Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 17, 2021 914 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Makasantong Pagmumuni muni: PAANO NALUNASAN NG TAKOT SI SAN FRANCISCO NG ISANG KETONGIN?

Si San Francisco de Asis ay minsang nagkaroon ng labis na takot at pagkasiphayo sa mga ketongin.  Ipinagtapat niya na ang anyo ng ketongin ay napakaririmarim at tinanggihan niya na kahit lumapit sa kanilang mga tirahan. Kung nagkataong nakasulyap siya ng isa sa kanyang mga lakbay o dumaan ng leprosaryo, dagli siyang lumilingon ng pasalungat at tatakban ang kanyang ilong.

Nang siya’y  naging mas dibdiban sa kanyang pananampalataya at inatupag ang bilin ni Kristo na mahalin ang iba tulad ng iyong sarili, siya’y nagsimulang ikahiya ang ugaling ito.  Kaya noong isang araw nang siya’y nakasalubong ng lalaking nagdurusa ng ketong, napaglabanan niya ang kanyang mga takot at pagkamuhi at, sa halip na siya’y tumaliwas, bumaba siya ng kanyang kabayo, hinalikan ang ketongin at naglagay ng salapi sa kanyang kamay.

Ngunit nang siya’y muling lumulan at lumingong pabalik, hindi na niya mahanap ang ketongin saan man.  Sa labis na kagalakan, kanyang napagtanto na si Jesus ang kanyang hinalikan.  Matapos siyang makatipon ng pondo, pumunta siya sa pagamutan ng mga ketongin at nagbigay ng abuloy sa bawa’t-isa, hinahalikan ang kanilang mga kamay ng buong galang tulad ng dati.  Ang minsang hindi kanaisnais sa kanya—ang tanaw at dampî ng isang ketongin—ay naging matamis.  Kalaunan ay sinulat ni Francisco, “Nang ako’y nasa pagkakasala, ang anyo ng mga ketongin ay nakaduduwal sa akin ng higit sa anumang maihahambing; ngunit ang Diyos na Mismo ang pumatnubay sa akin patungo sa kanilang umpukan, at kinahabagan ko sila.”

Ngayon, tayo ay madalas makakita ng mga taong nagdurusa ng pangkaluluwang sakit na ketong.  Karamihan sa atin ay susubukang lumayo sa kanila, ngunit napabayaan nating maunawaan na ito’y gumapang na rin sa ating mga puso.  Kaya sa halip na manghusga at paratangan ang iba, linisin natin ang ating sariling baldadong pag-iisip at katigasan ng puso.  Sa unang lagay, ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang biyaya at awa bagamat tayo’y bagbag at sugatán.  Ipangabot natin sa iba itong awa at pagdamay ng dalamhati na tinanggap natin na walang pasubali.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles