Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 21, 2024 64 0 Aleksie Ivanovich
Makatawag ng Pansin

Mga Alaala…

Isang malamig na gabi sa kamusmusan, tinuruan ako ng aking ama kung paano muling buuin ang apoy…

Maging ito ay isang di- napapanahong sariwang gabi ng taglagas, ang halimuyak ng usok na bumubuhos mula sa isang madalas- gamiting na tsimenea, isang hanay ng mga kulay ng mga dahon ng taglagas, o kahit na ang tono ng boses ng isang tao, itong mga mistulang napakaliliit na mga detalye ng pandama ay kadalasang nagpapasiklab ng matingkad na alaala ng isang sandali ng nakalipas.

Bakit tayo ay may mga ganitong alaala?  Nagsisilbi ba ang mga ito bilang isang paraan ng pag-iwas sa mga naunang nagawang pagkakamali?  Binigyan ba tayo ng Diyos ng mga alaala upang magkaroon tayo ng mga rosas sa Disyembre? O maaari kayang ito ay isang bagay na mas matindi?  Ang mga ito ba ay binhi ng pagdidilidili na dapat nating pagmumunhan, pag-ukulan ng pansin, pag-isipan nang puno ng panalangin, at pagnilayan?

‘Mailigamgam’ na Pagmamahal

Noong ako ay siyam, marahil sampu, ang aking pamilya at ako ay dumating sa bahay sa isang di- napapanahong malamig na gabi ng taglagas.  Agad na hiniling ng nanay ko na muling buuin ng aking ama ang apoy. Ito na paborito kong libangan, sabik akong tumayo para manood.  Habang ang iba pang mga pangyayari sa pagbuo ng apoy ay nananatiling isang manipis na ulap na walang katuturang detalye, ang isang ito ay buhay na buhay sa kaibuturan ng aking kaisipan. Naaalala ko pa nga ito walang labis,walang kulang.

Binuksan niya ang kalan na pang kahoy, dinampot ang pansundot, at nagsimulang linisin ang abo. Kuryoso, maalala kong nagtatanong: “Bakit mo inaalis ang lahat ng abo?”  Kaagad, sumagot ang aking ama: “Sa pamamagitan ng pag-alis ng abo, pumapatay ako ng dalawang ibon gamiting ang iisang bato. Ibinubukod ko ang anumang baga habang sabayang hinahayaan ang oksiheno na malayang dumaloy.”

“Bakit napakahalaga nito?”  Ang aking ama ay tumigil sa kanyang gawain at tumingin sa akin, na nagbabalanse sa kanyang mga daliri sa paa sa nakayukong posisyon.  Lumipas ang ilang sandali habang pinag-iisipan niya ang tanong ko.  Tinawag niya ako ng malapitan.  Iabang papalapit ako, inabot niya sa akin ang poker at halos bumulong: “Sabay nating gawin ito.”

Damhin Ang Kaibhan

Kinuha ko ang barang bakal, at iginiya niya ako sa harap niya . Ibinalot niya ang kanyang mga kamay sa mga kamay ko at sinimulang gabayan ang aking mga galaw.  Ang abo ay patuloy na bumagsak sa rehas na bakal, at ang naiwan ay isang maliit na tumpok ng mga baga.  Tinanong ako ng aking Ama: “Dama mo ba ang labis na init?”

Natawa ako at nagsabing: “Hindi, Tay! Syempre, hindi!”

Ang aking ama ay marahang natawa, pagkatapos ay tumugon: “Inisip kong hindi! Tiyak, bilang sila, hindi nila iinitin ang bahay, ngunit pansinin kung ano ang mangyayari kapag ginawa ko ito.”  Ibinaba niya ang pansundot, isinaayos ang sarili nang mas malapit sa kalan, at nagsimulang humihip nang malakas sa mga baga.  Bigla ang mga itong nagsimulang magbaga ng maalab na pula.  Pagkatapos ay sinabi ng aking ama: “Heto, subukan mo.”  Ginaya ko ang kanyang mga kilos at umihip sa abot ng aking makakaya.

Gayundin, ang mga baga ay naging matingkad na pula sa pinakamaikling sandali. Tanong ng aking ama: “Nakikita mo ang pagkakaiba, ngunit naramdaman mo din ba ang pagkakaiba?”

Nakangiti, sumagot ako: “Oo! Mainit saglit!”

“Tamang-tama,” singit ng aking ama:  “Aalisin natin ang abo upang ang oksiheno ay makapagpapagatong sa mga baga.  Ang oksiheno ay ganap na kinakailangan; ang mga baga ay nagniningas, gaya ng nakita mo.  Matapos ay ginagatungan namin ang apoy ng iba pang maliliit na nasusunog na mga bagay, nagsisimula sa maliit at pagkatapos ay paakyat sa mas malalaking bagay.”

Matapos ay inutusan ako ng aking ama na kumuha ng mga pahayagan at maliliit na patpat mula sa kahon ng sindihan.  Samantala, nagpunta siya sa gilid ng balkonahe at nangalap ng ilang tabla at malalaking troso.  Pagkatapos ay nilukot niya ang diyaryo at inilapag sa maliit na tumpok ng mga baga.  Pagkatapos ay inutusan niya akong hipan ang bunton gaya ng ginawa ko noon.  “Ituloy mo!  Wag kang titigil!  Malapit na!” hikayat ng aking ama, hanggang sa lubos biglang-bigla, at kagulat-gulat, ang pahayagan ay umapoy.  Gulat ako, kaunting napalundag paatras pero napakalma din ako sa bugso ng nakagiginhawang init na naramdaman ko.

Sa sandaling iyon, naaalala kong nakangiti mula sa isang tainga hanggang sa kabilang tainga, at ang aking ama, na nakangiti din, ay nagbilin: “Ngayon, maaari na tayong magsimulang magdagdag ng bahagyang mas malalaking bagay.  Magsisimula tayo sa mga sanga na ito at iba pa.  Magliliyab sila tulad ng papel.  Obserbahan mo…”  Tama nga, pagkaraan ng ilang sandali, ang mga patpat ay nasusunog.  Ang init noon ay malupit.  Matapos nun, ang aking ama ay nagdagdag ng maliliit na troso, at mga lumang bakod na tabla, at naghintay tulad ng dati.  Kinailangan kong umatras dahil ang init ay hindi matiis sa malapitan.  Sa wakas, makalipas ang 30-40 sandali, totoo na ang apoy umaatungal habang inilalagay ng aking ama ang pinakamalalaking troso.  Sinabi niya: “Sa pamamagitan ng mga ito, ang apoy ay masusunog ng ilang oras hanggang magdamag.  Natutunan mo na ang pinakamahirap na bahagi ay ang pagpapalagablab ng apoy.  Kapag naglalagablab na, madali itong ipagpatuloy hangga’t ginagatungan mo ito at hayaang paypayan ng oksiheno ang apoy.  Ang apoy na walang oksiheno, walang panggatong, ay mamanatay.”

Ang Maalala…

Ang pagnanasa sa Diyos ay nakasulat sa puso ng tao.  Ang katotohanan na ang mga tao ay likha sa pagkakahawig at imahe ng Diyos ay humahantong sa isang baga, isang pagnanasa sa kaligayahan na nasa bawat isa sa atin.  Ang bagang ito ay hindi kailanman mapupuksa, ngunit kung pababayaan, ang nagmamay-ari nito ay maiiwang hindi masaya at walang layunin.  Alisin ang abo (sa pamamagitan ng Pagbibinyag), at hinahayaan natin ang pag-ibig ng Diyos na magpaliyab.  Ang ating pinakamasidhing hangarin ay nagsisimulang maging oksihenado, at nagsisimulang madama natin ang mga epekto ng pag-ibig ng Diyos.

Habang pinasisigla ng pag-ibig ng Diyos ang apoy sa loob na lumago, nangangailangan ito ng kabuhayan—isang aktibong pang-araw-araw na pagpili upang pagsiklabin ang apoy.  Ang Salita ng Diyos, panalangin, ang mga Sakramento, at mga gawa ng pag-ibig sa kapwa ay nagpapanatili na mag-alab ang sindi.  Kung hindi tinutulungan, ang ating mga apoy ay muling nababawasan sa isang nagpupumiglas na baga, na nagugutom sa oksiheno na tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay.

Ang ating malayang kalooban ay nagpapahintulot sa atin na magsabi ng ‘Oo’ sa Diyos.  Hindi lamang nito tinutupad ang ating likas na indibidwal na pagnanasa sa kaligayahan ngunit ang ating ‘Oo’ ay maaari pang magsindi sa pagnanais ng ibang tao para sa pagbabagong loob, na nagbibigay ng bisa sa mga salita ni San Ignacio: “Humayo ka at sindihan ang mundo.”

Share:

Aleksie Ivanovich

Aleksie Ivanovich is supported by his family and friends in his effort to make the best of his incarceration. He is part of the Catholic Prison Ministry and seeks to inspire others to realize they are never out of the reach of God's mercy and love.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles