Home/Makatagpo/Article

Dec 12, 2024 3 0 Sr. Mary Clare Stack
Makatagpo

Nawaglit sa Pagsasalin, Nahanap sa Pag-ibig

Hindi ko alam ang kanilang wika o ang kanilang emosyonal na dinaramdam…Paano ako makikipag-ugnay sa kanila?

Noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, ay ang isang araw na hindi ko malilimutan. Ika- 05:15 ng umaga, kasama ang ilan sa aking mga kasamahan sa Catholic Social Services, hinintay ko ang pagdating ng 333 mga takas  mula sa Ethiopia, Eritrea, Somalia, at Uganda.  Ang Egyptian Airlines ay pinagkatiwalaang ilipad sila sa Entebbe, Uganda, patungong Cairo, Egypt, at sa wakas sa kanilang Canadian punto ng pagpasok , Edmonton.

Bigla, ang mga pinto sa kabilang dulo ay bumukas at ang mga pasahero ay nagsimulang magsilakad patungo sa amin.  Hindi malaman kung paano magsalita ng kanilang mga wika, nakaramdam ako ng matinding kahinaan ng loob. Paano kaya mangyaring ako, na isang may kakayanan, na isinilang sa Canada, isang hindi kailanman gumugol ng isang sandali sa isang kampo ng mga takas , ay makakayang batiin ang pagod, umaasa, at nangangambang mga kapatid na babae at lalaki sa paraang makapagsasabing: “Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan” …? Tinanong ko ang isa sa aking mga kasamahan na nagsasalita ng limang wika: “Ano ang masasabi ko?” “Sabihin mo lang, Salam, sapat na iyon.”

Habang sila’y papalapit, sinimulan kong sabihin: “Salam” habang may ngiti sa aking mga mata. Napansin ko na madami ang yuyuko at ilalagay ang kanilang kamay sa tapat ng kanilang puso. Sinimulan kong gawin ang kaparis. Habang papalapit ang isang kabataang mag-anak na may 2-5 anak, yumuko ako kapantay ng kanilang taas at nag-alok ng tanda ng kapayapaan. Kaagad, tumugon sila ng isang malaking ngiti, ibinalik ang tanda ng kapayapaan, tumakbo sa akin, tumingala gamit ang kanilang napakarilag na kayumangging mga mata, at niyakap ako. Kahit na sa pagkukuwento ko sa mga mahahalagang sandaling ito, naluluha ako. Hindi kailangan ng isang tao ang wika upang mailahad ang pagmamahal. “Ang wika ng Espirito ay ang wika ng puso.”

Pag-aabot Ng Kamay

Matapos maipila ang lahat sa Bulwagan ng Adwana  nagsibaba ang aming pangkat at nagsimulang mamigay ng mga bote ng tubig, granola bar , at mga dalandan.  Napansin ko ang isang nakatatandang babaeng Muslim, marahil 50-55 taong gulang, na nakayuko sa kanyang troli, sinusubukang itulak ito.  Nilapitan ko siya at binati ng ‘Salam’ at ngumiti.  May pa-senyas , sinubukan kong magtanong kung maari ko bang tulungan syang itulak ang troli. Umiling siya:  “Hindi.”

Anim na oras ang lumipas, sa labas ng Bulwagan ng Adwana , ang mga tao ay nakaupo sa iba’t ibang dakong nakakordon; 85 na lang ang matitira sa Edmonton at naghihintay ng pamilya o mga kaibigan para sila’y salubungin at maiuwi.  Ang ilan ay sasakay ng bus upang dalhin sa ibang mga lungsod o bayan, at ang iba ay magdamag sa isang hotel at lilipad sa kanilang huling paroroonan kinabukasan. Para doon sa mga isasakay sa bus patungo sa ibang mga lungsod sa Alberta, apat hanggang pitong oras na biyahe ang naghihintay sa kanila.

Ang nakatatandang babaeng Muslim na nakita ko sa Bulwagan ng Adwana , natuklasan ko, ay lilipad patungong Calgary kinabukasan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, at ang buong mukha niya ay nagningning.  Habang papalapit ako sa kanya,sabi niya sa putol-putol na Ingles: “Mahal mo ako.” Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, tumingin sa kanyang mga mata, at sinabi:  “Oo, mahal kita at mahal ka ng Diyos/Allah.”  Ang babaeng katabi niya, na natuklasan kong anak nya, ay nagsabi sa akin:  “Salamat.  Ngayon ay masaya na ang ina ko.”  May luha ang mga mata, pusong puno ng kagalakan, at pagod na pagod na mga paa, nilisan ko ang Edmonton International Airport, lubos na nagpapasalamat sa isa sa pinakamagagandang karanasan ng aking buhay.

Maaaring hindi ko na siya makakatagpong muli, ngunit lubos akong  nakakatiyak na ang ating Diyos na ang sagisag ng magiliw, mahabagin na pag-ibig ay ginawa itong nakikita at nasasalat para sa akin sa pamamagitan ng aking magandang kapatid na Muslim.

Noong 2023, mayroong 36.4 milyongmga takas  na naghahanap ng bagong tinubuang-bayan at 110 milyong tao ang lumikas dahil sa digmaan, tagtuyot, pagbabago ng klima, at higit pa.  Araw-araw, nakakadinig tayo ng mga komento tulad ng: “Magtayo ng mga pader,” “Isara ang mga hangganan,” at “Ninanakaw nila ang aming mga trabaho.”  Umaasa ako na ang aking salaysay, sa maliit na paraan, ay makakatulong sa mga tao na higit na maunawaan ang eksena ng Mateo 25.

Tinanong ng mga matuwid si Hesus: “Kailan, Panginoon, Diyos, namin ginawa ang lahat ng ito para sa Iyo?” at sumagot Siya:  “Sa tuwing inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ginawa ninyo ito sa Akin.”

Share:

Sr. Mary Clare Stack

Sr. Mary Clare Stack was born in Calgary and raised in a strong Catholic family in Alberta, Canada. As an Ursuline of Jesus, she lives the mystery of the Incarnation among adults with disabilities, vulnerable youth, and refugees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles