Home/Makatagpo/Article

Jul 05, 2024 120 0 Sister Jane M. Abeln SMIC
Makatagpo

Nakakapanakit Ba Ang Pag- ibig? 

Nagugunita ko ang isang tagpo sa aking ministeryo nang nadama ko ang isang kapwa ministro ay inilalayo niya ang kanyang sarili sa akin na walang malinaw na dahilan.  Waring siya’y may ipinagbubuno, ngunit ayaw niya itong ipamahagi sa akin.  Isang araw ng Kuwaresma, sa kabigatan ng isipan, ako’y tumindig sa loob ng aking silid-tanggapan at tumawag nang malakas sa Panginoon: “Hesus, dama ko nang labis na ako’y naipagliban sa buhay ng taong ito.”

Kaagad, narinig ko si Hesus na tumugon ng ganitong malungkot na mga diwa: “Alam Ko ang iyong nadarama.  Ito’y nagaganap sa Akin bawa’t araw.”

Naku!  Nadama ko na ang aking sariling puso ay napaglagusan, at ang mga luha ay dumanak sa aking mga mata.  Nabatid ko na ang mga salitang ito ay kayamanan.

Ipinagpatuloy ko sa mga sumunod na mga buwan na alisin sa pagkakasalansan ang biyayang yaon.  Sa simula ng aking Pagkakabinyag sa Banal na Ispirito na dalawampung-taon nang nakalipas, naituring ko na ang aking sarili na ako’y may malalim na kaugnayan kay Hesus.  Ngunit itong Salita na mula sa aking mahalagang Manliligtas at Panginoon ay nagbukas ng buong bagong pag-unawa sa Puso ni Hesus.  “Oo, Hesus, napakaraming mga tao ang nakalilimot sa Iyo, hindi ba?  At tulad ko rin, gaano kadalas akong nababalot sa aking mga gawain, nalilingat na idala ang mga suliranin at mga palagay ko sa Iyo?  Lahat ng sandali, Ikaw ay naghihintay sa akin upang bumalik ako sa Iyo, sumisilay sa akin nang ganap na pag-ibig.”

Sa aking dalangin, patuloy kong ipinagpaparaan yaong mga salita.  “Higit na alam ko ngayon kung paano ang pagdama Mo kapag may taong tumatanggi, nagpaparatang, o nansisisi sa Iyo, o hindi nakikipag-usap sa Iyo nang maraming mga araw o kahit mga taon.”  Isasangguni ko nang buong kamalayan ang aking mga dalamhati Kay Hesus at sasabihin sa Kanya: “Hesus, aking Minamahal, nadarama Mo yaring mga pighati na tulad ng aking nadarama, ihinahandog ko sa Iyo ang aking munting hinanakit upang damayan Ka para sa yaong mga tao, kabilang na ako, na nagmintis na damayan Ka.”

Aking nakita sa bagong paraan ang pansarili kong kinagigiliwan na larawan, si Hesus sa Kanyang Kabanal-banalang Puso na may mga sinag ng pag-ibig na dumadaloy nang palabas, itinataghoy kay Santa Margarita Maria: “Tumingin ka sa Aking Pusong nagmamahal nang labis sa mga tao—ngunit bahagyang nakatatanggap lamang nang pabalik.”

Totoo nga, binibigyan ako ni Hesus ng arawing mga pagsubok upang ako’y magkaroon ng munting karanasan na Kanyang pinagdaanan para sa atin.  Aalalahanin kong lagi yaong tagpo ng paghihirap na nagdala sa akin nang higit na malapít sa kahangahangang, magiliw, at mahabang-paghihirap na pag-ibig ng ating mahal na Panginoong Hesus.

Share:

Sister Jane M. Abeln SMIC

Sister Jane M. Abeln SMIC is a Missionary Sister of the Immaculate Conception. She taught English and religion in the United States, Taiwan, and the Philippines and has been in the Catholic Charismatic Renewal for 50 years.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles