Home/Makatagpo/Article

May 19, 2023 518 0 Holly Rodriguez
Makatagpo

NANG MADINIG NG ISANG ATEISTA ANG TINIG NG DIYOS

Ang malayang alagad ng sining na si Holly Rodriguez ay isang ateista sa buong buhay niya at hindi kailanman nag-isip ng tungkol sa Diyos o nagsaalang-alang na sumapi sa isang relihiyon o ni magtungo sa simbahan, ngunit isang araw…

Noon ay Disyembre 2016, nagising ako isang umaga ng taglamig nagnanais ng wala nang iba pa kaysa sa kinaugalian kong tasa ng kape.  Ateista ako sa buong buhay ko. Hindi ko kailanman naisip ang tungkol sa Diyos at tiyak na kailanman ay hindi ko inisip na sumapi sa isang relihiyon o magtungo sa simbahan.  Subalit noong araw na iyon, nang walang kadahidahilan, nakaramdam ako ng biglaang pagnanais na magtungo sa simbahan.  Walang kakaibang nangyayari sa buhay ko na nagdulot nitong biglaang pagbabago ng puso.  Namumuhay ako ng katamtaman, tahimik na buhay bilang isang malayang manggagawa ng sining sa isang maliit na bayan sa tabing-dagat sa Kent, England.

Naghanap ako ng pinakamalapit na simbahan na bukas noong araw na iyon at nahanap ko ang isang simbahang Katoliko Romano na malapit lang lakadin. Iyon ay isang sorpresa. Bagama’t ilang beses ko nang nalampasan ang lugar na iyon, hindi ko napansin na may simbahan doon bago noon. Nakapagtataka kung gaano tayo kabulag sa presensya ng Diyos, at kung gaano Siya kalapit sa atin, kapag tinatahak natin ang landas ng buhay na na nakapinid ang puso.

Nagri-ring Pabalik

Tumawag ako sa simbahan at isang mabait na babae ang sumagot sa telepono. Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang sekretarya ng parokya at tinanong ko siya ng ilang mga katanungan na masaya niyang tinugon. Sinabi niya sa akin na ang simbahan ay Katoliko at ipapaalam niya sa pari na tumawag ako at nagpaalaman na kami. Ako ay mahiyain at hindi alam kung ano ang aasahan. Isa ako sa mga taong nais malaman ang lahat tungkol sa isang kalagayan bago gumawa ng pasya. Hindi ko alam kung ano ang Simbahang Katoliko, at hindi pa ako nakatagpo ng pari. Nagpasya akong lumiban sa trabaho at mag-aral ng tungkol sa pananampalatayang Katoliko, gayundin ay gumawa ng madaming pagbabasa sa Wikipedya sa nang mga ilang oras.

Pagkatapos ay tumunog ang aking telepono. Sa kabilang linya ay isang mabait na boses—isang pari na nagpakilalang si Padre Mark. Siya ay napakamagiliw at puno ng sigla na ikinagulat ko. Hindi pa ako nakatagpo sa buong buhay ko ng isang taong sabik na sabik na makilala ako at tanggapin ako. Nagtakda kami ng oras para dumalaw sa simbahan kinabukasan. Pagdating ko, nandoon si Father Mark na naka-sotana para salubungin ako. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng pari nang harapan at naaalala ko na talagang nabighani ako sa kanyang sotana. Sa palagay ko ay hindi ko binigyang pansin kung ano ang hitsura ng isang pari. Paminsan-minsan ko lang nakita ang Papa sa mga balita sa telebisyon, ngunit wala nang higit pa dito.

Naupo si Father Mark sa tabi ko at nag-usap kami ng ilang oras, pagkatapos ay inanyayahan niya akong sumali sa mga klase ng “RCIA”. Iminungkahi din niya na magandang ideya na magsimula kaagad na dumalo sa Misa, kaya ginawa ko. Naaalala ko ang unang misa na pinuntahan ko. Linggo ng Pagkagalak noon at nakaupo ako sa pinakaharap na upuan, walang malay sa etiquette. Ang lahat sa aking paligid ay nakatayo at pagkatapos ay nakaupo at pagkatapos ay nakatayong muli at kung minsan ay nakaluhod, at binibigkas ang kredo at iba pang mga panalangin. Ako ay bagito at wari ko ito ay medyo nakakatakot, ngunit kahali-halina din at nakakaintriga. Sinunod ko ang ginagawa ng iba sa abot ng aking makakaya. Ang pari ay nakasuot ng magandang rosas na kabihisan na mukhang napaka-gayak at maselan. Siya ay umawit sa altar at ako ay nanood at nakinig nang mabuti habang napuno ng insenso ang kapilya. Ito ay isang napakagandang misa sa Ingles, at mula noon ay nalaman kong ako ay babalik.

Tuloy-tuloy Sa Puso

Naibigan ko ito kaya patuloy akong pumupunta tuwing katapusan ng linggo at nagsimulang dumalo sa pang araw-araw na Misa.  Ang pagmamahal ko kay Hesus ay lumago sa bawat pagkikita.  Sa una kong Misa ng Bisperas ng Pasko, magiliw na dinala ng pari ang estatwa ng Kristong Sanggol, na nakabalot sa kanyang satin na garing na kapa tulad ng paghawak ng mga pari ng isang monstrens, napaiyak ako.  Naisip ko na napakaganda nito. Hindi ako nakakita ng tulad nito sa buhay ko.

Habang naghahanda akong matanggap sa Simbahang Katoliko, gumugol ako ng madaming oras sa pagbabasa sa bahay, lalo na sa katesismo na ibinigay sa akin ng mga pari ng parokya.  Isang linggo bago ang aking binyag sinabihan ako na kailangan kong pumili ng isang Santo para sa aking kumpirmasyon.  Subalit mayroong libu-libong mga Santo at hindi ko alam kung paano ko pagpipilian silang lahat.  Wala akong alam tungkol sa kanila maliban kay Santa Philomena dahil nagsermon ang pari tungkol sa kanya isang umaga ng Linggo.  Sa pamamagitan ng patnubay mula sa Diyos ay nakatagpo ako ng isang kaakit-akit na aklat, “Panloob ng mga Kastilyo  habang ako ay nagkakawang gawa sa kapihan ng parokya. Ito ay isinulat ng isang Espanyol na Santo na hindi ko pa nadinig noon—ang madre ng Karmelayt, si Santa Teresa ng Avila. Dahil mayrong lahi ng Espanyol ang aking mag-anak, pinili ko siya bilang aking patron bagamat wala akong gaanong nalalaman tungkol sa kanya.

Sa wakas, sa Misa ng Pagpupuyat sa Pasko ng Pagkabuhay  noong Abril 15, 2017, ako ay nabinyagan at nakumpirma sa Simbahang Katoliko. Tuwang-tuwa ako na maaari ko na ngayong tanggapin ang Banal na Sakramento sa riles ng altar, sa halip na isang basbas kayat ako ay maaga at maaliwalas na bumangon nang Linggo ng Pagkabuhay upang umawit kasama ng koro sa pangunahing Misa. Hindi nagtagal, sumali ako sa Hukbo ni Maria at nagsimulang magdasal ng Rosaryo, gumawa ng Rosaryo at mga gawaing pangmisyon sa paligid ng bayan upang maibalik sa Misa ang mga lipas nang Katoliko at magdasal ng Rosaryo kasama ang mga tao sa bahay.

Si Santa Teresa ay nanatiling isang mapanggabay na hikayat sa aking buhay, na nagtuturo sa akin na mahalin si Jesus nang higit pa, ngunit wala akong malay kung sino ang mga Karmelayt hanggang sa ako ay sumali sa aming parokya sa isang araw ng paglalakbay sa dambana ng San Simon Stock sa Ay;esford Priory isang makasaysayang tahanan ng mga prayleng Karmelayt.

Isang Matinding Pagbabago

Ilang taon ang lumipas, nakatagpo ko ang isa pang Kastila, si San Josemaria Escriva na may malaking pagmamahal din kay San Teresa ng Avila at sa mga Karmelayt. Siya ang nagtatag ng Opus Dei, isang prelature sa loob ng Simbahang Katoliko, na aking sinalihan bilang isang kasamahang tagapangasiwa na may misyon na manalangin para sa mga kasamahan at pari.  Nadama kong tinawag ako ng Diyos sa isang mas masidhing pananagutan, ngunit hindi ko alam kung kasama iyon sa Opus Dei, o sa relihiyosong buhay bilang isang madre.  Sinabi sa akin ng isang kaibigang pari na kailangan kong magpasya at piliin kung aling landas ang tatahakin, na hindi ako maaaring manatiling bitin sa kawalan ng katiyakan magpakailanman.  Tama siya, kaya nagsimula akong manalangin at mag-ayuno, nakikinig sa tawag ng Diyos.  Ang aking buhay ay dumaan sa madaming pagbabago sa loob ng maikling panahon at nagdusa ako ng isang madilim na gabi ng kaluluwa.

