Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 27, 2023 426 0 Marisana Arambasic
Makatawag ng Pansin

NAPADPAD SA KAILALIMLALIMAN

Bahagyang namamanhid makaraang makagat ng makamandag na gagamba, si Marisana Arambasic ay naramdaman ang kanyang buhay ay palubog na pawala.  Siya’y kumapit sa Rosaryo para sa isang himala.

Nakatira na ako sa Perth ng bansang Australia sa mahabang panahon, ngunit ako’y unang nagbuhat sa Canada. Noong ako’y walong taong gulang, ako’y nakasaksi ng isang himala.  Isang apatnaput-apat na taong gulang na lalaki ay napaghilom ng napilay na mga binti sa pamamagitan ng Inang Maria.  Madami sa amin ang nakasaksi nitong himala.  Nagugunita ko pa nang ako’y humahangos sa kanya at hinahawakan ang kanyang mga binti sa aking balaghang pagkamangha matapos siyang napagaling.  Sa kabila ng karanasang ito, ako’y pumalayo sa Diyos habang ako’y lumalaki.  Naniniwala ako na ang mundo ay ang aking kapalaran.  Ang lahat ng inatupag ko’y aliwin ang aking buhay.  Ang aking ina ay nag-aalala sapagka’t ako’y nagpapakalibang ng buhay sa hindi wastong paraan.  Siya’y kadalasang nag-aalay ng mga Misa para sa akin.  Hiniling niya kay Inang Maria na mamagitan para sa aking kapakanan.  Bagama’t siya’y nagdasal nang taimtimam sa loob ng labinlimang taon, ako’y walang pagbabago.  Nang ito’y kanyang isinangguni sa kura-paroko, sinabi ng pari, “Siya’y kasalukuyang namumuhay sa kasalanan.  Sa saglit na tumigil siyang magkasala, ang Diyos ay palalagpakin siya sa kanyang mga tuhod, ang lahat ng mga biyaya sa pamamagitan ng Banal na Misa ay maibubuhos, at ang mga himala ay magaganap.”

Makamandag na Kagat

Itong panghuhula ay naganap noong ako’y  tatlumpu’t-tatlong gulang.  Bilang nag-iisang magulang, inabot ko kailalimlaliman.  Ako’y nagbalik-loob sa Diyos nang malumanay.  Nadama ko ang Inang Maria na ginagabayan ako sa mahihirap na mga tagpo.  Isang araw, ako’y kinagat ng isang puting gagamba sa kaliwang kamay ko.  Ito’y isang gagambang makamandag na katutubo ng Australia.  Bagama’t ako’y nasa mabuting kalusugan, ang aking katawan ay hindi makapagpaigi dahil sa kagat na ito.  Ang sakit ay napakalagim.  Ang kaliwa ng katawan ko ay namanhid.  Hindi ako makakita sa aking kaliwang mata.  Ang aking dibdib, puso at ang lahat ng mga kalamnan ko ay tila nagsisikipan.  Ako’y humingi ng tulong sa mga dalubhasa at ininom ang mga gamot na kanilang inireseta, ngunit hindi ako makabawing muli.

Sa panahon ng aking pagkabahala, sinunggaban ko kaagad ang aking Rosaryo at nagdasal nang di-tulad ng dati.  Sa simula, nagdasal ako ng Rosaryo bawa’t araw na nakaluhod.  Sa maikling panahon ay lumala ang kalagayan ko, at hindi na ako makaluhod.  Ako’y laging nakaratay.  Mayroong mga paltos sa paligid ng aking mukha, at kahit ang mga tao ay nag-alinlangang tumingin sa akin.  Ito’y nakaragdag sa aking dinaramdam.  Ako’y nagsimulang mawalan ng maraming timbang.  Ang makakain ko lamang ay mga mansanas.  Kapag ako ay kumain ng iba pa, ang katawan ko ay namumulikat.  Ako’y nakatutulog lamang ng labinlima o dalawampung mga minuto sa bawa’t pagkakataon at gumigising nang may pulikat.  Ang paglubha ng karamdaman ko ay napakahirap para sa aking anak na lalaki na noon ay labinlimang taong gulang.  Hinihiwalay niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga video games upang makapaglibang.  Bagama’t ako’y malapít sa aking mga magulang at mga kapatid, lahat sila’y nakatira sa ibang lupain.  Nang sinabi ko sa kanila ang aking kalagayan, ang mga magulang ko’y dagliang nagpunta sa Medjugorje, na kung saan sila’y nakapagtagpo ng isang pari na nagdasal para sa akin.

Sa yaong ganap na tagpo, ako’y nakahiga sa isang kutson na nasa silid-lutuan, dahil sa kahirapan ng paglipat ko mula sa isang silid at sa iba pa.  Biglaang nakayanan kong bumangon at maglakad, kahit ako’y may sakit pa rin.  Tinawagan ko ang aking kapatid na babae at nalaman ko na may isang pari na nagdasal para mamagitan ang Inang Maria para sa aking pagpapagaling.  Ako’y hindi tumigil na mag-isip.  Kaagad akong bumili ng mga tiket para sa Medjugorje.  Nilabag ko ang payo ng mga dalubhasang manggamot.  Ang kaligtasan ko sa sakit ay mababa at ang aking katawan ay mahina.  Gayunpaman, nagpasya pa rin akong lumuwas.

Paakyat ng Burol

Nang marating ko ang Croatia, sinundo ako ng aking kapatid na babae sa himpilan ng paliparan at kami’y nakarating ng Medjugorje nang yaong gabi.  Nakipagkita ako sa pari na nakipagdasal sa aking mga magulang.  Pinagpanalanginan niya ako at sinabihan akong akyatin ang Apparition Hill kinabukasan.  Sa tagpong yaon, hindi pa rin ako makakain ng anuman maliban sa mansanas na hindi nakapaninikip sa aking lalamunan.  May mga masasamang paltos pa rin ako.  Ngunit hindi ako makapaghintay na akyatin ang burol na kung saan ay nagpakita na ang Inang Maria.  Nais ng kapatid kong samahan ako, ngunit nais kong maging mag-isa.  Hindi ko nais na masaksihan ng iba ang aking pighati.  Nang natuntunan ko ang tuktok, bumubuhos ang niyebe.  Hindi maraming mga tao ang naroroon.  Ako ay may natatanging saglit na kapiling ang Inang Maria.  Dama ko na naririnig niya ang aking mga panalangin.  Hiniling ko na mabigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at mahaba pang panahon na makapiling ang aking anak.  Ako’y nanalangin, “Hesus, maawa ka sa akin.”

Sa pagbalik kong pababa ng burol, idinarasal ko ang Ama Namin.  Nang sinapit ko ang ‘bigyan Mo kami ng aming tinapay sa araw-araw,’ ako’y nalungkot dahil hindi ako makakain ng tinapay.  Sukdulan akong nagnasang makatanggap ng Yukaristiya, ngunit hindi ko magawa.  Dinalangin ko na muli akong makakain ng tinapay.  Yaong araw, nagpasya akong subukan at kumain ng tinapay.  Ako’y hindi nakadama ng salungat na pagtauli.  Pagkaraan, nakatulog ako nang tuwid na dalawang oras.  Ang karamdaman ko at ibang mga sintoma ay nagsimulang mabawasan.  Tila ang dama ay tulad ng langit sa lupa.

Sa sumunod na araw, bumalik ako at inakyat ko ang Jesus Hill na may isang malaking krus sa tuktok.  Ako’y nakadama ng gumagaping kapayapaan.  Hiniling ko sa Diyos na ipakita sa akin ang mga sala ko mula sa Kanyang pananaw.  Sa aking pag-akyat, malumanay na ipinaalám ng Diyos sa akin ang mga sala ko na akin nang nalimutan.  Ako’y sabik na makapagkumpisal sa sandaling makabalik ako pababa ng burol.  Ako’y napakapuno ng ligaya.  Kahit na ito’y inabot ng kahabaan, ako ay ganap na nahilom.

Sa aking pagbalik-tanaw, napagtanto ko na ang lahat ng aking mga pighati ay nagawa akong isang higit na mabuting tao.  Ako’y higit na maawain at mapagpatawad ngayon.  Ang pighati ay maaaring gawin ang isang tao na makaramdam ng kapanglawan at kagipitan.  Lahat ng bagay ay maaaring gumuho, pati ang mga pinagkakakitaan at pag-aasawa.  Sa mga ganitong panahon, ikaw ay kailangang magkaroon ng pag-asa.  Ang pananalig ay tutulutan kang humakbang sa loob ng hindi batid at lumakad sa hindi kilalang mga landas, pinapasan ang iyong krus hanggang ang unos ay makaraan.

ANG ARTIKULO ay ibinatay sa patunay ni Marisana Arambasic para sa palatuntunan ng Shalom World na pinamagatang, “Mary, My Mother.”  Upang mapanood ang bahagi dalawin ang:  shalomworld.org/episode/i-grabbed-the-rosary-in-my-pain-marisana-arambasic

Share:

Marisana Arambasic

Marisana Arambasic

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles