Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 1314 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

“MINSANG ISANG PARI, LAGING ISANG PARI”

Isang pari ang bumisita sa Roma na mayroong tipan upang makipagkita kay Santo Papa Juan Pablo II sa isang sarilinang panayam.  Patungo doon, dumaan siya sa isa sa mga magagandang basilika.  Gaya ng kinagawian, ang mga hakbang ay pinagkumpulan ng mga pulubi, ngunit isa sa mga ito ang nakakuha ng kanyang interes. “Kilala kita. Hindi ba tayo magkasama sa seminaryo?” Tumango ang pulubi bilang pagsang-ayon. “Kung gayon naging pari ka, di ba?” tanong sa kanya ng pari. “Hindi na ngayon! Mangyaring iwan mo akong mag-isa!” ang pagalit na sagot ng pulubi.  Alumana sa tipan niya sa Santo Papa, lumisan ang pari na nangako, “Ipagdarasal kita,” ngunit pakutyang nagsalita ang pulubi, “Madaming buti ang magagawa niyan!”

Kadalasan, ang mga pansariling panayam ng madla upang makasama ang Santo Papa ay maiksi — pagpapalitan ng ilang salita habang ibinibigay niya ang kanyang basbas at isang binasbasan na rosaryo. Nang dumating ang oras ng pari, ang pakikipagtagpo sa paring pulubi ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan, kaya pinakiusapan niya ang Kanyang Kabanalan na ipanalangin ang kanyang kaibigan, pagkatapos ay ibinahagi ang buong kuwento. Ang Santo Papa ay naintriga at nabahala, humingi ng karagdagang detalye at nangako na ipagdarasal siya. Hindi lamang iyon, siya at ang kanyang kaibigan na pulubi ay nakatanggap ng paanyaya na makasalong mag-isa kasama si Santo Papa Juan Pablo II. Matapos ang hapunan, sarilinang kinausap ng Santo Papa ang pulubi.

Luhaang lumabas mula sa silid ang pulubi. “Ano ang nangyari doon?” tanong ng pari. Ang pinaka pambihira at hindi inaasahang tugon, “Pinakiusapan ako ng Santo Papa na pakinggan ang kanyang Kumpisal,” pahikbing tugon ng pulubi.  Nang mabalik sa kanyang kahinahunan, nagpatuloy siya, “Sinabi ko sa kanya, ‘Iyong Kabanalan, tingnan mo ako, isang pulubi, hindi pari.”

“Ang Santo Papa ay magiliw na tumingin sa akin at nagwika, ‘Aking anak, ang isang pari ay palaging isang pari, at sino sa atin ang hindi pulubi. Lumalapit din ako sa harapan ng Panginoon bilang isang pulubi na humihingi ng kapatawaran ng aking mga kasalanan.”  Matagal na mula nang huli siyang makinig ng Kumpisal kaya’t kinailangang tulungan siya ng Santo Papa sa mga salita ng pagpapatawad. “Ngunit napakatagal mo doon,” puna ng pari. “Tiyak na ang sa Papa ay hindi tumagal nang ganon upang ipagtapat ang kanyang mga kasalanan.”

“Hindi,” sabi ng pulubi.  “Ngunit makatapos kong madinig ang kanyang Kumpisal, hiniling ko sa kanya na pakinggan ang sa akin.” Bago sila lumisan, inanyayahan ni Santo Papa Juan Pablo II ang alibughang anak na ito na gumawa ng panibagong misyon – na humayo at maglingkod sa mga walang tirahan at mga pulubi sa mga hakbang ng mismong simbahan kung saan siya nagmamakaawa.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles