Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jul 05, 2024 258 0 Tara K. E. Brelinsky
Makatawag ng Pansin

Nakakakita ng Mga Lumang Bagay Nang May Mga Bagong Mata

Isang pamilyar na larawan, isang nakagawiang gawain, ngunit sa araw na iyon, kakaibang bagay ang nakapukaw ng kanyang pansin.

Sa sulok ng tokador sa aking banyo ay isang lumang kopya ng isang dibuho (ang pinagmulan ay matagal nang nalimot) sa isang malinaw na kwadrong plastik.  Madaming taon na ang nakaraan, isa sa mga anak kong lalaki, na nasa wastong gulang na ngayon, ang maingat na nag kwadro nito at inilagay ito sa ibabaw ng kanyang tokador.  Nanatili ito doon hanggang sa paglaki niya. Nang ako’y magbalik-tahanan, inilipat ko ito sa sulok ng tokador sa banyo ko.  Pag araw ng Sabado, kapag naglilinis ako ng mga banyo, palagi kong binubuhat ang maliit na kwadro at pinupunasan ang ilalim nito.  Paminsan-minsan, ipapahid ko ang aking trapo sa makinis na mga gilid ng kwadro nang maalis ang anumang namuong alikabok at di-nakikitang mikrobyo.  Ngunit, tulad ng napakadaming iba pang pangkaraniwan na mga bagay, bihira kong mapansin ang larawan sa loob ng lumang kwadrong pambata.

Isang piling araw, kaipala, nagulat ako sa larawang ito.  Sabik akong nakatuon sa mga mata ng dalawang pigura sa larawan—isang bata at si Jesus.  Ang pahayag sa mukha ng munting bata ay isang mapagmahal na pagsamba. Ang kawalang-malay ng mala-musmos na pagtataka at di-masawatang paghanga ay nagbigay-buhay  sa kanyang malambot at mala guhit-lapis na mga mata.  Ang magiliw, pailanlang na titig ng bata ay mistulang di nakapansin sa hilakbot ng koronang tinik sa ibabaw ng ulo ni Kristo o ng Krus na dumudurog sa Kanyang kanang balikat.  Sa paghahambing, ang mga mata ni Jesus ay sumungaw sa ilalim ng mabibigat na talukap at madilim na mga lukot.  Nagawa ng artist na mahusay na takpan ang lalim ng kirot sa kabila ng mga matang iyon.

Paghahalintulad

Naalala ko ang isang gunita ng mga unang taon tao ko bilang isang ina.  Ako ay malaki sa aking pangatlong sanggol. Sa mga huling araw ng pagdadalang-tao, nagisikap ako na mapaginhawa ang aking nananakit na katawan sa pamamagitan ng maligamgam na paligo. Binigyan ko ng hangganan ang aking dalawang anak na lalaki. Sila ay puno ng sigla at daldal habang palibot libot sa batya at pinaulanan ako ng mga tanong. Ang aking katahimikan at kakulangan ng pisikal na kagingawahan ay binalewala nila sa kanilang batang kaisipan.

Naalala ko ang mga luhang tumulo sa aking mukha habang bigong sinisikap ko na ipaunawa sa aking mga anak na ako ay nasasaktan at nangangailangan ng kaunti pang lugar.  Ngunit sila ay simpleng maliliit na bata na tinatanaw ako bilang ina nila na laging naroroon, ang siyang humahalik sa mga kirot at laging handang makinig sa kanilang mga kuwento at tumugon sa kanilang mga pangangailangan. Wala silang pang-unawa sa pisikal na paghihirap na hinihingi ng pagsisilang. At lubhang pamilyar ako sa kanila para ituring na sino pa man maliban sa kanilang malakas at matatag na ina.

Isinaalang-alang ko ang mga pagkakawangki. Tulad ng aking maliliit na anak, nakita ng nakalarawang bata ang ating Panginoon sa kanyang indibidwal at makataong lente ng mga karanasan. Nakita niya ang isang mapagmahal na Guro, isang tapat na Kaibigan, at isang matatag na Patnubay. Ikinubli ni Kristo ang tindi ng Kanyang Paghihirap sa Krus—dahil sa awa at sinalubong ang tingin ng bata nang may lambing at habag. Alam ng Panginoon na ang bata ay hindi handang makita ang buong sukat ng pagdurusa na kabayaran sa kanyang kaligtasan.

Nawawala Sa Kadiliman

Ang pagiging pamilyar natin sa mga bagay, tao, at sitwasyon ay maaaring makabulag sa atin sa katotohanan.  Kadalasan nating makita sa maulap na lagusan ng mga nakalipas na karanasan at inaasahang manguari.  Sa napakadaming pangganyak na nagpapaligsahan upang makamit ang ating pansin, makatuwirang salain natin ang mundo sa ating paligid.  Ngunit, tulad ng bata sa larawan at ng sarili kong maliliit na anak, mas gawi nating makit ang nais nating makita at balewalain yaong hindi naaayon sa ating mga pananaw.

Naniniwala ako na nais ni Hesus na pagalingin ang ating kabulagan.  Tulad ng taong bulag sa Bibliya na, nang mahawakan ni Jesus, ay nagwika: “Nakikita ko ang mga tao, ngunit sila’y mistulang mga puno, naglalakad” (Markos 8:22-26), kadamihan sa atin ay hindi handang dagliang makita ang mga ordinaryo sa paggamit ng banal na mga mata.  Ang ating mga mata ay hirati pa din sa kadiliman ng kasalanan, lubhang nakakiling sa tiwala sa sarili, nasisiyahan na sa ating pagsamba, at lubhang mapagmalaki sa ating mga pagsusumikap bilang tao.

Ang Buong Larawan

Ang halagang ibinayad para sa ating kaligtasan sa Kalbaryo ay hindi isang magaang halaga.  Ito ay kinasangkutan ng sakripisyo.  Gayunpaman, tulad ng bata sa larawang nasa ibabaw ng tokador sa aking banyo, nakatuon lamang tayo sa pagkamagiliw at awa ni Hesus.  At dahil Siya ay maawain, si Hesus ay hindi nagmamadali; hinahayaan niya tayong makaroon ng sa unti-unting paglago ng pananampalataya.

Gayunpaman, makabubuting tanungin ang ating sarili paminsan-minsan kung taos-puso tayong nagsisikap tungo sa espirituwal na paglago.  Hindi ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay upang manatili tayo sa mundo ng pantasya ng tuloy-tuloy na pagpapala.  Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan, at kailangan nating buksan ang ating mga mata upang makita na binili Niya ito sa halaga ng Kanyang dugo.

Sa ating paglalakbay sa Kuwaresma at lalo na sa Semana Santa, kailangan nating pahintulutan si Kristo na unti-unting buksan ang ating mga mata, isuko ang ating sarili sa Kanyang kalooban, hayaang alisin Niya ang ating mga diyos-diyosan, at alisin ang naging pamilyar sa ating buhay. upang masimulan nating makita ang mga dating pagpapala ng pagsamba, pamilya, at kabanalan nang may mga bagong mata na may malalim, matibay na pananampalataya.

Share:

Tara K. E. Brelinsky

Tara K. E. Brelinsky ay malayang manggagawa na manunulat at tagahayag. Siya’y nakatira kasama ang asawa at walong mga anak sa North Carolina. Ang kanyang mga kuru-kuro at mga inspirasyon ay mababasa sa Blessings In Brelinskyville blessingsinbrelinskyville.com/ o mapakikinggan sa kanyang podcast na pinamagatang The Homeschool Educator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles