Home/Makatagpo/Article

Sep 26, 2024 87 0 Fiona McKenna, Australia
Makatagpo

Kapayapaan Mula sa mga Piraso

Rome, Saint Peter’s Basilica, meeting the Pope…maaari pa bang maging mas makasaysayan ang buhay? Natuklasan kong ito ay maaari.

Ang aking pagbabalik-loob sa pananampalatayang Katoliko ay nangyari sa aking paglalakbay sa Roma, kung saan ako ay mapalad na nakapag-aral bilang bahagi ng aking degree.  Ang Katolikong unibersidad na aking pinasukan ay nagbuo ng dalawang pagpupulong kasama si Pope Francis bilang bahagi ng paglalakbay.  Isang gabi, nakaupo ako sa Basilica ni San Pedro, nakikinig sa pagdadasal ng Rosaryo sa Latin sa loudspeaker habang naghihintay akong magsimula ang serbisyo.  Kahit na hindi ko naiintindihan ang Latin noong panahong iyon, o alam kung ano ang Rosaryo, kahit papaano ay nakikala ko ang dasal. Ito ay isang sandali ng mystical immersion na kalaunan ay nag-akay sa akin na ipagkatiwala ang aking buong buhay kay Hesus sa tulong ng pagpamagitan ni Maria.  Sinimulan nito ng isang paglalakbay ng pagbabagong-buhay na humantong sa aking Binyag sa Simbahang Katoliko pagkaraan ng isang taon, at isang kuwento ng pag-ibig na naganap di-nagtagal.

Mga Sandali ng Pagtuklas

Natagpuan ko ang aking sarili na dahan-dahang itinatayo ang mga pundasyon ng aking kaugnayan kay Hesus, nang hindi nalalaman na ginagaya si Maria sa proseso.  Lumuhod ako sa Kanyang paanan sa panalangin tulad ng ginawa ni Maria sa Kalbaryo, na nagsisikap na palalimin ang aking ugnayanb kay Kristo.  Ipinagpapatuloy ko ang gawaing ito ngayon, pinag-aaralan ang Kanyang mukha, ang Kanyang mga sugat, ang Kanyang kahinaan, at ang Kanyang pagdurusa.  Higit sa lahat, araw-araw ko Siyang nakikita para aliwin Siya dahil hindi ko kayang isipin na Siya ay nag-iisa sa Krus. Sa pagninilay-nilay sa Kanyang Pasyon, nalaman kong mas lubos kong pinahahalagahan ang katuturan ng Buhay na Kristo, na nabubuhay sa atin ngayon.

Habang iniukol ko ang aking sarili sa gawaing ito, naramdaman kong naghihintay sa akin si Hesus sa mga pang-araw-araw kong panalangin, nananabik sa aking katapatan, at naghahangad ng aking companionship.  Mentras itinaas ko Siya sa tahimik na panalangin, lalo akong nakadama ng matinding kalungkutan at dalamhati sa halagang ibinayad ni Hesus para sa aking buhay at sa buhay ng iba.  Tumulo ang aking luha para sa Kanya.  Ikinulong ko Siya sa aking puso at inaliw Siya sa panalangin, na tinutuladan ang magiliw na pangangalaga ni Maria sa kanyang Anak.  Ang pagsasakatuparan ng sakripisyong pag-ibig na nagdala kay Hesus sa Krus ay pumukaw ng matinding malainang damdamin sa kalooban ko, na nag-udyok sa akin na isuko ang lahat sa Kanya.  Sa pamamagitan ng biyaya ng Mahal na Birhen, buong-buo kong inialay ang aking sarili kay Hesus, pinahihintulutan Siya na baguhin ako habang ang aming ugnayan ay namumulaklak.

Pag-aalay

Nang makadanas ako ng malaking pagkawala dalawang taon na ang nakararaan, ipinagpatuloy ko ang pang-araw-araw na pagsasanay na ito, bagamat ang pokus ng aking kalungkutan ay nagbago.  Ang mga luhang ibinuhos ko ay hindi na para sa Kanya kundi para sa sarili ko.  Wala akong nagawa kundi ang malaglag sa paanan ng Ating Panginoon sa aking lubos na pagkabalisa at kawalan ng pag-asa, tulad ng nadama Kong pagkamakasarili.  Noon ipinakita ng Diyos sa akin kung paano maaring ang mapantubos na pagdurusa at maiibahagi hindi lamang sa pagsaksi sa Kanyang sakripisyo sa panalangin, kundi sa pagkatanggap sa Kanyang Pasyon.

Bigla, ang Kanyang pagdurusa ay hindi na panlabas para sa akin, bagkos isang katapatang-loob kayat aki ako ay naging kaisa ni Kristo sa Krus.  Hindi na ako nag-iisa sa aking paghihirap.  Sa katugunan, Siya itong umakay sa akin sa tahimik na pananalangin, Siya ang nagdalamhati para sa akin at nakibahagi sa aking kalungkutan.  Lumuha Siya para sa akin at binuksan ang Kanyang puso kung saan ako ay nanatilu at naging Kanyang bilanggo.  Ako ay nabihag sa Kanyang pag-ibig.

Tinahak Ang Maligalig Na Landas

Ang pagtulad kay Maria ay umaakay sa atin tungo sa Puso ni Hesus, nagtuturo sa atin ng diwa ng tunay na pagsisisi at ng walang hanggan na awa na dumadaloy mula sa Kanyang pagmamahal.  Ang paglalakbay na ito ay maaaring mapaghamon, nag-uutus na tayo ay makibahagi sa mga pasanin ng Krus ni Kristo.  Gayunpaman, sa ating mga pagsubok at kalungkutan, makakatagpo tayo ng kaaliwan sa Kanyang nakaaaliw na presensya, batid na hindi Niya tayo pinababayaan. Sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ni Maria, inaanyayahan natin siyang gabayan tayo sa pagpapalalim ng ating kaugnayan kay Hesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas, at pakikibahagi sa Kanyang mapagtubos na pagdurusa.  Sa paggawa nito, tayo ay nagiging buhay na martir para sa sakit at pagdurusa ng mga hindi pa nakakakilala kay Kristo, at sa gayong paraan, tayo mismo ay napagaling.

Habang tinutuladan natin ang malainang pagmamahal ni Maria para sa kanyang Anak, lalo tayong napapalapit sa diwa ng Kanyang Pasyon at nagiging mga sisidlan ng Kanyang pagpapagaling na biyaya.  Sa pag-aalay ng sarili nating mga pagdurusa sa pagkakaisa kay Kristo, tayo ay nagiging buhay na mga saksi ng Kanyang pag-ibig at habag, na nagdadala ng kaaliwan sa mga hindi pa nakakaharap sa Kanya.  Sa sagradong pamamaraang ito, ating natatagpuan ang kagalingan para ating sarili at maging mga instrumento ng awa ng Diyos, nagpapalaganap ng Kanyang liwanag sa mga nangangailangan. Gayundin, natututo tayong yakapin ang mga krus sa ating buhay nang buong tapang, alam na ang mga ito ay mga landas tungo sa mas taimtim na pagkakaisa kay Kristo.

Sa pamamagitan ng tulong ni Maria, ginagabayan tayo tungo sa malalim na pag-unawa sa mapag- sakripisyong pag-ibig na nagbunsod kay Hesus upang ibigay ang Kanyang buhay para sa atin.  Habang tinatahak natin ang landas ng pagiging disipulo, sumusunod sa mga yapak ni Maria, tinawag tayong mag-alay ng sarili nating mga pagdurusa at pakikibaka kay Hesus, nagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan na nakapagpapabago upang magdala ng kagalingan at pagtubos sa ating buhay.

Share:

Fiona McKenna

Fiona McKenna resides in Canberra, Australia, where she serves as the PPC Head of Liturgy, Sacramental Coordinator, and Cantor at her parish. She completed a Catholic ministry equipping course with Encounter School of Ministry, and is studying a Masters Degree in Theological Studies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles