Home/Makatagpo/Article

Apr 21, 2022 324 0 Dr Roy Schoeman
Makatagpo

NAKATAGPO NG DALUBGURO NG HARVARD SI HESUS

Sinasalayay sa atin ni Dr. Roy Schoeman kung paano siya kinaladkad ng ateismo sa hukay ng kawalan ng pag-asa at kung paano siya nakaahon dito

Ako ay sinilang at lumaki na Hudyo.  Nag-aral ako sa Massachusetts Institute of Technology kung saan nawala ang paniniwala ko sa Diyos, at sa makatuwid ay naging isang ateista.  Nagpatuloy ako sa Harvard Business School, at matapos makuha ang aking títuló ay inanyayahan akong bumalik sa pakultad.  Kaya sa gulang na 29, natagpuan ko ang aking sarili bilang isang guro ng panininda sa Harvard Business School.  Bagama’t tila nakakagulat, iyon ang pagguho ng aking mundo.  Mula pa nang ako’y maliit na bata, alam kong may tunay na kahulugan ang buhay, na inisip kong dadating ito sa pagkakaroon ng isang pansariling kaugnayan sa Diyos. Inasahan kong ito’y magaganap sa aking Bar Mitzvah ( hawig sa pag kukumpil sa Katoliko) sa gulang na 13.  Nang hindi nangyari, ito ay naging isa sa pinakamalungkot na araw ng aking buhay.  Pagkatapos ay naisip ko na ang tunay na kahulugan ay magmumula sa tagumpay sa makamundong buhay, ngunit bilang isang dalubguro sa Harvard, mas matagumpay na ako sa isang makamundong karera kaysa sa inaasahan ko, subalit wala pa ding kahulugan o layunin ang aking buhay.  Samakatuwid, sa puntong iyon, nalaglag ako sa pinakamadilim na kawalan ng pag-asa ng aking buhay.

Mahiwagang Paraan

Isang madaling araw, naglalakad ako sa isang Pangangalaga sa Kalikasan sa tabi ng karagatan, sa gitna ng mga puno ng pine at buhanginán.  Maginhawa akong nagbabaybay, nag-iisip ng kung anu-ano, di pansin ang paligid.  Matagal na akong nawalan ng pag-asa sa paniniwalang may Diyos.  Ngunit bigla na lang na ang tabing sa pagitan ng Lupa at Langit ay nawala, at natagpuan ko ang aking sarili sa presensya ng Diyos, nagbabalik tanaw sa aking buhay na para bang namatay na ako.  Nakita ko na ang lahat na naganap sa akin ay ang pinakamaayos na bagay na maaaring maganap na nagmumula sa mga kamay ng isang nakakaalam ng lahat, mapagmahal sa lahat na Diyos, hindi lamang kasama ng mga bagay na nagdulot ng higit na pagdurusa, ngunit lalo na ang mga bagay na iyon.  Nakita ko na magkakaroon ako ng dalawang malaking pagsisisi pagkamatay ko.  Unang-una, lahat ng panahon at sigasig na nasayang ko sa pag-aalala na ako ay hindi minahal samantalang ako ay yapos sa karagatan ng pagmamahal, higit pa kaysa sa anumang bagay na maaari kong isipin, sa bawat sandali ng aking pag-iral, na nagmumula sa isang nakakaalam ng lahat, mapagmahal sa lahat na Diyos na ito.  At pangalawa, ang bawat panahon na nasayang ko sa paggawa ng walang halaga sa mata ng Langit, dahil ang bawat sandali ay naglalaman ng pagkakataong gumawa ng isang bagay na mahalaga sa mata ng Diyos.  Sa tuwing pinakikinabangan natin ang pagkakataong iyon ay tunay na gagantimpalaan tayo para duon sa buong kawalang-hanggan, at bawat pagkakataongng pinahihintulutan nating lumampas at hindi pinapakinabangan ay magiging isang nawalang pagkakataon sa buong kawalang-hanggan.

Ngunit ang pinakamatinding aspeto ng karanasang ito ay ang maabot ang matalik, malalim at tiyak na kaalaman na ang Diyos Mismo—ang Diyos na hindi lamang lumikha ng lahat ng bagay na umiiral, ngunit lumikha ng mismong pag-iral—na kilala ako hindi lamang sa pangalan at nagmamalasakit sa akin, Siya ay nakamatyag sa akin bawat sandali ng aking pag-iral, ihinahanda ang lahat na nangyari sa akin kailanman sa pinakamahusay na paraan.  Napag-alaman Niyang talaga, at nagmalasakit kung ano ang nadama ko sa bawat sandali. Tunay na tunay, lahat ng bagay na nakapagpasaya sa akin ay nakapagpasaya sa Kanya, at lahat ng nagpalungkot sa akin ay nagpalungkot sa Kanya.

Napagtanto ko na ang kahulugan at layunin ng aking buhay ay ang sumamba at maglingkod sa aking Panginoon, sa Diyos at sa Guro na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin, ngunit hindi ko nalaman ang Kanyang pangalan o kung anong relihiyon ito.  Hindi ko naisip na ito ang Diyos ng Lumang Tipan, o ang relihiyong ito bilang Hudaismo.  Ang larawan ng Diyos na lumilitaw mula sa Lumang Tipan ay tungkol sa isang Diyos na higit na malayo, mahigpit at mapanghusga kaysa sa Diyos na ito.  Alam kong Siya ang aking Panginoon at Diyos at aking tagapamatnugot, at wala akong ibang nais kundi ang sambahin at paglingkuran Siya nang maayos, ngunit hindi ko alam kung sino Siya o kung anong relihiyon ang susundin.

Kaya nanalangin ako, “Tulutan Mo po akong malaman ang Iyong pangalan para malaman ko ang relihiyon na dapat sundin.  Wala sa akin kung ikaw ay si Buddha at kailangan kong maging isang Budist; wala sa akin kung ikaw si Krishna at kailangan kong maging Hindu;  wala sa akin kung ikaw si Apollo at kailangan kong maging paganong Romano.  Sapat nang Ikaw ay hindi si Kristo at kailangan kong maging Kristiyano!” Buweno, iginalang Niya ang panalanging iyon at hindi inihayag sa akin ang Kanyang pangalan.  Ngunit umuwi akong mas masaya kaysa sa tanang buhay ko.  Ang nais ko lamang ay malaman ang pangalan ng aking Panginoon, Diyos at tagapamatnugot na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin, at kung anong relihiyon ang susundin. Kaya’t tuwing gabi bago ako matulog ay binibigkas ko ang isang maikling panalangin na ginawa ko upang malaman ang pangalan ng aking Panginoon, aking Diyos at tagapamatnugot na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin sa karanasang iyon.

Kagandahang Di Maisalarawan

Isang taon sa mismong araw matapos ang unang karanasang iyon, natulog ako matapos kong bigkasin ang panalanging iyon, gayundin ang panalangin ng pasasalamat para sa nangyari eksaktong isang taon ang nakalipas.  Akala ko ginising ako ng isang kamay na marahang dumampi sa aking balikat, at dinala ako sa isang silid at iniwang mag-isa kasama ang pinakamagandang dilag na kong maiisip ko.  Alam ko nang hindi sinasabi sa akin na ito ay ang Banal na Birheng Maria.  Nang matagpuan ko ang aking sarili sa Kanyang presensya ang nais ko lang gawin ay ang lumuhod at kahit papaano ay parangalan Siya nang naaangkop.

Sa katunayan ang unang pumasok sa isip ko ay: “Ay, naku, sana kahit papano ay alam ko ang Aba Ginoong Maria!’ pero hindi ko alam.  Ang una niyang mga salita ay isang alok na tugunin ang anumang mga katanungan na maaaring mayroon ako para sa Kanya. Buweno, ang una kong naisip ay hilingin sa kanya na ituro sa akin ang Aba Ginoong Maria, para maparangalan ko siya nang naaangkop, ngunit labis akong mapagmalaking aminin na hindi ko ito alam.  Kaya bilang isang hindi direktang paraan para ituro niya sa akin ang Aba Ginoong Maria, tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang dasal sa kanya.  Ang una niyang tugon ay, “Ibig ko ang lahat ng dasal sa akin.”  Ngunit may pagkamapilit ako, at sinabing, “Ngunit mas mahal mo ang ilang mga dasal nang higit pa kaysa sa iba.”  Siya ay nagpaunlak at nagbigkas ng isang panalangin sa Portuges.  Wala akong alam sa Portuges, kaya ang magagawa ko lamang ay subukang tandaan ang mga unang pantig ayon sa tunog nito at isulat ang mga ito sa sandaling magising ako kinaumagahan.  Nang maglaon, nang makilala ko ang isang babaeng Katolikong Portuges, hiniling ko sa kanya na bigkasin ang mga panalanging Marian sa Portuges para sa akin, at natukoy ko ang panalangin bilang ‘O Maria na ipinaglihi nang walang kasalanan, ipanalangin mo kaming lumalapit sa Iyo’.

Kung gaano kaganda si Mariang pagmasdan, ang mas matinding nakakatalab ay ang kagandahan ng kanyang tinig. Ang tanging paraan na maiilarawan ko ito ay ang sabihing ito ay binubuo ng kung ano ang lumilikha ng Musika, Musika.  Kapag siya ay nagsalita ang kagandahan ng kanyang tinig ay dumaaloy sa akin, dinadala kasama ng kanyang pagmamahal, at iniangat ako sa isang estado ng lubos na kaligayahang higit pa sa inaakala kong maaaring mangyari.

Kadamihan sa aking mga katanungan ay dumaloy na lamang sa aking pagiging pagkapuspos sa kung sino Siya.  Sa isang banda, nauutal kong sinabi, “Papaanong ikaw ay naging napakamaluwalhati, na napakahusay, na napakadakila?”  Ang kanyang tugon ay ang tingnan lamang ako nang halos may awa at marahang umiling at nagsabing ‘Naku hindi, hindi mo naiintindihan.  Wala ako.  Ako ay isang nilalang. Ako ay isang bagay na nilikha. Siya ay ang lahat’.

At muli dahil sa pagnanais na kahit papaano ay parangalan siya nang naaangkop, tinanong ko kung anong titulo ang pinakagusto niya para sa kanyang sarili.  Ang sagot niya ay, “Ako ang pinakamamahal na anak ng Ama, Ina ng Anak at Esposo ng Espirito.”  Tinanong ko siya ng iba pang mga tanong na hindi gaanong mahalaga, na nang matapos ay kinausap niya ako ng sumunod pang 10 o 15 minuto.  Pagkaraan nuon, natapos na ang pakikipakinig at bumalik ako sa pagtulog.  Kinaumagahan nang magising ako ay lubusang napaibig ako sa Mahal na Birheng Maria, at nalaman kong wala akong ibang nais kundi ang maging buo at ganap na Kristiyano hangga’t maaari.  Mula sa karanasang iyon ay napagtanto ko, siyempre, na ang Diyos na nagpahayag ng Kanyang sarili sa akin noong isang taon ay si Kristo.

Naghahanap

May dambana sa Our Lady of La Salette mga 45 na minuto mula sa aking tinitirhan.  Nagsimula akong magtungo doon tatlo o apat na beses sa isang linggo, para lang maglakad sa bakuran, maramdaman ang presensya ng Mahal na Birheng Maria, at makipag-usap sa kanya.  Ang dambana ay pag-aari ng Simbahang Katoliko at kaya, kung minsan, mayroong isang Banal na Misa na nagaganap.  Sa tuwing ako ay nasa presensya ng isang Misa, napupuno ako ng matinding pagnanais na tanggapin ang Eukaristiya, kahit na hindi ko alam kung ano iyon. I’m Ang dalawang bagay na iyon ay nagdala sa akin sa Simbahang Katoliko nang walang labis na paliko-liko—dahil nalalaman kung sino ang Mahal na Birheng Maria, at nagnanais na tumanggap ng Pakinabang, araw-araw kung maaari.

Sa pagpasok sa Simbahang Katoliko, hindi lamang ako tumigil sa pagiging Hudyo ngunit, sa nakikita ko, ako ay naging mas higit na Hudyo kaysa dati, dahil sa pagsagawa nito ako ay naging isang Hudyo na tagasunod ng Hudyong Mesiyas, sa halip na isang Hudyo na hindi nakilala ang Hudyong Mesiyas at nanatili sa “bago mag-Mesyaniko” na Hudaismo.  Sa nakikita ko, ang Simbahang Katoliko ay matapos-ang-Mesyanik  at ang Hudaismo ay bago mag-Mesyanik Katolisismo: dalawang yugto sa isa at mismong balangkas para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan.

Walang katapusan ang aking pasasalamat na natanggap ko ang mga karanasang ito.  Ako ay dinala sa kabuuan ng katotohanan, sa isang pansariling ugnayan sa Diyos na higit pa sa anumang bagay na di ko maubos maisip na maaaring maganap, sa pagkakaalam sa mga kasagutan sa lahat ng mga tanong tungkol sa Tao, tungkol sa Diyos, tungkol sa kahulugan ng buhay, tungkol sa kung ano ang magaganap pagkamatay, at iba pa na nagpahirap sa akin habang lumalaki.  Higit sa lahat, nakamit ko ang isang matatag na pag-asa sa isang walang-hanggang kaligayahan at pagmamahal sa piling ng Diyos.

————————————————————————————————————————————————————————————————————————————–

Ang lathalain ay batay sa nakakasiglang pagpapatotoo na ibinahagi ni Dr. Roy Schoeman para sa programang Shalom World na “Mary My Mother”.  Para mapanood ang bahagi, dalawin ang: shalomworld.org/episode/mary-my-mother

Share:

Dr Roy Schoeman

Dr Roy Schoeman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles