Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 1141 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

Katapangan ng Ina: Ang Matapang na Paninindigan ni Mary Zhu-Wu

Bilang isang mahinahon at mabait na babae, si Mary Zhu Wu ay pinahalagahan para sa kanyang huwarang pananampalataya.  Siya ay ina ng apat na anak at nanirahan kasama ang kanyang asawang si Zhu Dianxuan, isang pinuno ng nayon sa nayon ng Zhujiahe sa Lalawigan ng Hebei ng Tsina sa dako ng kalagitnaan ng mga taong 1800s.

Nang sumiklab ang Rebelyon sa Boxer at ng mga Kristiyano at mga dayuhang misyonero sila ay pinagpapaslang, ang maliit na nayon ay tumangkilik ng humigit-kumulang na 3000 na mga Katolikong lumikas mula sa mga kalapit na nayon. Ang kura paroko na si Padre Léon Ignace Mangin, at kapwa Heswita na si Padre Paul Denn, ay nag-alay ng pang-araw-araw na Misa at nakinig ng mga pangungumpisal sa buong araw sa oras ng kaguluhan na iyon. Noong Hulyo 17, humigit-kumulang sa 4,500 na mga miyembro ng Boxers at ang imperyo ng militar ang sumalakay sa nayon. Nagtipon si Zhu Dianxuan ng halos 1000 kalalakihan upang ipagtanggol ang nayon at pinangunahan niya ang labanan. Matapang silang nakipaglaban sa loob ng dalawang araw ngunit namatay si Zhu nang mag-backfire ang kanyon na kanilang nakuha. Lahat ng mga kayang lumikas, ay tumakas sa baryo na puno ng takot.

Sa ikatlong araw, ang mga sundalo ay nakakuha ng lagusan na papasok sa nayon at pinagpapatay ang daan-daang mga kababaihan at bata. Humigit kumulang na 1000 na mga Katoliko ang nagkanlong sa simbahan kung saan binigyan sila ng mga pari ng pangkalahatang pagpapawalang-sala at naghanda para sa isang huling Misa. Bagama’t nagdadalamhati para sa kanyang asawa, nanatiling kalmado si Mary Zhu Wu at pinayuhan ang mga nagtitipon na magtiwala sa Diyos at manalangin sa Mahal na Birheng Maria. Sa bandang huli ay winasak ng mga sundalo ang pintuan ng simbahan at nagsimulang magpaputok nang sapalaran, tumindig si Mary Zhu-Wu na may kamangha-manghang lakas ng loob: Ipinuwesto niya ang kanyang sarili ng nakaunat ang mga braso sa harap ni Padre Mangin upang gawing kalasag ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, siya ay tinamaan ng bala at nahulog sa dambana. Pinalibutan ng Boxers ang simbahan at sinunog ito upang patayin ang mga nakaligtas, kasama sina Father Mangin at Denn sa nasusunog hanggang sa mamatay habang ang bubong ng simbahan ay tuluyan ng gumuho.

Hanggang sa kanyang huling hininga, si Mary Zhu Wu ay nagpatuloy na palakasin ang pananampalataya ng mga kapwa mananampalataya at pinaigting ang kanilang tapang. Pinasigla sila ng kanyang mga salita upang madaig ang takot at yakapin ang pagkamartir. Dahil sa kanyang makapangyarihang pamumuno, dalawa lamang sa mga Kristiyano ng Zhujiahe ang tumalikod. Noong 1955, idineklara ni Papa Pius XII na siya ay, Pinagpala kasama ang dalawang Heswita at maraming iba pang mga martir; lahat sila ay na-kanonisahan ni Papa Juan Paul II noong 2000.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles