“Ang mga katanungan ay umikot sa aking isip, at mahirap makipag-usap sa aking ina. Ngunit isang nakagugulat na rebelasyon ang nagpabago sa aking buhay magpakailanman.” Ibinahagi ni Chi (Su) Doan ang mga kamangha-manghang sandali …
Ang aking buhay ay nagsimula sa Vietnam sa isang mapagmahal na pamilya na nagtakda ng napakataas na pamantayan. Bagaman hindi kami mga Katoliko, pinadala nila ako upang matuto ng piano mula sa mga Madre sa lokal na kumbento. Naintriga ako sa kanilang pananampalataya at kahulugan ng kanilang layunin na sa palagay ko ay kulang sa aking sariling buhay. Isang araw, naglakad-lakad ako sa simbahan at nagkaroon ng magandang karanasan kasama si Jesucristo at ang Diyos Ama na nagpabago sa aking buhay magpakailanman, ngunit hindi ko natuklasan si Inang Maria hanggang sa kalaunan.
Nagsimula ang lahat noong ako ay mga 13. Sa edad na iyon, lahat ay tila nakikibaka nang kaunti, sinusubukang alamin kung ano ang gagawin sa kanilang buhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Pagtingin ko sa aking kapatid na lalaki at aking mga pinsan na naging matagumpay na sa buhay, naramdaman ko ang matinding presyon na tularan ang kanilang mga nagawa. Nahirapan akong kausapin ang aking mga magulang tungkol dito. Iniisip ng mga tinedyer na makakagawa sila ng malalaking bagay nang walang sagabal mula sa mga may sapat na gulang tulad ng mga magulang at guro at naramdaman kong sobrang kinakabahan akong ilabas ang mga katanungang umiikot sa aking isip.
Gayunpaman, ang mabait, at malumanay na Madre na nagturo sa akin ng piano ay naiiba. Marahan niyang tinanong ang aking espiritwal na buhay, nakikinig syang may interes na nagsisimba ako at madalas na manalangin, komportable akong buksan sa kanya ang tungkol sa aking mga pakikibaka. Sinabi ko sa kanya kung paano ako nagtataka kung mayroong anumang salungatan sa pagitan ng pagiging mapanalangin at pagkakaroon ng isang matagumpay na karera bilang isang doktor, guro o negosyante. Puno ako ng pag-aalinlangan at nakaramdam ng pagkawala, ngunit puno siya ng maaliwalas na pananalig. Pinayuhan niya ako kung gaano kahalaga ang isang ina sa paggabay sa kanilang mga anak dahil inalagaan nila sila ng sobra at naobserbahan sila mula sa kanilang mga unang araw.
Sinabi ko, “Mahirap talagang kausapin ang aking ina tungkol dito sapagkat sa palagay ko nasa sapat na akong gulang upang magawa ko ang lahat nang wala siyang tulong.” Tiniyak niya sa akin na okay lang, dahil kung nahihirapan akong kausapin ang aking Ina, mayroon akong ibang ina na makakausap ko.
Medyo naguluhan ako sapagkat iyon ay isang bagong konsepto sa akin, dahil lumaki ako sa isang pamilya na walang relihiyon. “Anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ko. Inihayag niya ang kamangha-manghang balita na dahil si Maria ang nanganak kay Jesucristo na ating Panginoon, siya rin ang ating ina. Sinabi sa atin ni Hesus na maaari tayong tumawag sa Kanyang Ama, ang ating Ama, samakatuwid maaari natin Siyang tawaging, Kapatid at ang Kanyang ina ay ating ina. Sa ating nabasa sa Bibliya, ipinagkatiwala Niya si San Juan at tayong lahat sa Kanyang Pinagpalang Ina nang Siya ay mapako sa Krus.
Ito ay isang ganap na bago at kakatwang ideya sa akin at nahirapan akong papaniwalain ang aking isip. Nagpatuloy siya, “Isipin mo lang ito ng ganito. Kapag umedad ka ng kaunti pa, malalaman mo na ang isang ina sa iyong buhay ay talagang mahalaga. Anumang mga problema na mayroon ka, tatakbo ka sa kanya para sa payo at ginhawa upang matulungan kang harapin ang mga ito. Siya ay isa pang ina na tumutulong sa iyo na gawin ang eksaktong bagay. Kaya, kung sa palagay mo ay mahirap ang pakikipag-usap sa iyong mga magulang, sa yugtong ito ng iyong buhay, maaari kang lumapit kay Inang Maria at kausapin siya upang makahanap ka ng kapayapaan. ”
Tila isang magandang ideya na karapat dapat na subukan, ngunit hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sinabi sa akin ni Sister na maaari ko lamang ipikit ang aking mga mata at ipagtapat sa kanya ang lahat ng aking mga pakikibaka, mga paghihirap at pagdurusa. Maaari kong sabihin sa kanya kung anuman ang kailangan kong tulong at hilingin sa kanya na ipagkaloob sa akin ang kaunting ginhawa at kaunting pangangalaga. Ang pakikipag-usap pa lamang sa kanya ay makakatulong na upang maisip ko nang malinaw ang aking kinabukasan. Hindi ako sigurado kung totoo nga ang lahat, ngunit walang masamang subukan.
Kaya, nang magkaroon ako ng libreng oras, naupo ako ng tahimik, pumikit at nagdududa na sinabi sa kanya, “Okay, kung ikaw talaga ang aking ina, maaari mo ba akong tulungan dito. Sinusubukan kong alamin kung ano ang dapat kong gawin sa aking buhay dahil nais kong gumawa ng mga magagaling na bagay kapag lumaki na ako. Nararamdaman ko ang labis na bigat sa pag-aaral, ngunit sinusubukan kong ilagay ang aking sarili sa tamang landas, upang pagdating ng panahon ay wala akong pagsisihan. Mangyaring aluin ako at tulungan akong magkaroon ng tiwala sa aking sarili upang malaman ang tamang bagay na dapat kong gawin sa aking buhay. Tuwing gabi, patuloy ko lang sinasabi ang parehong bagay. Kapag ako ay nahihirapan sa aking pag-aaral, sinasabi ko, “Kung ang paksang ito ay hindi inilaan para sa akin at hindi ko dapat na ipagpatuloy, nakikiusap akong ipaalam lamang sa akin.” Sa tuwing sinasabi ko iyon, ang lahat ay tila gumagaan nang kaunti. Kahit papaano mayroon na akong nakakausap tungkol sa aking mga pakikibaka at paghihirap ngayon.
Masyado akong naintriga, nang ikinuwento ni Sister ang tungkol sa Lourdes ng Vietnam, di-nagtagal ay bumisita ako. Nakita ko roon ang isang magandang estatwa ni Inang Maria, nasa itaas ng burol. Habang nakatingin ako sa kanya, naramdaman kong inaalagaan — at ginagabayan niya ako sa landas na para sa akin.
Nang umupo ako upang manalangin, saglit akong nakaramdam na hindi akma na. Inilalagay ko ba talaga ang aking sarili sa presensya ng isang tunay na aking ina, kahit na inabot ako ng 13 taon para malaman na siya ay naroroon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa umpisa. Pagkatapos ay sinimulan kong ibulong ang aking magugulong mga saloobin tungkol sa kung bakit ako naririto, kung bakit ito ay tumagal ng labis at pati ang aking pasasalamat sa pagkakaroon ng pagkakataong ito. Sinimulan kong sabihin sa kanya kung paanong pagkawala ang naramdaman ko. Sa palagay ko naliligaw ang lahat sa edad na ito kaya umaasa akong walang mali sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko talaga alam ang gagawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat kong pigain ang aking sarili na makakuha ng puro A’s sa paaralan o ibaba ang aking mga paningin sa isang bagay na mas makatwiran at alamin kung ano ang dapat gawin simula doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga. Hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang aking pag-aaral o ang aking buhay o kung paano maging isang matagumpay sa aking paglaki.
Nagtapat ako kung gaano ang paghihirap ko sa lahat ng ito. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin dahil ayaw kong makipag-usap sa mga taong huhusgahan ako at ayokong makipag-usap sa mga taong aakalaing mahina ako. Ang aking mga mata ay puno ng luha habang ibinubunyag ko ang aking kaluluwa at inilalagay ang lahat sa kanyang mga kamay at umaasa na bibigyan niya ako ng ilang payo sa dapat na gagawin.
Kalaunan ay nasabi ko na lang, “Sige, ibinibigay ko ang lahat ng tiwala ko sa iyo. Nakikiusap akong ipanalangin ako sa Diyos at patnubayan ako sa aking buhay sapagkat hindi ko talaga alam kung sino ang dapat kong pagtiwalaan pa. Pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob na kausapin ang aking mga magulang tungkol sa aking pinagdadaanan, upang sila ay mag-alok sa akin ng ilang payo at tulong? ”
Mga isang beses o dalawang beses sa isang buwan, bumabalik ako upang makita siya at makausap. Sa pagdaan ng panahon, naramdaman kong mas matapang na ako at nalalampasan ko ang aking mga problema sa pagsasabi ko sa aking Ina tungkol sa kung ano ang gusto kong maging paglaki ko at kung anong mga pagpipilian ang gusto ko. Hindi ko na nararamdaman na nawawala ako at hindi na ako nahihirapan na kausapin ang aking mga magulang at aking mga guro tungkol sa kung paano pumili ng mga paaralan, paksa, karera at unibersidad, o iba pang mga problema.
Kakaiba sa umpisa dahil hindi ko alam na mayroon akong dalawang ina sa buhay ko. Sino ang mag-iisip nito kung hindi ka ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko? Noong ako ay halos 16 taong gulang, nagsimula akong makipag-usap sa aking Ina tungkol sa karanasan na mayroon ako kay Inang Maria at nakakagulat na sumang-ayon sa akin ang aking ina na totoo ito. Naniniwala rin siya na si Maria ay isang ina na nag-aalaga ng kanyang mga anak. Pinatunayan niya na si Maria ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na kausapin siya tungkol sa aking mga pakikibaka, upang magkaroon siya ng pagkakataong tulungan ako.
Ito ay isang talagang kamangha-manghang karanasan. Kinausap ko lamang si Maria at sinubukang makinig sa kanyang tinig. Hindi ko narinig na nagsalita siya sa akin tulad ni St Bernadette, ngunit kung minsan kapag natutulog ako o nangangarap sa araw, nararamdaman kong naroroon siya na sinasabi sa akin na huminahon lang ng kaunti. Tila narinig ko na pinagsasabihan niya ako ng marahan, “Kailangan mo lang magdahan-dahan.”
Sa yugto ng aking pagbibinata, nais kong gawin ang lahat nang mabilisan at mag-isa para sa aking sarili. Ni hindi ko nais na ibahagi ang aking damdamin sa aking mga magulang dahil ayokong sabihin nila sa akin ang dapat kong gawin.
Kaya, napakalaking tulong nang maisip ko ang sinabi sa akin ni Nanay Maria na, “Magdahan-dahan ka lang ng kaunti. Alam ko na nais mong makamit ang tagumpay nang mabilis, ngunit hindi ito mangyayari. Magtiwala ka lang sa akin at sa bandang huli ay mangyayari ito. ” Talagang totoo iyon!
Makalipas ang dalawang taon, nagpasya ang aking pamilya na ipadala ako sa Australia. Sa wakas nabinyagan ako at natanggap sa Simbahang Katoliko sa St. Margaret Mary’s Church, Croydon Park kung saan masaya pa rin akong dumadalo sa Misa. Kapag nahihirapan ako, lumalapit ako sa kanya sa pamamagitan ng pananalangin at humihiling sa kanya na ipagdasal ako sa ating Diyos Ama. Pakiramdam ko ay nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa kamangha-manghang pamamaraan.
Kahit na ngayon na nasa 20’s na ako, at nakatira nang mag-isa malayo sa aking mga magulang sa nasa ibang bansa, hinihiling ko pa rin minsan kay Inang Maria na magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin sila tungkol sa aking mga problema at makapagsabi din sa iba. Nagpapasalamat ako sa kanyang pagmamahal, at pag-aalaga tulad ng isang ina. Nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa nakakagulat na mga paraan.
CHI (SU) DOAN loves her faith and believes that what she has achieved is God's work. The article is based on her personal testimony shared through the Shalom World program, “Mary My Mother”. To watch the episode visit: shalomworld.org/show/mary-my-mother
Ang Kuwaresma ay palapit na. Nakadadama ka ba na mag-atubiling talikdan ang iyong mga kinagigiliwang bagay? Habang lumalaki, ako’y isang magulong bata na may kalakasang bibig at masidhing hilig sa musika. Isa sa aking pinakamaagang mga ala-ala ay ang magbukas ng radyo ng sarili ko at maririnig ang musika na mahiwagang lalabas mula sa yaong munting kahon. Ito’y tulad ng isang buong bagong mundo na bumukas para sa akin! Ang buong pamilya ko'y nakagiliwan ang musika, at madalas kaming umaawit, tumutugtog ng piyano, kumukuskos ng kudyapi, nakikinig sa awit na klasiko, o gumagawa ng aming sariling himig. Aking naaalala nang iniisip ko na ang buhay ay magiging napakabuti kapag mayroong isang malamyos na ponograma na naririnig sa paligid. Ipinasa ko itong paghilig sa musika sa aking mga anak. Bilang isang batang mag-anak, kami ay may mga awit sa halos bawa’t okasyon, kabilang ang aming mga panahon ng pagdarasal. Ngayon, lahat kami’y namumuno ng musika sa ilang hugis o ayos, at kasalukuyan akong naglilingkod bilang ministro ng musika para sa dalawang parokya. Ang musika ay pinanggalingan ng ligaya at buhay. Bagama't isang araw, tinamaan ako nang tuwiran sa gitna ng aking mga mata na ako’y napakahilig sa musika. Yaong Kuwaresma, tinigilan kong makinig ng musika sa sasakyan. Yaon ay isang kasukdulan para sa akin, pagka't lagi akong nakikinig sa musika habang nagmamaneho. Itong ugali ay isang bagay na mahirap na talikdan. Ito’y gaya ng isang kagyat na wala-sa-isip na kilos. Tuwing pagpasok ko sa aking sasakyan, ang kamay ko’y hahablot ng CD na maisasalang. Ngunit ako’y nagsumikap at sa wakas ay nasanay ko ang aking kamay na hindi hawakan ang anumang mga pindutan ngunit sa halip ay gawin ang tanda ng krus. Pagkaraka, pinalitan ko ang pakikinig sa musika ng panalangin, ng sadyang pagdarasal ng rosaryo. Yaon ay pitong taon nang nakalipas, at ako’y hindi na lumingon nang pabalik. Ako’y yumabong upang kilalanin ng dakilang utang na loob itong paghinto na kasama ang Diyos. Ang paghinto na kasama ang Panginoon ay nag-aalay sa atin ng puwang na kinakailangan nating lahat upang mawaglit mula sa panlabas na mga bagay at madugtong panloobang buhay. Ito’y nakatutulong na muling makamit natin ang kapayapaan. Ito’y nakatutulong sa atin na sumandig at makinig nang higit sa Diyos. Gunitain kung paano si San Juan Ebanghelista ay sumandig sa dibdib ni Hesus sa Huling Hapunan. Ngayon, harayain ang sarili mo na nakasandig nang napakalapit na maririnig mo ang pintig ni Hesus. Nais ng Diyos na tayo ay sumandig. Upang tayo’y makagawa ng lawak sa ating arawing kabuhayan na sasandig ang ating mga ulo sa Kanyang Kabanal-banalang Puso at matuto mula sa Kanya o payakang ibsan ang ating napapagal na mga kaluluwa. Bilang nagmamahal ng himig, palaging may tonong dumaraan sa isipan ko noon, at madalas, ito ay tunay na nakahihira. Ngayon, kapag ako’y may tono sa isip ko, hihinto ako at tatanungin ang Diyos kung Siya’y may isang bagay na ipinahihiwatig sa akin sa pamamagitan nito. Itong umaga, bilang halimbawa, nagising ako sa isang tono na kailanma'y hindi ko narinig, “Ako ay aawit ng mga awa ng Panginoon magpakailanman; ako’y aawit, ako’y aawit.” Ang Himig ay ang wika ng puso. Naniniwala ako na ang Diyos ay nalulugod sa ating pag-awit ng mga papuri sa Kanya at na Siya’y madalas na umaawit sa atin. Kaya, umaawit pa rin ako! Bagaman, aking nadarama na ako’y sadyang napagpapalà kung ang pag-awit ay patungo sa purok ng katahimikan, o kung anong nais kong tawagin na 'makagulugang katahimikan,' isang purok ng sukdulang kalapitan sa Panginoon. Sadyang pinagkakautangan ko ng loob itong tahimik na kinalalagyan pagkatapos matanggap ang Banal na Komunyon. Sa ating maabalahing mga buhay, ang makagawa ng paghinto kasama ang Panginoon ay kadalasang isang digmaan. Ang pagdarasal ng Rosaryo ay lubos na nakatutulong sa akin sa paghahamok na ito, na may gawang kahulugan pagka’t ang ating Banal na Ina ay isang tampok sa pagdidilidili. “lningatan ni Maria ang lahat ng mga ito, pinagbulaybulayan ang ito sa kanyang puso,” (Lukas 2:19). Iwinangis ni Hesus ang Kanyang Sarili para sa atin sa pagpapahalaga ng pagpaparoon sa katahimikan, gaya ng Kanyang malimit na pagpaparoon sa tahimik na luklukan upang makap-isa sa Kanyang Amang nasa Langit. Isang araw nitong nakaraang tag-init, habang nasa masikip na tabing-dagat noong isang muling-pagtitipon ng mag-anak, naratnan ko ang aking sarili na kinukulang sa pagdarasal ng Rosaryo at nangangamba. Ako’y nagnanasa ng tahimik na saglit na kapiling ang Panginoon. Ang aking anak na babae ay napunang ako’y wala sa sarili at mapagpahinang binanggit ito. Ako’y nagpasyang magbakasakali sa tabi ng laot nang mag-isa sa loob ng isang oras at naliwanagan ko na kapag ako’y pumasailalim ng tubig, mararatnan ko ang aking purok. Nagdasal ako ng Rosaryo habang lumalangoy yaong hapon at nanumbalik ang aking pagkapayapa. “Kung lalo tayong nagdarasal, lalo tayong magnanais na magdasal. Tulad ng isda na sa una ay lumalangoy sa ibabaw ng tubig, at pagkaraa’y susulong nang pailalim, at laging patungong higit na malalim, ang kaluluwa ay sumusulong, sumisisid, at nawawala ang sarili nito sa katamisan ng pakikipag-usap sa Diyos.”—San Juan Biano. Espiritu Santo, tulungan Mo kaming mahanap ang tahimik na panahon na labis naming kinakailangan, na sa gayo'y higit naming maririnig ang Iyong tinig at makapagpapahinga nang payak sa Iyong yakap.
By: Denise Jasek
MoreHanga pa rin ako sa salaysay ni Reverend Sebastian tungkol sa isang mahimalang pagtakas niya mula sa nakamamatay na panganib. Tiyak na magiging gayon ka rin, tulad ng ibabahagi ko dito ayon sa sarili niyang mga salita. Iyon ang pinakamalamig na gabi ng taglagas ng Oktubre 1987, halos 3 AM na, at may isang oras pa ako bago sumakay sa aking paglipad papuntang London. Nagpasya akong magtungo sa pahingahan ng paliparan at kumuha ako ng isang tasang mainit na kape, na nakatulong sa akin na mapawi ang aking antok. Uminom ako ng ilang gamot para sa isang bahagyang lagnat, ngunit ang epekto ay nawawala na. Kaya, uminom ako ng isa pa, at habang nakasakay ako sa paglipad, nakiusap ako sa serbidora, na nagpakilalang Anne, para sa isang libreng hilera sa gitna para makapagpahinga ako sa mahabang byahe. Tiyak na nasagi siya ng kwelyo ko dahil noong nakailaw ang sinturong pang upuan, lumapit sa akin si Anne at inakay ako ng tatlong hilera pabalik kung saan walang nakaupo. Inayos ko ang mga upuan na parang maliit na sopa at humiga doon. Nakakabalisang mga Balita Nasira ang komportable kong pagkakahimbing dahil sa mga galaw ng sasakyang panghimpapawid. Bumukas ang aking mga mata; ang kamarote ay bahagyang may ilaw, at karamihan sa mga pasahero ay tulog o nakadikit sa mga panooran sa harap nila. Hindi ko maiwasang mapansin ang mabibilis na galaw ng mga tripulante sa kamarote habang nagmamadali sila sa makipot na daanan sa pagitan ng mga hilera ng upuan. Sa pag-aakalang merong maysakit at nangangailangan ng tulong, tinanong ko si Anne, na dumadaan sa aking upuan, kung ano ang nangyayari. "Gulo lang, Padre, lahat ay kuntrolado," sagot niya bago mabilis na sumulong. Gayunpaman, iba ang iminungkahi ng kanyang mga mata na nataranta. Hindi ako makatulog, naglakad ako patungo sa likod ng eroplano para humiling ng isang tasa ng tsaa. Inutusan ako ng isang tauhan ng eroplano na bumalik sa aking upuan ngunit nangakong dadalhan ako ng tsaa mamaya. Naramdaman kong may mali. Habang matiyaga kong hinihintay ang aking tsaa, isang lalaking tripulante ang lumapit sa akin. "Father Sebastian, may nasusunog sa isa sa mga makina, at hindi pa namin naaapula. Puno ang tangke ng gasolina, at halos dalawang oras na tayong lumilipad. Kapag umabot ang apoy sa tangke ng gasolina, maaaring sumabog ang eroplano anumang oras," huminto siya bago tumingin sa akin ng diretso sa mga mata. Nanlamig ang katawan ko sa pagkabigla. "May espesyal na kahilingan ang kapitan—manalangin para sa lahat ng 298 kaluluwang nakasakay at mapatay ang apoy. Alam ng dalawang kapitan na mayroon tayong pari na sakay at hiniling na iparating ko ang mensaheng ito sa iyo," pagtatapos niya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, sumagot ako: "Pakiusap, sabihin sa mga kapitan na manatiling matapang, dahil poprotektahan tayo ni Hesus at ni Inang Maria mula sa mapanganib na sitwasyong ito, tulad ng kung paano iniligtas ni Hesus ang Kanyang mga disipulo mula sa maalon na dagat. Walang dapat ikabahala, at ang Banal na Espiritu ang magkokontrol sa sitwasyon mula sa puntong ito. Sila ay gagabayan Niya nang buong talino." Nakarinig ako ng pagod na boses sa harapan ko na nagtatanong kung sasabog na ba ang byahe. Si Sophie iyon, isang babae na may edad na at nakilala ko sa eroplano kanina. Narinig niya ang ilan sa aming pag-uusap at naging isteriko siya. Binalaan siya ng mga miyembro ng tripulante na huwag gumawa ng eksena; medyo kumalma siya at umupo sa tabi ko, ikinumpisal niya sa akin ang kanyang mga kasalanan sa itaas ng 30,000 talampakan. Patuloy na Kumakapit Gayunpaman, nagkaroon ako ng malaking pananampalataya kay Inang Maria, na tumulong sa akin na malampasan ang mga katulad na sitwasyon noon. Kinuha ko ang aking rosaryo at nagsimulang magdasal, ipinikit ang aking mga mata at binibigkas ito nang may sukdulang debosyon. Sa kalagitnaan ng paglipad, sinabihan ako na sinusubukan ng kapitan na gawin ang emerhensyang paglapag sa isang hindi abalang paliparan at kailangan naming kumapit pa ng panibagong pitong minuto. Nang maglaon, dahil hindi pa rin kontrolado ang sitwasyon, ipinaalam ng kapitan sa mga pasahero na ihanda ang kanilang sarili para sa isang emerhensyang paglapag. Ipinaalam sa akin ni John, ang tripulante na nakausap ko kanina, na umabot na sa gate 6 ang apoy, isang gate na lang ang naiiwan para maabot ang makina. Tahimik akong nagdadasal para sa kaligtasan ng lahat ng nasa byahe. Habang nagpapatuloy ang sitwasyon nang walang pagbabago, ipinikit ko ang aking mga mata at patuloy na nagdarasal, upang magkaroon pa ako ng lakas at tapang sa aking pananampalataya. Nang imulat ko ang aking mga mata, ligtas nang nakalapag ang eroplano sa paliparan, at nagpalakpakan ang mga pasahero. Kaginhawaan sa Wakas! "Mga mahal kong kaibigan, ito si Rodrigo, ang inyong kapitan mula sa kubyerta!" Tumigil siya saglit at saka nagpatuloy. "Tayo ay nasa isang lubhang mapanganib na sitwasyon sa mga nakaraang oras, at tayo ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon! Isang espesyal na pasasalamat sa Makapangyarihang Diyos at kay Padre Sebastian. Ipinagdasal niya tayong lahat at binigyan tayong lahat ng ibayong lakas at tapang na malampasan ang sitwasyong ito at…” huminto siya muli, “nagawa natin!” Sumabay sa akin sina John at Anne habang sinasalubong kami ng mga tripulante at mga opisyal sa terminal ng paliparan. Sinabihan ako na ang isang kapalit na sasakyang panghimpapawid ay darating sa lalong madaling panahon at ang lahat ng mga pasahero ay ililipat sa bagong eroplano sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng malagim na karanasan sa paglipad, hindi ko maiwasang isipin ang kapangyarihan ng panalangin at ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa anumang sitwasyon. Naalala ko ang mga salita mula sa Marcos 4:35-41, kung saan pinatahimik ni Jesus ang isang bagyo sa dagat at tinanong ang kanyang mga alagad: "Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananampalataya?" Nang sumakay kami sa bagong paglipad, nadama ko ang panibagong pakiramdam ng pasasalamat para sa mahimalang pagkalampas at mas malakas na pananampalataya sa proteksyon ng Diyos. Ibinahagi ni Padre Sebastian ang kanyang kuwento sa maraming tao at hinikayat silang magtiwala sa Diyos sa oras ng mahihirap na panahon. Ipinaalala niya sa kanila na sa pananampalataya at panalangin, malalampasan din nila ang anumang unos at makakatagpo ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.
By: Shaju Chittilappilly
MoreT: Sinasabi ng aking mga kaibigan sa Protestante na ang mga Katoliko ay naniniwala na kailangan nating makuha ang ating kaligtasan. Sinasabi nila na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi namin maaaring magdagdag sa anumang bagay na ginawa ni Jesus para sa atin sa Krus. Ngunit hindi ba kinakailangan nating gawin ang mabuting gawa upang makakuha ng langit? S: Ito ay isang lubhang malaking maling kahulugan para sa parehong mga Protestante at Katoliko. Maaari itong magiging teolohiya, ngunit sa katunayan ito ay may malaking impluwensiya sa ating espirituwal na buhay. Ang katotohanan ay ito: Tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya—ang ating paniniwala kay HesuKristo na nabubuhay sa ating mga salita at mga gawa. Kailangan nating maging malinaw—hindi natin kinakailangan na makuha ang ating kaligtasan, gaya ng pagkaligtasan ay isang premyo kung ating dumating ang isang tiyak na antas ng mabuting gawa. Alamin ang mga ito: sino ang una na maliligtas? Ayon kay Jesus, ito ang mabuting magnanakaw. Habang siya'y karapat-dapat ay inilabas sa krus dahil sa kanyang masamang gawa, siya ay sumigaw kay Jesus para sa kapayapaan, at ipinangako sa kaniya ng Panginoon: “Sa katotohanan sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito ikaw ay kasama ko sa Paraiso.” (Lukas 23:43) Kaya, ang kaligtasan ay binubuo sa radikal na pananampalataya, pag-iisip, at pagbibigay sa kung ano ang ginawa ni Hesus sa Krus upang bumili ng kagandahang-loob. Bakit ito mahalaga? Dahil marami sa mga Katoliko ay naniniwala na ang lahat ng kailangan nating gawin upang maligtas ay maging isang mabuting tao – kahit na ang taong ito ay hindi talagang may buhay na relasyon sa Panginoon. Hindi ko maaaring magsimulang sabihin sa iyo kung gaano karaming mga tao ang nagsasabi sa akin ng isang bagay tulad ng: “Oh, ang aking ama ay hindi kailanman pumunta sa Mass o nagtanong, ngunit siya ay isang magandang tao na ginawa ng maraming mabuting mga bagay sa kanyang buhay, kaya alam ko na siya ay sa langit.” Habang tiyak na inaasahan natin na ang ama ay maliligtas sa pamamagitan ng kapayapaan ng Diyos, hindi ang ating kagandahang-loob o mabuting gawa ang nagliligtas, kundi ang buhay na kamatayan ni Hesus sa Krus. Ano ang mangyayari kung ang isang kriminal ay itinuturo para sa isang krimen, ngunit siya ay sinabi sa hukom, “Ang iyong karangalan, ako ay gumawa ng krim, ngunit tingnan ang lahat ng iba pang mga mabuting mga bagay na ginawa ko sa aking buhay!” Magpapahintulot ba siya ng hukom? Hindi — siya pa rin ay dapat magbayad para sa krimen na ginawa niya. Gayon din naman, ang ating mga kasalanan ay nagkaroon ng halaga—at si Jesucristo ay dapat magbayad para sa mga ito. Ang pagbabayad ng utang ng kasalanan ay inilapat sa ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit, ang pananampalataya ay hindi lamang isang intelektwal na ehersisyo. Kailangang mabuhay ito. Tulad ng sinulat ni Santiago: “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay” (2:24). Hindi sapat na sabihin lamang, “Ngunit, ako'y naniniwala kay Jesus, kaya maaari kong magkasala ngayon kung gaano ako nais.” Sa makatuwid baga'y sapagka't kami ay pinatawad at naging mga tagapagmana ng Kaharian, dapat tayong magsigawa bilang mga taga-Harian, tulad ng mga anak na lalake at anak na babae ng Hari. Ito ay napaka-iba mula sa pagsisikap na makakuha ng ating kaligtasan. Kami ay hindi gumagawa ng mabuting gawa dahil nananampalataya namin ang kapatawaran; kami ay gumagana ng mabuti dahil kami ay napatawad na. Ang aming mga mabuting gawa ay tanda na ang Kanyang kapatawaran ay buhay at aktibo sa ating buhay. Sa katunayan, sinasabi sa atin ni Hesus: “Kung kayo'y mapagmahal sa akin, ay inyong iingatan ang aking mga utos.” (Juan 14:15) Kung minamahal ng isang lalake ang kanyang asawa, siya ay maghanap ng mga tiyak na paraan upang ipagpala sa kanya—pagbigay ng bunga sa kanya, paggawa ng mga piraso, pagsulat sa kanya ng isang memorya ng pag-ibig. Siya ay hindi kailanman sabihin, “Well, kami ay may-asawa, at siya alam ko ibigin siya, kaya ako ngayon ay maaaring gawin ang anumang gusto ko.” Gayon din naman, ang isang kaluluwa na nakikilala ng mapagmahal na pagibig ni Hesus ay natural na nais na makakapagpasaya sa Kanya. Kaya, upang tumugon sa iyong tanong, Katoliko at Protestante ay talagang mas malapit sa isyu na ito kaysa sa kanilang alam! Kami pareho ay naniniwala na kami ay maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya—sa pamamagitan ng buhay na pananalangin, na ipinaliwanag sa buhay ng mabuting gawa bilang tanda ng pagpapasalamat para sa mahalagang, libreng kaloob ng kaligtasan na kinuha ni Kristo para sa atin sa Krus.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng mga pasanin sa buhay ay maaaring magpabigat sa atin ngunit lakasan ang loob! Ang Mabuting Samaritano ay naghihintay sa iyo. Sa nakalipas na ilang taon, naglakbay ako mula sa Portland, Oregon, patungong Portland, Maine, literal na tumatawid sa bansa, nagsasalita at nangunguna sa mga pagbabalik na pulungan ng kababaihan. Gustung-gusto ko ang aking trabaho at madalas akong napapakumbaba nito. Ang maglakbay at makilala ang napakaraming matatapat na kababaihang nakaluhod, na hinahanap ang mukha ng Panginoon, ay isa sa mga pinakadakilang biyaya ng aking buhay. Ngunit sa umpisa ng taong ito, ang aking trabaho ay nahinto nang ako ay masuri na may kanser sa suso, ang aking pangalawang laban. Sa kabutihang palad, nahuli namin ito nang maaga; hindi ito kumalat. Tinitimbang namin ang aming mga opsyon para sa paggamot at napagpasyahan gawin ang isang double mastectomy. Inaasahan namin na pagkatapos ng operasyon na iyon, wala nang karagdagang panggagamot na kakailanganin. Ngunit nang tingnan nilang mabuti ang tumor sa ilalim ng mikroskopyo, natukoy na ang uri ng pagka-ulit ng sakit ko ay bababa nang malaki sa pamamagitan ng ilang ulit na pang-iwas na chemo. Sa pusong puno ng pangamba at mga nakikinita kong pagsusuka at pagiging kalbo na tumatakbo sa aking isip, tumawag ako sa oncologist at nakipag-appointment. Pagkatapos noon, dumating ang aking asawa mula sa trabaho at sinabing: “Natanggal ako sa trabaho.” Kung minsan, kapag umulan, parang ito ay tag-ulan. Babala Babala Kaya, dahil sa walang kita at ang mga inaasahan naming napakaraming mga singil sa medikal na malapit nang mang-atake sa aming mailbox, naghanda kami para sa aking mga paggagamot. Ang aking asawa ay masigasig na nagpadala ng mga resume at nakakuha naman ng ilang mga panayam. Kami ay umaasa. Ang Kimo, para sa akin, ay naging, hindi masyadong nakakasuka ngunit napakasakit. Ang sakit na sagad hanggang sa buto ay nagpapaluha sa akin minsan, at walang nakakapagpagaan nito. Ako ay nagpapasalamat na ang aking asawa ay nasa bahay at maaaring tumulong sa pag-aalaga sa akin. Kahit na sa mga sandali na wala siyang magagawa, ang pagiging nasa tabi ko lamang siya ay isang malaking kaginhawahan na. Ito ay isang hindi inaasahang biyaya sa kanyang pagkakatanggal sa trabaho. Nagtitiwala kami sa plano ng Diyos. Nagpatuloy ang mga linggo. Nagpasya ang aking buhok na magbakasyon ng mahabang panahon, humina ang aking katawan, at ginawa ko ang kaunting trabaho na magagawa ko. Walang nag-aalok ng trabaho para sa aking talentadong asawa. Nanalangin kami, nag-ayuno kami, nagtiwala kami sa Panginoon, at nagsimula naming maramdaman ang hirap ng panahon. Tinamaan sa Kaibuturan Sa taong ito, nagdarasal ang grupo ko ng panalangin na mga kababaihan sa pamamagitan ng trabaho ng maestro ng Divine Intimacy ng Amang Gabriel ng Santa Maria Magdalena. Isang Linggo, nang ang pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang dalhin ang mga pasanin na ito ng isa pang hakbang, ang kanyang pagmuni-muni sa Mabuting Samaritano ay tumama sa akin sa kaibuturan. Naalala mo ang minamahal na talinghaga mula sa Lucas 10 kapag ang isang tao ay ninakawan, binugbog, at iniwan sa gilid ng daan. Isang saserdote at Levita ang lumampas sa kanya, hindi nag-alok ng tulong. Tanging ang Samaritano ang tumigil para lingapin siya. Sinasalamin ni Padre Gabriel: “Tayo rin, mayroon ding nakakasalubong na mga tulisan sa ating daan. Ang mundo, ang diyablo, at ang ating mga hilig ay hinubad at nasugatan tayo… Sa walang katapusang pag-ibig [ang Good Samaritan par excellence] ay yumuko sa ating bukas na mga sugat, pinagaling ang mga ito kasama ng langis at alak ng Kanyang biyaya … Pagkatapos ay kinalong Niya tayo sa Kanyang mga bisig at dinala tayo sa isang ligtas na lugar.” (Banal Pagpapalagayang-loob #273). Gaano katindi ang naramdaman ko sa talatang ito! Pakiramdam namin ng asawa ko ay ninakawan, binugbog, at kami ay inabandona. Kami ay natanggalan ng aming kita, aming trabaho, at aming dignidad. Ninakawan kami ng aking mga suso, ang aking kalusugan, maging pati ang aking buhok. Habang nananalangin ako, malakas ang pakiramdam ko na ang Panginoon ay yumuko sa amin, pinahiran at pinagaling kami, at pagkatapos ay kinuha ako sa Kanyang mga bisig at binuhat habang ang aking asawa ay naglalakad kasama namin, dinadala kami sa isang lugar ng kaligtasan. Napuno ako ng luha ng kaginhawaan at pasasalamat. Sinabi pa ni Padre Gabriel: “Dapat tayong pumunta sa Misa upang makita Siya, ang Mabuting Samaritano … Pagdating Niya sa atin sa Banal na Komunyon, pagagalingin Niya ang ating mga sugat, hindi lamang ang ating mga panlabas na sugat, kundi maging ang ating mga panloob ding mga sugat, saganang ibinubuhos sa kanila ang matamis na langis at pampalakas na alak na biyaya Niya.” Nang maglaon sa araw ding iyon, nagpunta kami sa Kumpisalan at Misa. Mayroon kaming isang magandang bisitang pari mula sa Africa ang paggalang at kahinahunan ay agad na bumalot sa akin. Nanalangin siya para sa akin sa pakumpisalan, na hinihiling sa Panginoon na ibigay sa akin ang mga ninanais ng aking puso—ang marangal na gawain para sa aking asawa—at para pagalingin ako. Sa oras ng pagdating ng Komunyon, umiiyak ako sa aking pag-akyat upang salubungin ang Mabuting Samaritano, alam kong dinadala Niya kami sa isang lugar ng kaligtasan—sa Kanya. Kailanman Huwag Mo Akong Lampasan Alam kong ito ay maaaring o hindi nangangahulugan na ang aking asawa ay makakakuha ng trabaho, o ako ay makakalampas sa chemo nang walang labis na sakit na mararamdaman. Ngunit walang pagdududa sa aking isip, puso, o katawan na nakatagpo ko ang Mabuting Samaritano sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya na iyon. Hindi niya ako nilampasan pero sa halip ay tumigil at inaalagaan niya ako at ang mga sugat ko. Siya ay totoo sa akin gaya ng dati maski noon, at kahit pakiramdam ko bugbog pa rin kami ng asawa ko, nagpapasalamat ako kay Lord sa pagiging laging andiyan para sa amin bilang ang Mabuting Samaritano na huminto, nag-aalaga, nagpapagaling, at pagkatapos ay tinitipon tayo sa isang lugar ng kaligtasan. Ang kanyang kaligtasan ay hindi kaligtasan ng mundo. Ang tumayo at maghintay sa gitna ng "pag-atake" na ito, ang pagnanakaw, ay ilan sa pinakamahirap na gawaing espirituwal na naimbitahan akong gawin. Oh, pero nagtitiwala ako sa ating Mabuting Samaritano par excellence. Naghihintay siya roon para buhatin ako—para tipunin ang sinumang may pakiramdam na ninakawan, binugbog, at pinabayaan—at, sa pamamagitan ng Banal na Sakramento, itinakda ang kanyang tatak ng kaligtasan sa ating mga puso at kaluluwa.
By: Liz Kelly Stanchina
MoreTuklasin ang kagandahan ng pagsagawa ng pinakamahusay na Bagong Taong Panukala sa taong ito Sa ganang tayo'y nakatayo sa bingit ng bagong taon, ang hangin ay puno ng pag-asa, pag-asa, at pangako ng isang bagong simula. Para sa madami, ang pagbabagong ito ay sumasagisag ng isang pagkakataon na iwanan ang mga pasanin ng nakaraan at simulan ang isang paglalakbay ng paglago at paghilom. Pati ako ay tumahak ng landas na ito—nilalakbay ang mga sali-salimuot ng buhay, paghahanap ng ginhawa, lakas, at kagalakan sa pamamagitan ng mapagbagong biyaya ng panalangin. Pagsapit Ng Hatinggabi Ilang taon na ang nakakalipas, natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagbuno sa mga labi ng mga nakaraang kirot na tila mabigat sa aking puso. Ang mga peklat ng mga pagkabigo at kawala ay umukit ng kanilang mga tatak, na nag-iiwan sa akin ng pananabik para sa isang panibagong pasimula. Sa sandaling ito ng pagmumuni ako gumawa ng isang panukala—isang panukala na magdadala sa akin sa landas patungo sa biyaya at paghilom. Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasiya akong ialay ang aking sarili sa nakakapagpanibagong kapangyarihan ng dasal. Ang panukalang ito ay hindi bunga nang isang panandaliang pagnanais para sa pagbabago kundi mula sa isang malalim na pangangailangan na ayusin ang mga sirang piraso ng aking kaluluwa at hanapin ang kagalakan na nawala sa akin sa napakatagal na panahon. Sa mga naunang araw ng bagong taon, ang pamilyar na kirot ng aking nakalipas na mga pasakit ay naging balakid sa pagpapanatili ng aking panukala. Sinikap ng mga kaguluhan ng isip at pag-aalinlangan na madiskaril ang aking pangako, ngunit kumapit ako sa aking pananampalataya at determinasyon. Sa pamamagitan ng patuloy na pagdadasal, nagsimula akong makadanas ng banayad na pagbabago sa loob ko—mga bulong ng biyaya na sumasalat sa aking sugatang espirito. Habang lumilipas ang mga buwan, bumuhos ang mga biyaya sa aking buhay na tulad ng banayad na ulan, na nagpapaginhawa sa tigang na lupa ng aking puso. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na patawadin ang mga nagkasala sa akin at naunawain na ang pagpapatawad ay isang handog na ibinigay ko sa aking sarili. Ito ay nakapagpapalaya, isang dakilang biyaya na nagpalaya sa akin mula sa mga kadena ng kapaitan, pinapahintulutan ako na yakapin ang pag-ibig at kagalakan. Panindigan Ang Iyong Resolusyon Ang landas ay hindi salat sa tinik, ngunit ang biyaya ng panalangin ang nagbigay sa akin ng lakas at katatagan upang magtiyaga. Napagtanto ko na ang paglalakbay na ito ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa isang resolusyon—ito ay tungkol sa pagyakap sa isang buhay na tinatanglawan ng nagniningning na liwanag ng pananampalataya. Ang pagkamaalinsunod sa pagdadasal ay may mahalagang papel sa aking paglalakbay sa paghilom at pagpapanibago. Madalas ay nahihirapan akong panatilihin ang bagong ugaling ito sa gitna ng mga pakikibaka at pang-abala sa buhay. Heto ang ilang mga payo na nakatulong sa akin na makapaglimi at mapanatiling buhay ang aking resolusyon: 1. Magtakda ng Kagalang-galang na Oras: Magtalaga ng tiyakang oras ng araw na pinakamainam para sa iyo na manalangin nang palagian. Maaaring sa umaga bago magsimula ang kaguluhan ng maghapon, sa tahimik na pamamahinga sa tanghalian, o sa gabi upang pag-isipan ang nagdaang araw. Ang nakatalagang oras na ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang gawi. 2. Lumikha ng Kagalang-galang na Lugar: Magtalaga ng isang natatanging lugar para sa panalangin, maging ito man ay isang maaliwalas na sulok sa iyong tahanan, simbahan, o isang natural na lugar sa may labas. Ang pagkakaroon ng nakalaang espasyo ay nakakatulong upang makalikha ng isang ugnayan sa kabanalan at kapayapaan. 3. Pakinabangan ang mga Panulong sa Pananalangin: Isama ang mga pantulong sa panalangin tulad ng pahayagan, rosaryo, o mga espirituwal na aklat. Ang mga gamit na ito ay maaaring mapahusay ang iyong karanasan sa pagdadasal at panatilihin kang nakatutok, lalo na kapag ang mga abala ay nagbabanta na hilahin ka papalayo. 4. Maghangad ng Pananagutan: Ibahagi ang iyong resolusyon sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya na makakagabay sa iyo sa iyong paglalakbay at magpapaalala sa iyo sa pananagutan mo. Ang pagkakaroon ng taong makakasama mo sa iyong pag-unlad at pakikibaka ay ng mapagkukunan mo ng pampasigla. Pagharap Sa Unos Ngayon, habang iniisip ko ang napakahalagang taon na iyon at ang mga sumunod pang iba, napupuno ako ng matinding kagalakan. Ang sakit na minsang bumihag sa akin ay naging bukal ng lakas, habag, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang mga peklat ay nananatili, ngunit ngayon ang mga ito ay patunay ng biyaya na gumabay sa akin sa pagharap sa unos. Habang tayo ay nakatayo sa bukana ng bagong taon, hinihikayat ko kayong yakapin ang kapangyarihan ng dasal sa inyong buhay. Ito ay isang gabay ng pag-asa, isang mapagkukunan ng kaginhawaan, at isang kaligtasan sa pinakamadilim na panahon. Anuman ang iyong maging pasiya, nawa'y ang mga ito ay puno ng pananalangin at sagana sa pananampalataya, batid na ang biyaya ng Diyos ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng daan.
By: Sharon Justine
MoreAng himagsikan ng Chinese Boxer noong 1900 ay pumatay ng halos 32,000 na mga Kristiyanong Tsino at 200 na mga taga-Kanlurang misyonero. Kabilang sa mga tapat na Kristiyano na nag-alay ng kanilang buhay para sa kanilang pananampalataya, si San Mark Ji Tianxiang, ay namumukod dahil, sa oras ng kanyang kamatayan, siya ay isang adik sa opyo na hindi nakatanggap ng mga sakramento sa loob ng 30 mahabang taon. Si Ji ay pinalaki sa isang matapat na Kristiyanong mag-anak, at siya ay isang iginagalang at mapagkawanggawa na manggagamot sa kanyang pamayanan. Sisihin ang kapalaran, ang opyo na ginamit niya upang pahupain ang isang nakakagambalang sakit sa tiyan ay bumihag sa kanya, at siya ay dagling nagumon dito. Bagamat siya ay madalas sa Kumpisalan, natagpuan ni Ji ang kanyang sarili sa sakmal ng isang malakas na pagkagumon na tumangging sumuko sa anumang paraan ng paglaban. Sa kalaunan ay sinabi sa kanya ng kanyang Kura paroko na hindi niya maipagpapatuloy na ulitin ang naturang kasalanan sa Kumpisalan. Ang Kumpisal ay nangangailangan ng isang may pagkamalay na pagtitika at di na magkasalang muli, at ang paulit -ulit na kasalanang ito, noong ika -19 na siglo, ay hindi madalumat na isang sakit. Mula nuon siya ay pinagbawalan sa pagtanggap ng mga sakramento, ngunit ipinagpatuloy niya ang pagdalaw sa simbahan at nanatiling tapat sa mga pamamaraan ng Panginoon. Nanatili siyang taos -puso sa kanyang pananampalataya sapagkat naniwala siya sa isang maawain na ama. Madami ang nagpalagay na siya ang unang tatanggi sa Panginoon kapag naharap sa banta ng pag -uusig. Ngunit kasama ang kanyang anak na lalaki, apo, at mga manugang na babae, nagtiyaga siya hanggang sa pinakahuli. Sa katunayan, nagdulot si Ji ng espirituwal na pampalubag-loob sa kanyang mga kapwa Kristiyano habang sila ay nakabilanggo at naghihintay ng pagbitay. Itinala ng mga kwento na habang sila ay kinaladkad sa bilangguan, ang kanyang apo, nanginginig sa takot, ay nagtanong sa kanya, "Lolo, saan tayo pupunta?" Kalmado siya at tuwang-tuwang sumagot: "Uuwi na tayo." Namatay siya, iinaawit ang litanya ng mapagpalang Birheng Maria. Itinanghal siyang santo ni Santo Papa Juan Pablo II nuong taong 2000.
By: Shalom Tidings
MoreSiya’y napatunayang may talamak na Nakakahumaling na Mapilit na Kaguluhan, at pinamaraanang maggagamot nang habambuhay. Pagkaraan, isang hindi inaasahan ang nangyari Noong panahon ng 1990, ako’y natuklasang may palagiang pagsusumagi ng alaala na walang lubay at kawalang-ayos. Ang manggagamot ay niresetahan ako ng paggamot at nagsabing kakailanganin ko ang mga ito para nalalabi ng aking buhay. Ilang mga tao ay iniisip na ang mga bagay na may kinalaman sa kalusugan ng isip ay gawa ng ikaw ay kulang sa pananalig, ngunit walang mali sa aking pananalig. Palagi kong minahal nang taimtiman ang Diyos at inasahan Siya sa lahat ng bagay, ngunit ako rin ay nakadama ng matibay na nakababaldadong pagkukulang. Hindi ko nakuhang maiwaglit ang paniwala na ang bawa’t maling bagay sa mundo ay pagkakalamali ko. Ako ay may katibayang antas sa Batas, ngunit ang puso ko’y kailanman ay hindi naparoon. Natapos ko ang Abogasya upang mapahanga ang ina ko, na inisip na ang pasya ko ng pagtuturo bilang isang hanapbuhay ay hindi sapat na mabuti. Ngunit nakapag-asawa ako at nakapagsilang ng aking unang sanggol bago pa ako makatapos nito, at nagpatuloy na magkakaroon ng pitong maririkit na mga anak, kaya ako’y nakapaggugol nang higit na panahon na natututong maging ina kaysa nanunungkulan sa batas. Nang kami’y lumipat sa Australia, ang batas ay iba, kaya bumalik ako sa pamantasan upang sa wakas ay mag-aral ng aking unang giliw. Pagtuturo. Ngunit kahit nang makahanap ako ng tungkulin na ikinalulugod kong gawin, nadama ko na sinusubukan ko lamang na bigyang katarungan ang aking pag-iral sa pag-iipon ng salapi. Kahit paano, hindi ko nadama na ang pangangalaga ng aking pamilya at pag-aasikaso ng mga taong inihabilin sa akin ay sapat na tama. Sa totoo, dahil sa aking nakapanlulumong pagkukulang at pagdama ng kasahulan, wala man lamang nakapagdulot ng kasapatan. Lubusang Di-inaasahan Dahil sa laki ng aming mag-anak, hindi laging madaling makaalis sa araw ng pahinga, kaya kami’y nanabik nang nakarinig kami tungkol sa Carry Home sa Pemberton na kung saan ay ang bayad ay abuloy ng kung ano ang iyong maidudulot. Ito ay may magandang lalawigang kapaligiran na malapit sa mga gubat. Kami’y nagbalak na dumalo para sa mag-anakang banal na paggunita sa katapusan ng linggo. Sila rin ay may isang samahan ng pagdasal at pagsamba sa Perth. Doon, sa isa sa mga paggugunita, isang bagay na di-inaasahang lubos at nakadadaig ang nangyari. Katatanggap ko lamang ng panalangin nang ako’y biglaang bumagsak sa sahig. Pabaluktot na nakatungo sa sahig na tila isang sanggol, ako’y humiyaw at humiyaw at humiyaw. Binuhat nila ako patungo roon sa umaalog na lumang kahoy na balkonahe sa labas at patuloy na nagdarasal hanggang sa huli, ako’y tumigil ng paghiyaw. Ito’y lubos na di- ninanais at di-inaasahan. Ngunit alam kong ito ay pag-aadya. Ako’y nakadama lamang ng kahungkagan na tila isang bagay ay nilisan ako. Pagkaraan ng paggunita, ang mga kaibigan ko ay patuloy na siniyasat ako at dumating upang ipagdasal ako, humihiling para sa pamamagitan ni Maria na ang mga biyaya ng Banal na Ispirito ay maging malinaw sa akin. Ako’y nakadama ng lubhang higit nang makaraan ang isang linggo o dalawa, nagpasya akong bawasan ang aking antas ng mga gamot. Sa loob ng tatlong buwan, naitigil ko ang pangangailangan ng mga gamot at nakadama ng higit na mabuti kaysa noong dati. Pawalang Natutunaw Hindi na ako nakadarama ng pangangailangan upang patunayan sa aking sarili o magpanggap na ako’y lalong mabuti kaysa noong dati. Hindi ko nadama na kailangan kong magpaka-ibabaw sa lahat ng mga bagay. Ako’y nagpapasalamat sa handog ng buhay, ang aking pamilya, ang aking madasaling komunidad at itong pambihirang kaugnayan sa Diyos. Nang ako’y nabigyang-laya mula sa pangangailangan na magbigay ng katarungan sa aking pag-iral, ako’y namulat na hindi ako makapagbibigay ng katarungan sa aking pag-iral. Ito’y isang buhay na handog, pamilya, panalangin, kaugnayan sa Diyos—lahat ng ito’y mga biyaya, hindi tulad ng maaari mong makamkam. Tanggapin mo ito at pasalamatan mo ang Diyos. Ako’y naging lalong mabuting tao. Hindi ko kinakailangang magpakitang-gilas, makipagtagisan, o ipagsapilitan nang may-kayabangan na ang aking pamamaraan ay pinakamabuti. Namulat ako na hindi ko kinakailangang maging higit pa sa ibang tao dahil ito’y walang kabuluhan. Ang Diyos ay minamahal ako, ang Diyos ay inaalagaan ako. Mula sa mahigpit na sunggab ng aking salantaing sala, ako’y nagsimulang namulat na “Kung hindi ako ninais ng Diyos, maaring nakapaglalang na Siya ng iba pa.” Ang kaugnayan ko sa aking ina ay walang-katiyakan. Kahit nang naging ina ako, patuloy pa rin akong maghirap sa dama nitong walang katiyakan. Ngunit ang karanasang ito ay binago ang yaon para sa akin. Tulad nang pinili ng Diyos si Maria upang idala si Hesus sa mundo, napili Niya si Maria na tulungan ako sa aking paroroonan. Ang mga bagay sa kaugnayan ko sa aking ina, at sa aking Inang Banal sa huling dako, ay marahang nalusaw nang pawala. Nadama ko tulad ni Juan sa paahan ng Krus nang sinabihan siya ni Hesus: “Ito ang iyong Ina.” Naratnan ko upang malaman na si Maria ang ganap na malinis na ina. Ngayon, kapag ang isip ko’y nakaliligta, ang Rosaryo ay mamamagitan upang saklolohan ako! Hindi ko napagtanto kung gaano ko siya kailangan hanggang naituring ko siyang isang mahalagang bahagi ng aking buhay. Ngayon, hindi ko maharayang lumakad nang palayo.
By: Susen Regnard
MoreAng naiisip lang ni Tom Naemi, araw at gabi, ay kailangan niyang makaganti sa mga nagpakulong sa kanya. Ang aking pamilya ay nandayuhan sa Amerika mula sa Iraq noong ako ay 11 taong gulang. Nagsimula kami ng isang grocery store at lahat kami ay nagsikap para maging matagumpay ito. Ito ay isang magulong kapaligiran upang kalakhan at hindi ko nais na makita akong mahina, kaya hindi ko hinayaan ang sinuman na maging mas mahusay sa akin. Bagaman palagi akong nagsisimba kasama ang aking pamilya at naglilingkod sa altar, ang aking tunay na diyos ay pera at tagumpay. Naging masaya ang pamilya ko nang magpakasal ako sa edad na 19; umaasa sila na tatahimik na ako. Ako ay naging isang matagumpay na negosyante, kumuha at pumalit sa pamilihan ng paninda ng pamilya. Akala ko ako ay hindi matatalo at makakatakas sa anumang bagay, lalo na nang ako ay nakaligtas sa mga pambabaril ng mga karibal. Nang magsimula ang isa pang grupong Chaldean ng isa pang malaking tindahan sa malapit, naging mabangis ang kompetisyon. Hindi lang namin pinapaliit ang isa't isa; kami ay gumagawa ng mga krimen upang alisin ang isa't isa sa negosyo. Sinunog ko ang kanilang tindahan, ngunit ang kanilang pagseseguro ang nagbabayad para sa pagkumpuni. Pinadalhan ko sila ng bombang oras; nagpadala sila ng mga tao para patayin ako. Galit na galit ako, at nagpasyang maghiganti minsan ng todo. Papatayin ko sana sila; nakiusap ang asawa ko na huwag na pero nilagyan ko ng gasolina at dinamita ang isang 14-na talampakan na trak at pinaandar ko ito patungo sa kanilang gusali. Nang sinindihan ko ang mitsa, nasunog agad ang buong trak. Nadamay ako sa apoy. Bago sumabog ang trak, tumalon ako at gumulong sa niyebe; hindi ako makakita. Natunaw ang mukha, kamay, at kanang tenga ko. Tumakbo ako palayo sa kalsada at dinala ako sa ospital. Dumating ang mga pulis upang tanungin ako, ngunit sinabi sa akin ng aking magaling na abogado na huwag mag-alala. Subalit sa huling minuto, nagbago ang lahat, kaya umalis ako papuntang Iraq. Sumunod naman ang aking asawa at mga anak ko. Pagkatapos ng pitong buwan, tahimik akong bumalik sa San Diego para makita ang aking mga magulang. Ngunit mayroon pa rin akong sama ng loob na gusto kong ayusin, kaya nagsimulang muli ang gulo. Mga Baliw na Bisita Ni-raid ng FBI ang bahay ng nanay ko. Bagama't nakatakas ako sa takdang panahon, kinailangan kong umalis muli ng bansa. Dahil maganda ang takbo ng negosyo sa Iraq, nagpasya akong hindi na bumalik sa Amerika. Pagkatapos, tumawag ang aking abogado at sinabing kung susuko ako, makikipag-ayos siya na masentensiyahan ako ng 5-8 taon lamang. Bumalik ako, ngunit nasentensyahan ako sa bilangguan ng 60-90 taon. Sa apela, ang sentensya ay pinutol sa 15-40 taon, na tila walang hanggan. Habang palipat-lipat ako sa bilangguan, nauna sa akin ang reputasyon ko sa karahasan. Madalas akong makipag-away sa ibang mga preso at natatakot na ang mga tao sa akin. Nagsisimba pa rin ako noon, ngunit napuno ako ng galit at nahuhumaling sa paghihiganti. Mayroon akong isang imahe na nananatili sa aking isipan, na naglalakad sa tindahan ng aking karibal, nakamaskara, pagbaril sa lahat ng tao sa tindahan, at maglalakad palabas. Hindi ko makayanan na malaya sila habang ako ay nasa likod ng mga rehas. Lumaki ang aking mga anak na wala ako at hiniwalayan ako ng aking asawa. Sa aking ikaanim na taon sa bilangguan sa loob ng sampung taon, nakilala ko ang mga baliw, banal na boluntaryong mga ito, labintatlo sa kanila, na pumapasok bawat linggo ay kasama ang mga pari. Tuwang-tuwa sila kay Hesus sa lahat ng oras. Nagsalita sila ng mga wika at nag-usap tungkol sa mga himala at pagpapagaling. Akala ko ay baliw sila, ngunit pinahahalagahan ko sila sa pagpunta. Labintatlong taon nang ginagawa ito ni Deacon Ed at ng kanyang asawang si Barbara. Isang araw, tinanong niya ako: “Tom, kumusta ang iyong paglakad kasama si Hesus?” Sinabi ko sa kanya na ito ay mahusay, ngunit isa lamang ang gusto kong gawin. Habang naglalakad ako, tinawag niya ako pabalik, nagtanong: “Paghihiganti ba ang sinasabi mo?” Sinabi ko sa kanya na tinawag ko lang itong "pagganti." Sabi niya: “Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting Kristiyano, hindi ba?” Sinabi niya sa akin na ang pagiging isang mabuting Kristiyano ay hindi lamang nangangahulugan ng pagsamba kay Hesus, nangangahulugan ito ng pagmamahal sa Panginoon at paggawa ng lahat ng ginawa ni Hesus kabilang ang pagpapatawad sa iyong mga kaaway. “Buweno”, sabi ko, “Si Hesus iyon; madali para sa Kanya, ngunit hindi madali para sa akin." Hiniling sa akin ni Deacon Ed na manalangin araw-araw: “Panginoong Hesus, alisin mo sa akin ang galit na ito. Hinihiling ko sa iyo na pumagitna sa akin at sa aking mga kaaway, hinihiling ko sa iyo na tulungan mo akong patawarin sila at pagpalain sila." Upang pagpalain ang aking mga kaaway? Hindi pwede! Ngunit ang paulit-ulit niyang pag-udyok ay nakapasok sa akin, at mula sa araw na iyon, nagsimula akong manalangin tungkol sa kapatawaran at pagpapagaling. Tinatawag Pabalik Sa mahabang panahon walang nangyari. Pagkatapos, isang araw, habang pinapalipat-lipat ko ang mga panaluyan, nakita ko ang mangangaral na ito sa TV: “Kilala mo ba si Hesus? O taga-simba ka lang?" Naramdaman kong parang direktang kinakausap niya ako. Sa ika-10 ng gabi, ang kuryente ay pinapatay gaya ng dati, naupo ako roon sa aking higaan at sinabi kay Hesus: “Panginoon, sa buong buhay ko, hindi kita nakilala. Nasa akin ang lahat, ngunit ngayon ay wala na. Kunin ang aking buhay. Binibigay ko na sa iyo. Magmula ngayon, gamitin mo ito para sa anumang gusto mo. Malamang na gagawin mo ang isang mas mahusay na trabaho kaysa sa ginawa ko." Sumali ako sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan, at nagpalista para sa Life in the Spirit. Sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan isang araw, nakita ko ang isang pangitain ni Jesus sa Kanyang kaluwalhatian, at tulad ng isang laser mula sa Langit, nadama kong napuno ako ng Pag-ibig ng Diyos. Ang Kasulatan ay nagsalita sa akin, at natuklasan ko ang aking layunin. Ang Panginoon ay nagsimulang makipag-usap sa akin sa mga panaginip at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa mga tao na hindi pa nila sinabi sa iba. Sinimulan kong tawagan sila mula sa bilangguan upang pag-usapan ang sinabi ng Panginoon, at nangakong ipagdadasal ko sila. Nang maglaon, narinig ko ang tungkol sa kung paano nila naranasan ang paggaling sa kanilang buhay. Nasa Isang Misyon Noong inilipat ako sa isa pang bilangguan, wala silang serbisyong Katoliko, kaya nagsimula ako ng isa at nagsimulang mangaral ng Ebanghelyo doon. Nagsimula kami sa 11 miyembro, lumaki hanggang 58, at higit pa ang patuloy na sumasali. Ang mga lalaki ay gumagaling sa mga sugat na nagpakulong sa kanila bago pa man sila nakapasok ng bilangguan. Pagkatapos ng 15 taon, umuwi ako sa isang bagong misyon—Iligtas ang mga kaluluwa, sirain ang kalaban. Sa pag-uwi ng mga kaibigan ko, ay nakikita nila akong nagbabasa ng Kasulatan nang ilang oras. Hindi nila maintindihan kung ano na ang nangyari sa akin. Sinabi ko sa kanila na ang dating Tom ay namatay na. Ako ay isang bagong nilikha kay Kristo Hesus, na ipinagmamalaki na maging Kanyang tagasunod. Nawalan ako ng maraming kaibigan ngunit nagkaroon ako ng maraming kapatid kay Kristo. Nais kong makipagtulungan sa mga kabataan, na ihatid sila kay Jesus upang hindi sila mamatay o mabilanggo. Akala ng mga pinsan ko ay nabaliw na ako at sinabi nila sa nanay ko na malalampasan ko ito sa lalong madaling panahon. Ngunit nakipagkita ako sa Obispo, na nagbigay ng kanyang kapahintulutan, at nakahanap ako ng isang pari, si Padre Caleb, na handang tumulong sa akin para sa adhikaing ito. Bago ako napunta sa bilangguan, napakarami kong pera, ako ay sikat na sikat, at ang lahat ay dapat sa aking pamamaraan. Isa akong kalubus lubusan sa aking mga dating araw ng krimen, ito ay puro tungkol sa akin, ngunit pagkatapos na makilala ko si Hesus, napagtanto ko na ang lahat ng bagay sa mundo ay basura kumpara sa Kanya. Ngayon, ang lahat ay tungkol kay Hesus, na nabubuhay sa akin. Siya ang nagtutulak sa akin na gawin ang lahat ng bagay, at wala akong magagawa kung wala Siya. Sumulat ako ng isang libro tungkol sa aking mga karanasan upang bigyan ang mga tao ng pag-asa, hindi lamang ng mga tao sa bilangguan, ngunit sinumang nakakadena sa kanilang mga kasalanan. Palagi tayong magkakaroon ng mga problema, ngunit sa Kanyang tulong, malalampasan natin ang bawat hadlang sa buhay. Sa pamamagitan lamang ni Kristo natin matatagpuan ang tunay na kalayaan. Buhay ang aking Tagapagligtas. Siya ay buhay at maayos. Purihin ang Pangalan ng Panginoon!
By: Tom Naemi
MoreBilang isang aktor at direktor, akala ni Patrick Reynolds ang Diyos ay para lamang sa mga banal na tao. Nabigo siyang maunawaan ang plano ng Diyos hanggang sa araw na nagkaroon siya ng kahima-himalang karanasan habang nagdadasal ng Rosaryo. Narito ang kanyang hindi kapani-paniwalang paglalakbay. Ipinanganak at lumaki ako sa isang Katolikong pamilya. Nagpupunta kami sa Misa bawat linggo, nagdarasal araw-araw, nag-aral sa Katolikong paaralan, at maraming mga banal na bagay sa bahay, ngunit kahit papaano ay hindi tumagos ang pananampalataya. Sa tuwing tatawid kami sa bukana, sinasabuyan kami ni Nanay ng banal na tubig, ngunit sa kasamaang palad, wala kaming personal na kaugnayan kay Hesus. Hindi ko alam na posible pala iyon. Ang pagka intindi ko ang Diyos ay nabubuhay sa itaas ng mga ulap sa kung saan. Tinitignan Niya tayong lahat dito sa ibaba, ngunit sa sarili kong isip at puso, ay napakalayo Niya at hindi maabot. Bagama't may mga natutunan ako tungkol sa Diyos, hindi ko nalaman kung sino Siya. Noong mga sampung taong gulang ako, nagsimulang pumunta ang nanay ko sa isang charismatic prayer group, at nakita ko ang kanyang pananampalataya na naging tunay at personal. Siya ay gumaling sa depresyon, kaya alam ko na ang kapangyarihan ng Diyos ay totoo, ngunit naisip ko na ang Diyos ay para lamang sa mga banal na tao tulad ng aking ina. Hinangad ko ang isang bagay na mas malalim kaysa sa iniaalok. Pagdating sa mga Banal, hindi ko naintindihan ang kanilang tungkulin at hindi ko inisip na mayroon silang anumang maiaalok sa akin dahil hindi ko naisip na maaari akong maging banal. Bigo at Salat Noong umalis ako sa paaralan, gusto kong maging mayaman at sikat para mahalin ako ng lahat. Akala ko iyon ang magpapasaya sa akin. Napagpasyahan ko na ang pagiging isang artista ang magiging pinakamadaling paraan upang makamit ang aking mga layunin. Kaya, nag-aral ako ng pag-arte at kalaunan ay naging matagumpay na artista at direktor. Nagbukas ito ng mga pinto sa isang buhay na hindi ko pa nararanasan at mas maraming pera na hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga ito, kaya ginugol ko ito sa pagsisikap na mapabilib ang mahahalagang tao sa industriya. Ang buong buhay ko ay naging isang paulit ulit na pagbili ng mga bagay para mapabilib ang mga tao at para mas kumita ako upang makabili ng mga bagay na magpapabilib sa mga tao. Sa halip na makaramdam ako ng kasiyahan, nakaramdam ako ng kawalan. Pakiramdam ko ako ay isang manloloko. Buong buhay ko ay puro pagpapanggap sa kung ano ang gusto ng ibang tao na maging ako. Naghahanap ako ng mas higit pa ngunit hindi ko naintindihan na may plano ang Diyos para sa akin. Ang buhay ko ay puro tungkol sa mga kasiyahan, inuman, at relasyon, ngunit puno ng kawalang-kasiyahan. Isang araw, inimbitahan ako ng nanay ko sa isang malaking Kahali-halinang Katolikong Komperensya sa Scotland. Sa totoo lang, hindi ko gustong pumunta dahil naisip ko na naisantabi ko na ang lahat ng bagay na tungkol sa Diyos, ngunit ang mga ina ay mahusay sa emosyonal na pang-blackmail; mapapagawa ka nila ng mga bagay na hindi kayang gawin ng iba. Sabi niya, “Pat, aalis ako para magmisyon sa Africa sa loob ng dalawang taon. Kung hindi ka pupunta sa retreat na ito, hindi ako magkakaroon ng oras na makasama ka bago ako umalis." Kaya pumunta ako. Natutuwa ako ngayon, ngunit sa oras na iyon, hindi ako komportable. Kakaiba ang pakiramdam na makita ang napakaraming tao na umaawit at nagpupuri sa Diyos. Habang mapanghusga kong tinignan ang kapaligiran ng silid, biglang dumating ang Diyos sa buhay ko. Ang pari ay nagsalita tungkol sa pananampalataya, si Hesus sa Eukaristiya, ang mga Banal, at ang Mahal na Birhen sa isang tunay, na madaramang paraan at sa wakas ay naunawaan ko na ang Diyos ay napakalapit, hindi nasa isang lugar sa itaas ng mga ulap, at Siya ay may plano para sa aking buhay . Mas Mahalaga Naunawaan ko na nilikha ako ng Diyos nang may dahilan. Sinabi ko ang aking unang taos-pusong panalangin noong araw na iyon, “Panginoon, kung nariyan Ka, kung mayroon kang plano para sa akin, kailangan ko ang iyong tulong. Ipakita mo sa akin sa paraang maiintindihan ko.” Nagsimulang magdasal ang mga tao ng Rosaryo, na hindi ko nadarasal mula pa noong bata pa ako, kaya nakiisa ako sa anumang panalangin na naaalala ko. Nang magsimula silang kumanta, may natunaw sa puso ko, at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, naranasan ko ang pag-ibig ng Diyos. Sa sobrang pag-ibig na ito ay napaiyak ako. Dahil sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ako ay nakarating sa presensya ng Diyos. Nagpunta ako sa Misa noong araw na iyon, ngunit alam kong hindi ako makakatanggap ng komunyon dahil matagal na akong hindi nakakapunta sa Kumpisalan. Ang puso ko ay nananabik na maging mas malapit sa Diyos, kaya ginugol ko ang sumunod na ilang linggo sa paghahanda na gumawa ng isang tapat, at masinsinang Pagkumpisal. Noong bata pa ako, regular akong pumupunta sa Kumpisalan, ngunit sa palagay ko ay hindi ako naging tapat. Kinuha ko ang aking listahan ng aking mga kasalanan—parehong tatlo o apat na bagay sa bawat pagkakataon. Nang maranasan ko ang pagpapatawad sa pagkakataong ito, nadama ko ang matinding kapayapaan at pagmamahal. Napagpasyahan ko na gusto ko pa ng mga ito sa aking buhay. Susunod o Hindi? Bilang isang artista, napakahirap ipamuhay ang aking pananampalataya. Bawat bahaging iniaalok sa akin ay sumasalungat sa aking mga paniniwala bilang isang Katoliko, ngunit wala akong sapat na pormasyon sa pananampalataya. Alam kong kailangan ko pa ng maraming tulong. Nagsimula akong pumunta sa isang Pentecostal na Simbahan, kung saan nakilala ko ang mga taong nagturo sa akin tungkol sa Bibliya at kung paano magpuri at sumamba. Inalok nila ako ng pagtuturo, pagkakaibigan, at komunidad, ngunit hindi ko mabitawan si Hesus sa Eukaristiya, kaya nanatili ako sa Simbahang Katoliko. Bawat linggo ay hinahamon nila ang aking mga paniniwalang Katoliko, kaya pumupunta ako sa sesyon ng katekismo upang makabalik na may dalang mga sagot para sa kanila. Tinulungan nila akong maging mas mabuting Katoliko, nauunawaan ko na kung bakit ako naniniwala. Sa isang punto, nagkaroon ako ng kaisipan at emosyonal na balakid tungkol sa kung bakit ang mga Katoliko ay may ganoong debosyon kay Maria. "Bakit ka nananalangin kay Maria?" Tanong nila, "bakit hindi ka dumiretso kay Hesus?" Naisip ko na Ito. Nahirapan akong maghanap ng sagot na may katuturan. Si Saint (Padre) Pio ay isang manggagawa ng himala na ang kanyang buhay ang siyang naging inspirasyon ko para maging mas mabuting tao. Habang binabasa ko ang tungkol sa kung paano siya dinala ng kanyang debosyon sa Mahal na Birhen sa kaibuturan ng puso ni Kristo at ng Simbahan at nakinig kay Pope John Paul II, ang pagsaksi ng dalawang dakilang lalaking ito ay nagbigay inspirasyon sa akin na magtiwala at sundin ang kanilang halimbawa. Kaya, nagdarasal ako araw-araw para sa mga intensyon ng Papa sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sumama ako sa isang Marian retreat para mas may malaman pa. Narinig ko ang tungkol sa dakilang debosyon ni Saint Louis De Montfort kay Maria at kung paano ang pakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng panalangin ang pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para maging katulad ni Hesus. Ipinaliwanag niya na may dalawang paraan ng paggawa ng isang estatwa—ipitin ito nang husto mula sa isang matigas na piraso ng materyal gamit ang martilyo at pait, o punuin ang isang hulmahan ng resina at hayaan itong tumigas. Ang bawat estatwa na nabuo sa isang hulmahan ay ganap na sumusunod sa hugis nito (basta ito ay puno). Si Maria ang hulmahan kung saan nabuo ang Katawan ni Kristo. Ginawa siya ng Diyos na perpekto para sa layuning iyon. Kung hinubog ka ni Maria, bubuoin ka niya nang ganap, kung ibibigay mo ang iyong sarili nang buong buo. Nang marinig ko ito, naunawaan kong totoo ito. Noong nagdasal kami ng Rosaryo, sa halip na sabihin lamang ang mga salita, sinubukan kong dasalin ang mga salita nang buong puso, habang pinagninilayan ang mga Misteryo. May nangyaring hindi ko inaasahan. Naranasan ko ang pagmamahal ng ating Mahal na Ina. Ito ay tulad ng pag-ibig ng Diyos, at alam kong nagmula ito sa pag-ibig ng Diyos, ngunit ito ay iba. Tinulungan niya akong mahalin ang Diyos sa paraang hindi ko kailanman nagagawa nang mag-isa. Sobra akong nabigla sa pag-ibig na ito kaya napaluha ako sa tuwa. Ang paghahanap ng napakagandang regalo ay tulad ng kayamanan sa bukid mula sa talinghaga. Handa kang ibenta ang lahat para mabili ang bukid na ito para mapanatili mo ang kayamanang ito. Mula sa sandaling iyon, alam ko na hindi ako maaaring magpatuloy sa pag-arte. Hindi ako puwedeng mabuhay sa sekular na mundong iyon at maging isang mabuting Katoliko. Alam ko rin na kailangang malaman ng mga tao ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Kaya isinantabi ko ang aking karera para makapag-ebanghelyo ako. Ang Pagtahak sa mas malalim na Pananampalataya Pumunta ako sa Knock sa Ireland para tanungin ang Diyos kung ano ang gusto Niya. Ang Mahal na Birhen ay nagpakita doon noong 1879 kasama sina Saint Joseph, Saint John, at Hesus bilang Kordero ng Diyos sa altar, na napapalibutan ng mga anghel. Dumating si Maria upang akayin ang mga tao kay Hesus. Ang kanyang tungkulin ay dalhin ang mga tao sa Kordero ng Diyos. Sa Knock, nakilala ko ang babaeng pakakasalan ko at ang mga taong nag-alok sa akin ng trabaho sa paggawa ng gawaing misyon. Nagpunta ako para sa isang katapusan lang ng linggo, at makalipas ang 20 taon, nakatira pa rin ako sa Ireland. Ang aking pagmamahal sa Mahal na Birhen ay patuloy na lumago nang ako ay natutong magdasal ng Rosaryo ng maayos. Noon pa man ay nahihirapan na akong dasalin ito nang mag-isa hanggang sa pumunta ako sa National Shrine sa Walsingham, England. Sa maliit na Kapilya na may rebulto ng Our Lady of Walsingham, humingi ako sa ating Mahal na Birhen ng biyayang manalangin at maunawaan ang Rosaryo. May nangyaring hindi kapani-paniwala! Habang sinisimulan kong dasalin ang Mga Misteryo ng Kagalakan, sa bawat Misteryo, naunawaan ko na ang Mahal na Birhen ay hindi lamang ina ni Hesus, siya ay ang aking ina, at naramdaman ko ang aking sarili na lumalaki kasama ni Hesus mula sa Kanyang pagkabata. Kaya't nang si Maria ay nagsabi ng "Oo" sa Pagpapahayag ng pagiging Ina ng Diyos, siya rin ay nagsasabi ng "Oo" sa akin, tinatanggap niya ako sa kanyang sinapupunan kasama si Hesus. Habang naglalakbay si Maria upang bisitahin ang kanyang pinsan, naramdaman kong dala-dala niya ako sa kanyang sinapupunan kasama si Hesus. At si Juan Bautista ay lumundag sa tuwa dahil ako ay naroon sa Katawan ni Kristo. Sa Kapanganakan ni Kristo, parang binigyan ako ni Maria ng bagong buhay, na nagsasabing "Oo" sa pagpapalaki sa akin. Habang inihaharap nila ni San Jose si Hesus sa Templo, inihandog din nila ako sa Ama, tinanggap ako bilang kanilang anak. Nang matagpuan nila si Hesus sa Templo, naramdaman kong hinahanap din ako ni Maria. Ako ay nawala, ngunit si Maria ay hinahanap rin ako. Napagtanto ko na si Maria ay nagdarasal kasama ang aking ina sa lahat ng mga taon na iyon para bumalik ako sa aking pananampalataya. Tumulong ako sa pagtatatag ng Holy Family Mission, isang bahay kung saan maaaring pumunta ang mga kabataan upang malaman ang tungkol sa kanilang pananampalataya at makuha ang pormasyon na maaaring hindi nila nakamit noong mga bata pa sila. Pinili namin ang Banal na Pamilya bilang aming mga patron, batid na kami ay pumasok sa puso ni Hesus sa pamamagitan ni Maria. Si Maria ang ating ina, at sa kanyang sinapupunan, tayo ay nabuo tulad ni Kristo sa ilalim ng pangangalaga ni San Jose. Biyaya galing sa Grasya Ang aming Mahal na Ina ay naging instrumento sa pagtulong sa akin na mahanap ang aking asawa sa Knock at makilala siya habang nagtutulungan kami sa isa't isa sa isang kilusang tinatawag na Youth 2000, na nakasentro sa Ating Ina at sa Eukaristiya. Sa araw ng aming kasal, itinalaga namin ang aming sarili, ang aming kasal, at ang sinumang magiging mga anak namin sa darating na panahon sa Our Lady of Guadalupe. Mayroon na kaming siyam na magagandang anak, na bawat isa ay may kani-kanilang kakaibang pananampalataya at debosyon sa Ating Ina, na labis naming ipinagpapasalamat. Ang Rosaryo ay naging isang mahalagang bahagi ng aking pananampalataya at isang daan para sa napakaraming mga biyaya sa aking buhay. Sa tuwing may isyu ako, ang unang bagay na ginagawa ko ay kunin ang aking rosaryo at bumaling sa Ating Ina. Sinabi ni San John Paul II na parang paghawak niya sa iyong kamay para gabayan ka niyang malampasan ang anumang madilim na panahon—isang ligtas na gabay sa mga problema. Minsan, nakaaway ko ang isang malapit na kaibigan, at nahihirapan akong makipagkasundo. Alam kong nagkasala sila sa akin, kaya nahihirapan akong magpatawad. Hindi nakikita ng taong ito ang sakit na idinulot niya sa akin at sa iba. May bahagi sa akin na gustong gumawa ng isang bagay tungkol dito, may bahagi rin sa akin na gusto kong maghiganti. Pero sa halip, inilagay ko ang aking kamay sa aking bulsa at kinuha ang aking rosaryo. Nakapagdasal pa lang ako ng isang dekada ng rosaryo, bago lumingon ang kaibigang ito na nagbago na ang mukha ay nagsabing, “Pat, ngayon ko lang napagtanto kung ano ang nagawa ko sa iyo at kung gaano kita nasaktan. Humihingi ako ng pasensya." Sa aming pagyayakap at pagkakasundo, napagtanto ko ang kapangyarihan ng Mahal na Birhen na magbago ng mga puso. Si Maria ang paraan na pinili ng Diyos para pumasok sa mundong ito, at pinili rin Niya na dumating sa pamamagitan niya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit tayo pumupunta kay Maria sa halip na kay Hesus, pinupuntahan natin si Maria dahil nasa loob niya si Hesus. Sa Lumang Tipan, ang Kaban ng Tipan ay naglalaman ng lahat ng bagay na banal. Si Maria ay ang Kaban ng Bagong Tipan, ang buhay na tabernakulo ng Pinagmumulan ng lahat ng Kabanalan, ang Diyos Mismo. Kaya, kapag gusto kong maging malapit kay Kristo, palagi akong bumabaling kay Maria, na nagbahagi ng pinakamatalik na relasyon sa Panginoon sa loob ng kanyang sariling katawan. Sa paglapit ko sa kanya, napapalapit din ako sa Panginoon.
By: Patrick Reynolds
MoreBahagyang namamanhid makaraang makagat ng makamandag na gagamba, si Marisana Arambasic ay naramdaman ang kanyang buhay ay palubog na pawala. Siya’y kumapit sa Rosaryo para sa isang himala. Nakatira na ako sa Perth ng bansang Australia sa mahabang panahon, ngunit ako’y unang nagbuhat sa Canada. Noong ako’y walong taong gulang, ako’y nakasaksi ng isang himala. Isang apatnaput-apat na taong gulang na lalaki ay napaghilom ng napilay na mga binti sa pamamagitan ng Inang Maria. Madami sa amin ang nakasaksi nitong himala. Nagugunita ko pa nang ako’y humahangos sa kanya at hinahawakan ang kanyang mga binti sa aking balaghang pagkamangha matapos siyang napagaling. Sa kabila ng karanasang ito, ako’y pumalayo sa Diyos habang ako’y lumalaki. Naniniwala ako na ang mundo ay ang aking kapalaran. Ang lahat ng inatupag ko'y aliwin ang aking buhay. Ang aking ina ay nag-aalala sapagka’t ako’y nagpapakalibang ng buhay sa hindi wastong paraan. Siya’y kadalasang nag-aalay ng mga Misa para sa akin. Hiniling niya kay Inang Maria na mamagitan para sa aking kapakanan. Bagama’t siya’y nagdasal nang taimtimam sa loob ng labinlimang taon, ako’y walang pagbabago. Nang ito’y kanyang isinangguni sa kura-paroko, sinabi ng pari, “Siya’y kasalukuyang namumuhay sa kasalanan. Sa saglit na tumigil siyang magkasala, ang Diyos ay palalagpakin siya sa kanyang mga tuhod, ang lahat ng mga biyaya sa pamamagitan ng Banal na Misa ay maibubuhos, at ang mga himala ay magaganap.” Makamandag na Kagat Itong panghuhula ay naganap noong ako’y tatlumpu't-tatlong gulang. Bilang nag-iisang magulang, inabot ko kailalimlaliman. Ako’y nagbalik-loob sa Diyos nang malumanay. Nadama ko ang Inang Maria na ginagabayan ako sa mahihirap na mga tagpo. Isang araw, ako’y kinagat ng isang puting gagamba sa kaliwang kamay ko. Ito’y isang gagambang makamandag na katutubo ng Australia. Bagama’t ako’y nasa mabuting kalusugan, ang aking katawan ay hindi makapagpaigi dahil sa kagat na ito. Ang sakit ay napakalagim. Ang kaliwa ng katawan ko ay namanhid. Hindi ako makakita sa aking kaliwang mata. Ang aking dibdib, puso at ang lahat ng mga kalamnan ko ay tila nagsisikipan. Ako’y humingi ng tulong sa mga dalubhasa at ininom ang mga gamot na kanilang inireseta, ngunit hindi ako makabawing muli. Sa panahon ng aking pagkabahala, sinunggaban ko kaagad ang aking Rosaryo at nagdasal nang di-tulad ng dati. Sa simula, nagdasal ako ng Rosaryo bawa’t araw na nakaluhod. Sa maikling panahon ay lumala ang kalagayan ko, at hindi na ako makaluhod. Ako’y laging nakaratay. Mayroong mga paltos sa paligid ng aking mukha, at kahit ang mga tao ay nag-alinlangang tumingin sa akin. Ito’y nakaragdag sa aking dinaramdam. Ako’y nagsimulang mawalan ng maraming timbang. Ang makakain ko lamang ay mga mansanas. Kapag ako ay kumain ng iba pa, ang katawan ko ay namumulikat. Ako’y nakatutulog lamang ng labinlima o dalawampung mga minuto sa bawa’t pagkakataon at gumigising nang may pulikat. Ang paglubha ng karamdaman ko ay napakahirap para sa aking anak na lalaki na noon ay labinlimang taong gulang. Hinihiwalay niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga video games upang makapaglibang. Bagama’t ako’y malapít sa aking mga magulang at mga kapatid, lahat sila’y nakatira sa ibang lupain. Nang sinabi ko sa kanila ang aking kalagayan, ang mga magulang ko’y dagliang nagpunta sa Medjugorje, na kung saan sila’y nakapagtagpo ng isang pari na nagdasal para sa akin. Sa yaong ganap na tagpo, ako’y nakahiga sa isang kutson na nasa silid-lutuan, dahil sa kahirapan ng paglipat ko mula sa isang silid at sa iba pa. Biglaang nakayanan kong bumangon at maglakad, kahit ako’y may sakit pa rin. Tinawagan ko ang aking kapatid na babae at nalaman ko na may isang pari na nagdasal para mamagitan ang Inang Maria para sa aking pagpapagaling. Ako’y hindi tumigil na mag-isip. Kaagad akong bumili ng mga tiket para sa Medjugorje. Nilabag ko ang payo ng mga dalubhasang manggamot. Ang kaligtasan ko sa sakit ay mababa at ang aking katawan ay mahina. Gayunpaman, nagpasya pa rin akong lumuwas. Paakyat ng Burol Nang marating ko ang Croatia, sinundo ako ng aking kapatid na babae sa himpilan ng paliparan at kami’y nakarating ng Medjugorje nang yaong gabi. Nakipagkita ako sa pari na nakipagdasal sa aking mga magulang. Pinagpanalanginan niya ako at sinabihan akong akyatin ang Apparition Hill kinabukasan. Sa tagpong yaon, hindi pa rin ako makakain ng anuman maliban sa mansanas na hindi nakapaninikip sa aking lalamunan. May mga masasamang paltos pa rin ako. Ngunit hindi ako makapaghintay na akyatin ang burol na kung saan ay nagpakita na ang Inang Maria. Nais ng kapatid kong samahan ako, ngunit nais kong maging mag-isa. Hindi ko nais na masaksihan ng iba ang aking pighati. Nang natuntunan ko ang tuktok, bumubuhos ang niyebe. Hindi maraming mga tao ang naroroon. Ako ay may natatanging saglit na kapiling ang Inang Maria. Dama ko na naririnig niya ang aking mga panalangin. Hiniling ko na mabigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay at mahaba pang panahon na makapiling ang aking anak. Ako’y nanalangin, “Hesus, maawa ka sa akin.” Sa pagbalik kong pababa ng burol, idinarasal ko ang Ama Namin. Nang sinapit ko ang 'bigyan Mo kami ng aming tinapay sa araw-araw,' ako’y nalungkot dahil hindi ako makakain ng tinapay. Sukdulan akong nagnasang makatanggap ng Yukaristiya, ngunit hindi ko magawa. Dinalangin ko na muli akong makakain ng tinapay. Yaong araw, nagpasya akong subukan at kumain ng tinapay. Ako’y hindi nakadama ng salungat na pagtauli. Pagkaraan, nakatulog ako nang tuwid na dalawang oras. Ang karamdaman ko at ibang mga sintoma ay nagsimulang mabawasan. Tila ang dama ay tulad ng langit sa lupa. Sa sumunod na araw, bumalik ako at inakyat ko ang Jesus Hill na may isang malaking krus sa tuktok. Ako’y nakadama ng gumagaping kapayapaan. Hiniling ko sa Diyos na ipakita sa akin ang mga sala ko mula sa Kanyang pananaw. Sa aking pag-akyat, malumanay na ipinaalám ng Diyos sa akin ang mga sala ko na akin nang nalimutan. Ako’y sabik na makapagkumpisal sa sandaling makabalik ako pababa ng burol. Ako’y napakapuno ng ligaya. Kahit na ito’y inabot ng kahabaan, ako ay ganap na nahilom. Sa aking pagbalik-tanaw, napagtanto ko na ang lahat ng aking mga pighati ay nagawa akong isang higit na mabuting tao. Ako’y higit na maawain at mapagpatawad ngayon. Ang pighati ay maaaring gawin ang isang tao na makaramdam ng kapanglawan at kagipitan. Lahat ng bagay ay maaaring gumuho, pati ang mga pinagkakakitaan at pag-aasawa. Sa mga ganitong panahon, ikaw ay kailangang magkaroon ng pag-asa. Ang pananalig ay tutulutan kang humakbang sa loob ng hindi batid at lumakad sa hindi kilalang mga landas, pinapasan ang iyong krus hanggang ang unos ay makaraan.
By: Marisana Arambasic
MoreAng Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito... O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig." Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng 'Padalhan moa ko ng Rosas ' Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon. Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba. Nasaan ang Aking Rosas? Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. "Baka padadalhan niya rin ako ng rosas," naisip ko. Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas. Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese? Aking Hindi Nakikitang Kaibigan Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan. Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba't ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya. Isang Panimula Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain. Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese. Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa. Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang "Munting Paraan" at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas! Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.
By: Erin Rybicki
MoreNaglalakad kami ng kaibigan ko sa kalye nang may narinig kaming sumisigaw sa likod namin. Isang galit na toro ang mabilis na umaakay sa kalsada sa di kalayuan, habang ang mga natakot na tao ay nagsisigawan at nagsitakbuhan palayo. “Tumakbo tayo!” Sumigaw ako, ngunit mahinahong sumagot ang aking kaibigan: "Kung magsisimula tayong tumakbo, tiyak na hahabulin tayo nito." Pagkaraan ng ilang sandali, walang natitira sa pagitan namin at ng toro. "Ayan na. Kailangan na tayong tumakbo “Sigaw ko sa kaibigan ko, at sabay kaming umalis. Tumakbo kami nang buong lakas, ngunit hindi kami gaanong nagtagumpay. Sinubukan ng ilang mabubuting tao na hulihin ang toro. Hingal na hingal akong naghintay saglit, umaasang ligtas na kami sa wakas. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang paghabol. Sa isang punto, naalala kong magdasal Tapos, tumigil na lang ako sa pagtakbo. Tumayo ako roon, nakatingin sa toro na patungo sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ay huminto ito. Nagkatinginan kami sa mata ng isa't isa. Nakatayo kami doon, magkaharap, ng ilang segundo. Halos hindi ako naglakas-loob na huminga. Pagkatapos, bigla itong nagtungo sa ibang direksyon, iniwan kaming nanginginig. Palagi kong iniisip kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Sino ang maaaring tumayo sa pagitan ko at ng toro? Talagang naramdaman ko ang isang malakas na presensya na nagpoprotekta sa akin mula sa pinsala. Marami sa atin ang patuloy na tumatakas sa takot sa isang bagay. Bihira nating harapin ang ating takot at harapin ito sa makapangyarihang presensya ng Diyos. Madali tayong maging alipin ng mga taga kalmante tulad ng alak, droga, pamimili, pornograpiya, o kahit na labis na pangako sa mga layunin sa karera. Ang paglublob sa madaliang pagnanais na kasiyahan o labis na trabaho upang sugpuin ang ating mga pagkabalisa ay maaaring pansamantalang makagambala sa atin mula sa sakit ng malungkot na pagkabata, hindi nababayarang mga pautang, hindi kanais-nais na mga amo o kasamahan sa trabaho, mga lasing na asawa, hindi kasiya-siyang tahanan, o mga personal na pagkabigo. Ngunit sinisira nito ang ating kakayahang bumuo ng malusog na relasyon. Takot na lumiko sa kanan o sa kaliwa, hinayaan namin ang aming sarili na mag-dulot sa gulat. Paano natin mapapagaling ang ating mga sugat nang hindi nagdudulot ng karagdagang pinsala at makakahanap ng lunas? "Itiningin ko ang aking mga mata sa mga burol - saan manggagaling ang aking tulong? Ang tulong ko ay mula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa." (Awit 121:1-2). Kapag ikaw ay nababagabag sa anumang uri ng pagdurusa, huminto sa pagtakbo nang walang patutunguhan at humingi ng tulong ng Diyos. Huwag tumingin sa kanan o kaliwa, ngunit tumingin sa Panginoon sa itaas upang mahanap ang pinakamahusay na mga sagot sa iyong mga problema.
By: Dr. Anjali Joy
MoreBilang isang duyan na Katoliko, itinuro sa akin na ang pagpapatawad ay isa sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo, gayunpaman nahihirapan akong isagawa ito. Hindi nagtagal ay naging pabigat ang pakikibaka nang magsimula akong tumuon sa aking kawalan ng kakayahang magpatawad. Sa panahon ng Kumpisal, itinuro ng pari ang kapatawaran ni Kristo: "Hindi lamang niya sila pinatawad, ngunit nanalangin siya para sa kanilang pagtubos." Sinabi ni Hesus: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Ang panalanging ito ni Jesus ay naghahayag ng isang kapirasong madalas na napapabayaan. Malinaw na inilalantad nito na ang tingin ni Hesus ay hindi sa sakit o kalupitan ng mga sundalo kundi sa kanilang kawalan ng kaalaman sa katotohanan. Pinili ni Hesus ang pira pirasong sirang bahaging ito upang mamagitan para sa kanila. Ang mensahe ay bumungad sa akin na ang aking pagpapatawad ay kailangang umusbong mula sa pagbibigay ng espasyo sa hindi kilalang mga pira-piraso ng ibang tao at maging sa aking sarili. Mas magaan at mas masaya ang pakiramdam ko dahil dati, eksklusibong nakikitungo ako sa mga alam kong salik—ang pananakit na dulot ng iba, ang mga salitang binigkas nila, at ang pagkawasak ng mga puso at relasyon. Iniwan na ni Hesus na bukas ang pintuan ng pagpapatawad para sa akin, kailangan ko na lang tahakin ang landas na ito ng mapagpakumbabang pagkilala sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi sa loob ko at ng iba. Ang kamalayan ng hindi kilalang mga pira pirasong sirang bahagi ay nagdaragdag din ng mga patong ng kahulugan sa kung ano ang ibig sabihin ni Hesus kapag inanyayahan Niya tayong maglakad nang higit pa. Naisip ko na ang pagpapatawad ay isang paglalakbay na nagsisimula mula sa pagkilos ng pagpapatawad hanggang sa isang tapat na pamamagitan. Ang sandaling ito ng dagdag na milya, sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ikabubuti ng mga nakasakit sa akin, ay ang paglalakad ko sa Getsemani. At ito ang aking buong pagsuko sa Kanyang kalooban. Mapagmahal niyang tinawag ang lahat sa kawalang-hanggan at sino ako para maging hadlang sa aking kaakuhan at sama ng loob? Ang pagbubukas ng ating mga puso sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi ay nag-aayos ng ating relasyon sa isa't isa at naghahatid sa atin sa mas malalim na relasyon sa Diyos, na nagbibigay sa atin at sa iba ng daan sa Kanyang masaganang kapayapaan at kalayaan.
By: Emily Sangeetha
MoreKailan mo huling ipinatong ang iyong mga kamay sa ulo ng iyong anak, ipinikit ang iyong mga mata, at buong pusong nanalangin para sa kanila? Ang pagpapala sa ating mga anak ay isang makapangyarihang aksyon na maaaring humubog sa kanilang buhay sa malalim na paraan. Mga Halimbawa sa Bibliya: "Umuwi si David upang basbasan ang kanyang sambahayan." (1 Kronika 16:43) Itinatampok ng simpleng gawaing ito ang kahalagahan ng pagsasalita ng positibong mga salita sa ating mga mahal sa buhay. Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Ganito mo pagpalain ang mga Israelita: ‘Pagpalain ka at ingatan ka ng Panginoon; paliwanagin ng Panginoon ang Kanyang mukha sa iyo at maging mapagbiyaya sa iyo; iharap sa iyo ng Panginoon ang Kanyang mukha at bibigyan ka ng kapayapaan.’” (Bilang 6:22–26) Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng proteksiyon, pagsang-ayon, at kapayapaan ng Diyos. Paghihikayat at Pagdakila: Kapag pinagpapala natin ang isang tao, hinihikayat natin sila, pinalalakas sila ng positibong pagpapatibay. Kasabay nito, dinadakila natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kabutihan at biyaya. Ang mga pagpapala ay lumikha ng isang positibong kapaligiran kung saan ang mga bata ay nakadarama ng pagmamahal, pagpapahalaga, at seguridad. Pagbibigay ng Pagkakakilanlan: Ang mga pagpapala ay nakakatulong sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang bata. Kapag ang mga magulang ay nagsasalita ng mga pagpapala sa kanilang mga anak, pinagtitibay nila ang kanilang pagiging karapat-dapat at layunin. Isinasaloob ng mga bata ang mga mensaheng ito, dinadala ang mga ito hanggang sa pagtanda. Ang Kapangyarihan ng mga Salita: Sa isang pag-aaral ng pagganap ng koponan, natuklasan ng Harvard Business School na ang mga koponan na may mataas na pagganap ay nakatanggap ng halos anim na positibong komento para sa bawat negatibong komento. Ang mga pagpapala ay higit pa kaysa sa mga positibong komento. Kapag pinagpapala natin ang isang tao, ipinapahayag natin ang katotohanan sa kanila—ang katotohanan ng Diyos! Ang mga bata ay parang mga espongha, sumisipsip ng mga mensahe mula sa kanilang kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagpapala sa kanila, nagbibigay tayo ng panimbang sa mga negatibong impluwensyang nararanasan nila. Bilang mga magulang o tagapag-alaga, may pananagutan tayong pagpalain ang ating mga anak—magsalita ng nagbibigay-buhay na mga salita na nagpapatibay sa kanila sa emosyonal, espirituwal, at kaisipan. Maging maingat na huwag sumpain sila nang hindi sinasadya sa pamamagitan ng mga negatibong komento o nakakapinsalang saloobin. Sa halip, sadyang pagpalain sila ng pagmamahal, pampatibay-loob, at katotohanan ng Diyos.
By: George Thomas
More