Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jan 13, 2025 25 0 Connie Beckman
Magturo ng Ebanghelyo

Makalangit na mga Tagapaglingkod  

Ang pagdurusa ay hindi na mapait, ito ngayo’y higit na matamis… 

Sa paggunita ng kalalaan ng pansangkalawakang sakit, gawa ng pagkahawa ng COVID-19, ako’y humantong sa matinding kahirapan ng paghihinga, ako’y naidala sa pagamutan para sa apat na araw.  Nakatanggap ako ng mga gamot na ipinadaraan sa aking mga ugat upang matulungan ang mga baga ko.  Ang karamdaman ay nagsanhi ng pagpipilat sa aking mga baga, kayâ ako’y umuwi na may ilang Prednisone at oksiheno upang matulungan na maibsan ang pamamagà.

Bago pa nito, ako’y isang masiglang nakatatanda na nanangkilik sa paghahardin, pagpapalakad ng aso, pagsusulat ng talaarawan at mga liham, pagbabasa, at paggugugol ng panahon kasama ang mag-anak at mga kaibigan, dumalo sa Misa at Pagsasamba, at nakipagdasal sa harap ng Planned Parenthood na gusali.  Gayunpaman, ang takbo ng buhay ay nagbago.

Ako’y nagkaroon ng malubhang sakit sa ulo na nagtagal ng maraming buwan, at walang gamot na nakabigay ng ginhawa.  Madalian akong napapagal at nangailangan akong humiga nang maraming ulit sa isang araw.  Kadalasan, magsisimula akong gagawa ng isang bagay sa loob ng bahay at lubos na makadadama ng pagkasaid.  Ako’y nawalan ng panlasa at pati ang aking pandinig ay nawala nang bahagya.  Malimit na hindi ako makapagmaneho dahil ako’y nalilito at nahihilo habang nagmamaneho.  Natiyak ng mga manggagamot na ako’y nagdaranas ng mahabang saklaw ng Covid, yao’y nagtagal ng maraming buwan.

Bilang karagdagan, ang aking isip at pag-iisip ay naging maulop.  Ako’y malilimutin—ang tawag nila dito’y brain fog.  Ako’y hindi makapagbasá o makapagbunto nang maayos at nangangamba nang lubusan.  Sinimulan kong magdasal para sa ginhawa at humingi ng pagdarasal mula rin sa ibang mga tao.  Sinikap kong ialay ang aking mga pagdurusa para sa mga nangangailangan ng awa ng Diyos, ngunit ito’y napakahirap gawin.

Isang Panggising na Tawag 

Pagkaraan, ako’y nagkaroon ng isang pamukaw-siglang kuru-kuro na piho ko, ay nagmula sa Banal na Ispirito.  May narinig na ako tungkol kay Padre Stu, isang boksingerong-naging-pari, na nagapi ng sakit na Inclusion Body Myositis (IBM) sa maagang mga araw ng kanyang matipunong buhay, ngunit hindi sa kawalan ng kabuluhan.
Bilang napalaki na walang pananampalataya ng mga magulang na nagumon sa panginginom, si Stewart Long ay namuhay sa labis na pagkapoot. Sa mga taon ng kanyang kabataan, sinimulan niya ang pakikipagbasag-ulo sa daan tuwing gabi.  Di-katagalan ay pinasok niya ang boksing bilang isang paligsahang gawain, hanggang natamaan nang malubha ang kanyang panga at nauwi sa katapusan ng kanyang hanap-buhay sa boksing.  Sa sapat na gulang, siya’y lumipat sa California upang masubukan ang pagdulog sa mga pelikula ngunit walang gaanong tagumpay.  Isang tagpo ng makitid-na-pag-iwas sa pinsala at ang pagbabagong-loob ng kanyang kasintahan sa Katolisismo ay nagdulot sa kanya ng isang lubos-na-kinakailang panggising na tawag.  Habang siya’y binibinyagan, nagkaroon siya ng isang malinaw na sapantahang siya’y magiging isang pari.  Para sa ilang mga taon, isinawalang-kibo niya ang mga pamumukaw ng Banal na Ispirito, ngunit sa bandang huli’y gumawa siya ng napakamahalagang pasya at pumasok ng seminaryo.

Doon siya nasurian ng IBM, isang karamdamang mabagsik na sumisira ng kalamnan na lumalaban sa anumang terapyutika.  Sa kawalan ng lunas, ito’y marahan na tumutungo sa pagkaguho ng bahagi ng katawan, mga kahirapan sa paglunok at paghinga, at tiyak na kamatayan.  Iginugol ni Padre Stu ang kanyang nalalabing apat na mga taon sa isinaayos na pangmatagalang pag-aaruga, na kung saan natatagpuan ang kanyang silid na may tandang bilang na 227 ay naging isang lugal para sa mga taong naghahanap ng pambanalang mga payo at mga pagkukumpisal, at kahit lamang makasama siya sa panonood ng mga pelikula.  Laging mayroong isang hanay ng mga taong naghihintay na makapasok upang siya’y makita.  Ang kanyang mga Misa sa isinaayos na lugal ay laging napupuno ng mga tao.  Ang mga Misa na kasama siya ay di-kapanipaniwala.  Si Padre Stu ay naglingkod sa napakaraming mga taong nagdurusa at inialay niya ang lahat ng kanyang mga pagdurusa hanggang sa wakas ng buhay niya noong Hulyo 9, 2014.

Madalas na sinabi ni Padre Stu:  “Ang Krus ay isang tawag sa pagtitiwala, kahit kapag ang mga bagay ay kakila-kilabot na nagiging mali.”  Kaya naman, sa paghingi ng kanyang pamamagitan, nagsimula akong magdasal:. “Padre Stu, kung sinuman ang marunong na magdusa nang wasto, ito ay ikaw.  Pahintulutan mong ipakita sa akin ito kung paano.”

Sa loob ng isang araw,  dininig ni Padre Stu ang panalangin ko at ipinakita sa akin kung paano magdusa nang wasto na kasama si Hesus.  Ang kapayapaan ni Kristo ay ganap na pinuno ang kautauhan ko ng Kanyang lakas at awa.  Ito’y hindi ko pa rin maipaliwanag nang lubos.  Ang aking sakit at pagdurusa ay naging higit na magaan at madali.  Ako’y nagsimulang idasal ang aking Rosaryo at ang Koronilya ng Mabathalang Awa.  Sinimulan ko rin na dasalin ang Liturya ng Banal na Mga Oras na kailanma’y hindi ko pa nagawa.  Ang kapayapaan ni Kristo’y pinuno ako ng lubusang kaligayahan at ginhawa.  Itong kapayapaan ay nanatili nang halos isang buwan, isang pinakamagandang buwan na puno ng Mabathalang Pag-ibig sa gitna ng aking pagdurusa.

Oo, patuloy akong nagdanas ng mga sintomas ng long-Covid, ngunit ang pagdurusa ay naging matamis.  Kahit hindi ko kayang dumalo sa Misa bawa’t-araw at tumaggap ng Yukaristiya, gagawa ako ng arawin na pangkaluluwang komunyon.  Sinabi ni Hesus:  “Hindi kita lilisanin o pababayaan.”  Ako’y hindi makatungo kay Hesus, ngunit si Hesus ay dumating sa akin bawa’t araw.

Marami pang Dapat Isalaysay 

Lubos ang utang-na-loob ko para sa pamamagitan ni Padre Stu.  Tunay na naipakita niya sa akin kung paano ko mai-aalay ang aking maliit at malaking mga pagdurusa para sa yaong mga nangangailangan ng awa at paghilom ni Hesus.  Ito ay, para sa akin, isang makabagbag-damdaming patotoo na ang layunin ni Padre Stu, na paglingkuran ang ibang mga kaluluwang naghihirap, ay patuloy ngayong araw mula sa kanyang Makalangit na tahanan.  Ito’y isa lamang sa madaming mga salaysay ng paghilom na nananatiling hindi pa nabubunyag.

Si Padre Bart Tolleson na hinirang na pari sa araw ng kung kailan napagkalooban rin si Padre Stu ay nakapagsulát ng di-kapanipaniwalang madaling-basahing aklat hinggil sa kanyang kapatid na pari at kaibigan na pinamagatang That Was Father Stu.  Ang babasahin ay nagbabahagi, na sa ating mga dalamhati, mayroong pag-asang walang-hanggan.  Ang pamana ng buhay ni Padre Stu ay pinukaw kahit si Mark Wahlberg, isang artista sa Hollywood at tagalikha, na gumawa ng pelikula na pinamagatang Father Stu sa Abril ng taóng 2022.  Sa kanyang mga diwa: “Ang aklat ni Padre Bart ay ipinapatuloy kung saan tumigil si Padre Stu.  Narating natin na maunawaan sa habag ng Diyos na si Padre Stu ay patuloy pa rin na lumilingap para sa atin.”

Kapag ang pagdurusa ay sukdulang namimigat, huwag nating kalimutan na tayo’y may Makalangit na tagapaglingkod na laging handang mag-alay ng kamay. 

Panoorin si Mark Wahlberg sa  pamamahagi ng kanyang karanasan sa paggawa ng pelikula, Father Stu, sa Shalom World’s Beyond the Vision.  (shalomworld.org/episode/father-stu)

Share:

Connie Beckman

Connie Beckman is a member of the Catholic Writers Guild, who shares her love of God through her writings, and encourages spiritual growth by sharing her Catholic faith

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles