Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 23, 2023 532 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

KAHANGA HANGANG SALAYSAY NG MGA NAKALIGTAS SA HIROSHIMA

Sa ika-anim ng Agosto, ng taóng 1945 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang bombang atomiko ay ihinulog sa bayan ng Hiroshima, Hapon.  Mahigit-kumulang na 140,000 mga tao ang nangamatay o napinsala.  Sa bingit ng pagkagunaw, walong mga Hesuwitang misyonero na nasa kanilang kumbento ay nakaligtas.

Wala sa kanila ang nagtamo ng pagkawalan ng pandinig mula sa pagsabog.  Ang kanilang simbahan, Our Lady of the Assumption, ay nagdanas ng pagkabasag ng mga pinalamutiang salaming bintana ngunit hindi nabuwag; ito’y isa sa mga iilang gusali lamang na nanatiling nakatayo sa bingit ng malawak na kapinsalaan.

Bukod sa pagiging ligtas ng mga pari sa pang-unang pagsabog—sila ay hindi nagtamo ng di-kanaisnais na mga lahid mula sa mapanakit na pagbabanaag o radyasyon.  Ang mga manggagamot na umaruga sa kanila nang matapos ang pagsabog ay nagbabala na ang paglalason ng radyasyon na sila’y nahantad na ay maaaring magsanhi ng mga sugat, sakit at kahit pati kamatayan.  Ngunit mahigit-kumulang na 200 mga medikong eksamen sa mga nagdaang taon ay nagpakita ng walang masamang lahid, na ikinamamangha ng mga manggagamot na nanghula ng mga mapanganib na kahihinatnan.

Si Padre Schiffer, na tatlumpung gulang pa lamang nang naihulog ang bomba sa Hiroshima, ay nagsaad ng kanyang salaysay pagkalipas ng tatlumpu’t-isang taon, sa isang Pambansang Kapulungang Yukaristiko sa Philadelphia noong taóng 1976.  Sa tagpong ito, lahat ng walong kasapi ng Hesuwitang komunidad ay nanatiling buhay sa panahon ng bombahan.  Sa harap ng nagtipong deboto, ginunita niya ang tungkol sa pagdiriwang ng Misa sa simula ng umaga, at habang nakaupo sa loob ng silid-kainan ng kumbento.  Kahihiwa pa lamang niya at kasasandok ng kutsara sa kahel nang mayroong makináng na busilak ng liwanag.  Sa simula, inakala niyang ito’y isang pagsabog sa karatig na dalampasigan.  At tuluyan niyang inilarawan ang karanasan: “Nang biglaan, isang nakalalagim na pagsabog ang pumuno sa hangin na may tila isang sambulat ng pagtama ng kulog.  Isang hindi makitang lakas ang bumuhat sa akin mula sa upuan, ihinandusay ako sa hangin, ipinagpag ako, ihinampas ako, ipinaikot ako nang paulit-ulit tila isang dahon sa isang ihip ng panlaglagang hangin.”

Ang sumunod na kanyang nagunita ay binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya and sarili sa lupa.  Tumingin siya sa paligid, at nakitang walang nalabi sa anumang dako: ang estasyon ng tren at mga gusali sa lahat ng dako ay nawala.

Sila’y hindi lamang lahat na naligtas na may (sa kasukdulan) maituturing na hindi lubhang mga sugat, ngunit lahat sila’y nabuhay nang malusog sa paglipas ng yaong sinumpang araw na walang sakit na may kinalaman sa radyasyon, walang pangungulang ng pandinig, o iba pang mga mahahalatang kakulangan o karamdaman.  Nang sila’y natanong kung bakit sila’y nasagip ayon sa kanilang paniwala, sa kabila ng mga napakaraming namatay mula sa pagsabog o mula sa nanatiling radyasyon, si Padre Schiffer ay nagsalita para sa kanya at para sa kanyang mga kasama: “Kami’y naniniwala na kami’y naligtas dahil isinabubuhay na namin ang pabilin ng Fatima.  Isinabubuhay namin at idinarasal ang Rosaryo bawa’t araw sa loob ng yaong tahanan.”

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles