Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jan 24, 2024 272 0 Dina Mananquil Delfino, Australia
Makatawag ng Pansin

Oras na Para Magtanngal ng Damo

Ang pag-aalis ng damo ay nakakapagod, ngunit ito ay isang magandang ehersisyo hindi lamang para sa iyong katawan kundi para din sa iyong kaluluwa!

Pagkatapos ng maraming mga dahilan upang maiwasan ang paglilinis ng aking likod-bahay, kinailangan ko ng harapin ang katotohanan na kailangan ko na itong linisin nang husto. Ako ay masuwerte na ang aking asawa ay nasa mabuting kundisyon upang tumulong, kaya’t magkasama naming, ginugol ang isang araw ng aming patlang sa Pasko sa pagbubunot ng mga hindi kaaya-ayang manlulusob.

Hindi ko alam, na may banal na layunin ang ehersisyo. Habang sinisimulan kong gibain ang matitigas na yakka na naglakihan na ng husto gamit ang natitirang lakas mula sa mga pagtitipon sa kapaskuhan, pinupuno ako nito ng labis na kagalakan, bagaman hindi ito masyadong nakakatuwa sa simula.

Isang Hindi Maiiwasang Paghaharap

Habang masigasig kong hinuhugot at hinahagod ng kamay ko ang mga damo, ang pag-eehersisyo ay umakay sa akin na pag-isipan ang aking espirituwal na kalusugan. Gaano ako naging kalusog sa espirituwal?

Nakaranas ako ng isang pagbabago sa buhay sa pakikipagtagpo ko kay Hesus, ako ay Nabinyagan sa Espiritu noong 2000, at nagkaroon ako ng maraming mapagpakumbabang mga pribilehiyo at pagkakataon na maging mas mabuting tao, sa pamamagitan ng pamumuno ng Banal na Espiritu. Maraming “aray” na mga sandali sa pag-unlad na naghamon sa akin na magsikap pa ng husto, hindi sa pagsisikap na gawing perpekto ang aking sarili (sapagkat walang bagay na perpekto dito sa lupa), ngunit oo, nagiging mas malapit ako sa kabanalan sa aking paglalakad kasama ang Diyos na posible araw-araw, hangga’t sinusubukan ko. Ngunit talagang pinaghihirapan ko ba ang layuning ito? Nabawasan ang aking pokus sa panahon ng pandemya, dahil sa halip ay nalubog ako sa takot, pagkabalisa, kawalan ng katiyakan, dalamhati, at pangungulila para sa mga kaibigan at komunidad na nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho, ari-arian, at kapayapaan.

Sa panahon ng aking pagpapaganda sa hardin, napaharap ako sa iba’t ibang uri ng mga damo. Ang damo ay “isang halaman na nagdudulot ng pagkalugi sa ekonomiya o pinsala sa ekolohiya, nagdudulot ng mga problema sa kalusugan para sa mga tao o hayop, o hindi kanais-nais kung saan ito lumalaki.”

Isa-isa

Nariyan ang Field Bindweed, isang matibay na pangmatagalang baging na binigyan ng maraming pangalan. Sinasabi ng Google na, sa kasamaang-palad, ang pagbubungkal at paglilinang ay tila nakakatulong sa pagkalat ng Bindweed. Ang pinakamahusay na kontrol ay maagang interbensyon. Dapat tanggalin ang mga punla bago sila maging pangmatagalan. Pagkatapos nito, kapag ang mga putot ay nabuo na, ang matagumpay na pagkontrol ay magiging mas mahirap na.

Panginoon, ano ang nasa akin na katulad ng Bindweed? Ang pagmamalaki, pagnanasa, kasinungalingan, pagkakasala, pagmamataas, o pagtatangi?

Pagkaraan, nariyan ang Quackgrass—isang gumagapang at patuloy na pangmatagalang damo na nagpaparami sa pamamagitan ng mga buto. Ang mahaba, magkakadugtong, na kulay straw na rhizome nito ay bumubuo ng isang mabigat na banig sa lupa, kung saan maaaring lumitaw ang mga bagong usbong. Pinapayuhan kaming hukayin ang mabilis na lumalagong damong ito sa sandaling makita namin ito sa aming mga hardin, siguraduhing mahukay ang kabuuan ng halaman (kabilang ang mga ugat) at itapon ito sa aming basurahan kaysa sa bunton ng pang – abono, dahil malamang na patuloy itong lalago sa huli!

Panginoon, ano ang aking Quackgrass? Tsismis, inggit, malisya, selos, materyalismo, o katamaran?

Ang susunod na damong ito ay talagang hindi ko gusto. Ang Canada thistle ay isang agresibo at gumagapang na pangmatagalang damo mula sa Eurasia. Pinamumugaran nito ang mga pananim, pastulan, pampang ng kanal, at tabing daan. Kapag ito ay nag-ugat, sinasabi ng mga eksperto na ang pinakamahusay na kontrol ay ang pag-diin sa halaman at pilitin itong gumamit ng mga nakaimbak na sustansya sa ugat. Gayunpaman, maniwala ka man o hindi, ang damong ito ay nakakain!

Panginoon, ano ang Canada thistle ko? Alin sa aking mga kasalanan ang maaari kong baguhin at gawing mabunga ang mga resulta? Pagdidiin, pag-aalala, pagkabalisa, kontrol, labis na pagtitiwala, o pagiging sapat sa sarili?

Ang mga nutsedges ay mga pangmatagalang damo na halos kahawig ng mga damo, ngunit ang mga ito ay mas makapal, mas matigas, at hugis-V. Ang pagkakaroon ng Nutsedge ay madalas na nagpapahiwatig na ang paagusan ng lupa ay mahina o may tubig. Gayunpaman, kapag naitatag, napakahirap kontrolin.

Panginoon, ano ang aking Nutsedge, ang mga gawi na dapat bigyan ng babala sa akin na oras na upang ihanda ang aking sarili nang mas mabuti? Kakulangan sa panalangin, katamaran sa pag-aaral ng Iyong Salita, pagiging maligamgam sa pagbabahagi ng Mabuting Balita, kawalan ng habag at empatiya, kawalan ng pasensya, pagkamayamutin, o kawalan ng pasasalamat?

Pagkatapos, mayroong mababang lumalagong Buckhorn Plantain. Sa mahabang ugat, maaari itong makatagal sa panahon ng tagtuyot at mahirap alisin sa pamamagitan lang ng kamay. Upang alisin ang damong ito, bunutin ang mga batang halaman at sirain ang mga ito bago maglabas ng mga buto ang mga halaman. Bilang huling paraan, maraming pampatay halaman ang epektibo.

Panginoon, ano ang aking Buckhorn Plantain, ang mga umuugat at tumatangging umalis habang tumatagal ito? Nakakahumaling na pag-uugali, pagkamakasarili, katakawan, walang kabuluhan, pagkakautang, o mga tendensiyang nalulumbay at mapang-api?

Ah, at ito—hindi ba natin sila matututunang mahalin! —Mga dandelion na may matingkad na dilaw na ulo sa tagsibol. Nagbibigay sila ng mahalagang mapagkukunan ng pagkain para sa mga bubuyog sa unang bahagi ng taon. Ngunit pagdating ng panahon, sasakupin din nila ang iyong hardin. Mayroon silang mga pinaka madamong  katangian. Ang pag-aalis ng mga dandelion sa pamamagitan ng paghila gamit ang kamay o asarol ay kadalasang walang saysay maliban lang kung paulit-ulit na itong ginagawa sa loob ng mahabang panahon, dahil sa kanilang malalim na punong ugat na sistema.

Panginoon, ano ang aking Dandelion, ang magkakaugnay na mga ugat na nagdadala ng mga bagong problema? Sobrang pagmamahal sa sarili, sobrang paggugol ng oras sa social media, mga laro, at mga video, negatibong pag-iisip, napakaraming dahilan, mga larong sisihan, pagpapaliban, o pagpapalugod sa mga tao?

Hindi ba Masakit ang Pagpuputol?

Sa katunayan, ang “mga damo” ay hindi likas na masama. Maraming mga damo ang nagpapatatag sa lupa at nagdaragdag ng organikong bagay. Ang ilan ay nakakain at nagbibigay ng tirahan at pagkain para sa mga hayop. Tunay na nagbigay ito sa akin ng malaking pag-asa—na magagamit ko at mababago ko ang aking mga kahinaan, masasamang gawi, nakatanim na pagkamakasalanan, at mga limitasyon sa mabuting paggamit sa pamamagitan ng paghingi sa Panginoon ng tulong at pagpapagaling, pagiging ganap na umaasa sa Kanya upang putulan ako at gamitin para sa Kanya at sa mga layunin Niya. Alam kong mahirap ang pagbabago, at ang ilang mahahalagang pagbabago ay magagawa lamang sa pamamagitan ng tulong ng Diyos.

Kung taos-puso natng hahanapin ang Diyos at hihingi ng tulong sa Banal na Espiritu, ang ipinangakong tutulong, alam ng Diyos ang mga paghihirap na kinakaharap natin at hinihikayat tayong pumunta sa Kanya para sa karagdagang tulong na kailangan natin (Mateo 7:7-8; Hebreo 4:15- 16; 1 Pedro 5:6-7). Hindi ginagawa ng Diyos ang lahat ng gawain para sa atin, ngunit nag-aalok Siya ng tulong para maging mas epektibo tayo.

Araw-araw ay isang bagong pagkakataon upang simulan ang prosesong ito ng pagbabagong-buhay, pagbabagong-lakas, at pagpapanibago. Isaalang-alang natin ito bilang isang hamon at kapaki-pakinabang na oras.

Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng Kanyang katuwiran at kabanalan. (Efeso 4:22-24).

Share:

Dina Mananquil Delfino

Dina Mananquil Delfino nagtatrabaho sa isang Aged Care Residence sa Berwick.Isa rin siyang tagapayo, mapagaan bago ang kasal, boluntaryo sa simbahan, at regular na kolumnista para sa Philippine Times newspaper magazine. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa sa Pakenham, Victoria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles