Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 10, 2024 13 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

Mayroon bang Kristianong Lunas para sa Sakit sa Isip?

Tanong: Ilang taon na akong dumaranas ng depresyon; minsan sinasabi sa akin ng iba na ito ay dahil sa kawalan ng pananampalataya. Madalas din akong nakadarama na maaaring tama sila, dahil sa nahihirapan akong manalangin o kahit na kumapit man lang sa pananampalataya. Paano ba ako, bilang isang nagsasanay na Kristiyano, haharapin ito?

Sagot: Maraming magkakapatong at magkakaugnay sa pagitan ng sikolohikal at espirituwal. Ang iniisip natin ay nakakaapekto sa ating kaluluwa at sa ating espirituwal na kalagayan, kadalasang nakakaapekto sa ating panloob na kapayapaan at kagalingan.

Sa pagkasabing iyon, HINDI magkapareho ang dalawa. Ito ay ganap na posible na maging lubhang malapit sa Diyos, kahit na ang paglago sa kabanalan, ay puwede pa ring mapeste ng isang sakit sa isip. Kaya paano natin malalaman ang pagkakaiba?

Dito maaaring makatulong ang isang Kristiyanong tagapayo o therapist, at isang espirituwal na direktor. Mahirap masuri ng sarili ang sakit sa pag-iisip —nakikita ng karamihan na kailangan ng isang propesyonal na nakasentro kay Kristo upang suriin ang iyong mga pakikibaka para makita ang mga pinagmumulan. Kadalasan, upang matugunan ang mga pinagbabatayang isyu, ang mga isyu sa kalusugan ng isip ay kailangang matugunan sa pamamagitan ng kumbinasyon ng parehong sikolohikal at espirituwal na paggamot nang magkasama.

Ang humingi ng tulong ay hindi nagpapahiwatig ng kawalan ng pananampalataya! Gagamutin ba natin ang isang sakit sa katawan sa ganoong paraan? Sasabihin ba natin sa isang taong nagdurusa sa kanser na ‘hindi sila nananalangin para sa pagpapagaling nang may sapat na pananampalataya?’ O sasabihin ba natin sa isang taong nangangailangan ng malaking operasyon na ang pagbisita sa doktor ay kawalan ng pananampalataya? Sa kabaligtaran. Madalas na ginagawa ng Diyos ang Kanyang pagpapagaling sa pamamagitan ng mga kamay ng mga doktor at nars; ito ay pantay na totoo para sa sakit sa isip at para sa pisikal na karamdaman.

Ang sakit sa isip ay maaaring sanhi ng napakaraming salik—kawalan ng timbang ng biochemical , pwersa o troma , hindi malusog na mga tularan ng pag-iisip…. Kinikilala ng ating pananampalataya na ang Diyos ay madalas na gumagawa upang pagalingin tayo sa pamamagitan ng mga sikolohikal na siyensya! Bilang karagdagan sa paghingi ng tulong, gayunpaman, inirerekumenda ko ang tatlong bagay na maaaring makatulong sa pagpapagaling.

1.Buhay sa Sakramento at Panalangin

Ang sakit sa isip ay maaaring maging sanhi upang maging mahirap ang manalangin, ngunit dapat tayong magpumilit. Ang karamihan ng panalangin ay pagpapakita lamang! Itatala ni San Juan ng Krus sa kanyang espirituwal na journal kung ano ang nangyari sa kanya sa panahon ng pananalangin, at sa loob ng maraming taon ay sumulat lamang siya ng isang salita araw-araw: “Nada (Wala). Naabot niya ang taas ng kabanalan kahit walang ‘nangyari’ sa kanyang pananalangin! Ito ay talagang nagpapakita ng mas malalim na pananampalataya kung tayo ay tapat sa pananalangin sa kabila ng pagkatuyo at kahungkagan —dahil ito ay nangangahulugan na tayo ay tunay na naniniwala dahil tayo ay kumikilos ayon sa ating nalalaman (ang Diyos ay totoo at Siya ay naririto, kaya ako ay nananalangin…kahit na wala akong nararamdaman).

Siyempre, malaking tulong din ang Pangungumpisal at ang Eukaristiya sa ating mental na buhay. Ang pagkumpisal ay nakakatulong upang palayain tayo mula sa pagkakasala at kahihiyan at ang Eukaristiya ay isang makapangyarihang pakikipagtagpo sa pag-ibig ng Diyos. Gaya ng sinabi minsan ni Mother Teresa: “Ang Krus ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ng Diyos noon; ang Eukaristiya ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ng Diyos ngayon.”

2. Ang Lakas ng mga Pangako ng Diyos

Mababago ng isa ang ating ‘mabahong pag-iisip’ sa pamamagitan ng positibong mga pangako ng Diyos. Sa tuwing nadarama nating walang halaga, dapat nating tandaan na “Pinili Niya tayo sa Kanya bago pa itatag ang sanglibutan” (Efeso 1:4). Kung sa palagay natin ay pinapahirapan tayo ng buhay, tandaan na “lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Diyos” (Roma 8:28). Kung nadarama nating nag-iisa tayo, tandaan na “Hindi ka Niya iiwan o pababayaan” (Mga Hebreo 11:5). Kung pakiramdam natin ay walang layunin ang buhay, tandaan na ang ating buhay ay inilaan upang luwalhatiin ang Diyos (Isaias 43:6-7) upang matamasa natin Siya magpakailanman (Mateo 22:37-38). Ang pagbabatay sa ating buhay sa mga katotohanan ng ating Pananampalataya ay makatutulong upang malabanan ang mga kasinungalingan na kadalasang nakakaahon sa ating isipan sa sakit sa isip.

3. Mga Gawa ng Awa

Ang pagsasagawa ng mga gawa ng awa ay makapangyarihang nagpapalakas sa ating kalusugang pangkaisipan. Maraming beses, maaari tayong ‘makulong sa ating sarili’ sa pamamagitan ng depresyon, pagkabalisa, o traumatikong mga karanasan; ang pagboboluntaryo ay tumutulong sa atin na makaalis sa solipsismo na iyon. Napatunayan ng agham na ang paggawa ng mabuti sa iba ay naglalabas ng dopamine at endorphins, mga kemikal na humahantong sa isang pakiramdam ng kagalingan. Ito ay nagbibigay sa atin ng kahulugan at layunin at nag-uugnay sa atin sa iba, sa gayon ay nagpapababa ng stress at nagbibigay sa atin ng kagalakan. Pinupuno din tayo nito ng pasasalamat na makipagtulungan sa mga nangangailangan, dahil napagtanto natin ang mga pagpapala ng Diyos.

Sa buod, ang iyong mga pakikibaka sa kalusugan ng isip ay hindi nangangahulugang isang senyales na kulang ka sa pananampalataya. Ikaw ay tiyak na hinihikayat na magpatingin sa isang Kristiyanong therapist upang malaman kung paano pagbutihin ang iyong espirituwal at mental na kalusugan. Ngunit tandaan din na ang iyong pananampalataya ay maaaring magbigay sa iyo ng mga paraan upang harapin ang kalusugan ng isip. At kahit na magpatuloy ang pakikibaka, alamin na ang iyong mga pagdurusa ay maaaring ialay sa Panginoon bilang isang sakripisyo, na nagbibigay sa Kanya ng isang regalo ng pag-ibig at pagpapabanal sa iyo!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles