Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jan 24, 2024 266 0 Nisha Peters
Makatawag ng Pansin

Maging Isang Sobrang Bayani Ngayong Araw

Bilang isang musmos na babae, ninais kong maging isang Superhero ngunit hindi nagtagal tinanggap ko na ito’y isang walang saysay na pangarap ng bata, hanggang… 

Noong ako’y isang bata, gumigising ako nang maaga sa mga Sabado ng umaga upang panoorin ang Sobrang – magkakaibigan—isang karikaturang samahan ng mga sobrang mga bayani na sinasagip ang mundo.  Ninais kong maging isang sobrang bayani kapag malaki na ako.  Hinaharaya kong ako’y nakatatanggap ng hudyat na may isang nangangailangan ng tulong at ako’y dagliang lilipad para sa kanilang pangangailangan.  Lahat ng mga sobrang bayani  na nakita ko sa TV ay nananatiling nakabalatkayo.  Sa tanaw ng mundo, sila ay karaniwang mga kauring may nakaiinip na mga kabuhayan.  Gayunpaman, sa panahon ng gipit, agad silang nagtitipon at nagpupulong sa pagsagip ng katauhan mula sa masasamang tao.

Nang lumaki ako, napuna ko na ang mga sobrang bayani sa karikatura ay tauhang mga kathang-isip.  Nilimot ko ang aking walang saysay na mga hakà… hanggang, isang araw, noong natagpuan ko ang totoong sobrang bayani na nagmulat sa aking mga mata.  Ako’y paminsan-minsang daraan upang manalangin sa kapilya ng habang-panahon na pagsamba sa isang pampook na simbahan.  Dahil kinakailangang mayroong manatili sa lahat ng panahon sa pagsamba ng Yukaristiya, mga boluntaryo ay nagsisipagtala para sa maiikling patlang.  Sa dami ng aking mga pagdalaw, napansin ko ang isang matandang ginoong nasa upuang de gulong na nananatiling nananalangin nang maraming oras sa kapilya.  Siya’y nag-aanyong may labinsiyam na gulang.  Sa bawa’t kadalasan, siya’y huhugot ng iba-ibang mga bagay mula sa bag—isang Bibliya, rosaryo, o isang piraso ng papel na inaakala kong listahan ng mga dasalin.  Nagtataka  ako kung anong uri ng hanapbuhay na kanyang ginawa noong kabataan at nang malusog pa ang katawan.  Kung anuman ang dati niyang ginagawa ay maaaring hindi kasing- halaga ng kanyang ginagawa ngayon.  Naunawaan ko na ang itong ginoong nasa upuang de gulong ay gumagawa nang bagay na napakahigit na mahalaga kaysa sa pinakamarami sa atin na tumatakbo nang paligid.

Ang mga sobrang bayani na nakabalatkayo ay nakakubli sa payak na paningin!  Ito’y nangangahulugan na ako, mandin, ay maaaring maging sobrang bayani… ng pagdarasal.

Tumutugon sa SOS 

Ako’y nagpasyang makisapi sa paghahalili ng pagdarasal sa simbahan, isang samahan ng mga tao na nakapagpangakong mamagitan sa pagdasal para sa mga iba nang palihim.  Marami sa mga magigiting na nagdarasal ay matatanda.  Ang ilan ay mga taong baldado.  Ang ilan ay mga nasa kapanahunan ng buhay na sila’y nasa tahanan na lamang dahil sa iba’t-ibang dahilan.  Nakatatanggap kami ng mga pagbibigay-alam sa email ng mga ngalan ng mga taong nakapaghiling ng mga dalangin.  Tulad ng mga sobrang bayani sa mga karikatura na napanood ko noong nakaraan, tumatanggap kami ng hudyat kapag may isang nangangailangan ng tulong.

Ang mga kahilingang ipapanalangin ay dumarating nang kahit kailan sa araw:  Si Ginoong X ay nahulog sa akyatan at isinugod sa pagamutan.  Si Ginang Y ay napag-alaman na may kanser.  Isang apo ay nasangkot sa nabunggong sasakyan.  Ang kapatid na lalaki ng isang ginoo ay nadukot sa Nigeria.  Isang mag-anak ay nawalan ng kanilang tahanan sa buhawi.  Ang mga pangangailangan ay marami.

Ginagawa namin nang taimtim ang inaatas sa amin na tagapamagitan sa pananalangin.  Humihinto kami sa kahit anumang ginagawa namin at magdarasal.  Kami’y isang hukbo ng mga mandirigmang nagdarasal.  Nilalabanan namin ang hindi makitang dahas ng kadiliman.  Kaya naman, isinusuot namin ang buong bakal na pananggalang ng Diyos at lalaban nang may banal na mga sandata.  Nagdarasal kami para sa kapakanan ng iba.  Nang may sigasig at paglaan, patuloy naming isinasamo ang mga kahilingan sa Diyos.

Ang Talab ng Bayani 

Nakadudulot ba ng kaibhan ang dasal?  Sa bawa’t kadalasan, kami’y nakakukuha ng katugunan mula sa mga taong nakiusap ng dalangin.  Ang lalaking dinukot sa Nigeria ay naibalik sa loob ng isang linggo.  Marami ang nakaranas ng paglunas.  Higit sa lahat, maraming tao ang nabigyang lakas at naginhawaan habang nasa dalamhati.  Si Hesus ay nagdasal, at ipinagbago Niya ang mundo!  Ang dasal ay bahagi ng Kanyang ministeryo ng paglunas, pag-adya at pagkaloob para sa mga nangangailangan.  Si Hesus ay laging nakikipag-usap sa Ama.  Manding tinuruan Niya ang kanyang mga alagad na magdasal.

Ang dasal ay tutulutan tayo na maunawaan ang palagay ng Diyos at maihanay ang kalooban natin sa Kanyang Banal na kalikasan.  At kapag tayo’y nagdarasal para iba, tayo’y nagiging kasama ni Kristo sa Kanyang ministeryo ng pag-ibig.  Kapag iniaalay natin ang ating mga alalahanin sa makapangyarihan, may lahat ng karunugan, saanma’y matatagpuan na Diyos, magkakaroon ng palitan sa kapaligiran.  Ang ating matapating dalangin, kaisa sa kalooban ng Diyos, ay makapaggagalaw ng mga bundok.

“Sumasamo kami sa Iyo, Panginoon, na tulungan at ipagtanggol kami.  Iadya Mo ang mga inaapi.  Kaawaan Mo ang mga hamak.  Itayo Mo ang mga nalugmok.  Ilahad Mo ang Iyong Sarili sa mga salat.  Lunasan Mo ang may-sakit.  Akayin Mong pabalik yaong Iyong mga taong naligaw.  Bigyan Mo ng makakain ang mga gutom.  Buhatin Mo ang mahihina.  Alisin Mo ang mga kadena ng mga bilanggo.  Nawa ang bawa’t bansa ay matuntunan na malaman na Ikaw lamang ang Diyos, na si Hesus ay Iyong Anak, na kami ay Iyong mga tao, ang kawan na Iyong pinapastol.  Amen.”  (San Clemente)

Share:

Nisha Peters

Nisha Peters serves in the Shalom Tidings’ Editorial Council and also writes her daily devotional, Spiritual Fitness, at susannapeters.substack.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles