos sa Sakramento na ito kung aaminin nating tapat ang ating mga kasalanan, kinikilala na tayo ay nakagawa ng pagkakamali. 2. Maging Matapat Maging tapat sa iyong sarili tungkol sa sarili mong mga kahinaan at pagkukulang. Ang pag-amin ng mga pakikibaka, at ang iwaksi ang mga ito mula sa kadiliman tungo sa liwanag ni Kristo ay magpapaginhawa sa iyo sa nakakaparalisang pagkakasala at magpapalakas sa iyo laban sa mga kasalanan na madalas mong gawin nang paulit-ulit (tulad ng mga adiksyon). Naaalala ko minsan, sa pagkukumpisal, nang sabihin ko sa pari ang tungkol sa isang kasalanan na tila hindi ko mawaglit, nanalangin siya para sa akin na matanggap ang partikular na biyaya mula sa Banal na Espiritu upang matulungan akong maiwaksi ito. Ang karanasang ito ay tunay na nakapagpapalaya. 3. Maging Mapagpakumbaba Sinabi ni Hesus kay Santa Faustina na “Ang isang kaluluwa ay hindi makikinabang gaya ng nararapat sa Sakramento ng Penitensiya kung hindi ito hamak. Ang pagmamataas ay nagpapanatili nito sa kadiliman." (Diary, 113) Nakakahiya ang lumuhod sa harap ng ibang tao at hayagang harapin ang mga madilim na bahagi ng iyong buhay. Naaalala ko na nakatanggap ako ng isang napakahabang sermon dahil sa pag-amin ng isang mabigat na kasalanan minsan at ang mapagsabihan dahil sa paulit-ulit na pagkumpisal ng nasabing kasalanan. Kung matutunan kong tanawin ang mga karanasang ito bilang mapagmahal na pagwawasto ng isang Ama na labis na nagmamalasakit sa iyong kaluluwa at kusang-loob Ang pagpapatawad ng Diyos ay isang makapangyarihang palatandaan ng Kanyang pag-ibig at katapatan. Kapag tayo ay masok sa Kanyang yakap at ikumpisal kung ano ang ating nagawa, ibinabalik nito ang ating kaugnayan sa Kanya bilang ating Ama at tayo, Kanyang mga anak. Ibinabalik din nito ang ating kaugnayan sa isa't isa na kabilang sa isang katawan—ang katawan ni Kristo. Ang pinakamagandang bahagi ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos ay kung paano nito ibinabalik ang kadalisayan ng ating kaluluwa nang sa gayon kapag tinitingnan natin ang ating sarili at ang iba, makikita natin ang Diyos na nananahan sa lahat.
By: Cecil Kim Esgana
MoreHindi madaling hulaan kung ikaw ay magiging matagumpay, mayaman o sikat, ngunit isang bagay ang sigurado– ang kamatayan ay naghihintay sa iyo sa dulo. Ang isang katamtamang bahagi ng aking oras sa mga araw na ito ay nagugol ko sa pagsasanay ng sining ng pagkamatay. Masasabi kong, nasisiyahan ako sa bawat sandali ng pagsasanay na ito, maski na mula pa nang napagtanto ko na ako ay pumasok sa mahirap na wakas ng mga antas ng oras. Ako ay malusog at tunay na maayos at nakalampas sa tatlong taon at sampu, kaya nagsimula akong mag-isip nang seryoso: anong mga positibong paghahanda ang kailangan kong gawin para sa hindi maiiwasang pagkawala ng aking buhay? Gaano ako katibay sa buhay na aking ipinamumuhay? Ang buhay ko ba ay malaya hangga't maaari sa kasalanan, lalo na ang mga kasalanan ng laman? Ang aking pinakalayunin ba ay iligtas ang aking imortal na kaluluwa mula sa walang hanggang kapahamakan? Dahil sa awa ng Diyos, ako ay pinahintulutan pa ng 'dagdag na oras' sa larong ito ng buhay, upang maiayos ko ang aking mga gawain (lalo na ang mga gawaing espirituwal) bago ako pumunta sa tuktok at sa mga anino ng lambak ng kamatayan. Mayroon akong panghabambuhay gayundin upang ayusin ang mga ito, ngunit tulad ng marami, napabayaan ko ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay, mas pinipiling maging tanga sa paghahanap ng mas higit pang kayamanan, seguridad, at agarang kasiyahan. Hindi ko masasabing malapit na akong magtagumpay sa aking mga pagsusumikap habang ang mga kaguluhan sa buhay ay patuloy na sumasalot sa akin, sa kabila ng aking katandaan. Ang patuloy na salungatan na ito ay palaging nakakainis at nagpapahirap, ngunit kapag ang isa ay maaari pa ring matukso, ang gayong mga nasayang na emosyon ay napakawalang saysay. Pagtakas sa hindi maiiwasan Sa kabila ng Katolikong pagpapalaki sa akin at sa paghihimok nitong yakapin at asahan ang hindi maiiwasang pagtapik sa balikat ng 'Anghel ng Kamatayan' ng Diyos, inaasahan ko pa rin ang liham mula sa Hari na binabati ako sa pag-abot sa 'the big zero.' tulad ng marami na kaidaran ko, ako ay nakikipag-ugnayan upang pigilan ang hindi maiiwasan sa pamamagitan ng pagtanggap ng anumang insentibo upang makatulong na pahabain ang aking buhay sa lupa gamit ang mga gamot, kalinisan, diyeta, o sa anumang paraan na posible. Ang kamatayan ay hindi maiiwasan para sa lahat, kahit pa para sa Papa, sa ating minamahal na Tiya Beatrice, at maharlika. Ngunit habang tumatagal tayo sa pagtakas sa hindi maiiwasang bagay, mas lalong lumiliwanag ang kislap na iyon ng pag-asa sa ating pag-iisip—na maaari nating itulak ang sobre, maglagay ng isa pang buga ng hininga sa lobo na iyon, palawakin ito hanggang sa pinakalabas nitong hangganan. Sa palagay ko, sa isang paraan, maaaring iyon ang sagot sa matagumpay na pagpapahaba ng petsa ng kamatayan—ang pagiging positibo, ang paglaban sa imortalidad. Palagi kong iniisip, kung maiiwasan ko ang hindi makatarungang mga buwis sa anumang paraan, kung gayon bakit hindi subukang iwasan ang ibang katiyakan, ang kamatayan? Tinukoy ni San Agustin ang kamatayan bilang: "ang utang na dapat bayaran." Idinagdag pa ni Arsobispo Anthony Fisher: “Pagdating sa kamatayan, ang modernidad ay tungo sa pag-iwas sa buwis, gayundin ang ating kasalukuyang kultura sa pagtanggi tungkol sa pagtanda, kahinaan, at kamatayan.” Ganoon din sa mga kaangkupan na dyim. Nagbilang ako noong nakaraang linggo, limang ganoong mga establisyimento sa aming medyo maliit na komunidad, sa panlabas na kanlurang suburb ng Sydney. Ang nagngangalit sa pagnanais na maging angkop at malusog na tunay na marangal at kapuri-puri, kung hindi natin ito masyadong sineseryoso dahil maaari itong makaapekto sa bawat aspeto ng ating buhay sa kapinsalaan nito. At kung minsan, maaari itong humantong sa sobrang pagmamahal sa sarili. Dapat tayong magtiwala sa ating kakayahan at mga talento ngunit panatilihing nakikita ang kabutihan ng kababaang-loob na nagpapanatili sa atin na nakasalig sa katotohanan, upang hindi tayo masyadong lumayo sa mga alituntunin ng Diyos para sa pagiging normal. Hanggang sa Lubos na Kasamaan Sinusubukan pa nga nating paamuhin ang pagtanda at kamatayan, kaya nangyayari ang mga ito sa ating sariling mga termino sa pamamagitan ng mga kosmetiko at medikal na labis, krayopreserbasyon, iligal na ninakaw na mga organo para sa mga transplant, o ang pinaka-malasatanas na paraan ng pagsisikap na talunin ang natural na kamatayan sa pamamagitan ng paggawa ng Euthanasia... Hindi pa ba sapat ang mga sakuna para kumitil sa ating buhay nang maaga. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay natatakot sa pag-iisip ng kamatayan. Maaari itong makaparalisa, makalito, at makapanlumo, dahil ito na ang magiging katapusan ng ating buhay sa lupa, ngunit kailangan lang ng gabuto ng mustasa na pananampalataya upang mabago ang lahat ng 'katapusan ng mundo' na pakiramdam at upang magbukas ng isang buong bagong tanawin ng pag-asa , kagalakan, kasiya-siyang pag-asa, at kaligayahan. Kung meron kang pananampalataya sa kabilang buhay kasama ang Diyos at lahat ng kaakibat nito, ang kamatayan ay isang kinakailangang pinto na dapat buksan para tayo ay makibahagi sa lahat ng mga pangako ng Langit. Napakalaking garantiya, na ibinigay ng ating Makapangyarihang Diyos, na sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang anak na si Hesus at pamumuhay ayon sa Kanyang mga tagubilin, pagkatapos ng kamatayan ay mararating ang buhay-buhay sa ganap na antas. At sa gayon, maaari nating itanong nang may kumpiyansa ang: "Oh kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay, kamatayan nasaan ang iyong tibo?" (1 Korinto 15:58) Putol na Pananampalataya Sa pagpasok sa malawak na kawalan ng kaalaman, kaba ang maaasahan, ngunit salungat sa Hamlet ni Shakespeare, na nagsabing: “Ang kamatayan ay ang bansang hindi natuklasan kung saan walang nakakabalik na manlalakbay,” tayong mga pinagkalooban ng kaloob ng pananampalataya ay ipinakita sa atin ang katibayan na ang ilang kaluluwa ay nakabalik mula sa bituka ng kamatayan upang magbigay ng patotoo sa maling impormasyong iyon. Itinuturo ng Katesismo ng Katolikong Simbahan na ang kamatayan ay bunga ng kasalanan. Ang Magisterium ng Simbahan, bilang tunay na tagapagsalin ng mga pagpapatibay ng Kasulatan at Tradisyon, ay nagtuturo na ang kamatayan ay pumasok sa mundo dahil sa kasalanan ng tao. “Kahit na ang kalikasan ng tao ay mortal, itinakda ng Diyos na hindi siya mamatay. Kung gayon ang kamatayan ay salungat sa mga plano ng Diyos na Lumikha at pumasok sa mundo bilang bunga ng kasalanan.” Pinatutunayan ito ng Aklat ng Karunungan. “Hindi ginawa ng Diyos ang kamatayan, at hindi Niya kinalulugdan ang kamatayan ng mga buhay. Nilikha Niya ang lahat upang ito ay patuloy na umiral at lahat ng Kanyang nilikha ay kapaki-pakinabang at mabuti.” (Karunungan 1:13-14, 1 Korinto 15:21, Roma 6:21-23) Kung walang tunay na pananampalataya, ang kamatayan ay parang pagkalipol. Samakatuwid, hanapin ang pananampalataya dahil iyon ang nagpapabago sa ideya ng kamatayan sa pag-asa ng buhay. Kung ang pananampalatayang taglay mo ay hindi sapat na malakas upang madaig ang takot sa kamatayan, magmadali ka upang palakasin ang maliit na bahagi ng pananampalataya na iyon tungo sa isang ganap na paniniwala sa Kanya na Buhay, dahil pagkatapos ng lahat, ang nakataya ay ang iyong Buhay na Walang Hanggan. Kaya, huwag nating ipaubaya ang mga bagay sa pagkakataon. Magkaroon ka nawa ng isang ligtas na paglalakbay, magkita tayo sa kabilang panig!
By: Sean Hampsey
MoreT – Marami sa aking mga kaibigang Kristiyano ay nagdiriwang ng 'Komunyon' tuwing Linggo, at ipinagdidiinan nila na ang Yukaristikong pag-iral ni Kristo ay isang pambanalang paglalarawan lamang. Ako’y naniniwala na si Kristo ay naroon sa Yukaristiya. Ngunit mayroon bang paraan upang maipaliwanag ito sa kanila? S – Ito'y talagang isang di-kapanipaniwalang paninindigan na sabihin na sa bawa’t misa, ang isang munting piraso ng tinapay at isang kalis ng alak ay nagiging ganap na laman at dugong Kusa ng Diyos. Hindi isang paglalarawan o palatandaan, ngunit ito’y tunay na katawan, dugo, kaluluwa, at kabanalan ni Hesus. Paano natin ito magagawang isang paninindigan? Mayroong tatlong mga dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ito. Una, si Hesukristo ay kusang sinabi ito. Sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 6, sinabi ni Hesus: “Tunay, tunay na sinasabi Ko sa inyo, maliban lamang na kakanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang Kanyang dugo, kayo ay walang buhay sa sarili ninyo. Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. Pagka’t ang laman Ko ay tunay na kakanin at ang dugo Ko ay tunay na inumin. Sinuman ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin at Ako sa kanya.” Tuwing sinasabi ni Hesus, “Tunay, tunay na sinasabi Ko…”, ito’y isang tanda na ang Kanyang susunod na sasabihin ay may buong payak na kahulugan. Bilang karagdagan, ginamit ni Hesus ang Grekong salitang trogon na ang pagsalin ay “kumain”—ngunit ang totoong kahulugan ay “ngumuya, ngumata, o himayin ng mga ngipin ng isang tao.” Ito’y isang maliwanag na pandiwa na magagamit lamang nang santalagahan. Mandin, bigyang-pansin ang ganting tugon ng Kanyang mga tagapakinig; sila’y nagsilayo. Isinasaad sa Juan 6: “bilang kinauwian nitong [pangaral], marami sa Kanyang mga alagad ay bumalik sa kanilang dating kinagawiang pamumuhay at hindi na nagsiulit na samahan Siya.”Hinahabol ba Niya sila, sinasabing hindi nila naunawaan Siya? Hindi, sila’y hinayaan Niyang lumisan--sapagka't Siya’y taimtim tungkol sa Kanyang pangaral na ang Yukaristiya ay ang Kanyang tunay na laman at dugo. Ikalawa, naniniwala tayo dahil ang Simbahan ay palagi nang itinuro ito simula sa pinakamaagang mga araw. Minsan kong tinanong ang isang pari kung bakit walang pagbanggit ng Yukaristiya sa Kredo na ating ihinahayag tuwing Linggo—at sumagot siya na ito’y dahil walang nakikipagtalo sa Kanyang Tunay na Pag-iral, kaya ito’y hindi kinakailangang bigyan ng pangkapunuang kahulugan! Marami sa mga Ama ng Simbahan ang nagsulat tungkol sa Yukaristiya—bilang halimbawa, si San Justino Martir, nagsusulat sa loob ng ika-150 na Taon ng Panginoon, ay inilagda itong mga salita: “Pagka’t hindi bilang isang pangkaraniwang tinapay at pangkaraniwang inumin na tinatanggap natin ang mga ito; tayo’y napangaralan na ang pagkain na nabasbasan ng panalangin ng Kanyang diwa, at kung saan nagmumula ang kalusugan ng ating dugo at laman, ay ang laman at dugo ng yaong si Hesus na nagkatawamg-tao.” Bawa’t Ama ng Simbahan ay sumasang-ayon—ang Yukaristiya ay totoong laman at dugo Niya. Pinakahuli, ang ating pananampalataya ay napasisigla sa pamamagitan ng mga himala ng Yukaristiya sa kasaysayan ng Simbahan—mahigit na isang-daa't-limampung mga himalang natalà nang buong katiyakan. Marahil ang pinakabantog ay ang naganap sa Lanciano, Italya sa loob ng ikawalong-daang mga taon, kung saan ang isang pari na pinag-alinlangan ang tunay na pag-iral ni Kristo ay nagulantang nang nagtagpuan niya ang Ostiya ay naging malinaw na laman, habang ang alak ay naging bilang malinaw na dugo. Pagkaraa'y natuklasan ng makaagham na mga panunuri na ang Ostiya ay bahagi ng kalamnan ng pusong nagbubuhat sa isang lalaking tao na may uri ng dugong AB (napaka-karaniwan sa mga kalalakihang Hudyo). Ang pusong kalamnan ay nabugbog at nagkapasa-pasà nang sukdulan. Ang dugo ay nagsipagbuo sa limang mga kimpal, nagsasagisag sa limang mga sugat ni Kristo, at ang bigat ng isa sa mga kimpal ay makababalaghang tumutumbas sa bigat ng limang mga kimpal kapag pinagsama-sama! Ang mga dalub-agham ay hindi maipaliwanag kung paano makatatagal ang laman at dugong ito nang labindalawang-daang mga taon—mandin ay kusang isang di-maipaliliwanag na himala. Ngunit paano natin maipaliliwanag kung papaano ito nangyayari? Tayo’y makagagawa ng pagkakaiba ng pagkakayari (isang bagay na may anyo, amoy, lasa, atbp.) sa kalamnan (kung ano talaga ito). Noong ako’y musmos na bata, nasa loob ako ng bahay ng aking kaibigan, at nang siya’y umalis ng silid, nakakita ako ng isang galyetas na nasa plato. Ito’y nag-anyong katakamtakam, may amoy tulad ng banilya, at kaya kumagat ako nito…at ito pala'y sabon! Ako’y bigong-bigo! Ngunit ito’y napangaralan ako na ang aking mga pandama ay hindi parating maaninaw ang isang bagay kung ano talaga ito. Sa Yukaristiya, ang kalamnan ng tinapay at alak ay nagbabago sa pagiging kalamnan ng katawan at dugo (isang pamamagitang kinikilala bilang banyuhay), habang ang mga pagkakayari (ang lasa, amoy, anyo) ay nanatiling magkatulad. Ito’y totohanang nangangailangan ng pananalig upang matanggap na si Hesus ay tunay na umiiral, pagka’t ito’y hindi makikilala ng ating mga pandama, o ito’y isang bagay na mahihinuha ng ating pangangatwiran o pananahilan. Ngunit kung si Hesukristo ay Diyos at Siya ay hindi makapagsisinungaling, maluwag sa kalooban kong maniniwala na Siya’y hindi isang palatandaan o paglalarawan, ngunit tunay na naroroon sa Pinakabanal na Sakramento!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko. Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama. Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama. Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya: “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas. Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama. Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.” Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan. Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya. Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon: ‘Narito Ako, huwag kang matakot.' Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan. Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas. Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”
By: Shalom Tidings
MoreAng Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito... O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig." Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng 'Padalhan moa ko ng Rosas ' Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon. Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba. Nasaan ang Aking Rosas? Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. "Baka padadalhan niya rin ako ng rosas," naisip ko. Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas. Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese? Aking Hindi Nakikitang Kaibigan Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan. Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba't ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya. Isang Panimula Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain. Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese. Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa. Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang "Munting Paraan" at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas! Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.
By: Erin Rybicki
MoreNaglalakad kami ng kaibigan ko sa kalye nang may narinig kaming sumisigaw sa likod namin. Isang galit na toro ang mabilis na umaakay sa kalsada sa di kalayuan, habang ang mga natakot na tao ay nagsisigawan at nagsitakbuhan palayo. “Tumakbo tayo!” Sumigaw ako, ngunit mahinahong sumagot ang aking kaibigan: "Kung magsisimula tayong tumakbo, tiyak na hahabulin tayo nito." Pagkaraan ng ilang sandali, walang natitira sa pagitan namin at ng toro. "Ayan na. Kailangan na tayong tumakbo “Sigaw ko sa kaibigan ko, at sabay kaming umalis. Tumakbo kami nang buong lakas, ngunit hindi kami gaanong nagtagumpay. Sinubukan ng ilang mabubuting tao na hulihin ang toro. Hingal na hingal akong naghintay saglit, umaasang ligtas na kami sa wakas. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang paghabol. Sa isang punto, naalala kong magdasal Tapos, tumigil na lang ako sa pagtakbo. Tumayo ako roon, nakatingin sa toro na patungo sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ay huminto ito. Nagkatinginan kami sa mata ng isa't isa. Nakatayo kami doon, magkaharap, ng ilang segundo. Halos hindi ako naglakas-loob na huminga. Pagkatapos, bigla itong nagtungo sa ibang direksyon, iniwan kaming nanginginig. Palagi kong iniisip kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Sino ang maaaring tumayo sa pagitan ko at ng toro? Talagang naramdaman ko ang isang malakas na presensya na nagpoprotekta sa akin mula sa pinsala. Marami sa atin ang patuloy na tumatakas sa takot sa isang bagay. Bihira nating harapin ang ating takot at harapin ito sa makapangyarihang presensya ng Diyos. Madali tayong maging alipin ng mga taga kalmante tulad ng alak, droga, pamimili, pornograpiya, o kahit na labis na pangako sa mga layunin sa karera. Ang paglublob sa madaliang pagnanais na kasiyahan o labis na trabaho upang sugpuin ang ating mga pagkabalisa ay maaaring pansamantalang makagambala sa atin mula sa sakit ng malungkot na pagkabata, hindi nababayarang mga pautang, hindi kanais-nais na mga amo o kasamahan sa trabaho, mga lasing na asawa, hindi kasiya-siyang tahanan, o mga personal na pagkabigo. Ngunit sinisira nito ang ating kakayahang bumuo ng malusog na relasyon. Takot na lumiko sa kanan o sa kaliwa, hinayaan namin ang aming sarili na mag-dulot sa gulat. Paano natin mapapagaling ang ating mga sugat nang hindi nagdudulot ng karagdagang pinsala at makakahanap ng lunas? "Itiningin ko ang aking mga mata sa mga burol - saan manggagaling ang aking tulong? Ang tulong ko ay mula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa." (Awit 121:1-2). Kapag ikaw ay nababagabag sa anumang uri ng pagdurusa, huminto sa pagtakbo nang walang patutunguhan at humingi ng tulong ng Diyos. Huwag tumingin sa kanan o kaliwa, ngunit tumingin sa Panginoon sa itaas upang mahanap ang pinakamahusay na mga sagot sa iyong mga problema.
By: Dr. Anjali Joy
MoreBilang isang duyan na Katoliko, itinuro sa akin na ang pagpapatawad ay isa sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo, gayunpaman nahihirapan akong isagawa ito. Hindi nagtagal ay naging pabigat ang pakikibaka nang magsimula akong tumuon sa aking kawalan ng kakayahang magpatawad. Sa panahon ng Kumpisal, itinuro ng pari ang kapatawaran ni Kristo: "Hindi lamang niya sila pinatawad, ngunit nanalangin siya para sa kanilang pagtubos." Sinabi ni Hesus: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Ang panalanging ito ni Jesus ay naghahayag ng isang kapirasong madalas na napapabayaan. Malinaw na inilalantad nito na ang tingin ni Hesus ay hindi sa sakit o kalupitan ng mga sundalo kundi sa kanilang kawalan ng kaalaman sa katotohanan. Pinili ni Hesus ang pira pirasong sirang bahaging ito upang mamagitan para sa kanila. Ang mensahe ay bumungad sa akin na ang aking pagpapatawad ay kailangang umusbong mula sa pagbibigay ng espasyo sa hindi kilalang mga pira-piraso ng ibang tao at maging sa aking sarili. Mas magaan at mas masaya ang pakiramdam ko dahil dati, eksklusibong nakikitungo ako sa mga alam kong salik—ang pananakit na dulot ng iba, ang mga salitang binigkas nila, at ang pagkawasak ng mga puso at relasyon. Iniwan na ni Hesus na bukas ang pintuan ng pagpapatawad para sa akin, kailangan ko na lang tahakin ang landas na ito ng mapagpakumbabang pagkilala sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi sa loob ko at ng iba. Ang kamalayan ng hindi kilalang mga pira pirasong sirang bahagi ay nagdaragdag din ng mga patong ng kahulugan sa kung ano ang ibig sabihin ni Hesus kapag inanyayahan Niya tayong maglakad nang higit pa. Naisip ko na ang pagpapatawad ay isang paglalakbay na nagsisimula mula sa pagkilos ng pagpapatawad hanggang sa isang tapat na pamamagitan. Ang sandaling ito ng dagdag na milya, sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ikabubuti ng mga nakasakit sa akin, ay ang paglalakad ko sa Getsemani. At ito ang aking buong pagsuko sa Kanyang kalooban. Mapagmahal niyang tinawag ang lahat sa kawalang-hanggan at sino ako para maging hadlang sa aking kaakuhan at sama ng loob? Ang pagbubukas ng ating mga puso sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi ay nag-aayos ng ating relasyon sa isa't isa at naghahatid sa atin sa mas malalim na relasyon sa Diyos, na nagbibigay sa atin at sa iba ng daan sa Kanyang masaganang kapayapaan at kalayaan.
By: Emily Sangeetha
MoreKailan mo huling ipinatong ang iyong mga kamay sa ulo ng iyong anak, ipinikit ang iyong mga mata, at buong pusong nanalangin para sa kanila? Ang pagpapala sa ating mga anak ay isang makapangyarihang aksyon na maaaring humubog sa kanilang buhay sa malalim na paraan. Mga Halimbawa sa Bibliya: "Umuwi si David upang basbasan ang kanyang sambahayan." (1 Kronika 16:43) Itinatampok ng simpleng gawaing ito ang kahalagahan ng pagsasalita ng positibong mga salita sa ating mga mahal sa buhay. Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Ganito mo pagpalain ang mga Israelita: ‘Pagpalain ka at ingatan ka ng Panginoon; paliwanagin ng Panginoon ang Kanyang mukha sa iyo at maging mapagbiyaya sa iyo; iharap sa iyo ng Panginoon ang Kanyang mukha at bibigyan ka ng kapayapaan.’” (Bilang 6:22–26) Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng proteksiyon, pagsang-ayon, at kapayapaan ng Diyos. Paghihikayat at Pagdakila: Kapag pinagpapala natin ang isang tao, hinihikayat natin sila, pinalalakas sila ng positibong pagpapatibay. Kasabay nito, dinadakila natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kabutihan at biyaya. Ang mga pagpapala ay lumikha ng isang positibong kapaligiran kung saan ang mga bata ay nakadarama ng pagmamahal, pagpapahalaga, at seguridad. Pagbibigay ng Pagkakakilanlan: Ang mga pagpapala ay nakakatulong sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang bata. Kapag ang mga magulang ay nagsasalita ng mga pagpapala sa kanilang mga anak, pinagtitibay nila ang kanilang pagiging karapat-dapat at layunin. Isinasaloob ng mga bata ang mga mensaheng ito, dinadala ang mga ito hanggang sa pagtanda. Ang Kapangyarihan ng mga Salita: Sa isang pag-aaral ng pagganap ng koponan, natuklasan ng Harvard Business School na ang mga koponan na may mataas na pagganap ay nakatanggap ng halos anim na positibong komento para sa bawat negatibong komento. Ang mga pagpapala ay higit pa kaysa sa mga positibong komento. Kapag pinagpapala natin ang isang tao, ipinapahayag natin ang katotohanan sa kanila—ang katotohanan ng Diyos! Ang mga bata ay parang mga espongha, sumisipsip ng mga mensahe mula sa kanilang kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagpapala sa kanila, nagbibigay tayo ng panimbang sa mga negatibong impluwensyang nararanasan nila. Bilang mga magulang o tagapag-alaga, may pananagutan tayong pagpalain ang ating mga anak—magsalita ng nagbibigay-buhay na mga salita na nagpapatibay sa kanila sa emosyonal, espirituwal, at kaisipan. Maging maingat na huwag sumpain sila nang hindi sinasadya sa pamamagitan ng mga negatibong komento o nakakapinsalang saloobin. Sa halip, sadyang pagpalain sila ng pagmamahal, pampatibay-loob, at katotohanan ng Diyos.
By: George Thomas
More