Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 01, 2021 561 0 Michelle Harold
Makatawag ng Pansin

Lahat nang Kumikinang

Ano Ang paborito mong palabas?  Talaga bang hinihikayat ka nito?

 Labis na panonood ng TV: isang libangan na kasalukuyan na maginhawang nakatuntong na pinaka-una sa lista ng ating mga panganlungan na aktibidades.  Na ang pinakamabigat na bahagi ay ang pagpili ng perpektong palabas sa gitna ng kalabisan ng mapagpipilian sa mga umaanod na plataporma. Ang pagtawid sa ‘hurdle’ at susundan ng pagpindot ng ‘play’ ay paiikutin tayo sa mga daigdig na sa labas ng ating kinaroroonan na malayo sa pang-araw-araw na alalahanin natin.

Noong unang ‘pandemic lockdown’ o paghihigpit gawa ng sakuna, ako at ang asawa ko ay nakatagpo ng palabas na nakapagbigay-katuparan sa halos lahat ng inaasahan naming mangyari. Sa bilisan ng takbo at malaking balangkas, ang serye ay nakapagdulot ng pagkawili at pananabik na tamang-tama sa mga katapusan ng linggo.  Hindi malayong makita na kung paano ang palabas ay nagkamal ng napakaraming tagahanga kasama ng mga matataas na marka mula sa mga kritiko.

Gayunman, habang tayo ay nagpapatuloy sa mga panahon, tayo ay may napansin na nakagagambalang kalakaran sa balangkasan ng kuwento. Ang kaugalian ng pananampalatayang Katoliko ay sinuri at binaluktot at naging pangunahing gawain ng mga kontrabida, hindi ng mga mabubuti. Ang nakakubling pakay ay tila ang pagpapahiwatig ng malisyosong pagsisinungaling nang paunti-unti, habang ang mga manonood ay kalalimang naa-aliw.

Anumang mga tangka upang ang mga manonood ay masiyasat ang kanilang paniwala sa mataas na kapangyarihan ay maaaring hindi laging malinaw.  Ang mga ibang nilalaman ay maaaring subukan na pahinain nang dahan-dahan ang ating pandama sa mga panimulaing bisyo.  Isang komedya ang aking sinimulang panoorin na tila ay tinuring ang mga krimen ng labis na katatawanan.  Isa pang bumabantog na palabas na nakasentro sa makataong pagnanais na mabuhay nang walang hanggan sa pamamagitan ng kathang-isip na patnubay, isang alternatibo sa pinaghahandaang wakas sa kamatayan.

Bilang pasasalamat, tayo rin ay may mga kathang patuloy  na nagdudulot ng inspirasyon at pag-ganyak sa atin—mga ‘superheroes’, mga kuwento ng pag-ibig, mga matagumpay na  kapalaran laban sa lahat ng mga dalamhati, mga magigiting na pagdurusa sa pagkamit ng kapayapaan at iba pa.  Hindi ba kapani-paniwalang malaman ang laki ng epekto nitong tabing ng telebisyon?  Nagagalak akong nakahanap kamakailan lang ng isang palabas upang malaman lamang na ito ay hindi nakapaghikayat ng sapat na dami ng manonood upang ito ay mapalaganap ng maigi.  Ito’y dating nangyari na sa mga ibang programa na may ganitong senaryo.

Marahil ang mga palabas na lumilihis sa pamantayan ay mas nakararaos sa pagpapanatili  ng pagkawili.

Ang panonood ng isang bagay na makapagpupukaw ng isipan ay maaaring may mga kaukulang kapakinabangan, ngunit ang mga pagdududa na kanilang ipinahihiwatig sa paligid ng kaibuturan ng ating paniniwala ay maaaring humantong alinman sa dalawang paraan.  Maaaring tayo ay makakuha mula sa ating mga karanasan sa buhay at mga aral-Kristiyano upang tumayo ng mas matatag sa ating pananalig o makita ang ating sarili sa bagay na may-kalabuan at nakapagbibigay-tindi sa ating mga bagong pandududa.  Ang ikalawa ay medyo mapanganib kung saan ang mga kabataan ay sanhi ng ating pag-aalala.  Kinakailangan lang ng isang kahanga-hanga at nagmimistulang intelihenteng pagkatao na sa ngalan ng panlipunang kamalayan ay nagsasalita ng hindi pirmihang talakayan na tumutuya sa paanampalataya.  a ito’y maaaring makagulo sa mga murang isipan na pinahahalagahan ang panlipunang pananagutan at maaaring mag-isip kung ang simbahan ay sumasapi sa yaong mga prinsipyo.

Kaya papaano tayo magiging maingat sa lahat ng mga nakapaligid sa atin na hindi natin hahayaang mabagabag ng anuman ang ating kaibuturan o kalooban?  Papaano natin kukunin lamang ang mabuti sa pinanonood natin at itapon ang masama?  Tayo ay manalangin sa ating Panginoon upang makamit ang biyaya ng pagtitiyak.  Maging maalalahanin na hindi natin kinakailangang mapasailalim sa ating sariling paraan ng pakikiramdam pagkatapos ng panonood.  Ang pag-aanyaya ng mga kapamilya upang ipamahagi ang mga palagay o kurukuro sa hapag-kainan ay maaaring magbigay-daan sa mas malusog na pagkaintindi ng sumusuporta, o ng hindi, sa mga kahalagahang Kristiyano.  Kung mayroon mang hindi, tayo ay dapat na may kamalayan at mangailangan ng angkop na panlutas.

At habang patuloy nating kinagigiliwan ang pagkamalikhain na  maidudulot ng industriya ng aliwan, tampulan din natin at tamasahin ang dakilang karunungan na matatagpuan sa mga páhina ng ating Bibliya, ang pag-ibig ng ating Ama na kasama ang lahat, ang tunay na bayaning si Jesus, ang sukdulang kapangyarihan ng mga santo at ang kapita-pitagang Kaharian na walang-hanggan.  Magtulungan tayo upang mapagtanto ng bawa’t-isa kung gaano kahanga-hangang malaman ang Diyos na nagmamahal  sa atin, namatay para sa atin, at nais na makapiling tayo magpakailanman. At huwag hayaan ang anuman na sumagabal sa daan sa pagpapanatili ng ating pananalig hanggang sa huli.

“Kaya’t ihiwalay natin sa ating sarili ang anumang sagabal, lalung-lalo na ang sala, upang magtiyaga sa pagtagbo ng takbùhing inilatag sa harapan natin.  Masdan natin si Hesus, ang tagapagtatag ng ating pananalig, na magiging dahilan nitong tagumpay” (Hebreo 12: 1-2).

Share:

Michelle Harold

Michelle Harold is an IT professional who finds great joy in living the Catholic faith. She resides with her husband in Melbourne, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles