Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2022 721 0 Gabriel Castillo, USA
Makatagpo

NAGWAWAGI SA DIGMAAN NA MAY ROSARYO

Kayo ba ay naghihirap na hiwalayan ang pagpapaulit-ulit ng kasalanan sa inyong buhay?  Si Gabriel Castillo ay dumako sa lahat ng mga bagay na sinabi ng mundo ay mabuti—sex, drugs, rock and roll—hanggang siya’y nagpasiya na talikdan ang kasalanan at harapin ang pinakamalaking labanan ng kanyang buhay.

Ako ay ipinalaki ng nag-iisang magulang sa pamamahay na walang sadyang banal na pag-aaral.  Ang aking ina ay isang kahanga-hangang ginang na ginawa ang pinakamabuti upang maglaan para sa akin, ngunit ito’y hindi sapat.  Habang siya ay wala upang maghanap-buhay, ako’y mag-isa sa tahanan sa harap ng telebisyon.  Ako’y lumaking nasanay na nanonood ng mga palabas tulad ng MTV.  Pinahalagahan ko kung anong pinahahalagahan ng MTV: kabantugan, aliw, awit, at lahat ng hindi makadiyos.  Ginawa ng aking ina hangga’t maaari ang lahat upang maugit ako sa tamang dako, ngunit dahil wala ang Diyos naglakbay ako mula sa isang kasalanan patungo sa susunod.  Mula sa masama patungo sa higit na masama.  Ito ang salaysay ng mahigit na kalahating mga tao sa bansang ito.  Ang mga bata ay naipalalaki sa medya at ang medya ay inaakay ang mga tao sa kalungkutan sa buhay na ito at sa susunod.

ANG ATING GINANG AY NAMAMAGITAN

Ang buhay ko ay nagsimulang magbago na may kapansin-pansin nang pumasok ako sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Texas.  Sa UST ay kumuha ako ng mga kursong Teyolohiya at Pilosopya na iminulat ang isip ko sa layuning katotohanan.  Nakita ko na ang pananalig na  Katolika ay may kabuluhan.  Nasimulan ko sa aking isip na maniwala na ang Katolisismo ay tama, ngunit mayroong isang suliranin lamang…  Ako ay alipin ng mundo, laman at dimonyo.

Ako’y nagiging kilala bilang isa sa pinakatangi sa mga masasamang bata at isa sa pinakamasama sa mga mabubuting bata.  Sa aking mga masasamang kaibigan, marami sa kanila ay tumatahak ng programang tinatawag na RCIA upang makatanggap ng Sakramento ng Kumpil at inakala ko “Oy, ako’y masamang Katoliko… dapat lamang na makumpilan ako”.  Sa kinakailangang Confirmation Retreat, o paggugunita, kami ay nag-ukol ng isang banal na oras.  Wala akong akala kung ano ito, kaya nagtanong ako sa isang dalubguro na pinayuhan ako na tanawin lamang ang Yukaristiya at uliting banggitin ang Banal na Ngalan ni Jesus.  Matapos ang mga sampung minuto ng ganitong gawî itinusok ng Diyos ang Kanyang daliri sa aking kaluluwa at pinuspos ako ng Kanyang pag-ibig, at ang aking pusong bato ay natunaw.  Sa nalalabi ng oras, ako’y lumuha.  Nalaman ko na ang Katolisismo ay totoo hindi lamang sa aking isipan, kundi sa puso rin.  Kailangan kong magbago.

Isang Kuwaresma, pinagtatagan ko ng pasya na ipasaloob ang lahat at talikdan ang malubhang kasalanan.  Pagkalipas lamang ng dalawang oras, napagtanto ko kung gaano kagulo ang aking sarili nang matapos akong nakagawa ng malubhang kasalanan.  Napagtanto ko na ako’y isang alipin.  Sa gabing yaon binigyan ako ng Diyos ng tunay na pagsisisi sa aking mga kasalanan at sumigaw ako sa Kanya para sa awa.  Sa tagpong yaon ay kung kailan nagsalita ang dimonyo.  Ang tinig niya ay malakas at nakatatakot.  Sa matining na ungol, inulit niya ang aking mga salita nang may-panunuya, “Diyos patawarin ako.  Ako’y nagsisisi!”  Kaagad kong tinawag si San Juan Biyano.  Sa isang saglit ng pagtawag ko, ang tinig ay lumisan.  Nang sumunod na gabi takot na takot akong matulog sa aking silid dahil ikinatakot kong marinig muli yaong tinig.

Kaya ako’y naglabas ng Rosaryo, na nabasbasan na ni San Juan Pablo II.  Binuksan ko ang munting aklat ng Rosaryo, dahil hindi ko alam magdasal ng Rosaryo.  Nang binigkas ko ang parirala, “Ako ay naniniwala…” isang dahas ang sumunggab sa aking lalamunan, idinuldol akong pababa at sinumulan akong sakalin.  Sinubukan kong tawagin ang aking ina, ngunit hindi ako makapagsalita.  Pagkatapos ay may isang munting tinig sa loob ng aking ulo na nagsalita, “Magdasal ka… Aba Ginoong Maria.”  Pinilit ko ngunit hindi ko magawa.  Ang tinig sa aking isip ay tumugon “Banggitin mo ito sa iyong isip.”  Kaya nagsalita ako sa aking isip ng “Aba Ginoong Maria.”  Pagkatapos ay ihiningal ko ang mga salita nang malakas, “Aba Ginoong Maria!”  Dagliang bumalik ang lahat sa katamtaman.  Ako’y sukdulang natakot nang napagtanto ko na itong dimonyo ay lagi nang sumasaakin sa tanang buhay ko. Kasabay nito ay naunawaan ko na si Maria ang tanging sagot. Kahit nang tinawag ko lamang ang kanyang ngalan ay naipalaya ako sa mga di-mapagkakailang kapit ng dimonyo.  Matapos ang maikling pananaliksik, nakilala ko ang maraming dahilan kung bakit ako ay pinaliligiran ng mga dimonyo.  Ang aking ina ay nag-aari ng mga aklat tungkol sa Bagong Kapanahunan, ako ay may makasalanang mga awitin, ako ay may malalaswang mga pelikula, ako’y buong-buhay nang nasa kalagayan ng malubhang kasalanan.  Ako’y naging pag-aari na ng dimonyo, ngunit ang Ating Ginang ay dinurog ang ulo niya.  Ako ngayon ay pag-aari niya.

NABIBIGO NA MAPABALIK-LOOB ANG MGA MAKASALANAN

Ako’y nagsimulang mag dasal ng Rosaryo bawa’t araw. Ako’y nakatagpo ng mabuting pari at nagsimula akong mangumpisal nang madalas, halos bawa’t araw.  Hindi ko ito magawa nang palagi, kaya ako’y gumawa ng mga munting hakbang kasama si Maria upang tigilan ang lahat ng aking mga pagkagumon.  Si Maria ay tinulungan akong lumaya mula sa pagkaalipin at pinukaw ang aking nais na maging isang apostol.  Kapag ako’y nagdadasal ng Rosaryo, tinutulungan niya akong tigilan ang aking mga pagkagumon at pinagdadalisay ang aking isip.  Naratnan ko na makakamit ng katibayan sa teyolohiya at bahagyang antas sa pilosopya dahil sa aking labis na pagbabago at pagnanais para sa kabanalan.  Nagdasal ako ng maraming Rosaryo bawa’t araw nakita ko si Maria kahit saan at ang dimonyo ni-saan ay Wala.  Pagkalipas ng kolehiyo, umanib ako sa pamamaraan ng eskuwelang Katolika bilang guro ng Pananampalataya; sinumulan kong turuan ang mga kabataan nang lahat ng nalalaman ko.  Bagama’t sila’y nasa paaralang Katolika sila ay may mga paghihirap na higit na malala pa sa dinanas ko.  Sa pagdating ng smartphones nagkaroon sila ng mga bagong pagkakataon na magkaroon ng mga lihim na ugali at mga lihim na buhay.  Ako’y isang dakilang guro na ginagawa ang pinakamabuti upang pagwagihan ang kanilang mga puso para sa Diyos, ngunit nabibigo.

Dalawang taon dito, ako’y dumalo sa isang retreat na pinamumunuhan ng isang SUKDULANG banal na paring kilala na nahandugan ng banal na pagkakakilala ng mabuting mga ispirito, pagbasa sa mga kaluluwa.  Kami ay nahimok na gumawa ng pangkalahatang pangungumpisal.  Nang binalikan ko ng tanaw ang mga sala ng nakaraan, lumuha ako nang makita ko kung gaano ako naging karima-rimarim sa kabila ng lahat ng kabutihan at awa ng Diyos.  Nagtanong ang pari, “Bakit ka umiiyak?” at tumugon akong humihikbi, “sapagka’t napakaraming tao na ang nasaktan ko at nailigaw ko dahil sa aking masamang halimbawa.”  Sumagot siya, “Nais mo bang mag-alay ng mabisang pagbabayad sa pinsalang nagawa mo?  Pagtibayin mong magdasal ng lahat ng mga misteryo ng Rosaryo bawa’t araw para sa isang buong taon, na hinihiling sa Ating Ginang na makapagdala ng kabutihan sa bawa’t isa sa mga masasamang ginawa mo at para sa bawa’t tao na iyong nasaktan.  Pagkaraan nito, huwag ka nang lumingon ng pabalik.  Ituring mong bayad na ang iyong utang at magpatuloy na humayo.”

NAGWAWAGI KASAMA SI MARIA

Ako’y nakapagdasal na ng maraming pang-araw-araw na mga Rosaryo noong nakaraan, ngunit ni -kailan ay bilang patakaran ng buhay.  Nang ginawa ko ang buong Rosaryo bilang pangkaraniwang bahagi ng bawa’t araw, lahat ay nagbago.  Ang kapangyarihan ng Diyos ay nanatili sa akin kailanman.  Si Maria ay nagwawagi sa pamamagitan ko.  Nakatatagpo ako ng mga kaluluwa, at ang aking mga estudyante ay nagbabago nang kapuna-puna.  Nagsumamo sila sa akin na maglagay ng mga mapanonood nila sa YouTube.  Yaon ay ang mga kauna-unahang araw at kinukulang ako ng lakas ng loob, kaya kumuha ako ng mga pag-uusap na may mga larawan buhat sa  ibang mga tao.

Pinatnubayan ako ni Maria na mamasukan sa isang karatig na parokya na higit na nakahanay sa aking adhika para sa mga kaluluwa.  Ang kura ay talagang hinimok akong magpakilos, kaya ako’y sumang-ayon nang may tulong niya. Nagsimula akong gumawa ng mga mapanonood sa YouTube na mga talusalang paksa.  Ako’y lumahok sa paligsahan ng mga palabas at nagwagi ng libreng lakbay sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan at $4,000 na halaga ng kagamitan sa paggawa ng video. Sasabihin ko sa inyo, ang Ating Ginang ay isang mapagtagumpay.  Sa Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa Espanya, dumalo ako sa Banal na Misa sa Simbahan ng Santo Domingo.  Ako’y nagdarasal sa harap ng rebulto ng Ating Ginang ng Rosaryo nang nadama ko ang nakagagaping paramdam ng piling ni Santo Domingo.  Ito’y napakalakas na halos nakatayo ako sa harap ng rebulto ni Domingo at hindi ng Ating Ginang.  Hindi ko maisalaysay ang tamang mga salita, yaon ay higit na isang malalim na panloobang pag-unawa na ako’y mayroong layunin na ipalaganap ang Rosaryo dahil ito ay mayroong mga kasagutan sa mga pandaigdigang suliranin.

Pinagtibayan kong gawin yaon sa tulong ng mga kasangkapan na wala siya.   Sinumulan kong saliksikin ang bawa’t bagay tungkol sa Rosaryo—ang kasaysayan, kabuuan, abakada, mga santo na nagdasal nito.  Nang lalo kong pinag-aralan ito, lalo kong naunawaan kung gaano karaming mga sagot na ipinagkaloob nito.  Mga pagbabagong-loob at tagumpay sa banal na buhay ang mga bunga ng Rosaryo.  Nang lalo kong pinalaganap ito, lalo akong nagtagumpay.

Bilang bahagi ng layuning ito, ako ay nakapagpaunlad ng YouTube channel, Gabi After Hours, na naglalaman din ng pagpapalaki ng mga bata sa pananampalataya, pag-aayuno at pag-aadya.  Ang Rosaryo ay ang gatong para sa aking apostolikong gawain.  Kapag dinadasal natin Ang Rosaryo, malinaw na maririnig natin ang Ating Ginang.  Ang Rosaryo ay tulad ng isang tabak na tumatagpas ng mga kadena na naigapos ng dimonyo sa atin.  Ito’y isang lubusang dasal.

Ako ay kasalukuyang naghahanap-buhay nang pirmihan sa pangkabataang ministeryo  na may mga batang tulad ng aking sarili.  Karamihan sa kanila ay nagmumula sa mga mag-anak na kulang ng mga nauukol na pangangailangan, karamihan ay mayroong isang magulang lamang sa tirahan.  Dahil ang pinakamarami sa mga batang ito at walang mga ama, na may mga ina na mayroong dala-dalawang mga hanap-buhay, ang ilan ay naluluklok sa masasamang gawî sa likod ng kanilang mga magulang, tulad ng paghithit ng mariwana o paglalasing.  Gayunpaman, kapag sila’y masimulang maipakilala sa Birheng Maria, sa eskapularyo, sa mapaghimalang medalya at sa Rosaryo, na bukod-tangi, ang kanilang mga buhay ay nagbabagong lubos.  Sila’y nagmumula bilang makasalanan upang maging mga santo.  Mula alipin ng dimonyo bilang mga tagapaglingkod ni Maria.  Sila’y hindi lamang nagiging mga tagasunod ni Jesus, sila’y nagiging mga apostol.

Tumuloy sa kaloob-looban kasama si Maria.  Tumuloy sa kaloob-looban na may Rosaryo.  Lahat ng mga dakilang Santo ay sumasang-ayon na ang pagsunod kay Maria ay mai-aakay kayo sa pinakabilis, pinakaligtas, at mabisang landas patungo sa puso ni Jesu-Kristo.  Ayon kay San Maximiano Kolbe, isang layunin at tungkulin ng Espiritu Santo na maihugis si Kristo sa sinapupunan ni Maria nang walang hanggan.  Kung nais mong mapuspos ng Espiritu Santo, kailangan mong maging tulad ni Maria.  Ang Espiritu Santo ay sumasahimpapawid tungo sa mga kaluluwang malapit kay Maria.  Ito ang basihan para sa tagumpay na ninanais ng Ating Panginoon.  Iniaalay natin ang ating mga sarili kay Maria, tulad ng ginawa ni Jesus.  Kumakapit tayo sa kanya, tulad ng ginawa ni Jesus.  Nananatili tayong munti upang manatili siya sa atin at maidala si Kristo sa iba.  Kung nais ninyong magwagi sa digmaan humayo kayong kasama ang Ating Ginang.  Dadalhin niya tayo kay Kristo at tutulungan niya tayo na maging tulad ni Kristo.

Share:

Gabriel Castillo

Gabriel Castillo is the Coordinator of Youth Ministry and Faith Formation at St Theresa’s Catholic Church in Sugar Land, Texas. This article is based on his testimony in the Shalom World program “Mary My Mother”. To watch the episode visit: shalomworld.org/episode/the-rosary-guy-gabriel-castillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles