Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 16, 2022 1035 0 Ghislaine Vodounou
Makatawag ng Pansin

KAILANMAN AY HINDI NIYA AKO INIWAN

Nang araw na iyon nakadama ako ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan ngunit sa hindi ko nalalaman may mangyayaring hindi pangkaraniwan…

Nang ipahayag ni Papa Francis ang “Taon ni San Jose” magmula ika-8 ng Disyembre, taong 2020, naalala ko ang araw na binigyan ako ng aking ina ng isang magandang imahen ng dakilang Santong ito na maayos kong inilagay sa aking sulok ng dasalan. Sa paglipas ng mga taon, nagdasal ako ng madaming nobena kay San Jose, ngunit lagi kong nadamang wala siyang totoong kamalayan sa aking mga dalangin.  Lumipas ang panahon, bihira ko na lang siyang pinapansin.

Nang nakaraang taon, pinayuhan ako ng isa sa aking mga kaibigan, na isa ding pari, na gumawa ng isang 30 araw na panalangin kay San Jose, na ginawa ko din, kasama ng 33 araw na Paglalaan kay San Jose (ni Padre Donald H. Calloway). Sa huling araw ng paglalaan, wala akong akala na may kakaibang mangyayari sa aking buhay. Iyon ay araw ng Linggo. Nakaramdam ako ng labis na pagkalungkot, bagamat hindi likas sa akin na maging malungkot. Ngunit ang araw na iyon ay ibang-iba. Kaya’t pagkatapos ng Banal na Misa, nagpasya akong magpunta sa Pagsasamba, naghahanap ng saklolo sa harap ng Banal na Sakramento, sapagkat may tiwala ako na ang sinumang manalangin mula sa kaibuturan ng kanilang puso ay palaging makakatagpo doon ng ginhawa.

Pagmamahal Mula Sa Itaas

Patungo doon, habang naghihintay sa U-Bahn (ang lagusan ng tren sa Munich), may napansin akong isang babae na walang tigil sa pag-iyak. Labis akong nabagbag at gusto ko siyang aluin. Ang kanyang malakas na panaghoy ay nakatawag ng pansin at lahat ay nakatingin sa kanya, na syang pumigil sa aking pagnanais na kausapin siya.  Kapagdaka, siya ay tumayo papaalis, ngunit naiwan ang kanyang balabal. Kaya wala akong magawa kundi ang sundan siya. Nang iniabot ko ang balabal, sinabi ko sa kanya, “Huwag kang umiyak…hindi ka nag-iisa. Mahal ka ni Jesus at gusto ka Niyang tulungan. Kausapin mo Siya tungkol sa lahat ng iyong mga dinaramdam…Tiyak na tutulungan ka Niya.” Binigyan ko din siya ng pera. Pagkatapos ay tinanong niya kung maaari ko siyang yakapin. Medyo nag-atubili ako, ngunit winalambahala ko ang lahat, niyakap ko siya at malumanay na hinaplos ang kanyang mga pisngi. Nagulat ako sa kilos kong ito sapagkat nang araw na iyon ang pakiramdam ko ay hungkag at walang Espirito. At tapat kong masasabi na ang pagmamahal na iyon ay hindi sa akin nagmula. Si Jesus ang umabot at tumulong sa kanya!

Sa wakas, nang marating ko ang simbahan ng Herzogspitalkirche para sa pagsamba, nagsumamo ako sa Diyos na magbigay sa akin ng isang palatandaan na Siya ang namamahala.  Nang matapos ko ang aking panalangin kay San Jose at ang paghahandog sa Diyos, nagsindi ako ng kandila sa harap ng imahen ni San Jose. Pagkatapos ay tinanong ko si San Jose kung mayroon ba talaga  siyang pagpapahalaga sa akin, nag-iisip kung bakit kailanman ay hindi niya ako tinugon.

Ang Malaking Ngiti 

Habang pabalik ako sa tren, pinigil ako ng isang babae sa daan. Mukhang nasa 50’s na siya at iyon ang una at huling pagkakataon na nakita ko siya, ngunit ang kanyang sinabi ay nadidinig ko pa din sa aking mga tainga. Habang nakatingin ako sa kanya nagtataka kung ano ang nais niya sa akin, bigla siyang napabulalas nang may malaking ngiti sa kanyang mukha “Hay, nako! Mahal na mahal ka ni San Jose, hindi mo lang alam.”

Ako ay nagulumihanan at hiniling kong ulitin niya ang kanyang sinabi. Ibig na ibig ko itong muling madinig at ang damdamin ko ay di-maisalarawan . Sa sandaling iyon nalaman ko na kailanman ako ay hindi nag-iisa. Ang mga luha ng kagalakan ay tumulo sa aking mga pisngi nang sinabi ko sa kanya na ipinanalangin at hinihiling ko na ako ay bigyan ng isang tanda. Tumugon siya nang may isang nakakabighaning ngiti, “Ito ang Banal na Espirito, aking mahal …”

Pagkatapos ay nagtanong siya, “Alam mo ba kung ano ang pinakagusto ni San Jose sa iyo?” Tumitig ko sa kanya, nababaghan.  Banayad niyang hinawakan ang aking pisngi (katulad mismo ng ginawa ko sa ginang sa metro kanina), bumulong siya, “Ang Iyong pusong malambot at mapagpakumbaba.” At umalis na siya.

Hindi ko nakita ang nakalulugod na babaeng ito bago o magmula nuon, na nakapagtataka dahil kadalasan sa ating mga simbahan kilala natin ang isa’t isa, ngunit natatandaan ko pa din kung gaano siya kalugud-lugod at puno ng kagalakan.

Nang araw na iyon, di ako mapalagay na talagang kailangan kong maramdaman na talagang minamahal at pinagpapahalagahan ako ng DIYOS. Ang aking mga alalahanin ay napawi ng pasabi mula kay San Jose. Si San Jose ay kasama ko sa lahat ng mga taong iyon kahit na madalas ko siyang hindi pinapansin.

Lubos akong naniniwala na ang pangyayari sa Metro nang araw na iyon ay ganap na nauugnay sa sarili kong pakikipagtagpo sa mabait na babaeng ito. Binigyan niya ako ng salita ng karunungan. Anuman ang ginagawa natin para sa kapwa, ginagawa natin ito para kay Jesus, kahit hindi natin ito nais na gawin. Mas maligaya pa si Jesus kapag lumalabas tayo ng ating kaginhawahan upang makipag-ugnayan sa kapwa. Magmula noon, hinahangad ko ang mabisang pamamagitan ng aking mahal na San Jose araw-araw, nang walang pagkukulang!

Share:

Ghislaine Vodounou

Ghislaine Vodounou na ibahagi ang kanyang sampalataya. Siya ay naninirahan sa Munich, Germany.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles