Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 01, 2021 700 0 Cyril Abraham
Makatawag ng Pansin

KATOLIKO AT ISINILANG NA MULI?

Paano kaya mangyayari — na matapos mabinyaga na Katoliko ay maisisilang na muli? 

Alin sa dalawa: ikaw ay Katoliko, na ipinanganak na muli nang ikaw ay bininyagan at, sa ngalan mo, ay inaanyayahan ng iyong mga magulang/ninong ang Panginoon sa buhay mo. O ikaw ay ipinanganak na muli sa araw na tinanggap mo si Jesus bilang iyong kapalagayang-loob na Panginoon at Tagapagligtas, kum baga sabi ng mga kapatid nating Protestante. O, pareho! Iyon ang kaso sa aking buhay at sa libu-libong pang mga kapatid na kilala ko sa simbahang Katoliko.  Maaring itanong mo, paano ito mangyayari!

Pag-uusap sa Kantina

Pinanganak ako sa pamilyang Katoliko at pinalaki bilang isang ‘mabuting’ Katoliko , naglingkod sa altar, nag-aral sa paaralang Katoliko, natututo ng mga dasal pang- Katoliko, at pagkalaon ay nag-aral sa pamantasang Katoliko. Ang aking pananampalataya ngayon ay kabuuan ng lahat ng iyon. Gayunpaman wala akong tunay na kapalagayang-loob na ugnayan sa Panginoon hanggang sa isang araw sa kantina, noong nag-aaral ako sa pamantasan. Sa isang karaniwang pakikipag-usap, tinanong ako ng isang taga simbahan ng ‘Brethren’ (mga dumadalaw sa India mula sa Amerika) kung mayroon akong isang personal na relasyon sa Panginoon, at kung nais kong tanggapin si Cristo bilang aking personal na tagapagligtas?

At ako nama’y, “Ano ang ibig mong sabihin? Paano ko gagawin yan?” Sumagot siya, “Kailangan mo lang siyang tanggapin sa iyong puso/buhay bilang iyong sariling tagapagligtas sa pagpapahayag ng iyong pananampalataya.” Tinanong ko kung paano ko magagawa iyon at kailan. Sinabi niyang, “Kung handa ka na, dito mismo, ngayon.” Bagaman nasa kantina kami, sumang-ayon ako at ang ilan sa amin sa mesa ay tumayo at nagdasal at inanyayahan ko si Kristo sa aking buhay bilang aking sariling Panginoon at Tagapagligtas. Wala ang inaasahan kong kulog o kidlat o bagyo mula sa langit. Binati ako ng aking mga bagong kapatid at sinabing opisyal na akong isinilang na muli.’

Wala akong anumang naramdaman, ngunit kinalaunan nang nag-iisa sa na ako sa aking silid sa hostel nagsimula akong magdasal at ang mga salita ng pasasalamat ay dumaloy mula sa akin na parang isang ilog. Kahit minsan, hindi ako nagdasal ng gaya nuon. Hindi ako makapaniwala sa mga salita ko. Nagulat ako ngunit napagtanto ko na ang payak at tunay na pagdadasal na ginawa ko sa kantina ilang oras lamang ang nakalipas ay dibdiban na tinanggap sa langit. At ang Panginoon ng langit at ng lupa ay tumahan sa akin.

Tikim sa Panginoon

Sa bagong natagpuang pagmamahal sa Panginoon at sa pangkat ng mga kaibigan na nagdala sa akin sa yugtong ito, nagsimula akong magpunta sa kanilang mga pagpupulong at gumawa ng maliliit na mga hakbang sa Espiritu. Sa umpisa, halos ganap na itinigil ko ang makinig ng Misang Katoliko dahil natagpuan ko dito ang hindi ko matagpuan doon.

Isang araw, ang Banal na Espirito ay nagsabing makibahagi ako sa pang-araw-araw na Misa sa kapilya ng hostel, isang Misang Syro-Malankara na kahit isang salita ay hindi ko maintindihan. Sumunod ako sa Espirito at sa aking pagkamangha, naintindihan ko ang bawat panalangin, at nakibahagi sa Misa nang walang singtulad kailanman. Alam kong ang Panginoon ang nagdala sa akin pabalik sa simbahan.

Habang patuloy akong nakibahagi sa mga Protestanteng pagpupulong at pagdarasal, dumalo din ako sa Misang Katoliko, at sa pagtatapos ng aking pag-aaral sa loob ng 2 taon, naintindihan ko at nabigkas ang bawat dasal ng 3 ritwal na ipinagdiriwang sa isang wikang hindi ko mabasa o maisulat. Isa na ako ngayong matapat na Katoliko hindi lamang dahil sa kinalakhan ko kundi dahil na din sa personal kong nadanasan at nakita ang kabaitan ng Panginoon.

Alam ko na madami ang mga hindi pa kapalagayang-loob na nakakatikim ng kabutihan ng Panginoon at hindi nadanasan ang kagalakan ng gayong kaugnayan o dili kaya’y nalaman ang kagalakan sa pakikilahok sa Simbahang Katoliko kasama na ng kasaganahan nito–ang katawan at dugo ni Kristo, ang mga hiwaga ng sakramento, at ang pakikipag-isa ng mga Santo. At hindi pa nababanggit ang Mahal na Ina!     ✔

Kung ikaw ay isang Katoliko, inaanyayahan kita ngayong Pasko na anyayahan ang Panginoon na Siya ang mamahala sa iyong buhay. Kung ikaw ay isang protestante, inaanyayahan kitang tanggapin ang Simbahang Katoliko kadama ng kanyang mga aral nang sa gayon ay maranasan ang kabuuan ng katotohanan at liwanag ni Kristo. Kung ikaw ay hindi alin man sa dalawa, mahal kong kaibigan, inaanyayahan kitang “Tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti” (Awit 34: 8). Hindi lamang mabuti, kundi ang pinakadakilang kabutihan na maaari mong mahangad o matamo. Maligayang Pasko!

Share:

Cyril Abraham

Cyril Abraham encountered Jesus Christ at a cafe in 2002 and has since been blessed to serve in God's vineyard in different capacities. Husband to his beautiful wife, Raifiel and father to two angels, Zakar and Zane (now in heaven), he currently lives and works in Canberra, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles