Trending Articles
Ang pagkawala ay may kasamang hapdi ng dalamhati… Ngunit ito ba ay hindi maiiwasan?
Ang mga kabiguan pagkaraan ng mga araw ng saya ay hindi pambihira at maaring maging malala sa mga panahon ng sariling karanasan ng pagkawala. Ang kalakihan ng pagkabadya ay maaaring mapag-abangan o ang di-inaasahan ang pagkawala ng isang minamahal o ng isang tapat na alagang hayop, paghihiwalay, talamak na sakit, salakay, pagkawala ng tirahan o kabuhayan… Ang bawa’t isa’y may katumbas na antas ng dalamhati. Sa ganitong mga panahon, dapat nating gawin ang pinakamabuti upang mapagtanto ang pag-uugnayan ng katawan, isip, at kaluluwa, anuman ang gulang natin. Mahalaga ang paglaganap natin sa bawa’t isa sa mga saklaw na ito nang may kaukulang galang, tulad ng kung gaano tayo kasigasig na mabigyan-pansin Ang nadudulot ng isa ibang dalawa. Sapat na pahinga, isang tamang paraan ng pagkain, at pambanalang pag-aaruga ay maaaring maging isang pangmatagalang batayan na makatutulong sa atin na makaraos sa mga mapanghamong tagpo.
Bilang may hangganang mga nilalang, ginagawa natin ang pinakamabuti sa pakikihamok sa dalamhati. Ang pangungubli mula sa dalamhati ay walang pararatnan. Ang pagtanggap nito ay ang unang hakbang upang matutunan ang pag-iral na kasama ang pagkawala at umaasa sa mga buhay natin na makapagpatuloy. Ang anino nito, bagaman, ay mahaba at masaklawin. Ang pagkadalubhasa ay nasasamahan ng panahon at pagtanggap, ngunit halos lahat ay mula sa pananalig. Ang biglaan at walang kabuluhang pagkawala, katulad ng pagpapatiwakal, ay maaaring maging higit na nakahahamon kapag ang mga kalagayan ay makapagpupukaw ng nananatiling paninisi sa sarili. Ang nararapat na pagtatanaw ay nangangailangan ng walang pag-aalinlangan, panahon (kahit pati na rin ang pagpapayo), at isang lubos na kawili-wiling pagtitiwala sa isang Diyos na nakaaalam ng lahat at nakapagmamahal ng lahat.
Ang pananalamhati ay likas at nakatutulong na maisaayos tayo sa mga bagong katotohanan. Bagaman, sa pagkamit ng isang pagtuon sa ‘ang ngayon’ ay mahalaga sa panahon ng nakabibigat na dalamhati. Napakarami sa atin ang namumuhay sa loob ng nakaraan o maligalig na nababahala kung ano ang maidudulot ng bukas. Para sa ating mga tunay na nananalig sa kabatiran at awa ng Diyos, tayo’y tuluyang makatatagpo ng layunin sa ating mga buhay kahit sa anumang mga katayuan. Ang pananampalataya ay dinudulutan tayo upang magtiwala sa Banal na Kalooban at maging bukás sa pagtutuklas ng mga landas upang maitatag muli ang mga buhay natin na may layunin.
Ang mga ulap ay hindi umiiral nang walang hanggan, kahit ang sikat ng araw. Maaaring makatulong ang pagbigay ng panahon upang umupo at gumawa ng dalawang mga talaan. Sa unang talaan, kilalanin ang lahat na para ikaw ay nagpapasalamat. Sa ikalawa, tiyakin sa sarili ang mga gawaing nakapagpapabuya na inaakala mong maaabot sa loob ng anim na buwan. Suriin ang mga talaan, unahin ang pinakamahalaga, at magtakda ng araw sa bawa’t bagay na ito’y matutupad. Ang mga nakatala ay maaaring isang bagay na simpayak ng pagdadalo sa libangang tanghalan o pagdadalaw ng isang kaibigan o kamag-anak sa ibang pook ng bansa. Gumawa ng panukala at isagawa lamang ito. Anuman ang piliin mo’y dapat maidala ka sa higit na maligayang pook. Sa gayon ay marahan mong sisimulan na magkaroon ng masiglang pagpapatakbo ng iyong buhay.
Ang bagabag ng sala ay isang panlahatan at lubos na pangkaraniwang pag-uugali ng tao, habang ito’y likas sa pag-iral, ito’y hindi dapat humahambalang sa landas mo na gumagawa ng kabutihan para sa iyong sarili. Ang ligaya mo ay maaring maging nakakahawa sa mga yaong nagmamahal sa iyo, na di-hamak na isang pabuya para sa iyo. Kung may tunay na pananalig ka sa Panginoon bilang iyong Pastol, ikaw ay matatag na makapagpapatuloy.
Mayroon bang pag-asa para sa hapdi ng pagkawala na mabigyan ito ng lunas? Oo, mayroon. Ang wakas ng isang bagay ay maaaring simula ng iba pang bagay. Nang may pananalig, kailanma’y hindi ka nag-iisa. Kailanma’y hindi tayo napabayaan. Tayong lahat ay mga anak ng Diyos. Tayo’y may kapasyahang tanggapin ang pananalig sa Diyos at magkaroon ng pag-asang matamo ang Kanyang panlulunas. Ito’y hindi nangyayari nang magdamag, ngunit ito’y maaari at nangyayari. Kapag ang kapahamakan o pagkawala ay nagiging pansarili, ang pananalig ay makatutulong na matanggap mo kung ano ang mahirap. Ang kamay ng Diyos ay naroroon; ito’y isang saglit lamang para sa atin upang umabót nang palabas mula sa sarili natin at manalig sa Kanyang Mabathalang Awa.
John F. P. Cole is a dedicated leader, educator, entrepreneur, and compassionate supporter of individuals experiencing loss and disabilities. Semi-retired in rural New Jersey, John and his wife, Charlotte, are blessed with two children and two grandchildren.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!