Napakabigat ng aking Krus, ngunit alam ko na kung patuloy akong maging masigasig sa aking pananampalataya, magiging maayos ang lahat.  Kinailangan kong bitawan ang pagnanasa sa kapangyarihan, pahintulutan ang Diyos na pangunahan ang daan at tigilan ang pakikipaglaban sa Kanyang kalooban.  Lubha akong nagpaloko sa aking kayabangan at mga pagnanasa para talagang makinig sa Kanya.  Nang dumating ang paghpapahayag na iyon, nagpasya akong bumitaw at mabuhay sa bawat araw ayon sa pagdating nito sa akin, bilang isang handog mula sa Diyos at hayaan Siyang manguna.  Pinagtibay ko ang pilosopiya na inilalagay tayo ng Diyos kung nasaan tayo sa buhay dahil doon Niya tayo kailangan sa tiyak na oras na iyon.  Ginawa kong kasangkapan ang aking sarili sa Kanyang banal na kalooban.  Nang ipaubaya ko ang aking sarili sa Kanya, ipinakita sa akin ng Diyos na nangyari ang ganoon dahil tinawag Niya ako sa simula pa lang.

Mag-udyok, Mabait Na Liwanag

Palagi akong nakakatanggap ng mga biyaya mula sa mga Santo na nag-uudyok sa akin sa Karmel.  Isang araw, nabighani ako sa isang matingkad na rosas na kulay rosas na umuusbong mula sa semento.  Kinalaunan ay natuklasan ko na kaarawan iyon ni Santa Teresa ng Lisieux na nagsabing magpapadala siya sa mga tao ng mga rosas bilang tanda mula sa Langit.  Noong araw ding iyon, ako ay nasa isang sekular na tindahan ng insenso nang makakita ako ng isang kahon ng magandang patpat ng insenso na may halimuyak ng mabangong rosas na may larawan ni Santa Teresa ng Lisieux sa kahon.  Ang maliliit na palatandaang ito ay tumulong sa pagtatanim ng mga binhi ng bokasyon at mga binhi ng pananampalataya.

Habang nagsusulat nito, malapít ko nang ipagdiwang ang aking ika-6 na anibersaryo bilang isang Katoliko at naghahanda na pumasok sa sagradong hardin ng Aming Ginang ng Mt Karmetl.  Sa pagtanggap sa bokasyong ito na maging isang nakakulong na madre, kung nanaisin ng Diyos na maging gayon, gugugulin ko ang aking buhay sa pagdadasal para sa Simbahan, para sa mundo, at para sa mga pari. Ito ay isang mahabang paglalakbay, at nakilala ko ang napakadaming mabubuting tao habang naglalakbay.

Tinukoy ni Santa Teresa ng Lisieux ang Karmel bilang kanyang disyerto kung saan ang ating Panginoon ay gumugol ng apatnapung araw sa pagmumuni-muni at panalangin, ngunit para sa akin ito ay ang hardin ng Gethsemane kung saan ang ating Panginoon ay nakaupo sa gitna ng mga puno ng olibo sa paghihirap.  Sinasamahan ko Siya sa Kanyang paghihirap na may walang pigil na pag-ibig, at lumalakad ako kasama Niya sa Via Dolorosa.  Sama-sama tayong nagdusa para sa mga kaluluwa at iaalay sa mundo ang ating pagmamahal.

Share:

Holly Rodriguez

Holly Rodriguez is an artist and author of “Loving Christ through St. Josemaria Escriva and “The Sentinel of the Soul.” Currently she is in California, preparing to join the Carmelites as a cloistered nun. Her life story exemplifies that God doesn’t need anybody to reach out to you. He simply knocked at the door of her heart and she welcomed Him.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles